Monday, June 10, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 4



CHAPTER 4

“The Black Sheep”
[ ELLAINE’s POV ]


Nandito na kami sa hotel.


“I love parties like this.”


“Me, too. Khalil. Ang daming magagandang babae.”


“I don’t like parties.” kontra ni Clay sa dalawa. “Me and Lordy were so much alike. Mas gusto ko pang kausap ang computer ko kesa ang umatend sa ganitong ka-boring na party.”


“Then go home, Clay.” Khalil said.


“Hindi pwede.”


“Where’s your friend Charie, Ellaine?” tanong ni Chad sakin.


“Nagtext siya sakin na nandito na sila.” Hinanap ko sila ng mga mata ko. Alam kong madaming tao, pero sinabi naman nila sa text kung sa’n sila nakapwesto. “There they are.” Sabay pasimpleng tinuro sina Charie at Drenz.


“Kasama niya ang lalaking ‘yon?” tanong ni Chad.


“Yap. Hindi kasi pwede ang boyfriend niya kaya si Drenz ang escort niya tonight.”


“May boyfriend na si Charie?” chorus na tanong ni Chad at Khalil.


I smiled. “Yes. Two weeks na.”


At ang mukha ng dalawa, parang pinagbagsakan ng langit at lupa. May gusto kasi silang dalawa sa kaibigan ko. Hindi ko alam kung totoo o trip lang nila na nag-aaway na parang bata at nagpapa-cute kapag kaharap nila si Charie.


“But we’re the one who are meant to be.” Chad said.


“You’re wrong. We are the one who are meant to be.” kontra ni Khalil.


“Alam ninyo, kesa mag-away kayo. Bakit hindi ninyo tingnan ang paligid ninyo? Ang daming single ladies na nakakalat. At walang escort.”


“Talaga, Clay?” Khalil asked.


“Saan?” tanong ni Chad.


“Oo nga.” chorus na sabi ng dalawa. Sabay tingin sakin.


“Go, guys. Mag-enjoy lang kayo. Okay lang ako dito.” nakangiting sabi ko. “Pinagtitinginan na nila tayo. Tatlo ba naman ang escort ko, eh.”


Umiling sila. “We can’t leave you here, Ellaine.” Chad said.


“Inggit lang sila dahil kaming mga escort mo ang pinaka-gwapo sa lahat.” Khalil said.


“Mukhang hindi na ngayon. Look who’s just entered.”


Napalingon kaming tatlo kay Clay at sa tinitingnan niya.


“Jaylord...” bulong ko.


Si Jaylord with that woman. Siya pala ang emergency na tinutukoy ni Jaylord kanina. At lahat ng tao nasa kanila na ang atensyon. Bakit hindi? Jaylord Nevarez, the heir of Mr. Ferdinand Joe Nevarez with Megan Fredella, the grand daughter of the President of Fredella Airlines. Apo sila ng dalawang taong may malaking impluwensya sa lipunan. Sino nga bang hindi mapapalingon sa kanilang dalawa?


Hindi ko dapat maramdaman ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa kanilang dalawa. Pero hindi ko lang mapigilan. Lalo na ng marinig ko ang bulungan ng mga taong malapit lang sakin.


“Bagay na bagay talaga silang dalawa.”


“Ano ka ba! Marinig ka ni Miss Ellaine.”


“Totoo naman, ah.”


“Ikaw talaga. Pero tingnan mo, sinong mas maganda sa kanila ngayon ni Miss Ellaine?”


“Syempre si Miss Megan.”


“Mas maganda si Miss Ellaine.”


“Pero mas bagay si Miss Megan kay Sir Jaylord.”


“Taken na si Sir Jaylord.”


“Mag-asawa nga naghihiwalay, sila pa kaya.”


Parang gusto kong takpan ang tenga ko. Manhid ba sila? O talagang gusto lang nilang iparinig sakin ang mga sinasabi nila?


“Ellaine.” Napalingon ako kay Clay. “Don’t mind them.” Mukhang narinig din niya ang mga narinig ko.


I smiled. “I know.”


Palapit na si Jaylord sa gawin namin, Nagtama ang mga mata namin. Ayokong umiwas ng tingin pero ginawa ko.


“Hi, Ellaine.” nakangiting bati sakin ni Megan. But I know very well the real meaning behind those smiles. Sinasabi lang naman niya na escort niya ang boyfriend ko. At parang gusto pa niyang ipakita ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ni Jaylord.


Three years ago ng umuwi siya dito sa Pilipinas from States. Do’n kasi siya nag-aral ng college. And the day that I met her at ang mga tingin niya kay Jaylord no’n. Hindi ako manhid. Gusto niya si Jaylord.


“Hi, Miss Megan.” bati ko.


“It’s Megan, Ellaine. Para namang hindi tayo magkaibigan.”  Nakipagbeso-beso siya sakin. “Hi, Chad. Hi, Khalil. Hi, Clay.” nakangiting bati niya sa tatlo.


“Hi, Miss Megan!” chorus na bati ng tatlo.


“Elle.” Napatingin ako kay Jaylord. He leaned on me and kissed the side of my lips. “You looked so stunning tonight.” He whispered.


“You, too.”


“Stunning?”


“Yeah.”


He chuckled. Nakarinig ako ng mahinang tikhim. And that was from Megan. I know. Umayos ng pagkakatayo si Jaylord.


“I’m sorry kung escort ko ngayon si Jaylord.” Megan said. “It’s fine with you, right? You’re with them naman.” Na ang tinutukoy ay sina Chad.


Napatingin ako kay Jaylord. Wala kong mabasang expression sa mukha niya. I secretly sighed. Sasagot na sana ko ng may kumuha ng atensyon namin.


Kapapasok lang ng grand hall ng hotel ang isang lalaki, kasama ng dalawa pang lalaking nasa likuran niya. Umugong ang bulung-bulungan sa paligid namin. Why? Because that guy is the other grandson of Mr. Ferdinand Joe Nevarez. Anak siya ng namayapang bunsong kapatid na lalaki ng daddy ni Jaylord.


He’s Seth Nevarez. Ang black sheep ng pamilya Nevarez.


“My, my, my! Looked who’s here. Kumpleto kayo, ah. Ako na lang pala ang kulang.” sabi ni Seth ng makalapit siya samin. At ang dalawang lalaking kasama niya na barkada niya ay naiwan sa kung saan. Walang sumagot samin. At ramdam na ramdam ko ang tensyon sa paligid. He grinned. “Cut that expression, guys. Don’t worry. Wala kong gagawin na ikakasira ng event party na ‘to. Bad shot na naman ako kay lolo kapag may ginawa akong kalokohan dito. Besides, nagkausap na kami ng mahal kong pinsan. Right, Jaylord?”


Hindi sumagot si Jaylord.


“Silence means yes. Kaya lang naman ako nandito dahil nalaman kong nandito din si Megan.” Lumapit siya kay Megan, hinawakan ang kamay at hinalikan. “You looked so gorgeous tonight.”


Binawi ni Megan ang kamay niya. “What are you doing here, Seth?”


“Nevarez din ako, Megan. With or without invitation. Pupunta pa rin ako dito.”


“Cut that out, Seth.”


“No. Because I’ll be your escort for tonight.” Kasabay ng pagkuha niya ng kamay ni Megan at paglagay sa braso niya ng walang kahirap-hirap. “Enjoy your night, guys. So as mine.”


At dahil hindi nakahawak si Megan kay Jaylord, naakay na siya ni Seth palayo samin. Hindi na nakapag-protesta si Megan dahil may mga matang nakatingin samin. Pero kitang-kita ko ang saglit na pagtalim ng mata niya ng tingnan niya ko.


“Sir Jaylord. Just like before?” tanong ni Chad. At may Sir ang tawag nila kay Jaylord kapag nasa ganito kaming pagtitipon at kaharap ang mga tao. At kapag nasa trabaho kami. Gano’n din naman ako kay Jaylord kapag oras ng trabaho at makakasalubong ko siya sa NPC. Babatiin ko siya ng Good morning, Sir Jaylord! Good afternoon, Sir Jaylord! Bilang sagot niya, ay dededmahin lang niya ako. Ayaw niya kasi ng tinatawag ko siyang Sir. Pero siya, okay lang sa kaniya na tawagin niya ko as Miss Manansala.


“No need. Nagkausap na kami.” sagot ni Jaylord. Ang ‘just like before’ na tinatanong ni Chad ay ang pagbabantay nilang tatlo sa mga kilos nina Seth at sa dalawa nitong kasama na walang gagawing gulo ang mga ito. “Just enjoy the party. Pwede ninyo na kaming iwan.”


“Yes!” Ang lapad ng ngiti nina Chad at Khalil bago umalis.


“How about me, Sir Jaylord?” tanong ng naiwang si Clay. “Can I stay with you and Ellaine?” Dinaan lang siya sa tingin ni Jaylord. “Okay. I think I need to find some company ng hindi ako maboring dito.” Umalis na siya. Pero hindi pa siya nakakalayo ng may lumapit na sa kaniyang dalawang babae. Napangiti na lang ako. Those three masqueteers. May kaniya-kaniyang karisma pagdating sa mga babae. Sadyang si Clay lang ang medyo naiiba. Mas gusto pa niyang pakasalan ang computer niya.


“Bakit ka umiwas ng tingin kanina?”


Napalingon ako kay Jaylord. Nakatingin siya sakin. “Parang hindi ko natatandaan na ginawa ko ‘yon.”


“Ellaine.”


“Okay. Okay. Anong gusto mong gawin ko? Ang tingnan ko kayong dalawa habang naririnig ang mga taong—” Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko kaya napahinto ako.


“Smile, okay. Hindi maipinta ‘yang mukha mo. Maraming camera dito. That’s why I hate event parties like this.” He whispered as he gently brushed away something on my forehead. Nakakunot siguro ang noo ko ng hindi ko napapansin.


Sasagot pa sana ko ng marinig kong i-announce ng MC na magsisimula na ang program.


Umayos ng tayo si Jaylord. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na napunta sa pisngi ko. “Mamaya na tayo mag-usap, okay? Magsisimula na ang program.”


“Narinig ko. Hindi ako bingi.”


He just chuckled as he reached for my hand and put it around his arm.


= = = = = = = =


“What are you doing here, Ellaine?”


Napalingon ako sa likuran ko. Si Seth. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa pader. Dito ako nakarating sa garden habang naglalakad-lakad. Tapos na ang program. Nagsimula na ang party sa grand hall. Nagsimula na din ang mga taong sunod-sunod na lumapit kay Jaylord kanina. At dudugo na ang tenga ko sa paulit-ulit nilang mga sinasabi kaya nag-excuse muna ko kay Jaylord na pupunta ako ng restroom. Dumaan talaga ko sa restroom, pero hindi ako bumalik sa grand hall. Naglakad-lakad ako para makasagap ng hangin. At dito nga ako nakarating sa garden ng hotel.


“Nagpapahangin. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” balik-tanong ko. “Bakit hindi mo kasama si Megan?”


“She left the party. Sumakit daw ang ulo niya.”


Iyon lang at parehas na kaming natahimik. Minsan lang kami magtagpo ni Seth. Simula ng magtrabaho ako sa NPC, bihira ko lang siya makitang napadpad do’n. At habang tinitingnan ko siya ngayon na tahimik na nakatingala sa langit. Parang ibang Seth ang nakikita ko.


Ang pagkakakilala kasi ng mga tao sa kaniya. Pasaway. Matigas ang ulo. Mahilig pumasok sa gulo. Katulad nga ng sinabi ko kanina, siya ang black sheep ng pamilya Nevarez. He’s a totally bum.


Mas matanda siya sakin ng isang taon. Mas matanda si Jaylord ng isang taon sa kaniya. Hindi siya nakatapos ng college dahil katulad nina Chad noon, gano’n din ang nangyari sa kaniya. Barkada. Sugal. Alak. Away. At ayoko ng isipin kung pati drugs, pinasok niya.


Base na din sa mga naririnig ko sa mga nagta-trabaho sa NPC, namatay ang mommy ni Seth pagkapanganak sa kaniya. Walang panahon ang daddy niya sa kaniya dahil ito ng CEO ng NPC noon. At may bulung-bulungan pa na sinisisi si Seth ng daddy niya sa pagkamatay ng asawa nito. Maliit pa lang daw si Seth, maldito na daw ito. Mas lalo daw yung lumala ng mamatay ang daddy ni Seth nung highschool siya. Marami ng gulong napasukan si Seth simula no’n. At nakakalusot lang daw ito dahil na rin sa impluwensya ng lolo nito.


Nang malaman ko ang mga ‘yon. Isa lang ang tumatak sa isip ko. At habang tinitingnan ko si Seth ngayon, ‘yon pa rin ang nasa isip ko. Na kulang siya sa pagmamahal ng mga taong nasa paligid niya. Maliit pa lang siya, pinagkait na sa kaniya ‘yon. Kaya sa ibang bagay niya hinanap ang kulang na ‘yon. Sa barkada, alak at sugal. At sa mga gulong pinapasukan niya, nararamdaman kong ‘yon lang ang paraan niya para mapansin siya ng grandparents niya.


Sa kabila kasi na ang grandparents niya ang halos nagpalaki na sa kaniya, mas malapit pa rin ang mga ito kay Jaylord. At dahil din do’n, kaya siguro hindi niya kasundo ang pinsan niya.


“I don’t like it when someone was secretly studying me.” Dahan-dahang lumingon sakin si Seth. Wala na ang ekspresyon ng mukha niya kanina na nakita ko. Napalitan ‘yon ng ngisi. “Na para akong specimen na tinitingnan niya sa microscope. Hindi ako pasyente para pag-aralan mo ang bawat kilos ko. At basahin kung anong iniisip ko. I hate that, you know.”


Napalunok ako. Ano ka ba naman, Ellaine! Nakalimutan mo ba yung bilin ni Jaylord na kung maaari, wag kang didikit kay Seth? “Aalis na ko. Baka hinahanap na ko ni Jaylord.”


“Stay there.” Humakbang siya palapit sakin. “Alam mo bang ang swerte ng pinsan ko sa’yo? You’re a sweet and the same time, a tough woman. Bagay ka sa kaniya. And by the way, ngayon ko lang napansin.” Huminto siya ng ilang hakbang sakin. “Minsan lang kasi tayong magkita at laging na kay Megan ang atensyon ko. But you are beautiful, Ellaine.” Humakbang siya ng isa. Umatras naman ako. He grinned. “Natatakot ka ba?”


“No.”


Humakbang uli siya ng isa. Hindi na ko umatras. “Matapang ka nga. Bagay ka din sakin.” The way he looked at me, nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. “Sa tingin mo, matatanggap ka nina lolo para kay Jaylord?”


Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”


“Alam kong malapit ka sa kanila. Pero hindi ibig sabihin no’n, gusto ka rin nila para maging asawa ng mahal nilang apo. Si Megan ang gusto nila para kay Jaylord. Bagay naman talaga sila diba?”


Kinuyom ko ang kamao ko. Naalala ko ang minsang sinabi sakin ni Jaylord na wag akong maniniwala sa sasabihin ni Seth kung tungkol sa relasyon naming dalawa ang pag-uusapan. Kami lang ni Jaylord ang may karapatang mag-desisyon sa relasyon naming dalawa.


“You like Megan, right?”


“Yes. So?”


“Alam kong hindi ka papayag na magkatuluyan sila.”


“Ibibigay ko kay Megan ang kahit na anong gustuhin niya. At alam kong magiging masaya siya kay Jaylord. Then I will grant her wish no matter what it would be. And no matter what it takes, Ellaine.”


Itong taong ‘to. Ang pagkislap ng mata niya tuwing nababanggit niya ang pangalan ni Megan. At ngayon ko lang narinig mula sa kaniya. Na gagawin niya ang lahat para sa ikakasiya ng taong gusto niya. That was unselfish to do. Pero si Seth. Parang kay Megan lang niya maisasantabi ang pagiging selfish niya.


“You’re a coward, Seth. Babaeng gusto mo, hindi mo maipaglaban. Talagang magkaiba kayo ni Jaylord. Dahil siya, kaya niyang ipaglaban ang mga mahahalaga sa buhay niya.”


Kitang-kita ko kung paano magbago ang ekspresyon ng mukha niya. Inilang hakbang lang niya ang pagitan namin. Mahigpit niyang hinawakan ang kaliwang braso ko. He gritted his teeth. “Wala kang karapatan na sabihin sakin na duwag ako! Hindi mo ako kilala! Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko! Mas lalong wag mo kong ikumpara sa boyfriend mo!” madiin pero mahina niyang sabi.


Napalunok ako. Pero hindi ako natakot. Kung sakaling may gawin naman siya, I can use the moves Jaylord taught me. “Alam mo ba kung ano lang ang pagkakaparehas ninyo ni Jaylord? Parehas kayong mahilig makipag-basag ulo no’n. Ganyang-ganyan din siya, Seth. Alam mo bang namatay ang mama niya nung college siya. Kasabay nun, nalaman niyang buhay pa ang inaakala niyang namatay niyang ama. Nalaman niyang puro kasinungalingan ang mga pinaniwalaan niya. Pero tingnan mo siya ngayon. Sa halip na magpakalunod sa mga nangyari sa kaniya no’n. Nagsumikap siya, Seth. Kaya sana—”


“I said don’t compare mo to him!” He gritted his teeth. “Wala kong pakialam sa mga nangyari sa kaniya! Wala!” nanggigigil niyang sabi.


Napangiwi ako. Ang higpit na ng pagkakahawak niya sa braso ko.


Jaylord... Tinawag ko siya sa isip ko. Pero kung sakaling hindi siya dumating—


“Take your hands off her!”

= = =

4 comments:

  1. NaKakaiNis si meGan,,, ewaN baSta,,, peRo mas nkkaiNis uNg mga tAo duN n kUng mag uSap ay riNig n riNig,,, srAp ipAkin s kniLa uNg vocAL coRds niLa,,,

    ReplyDelete
  2. aT si seTh, ntutuWa aq s pagdatinG niyA s eKsenAng tO,,, riGht tiMing duDe,,, kXo yAri k kEi jLord,,,

    ReplyDelete
  3. Gusto ko na sana si Seth kasi nilayo niya yung impaktang si Megan kaso ung sa last part panira eh . Pero naiintindihan ko din naman yung part niya. Dumaan din sa ganoon part si Honey eh

    ReplyDelete
  4. ngayon ko lang naalala ang tawag ko kay Lordy.. ahhaha..honey nga pala.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^