Monday, June 10, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 3



CHAPTER 3

“The Three Masqueteers”
[ ELLAINE’s POV ]


Kumunot ang noo ko ng makita ang three masqueteers pagbaba ko ng hagdan. The three masqueteers ang tawag ko sa kanila dahil kung nasa’n ang isa, nando’n ang isa at ang isa pa.


“Kayong tatlo? Nasa’n si Jaylord?”


Ngayon ang anniversary ng NPC na gaganapin sa isang kilalang hotel. Sinabi ni Jaylord na siya ang susundo sakin ngayong gabi.


“I’m sorry, Ellaine, kung hindi kita masusundo. Nagkaro’n ng emergency.” sagot ni Chad. “That was the exact words Jaylord said.”


Emergency. Whenever he said those words. It only means that woman or that man.


“Wow! English ‘yon ‘tol! At talagang kumpleto pa, hah.” Khalil said.


“Naman! Matalino ‘to, eh. Natatandaan ninyo ba ang sinabi ni Jaylord kanina? Kung ano ang sasabihin niya, yun din dapat ang sasabihin kay Ellaine. Ayoko namang magaya sa isa dyan na nasira ang date nina Jaylord at Ellaine last year dahil sa mali-mali niya.” pagpaparinig ni Chad.


I still remember that day. May inutusan si Jaylord sa isa sa tatlo. Ang sinabi sakin ng inutusan niya, ‘Meet Jaylord at eight pm sa favorite ninyong restaurant na haven’. Pagdating ko do’n sa restaurant, hindi na maipinta ang mukha ni Jaylord. Isang oras na daw siyang naghihintay do’n. Pina-reserve pa niya ang buong restaurant para saming dalawa. Hindi niya ko matawagan dahil iniwan niya ang phone niya. Yun pala, ang utos ni Jaylord na pinapasabi sakin. ‘Meet me at Eight Haven at seven pm.’


At ang taong inutusan niya na sabihin ‘yon sakin na siya pa mismong naghatid sakin sa restaurant na nakakatikim ng katakot-takot na sama ng tingin ni Jaylord, sino siya?


“Sino ‘yon?” tanong ni Khalil. Napangiti ako. Nagtanong pa talaga.


Binatukan siya ni Chad. “Ikaw ‘yon, sira!”


“Ano ka ba! Yung suit ko, malukot!”


“Arte mo!”


“Kids, enough!” saway sa kanila ni Clay. “We need to go now. Patay tayo kay Lordy nito kapag na-late tayo.”


“Isa pa ‘tong maka-english, oh!” Khalil said.


“Paki mo!”


“Ulitin mo nga ulit yung ‘Lordy’, Clay. Ire-record ko. Bilis. Nang mabigyan ka ng karate chop ni Jaylord.”


“Oo nga!” segunda ni Khalil kay Chad.


“Kayo kaya ang bigyan ko ng head butt? Gusto ninyo ngayon na?”


Napailing na lang ako habang nakikinig sa kanila. They were just kidding. Hindi sila seryoso sa mga pinagsasabi nila. Sadyang makukulit lang talaga sila.


Sino sila? Silang tatlo ang tropa slash ka-brod ni Jaylord nung college siya. Silang tatlo ang laging kasa-kasama ni Jaylord no’n sa campus.


At mukhang nakalimutan na nila ang sadya nila dito. At yun ay ang sunduin ako, hindi ang mag-asaran dito. Tumikhim ako ng malakas. Sabay-sabay silang napalingon sakin.


“Tara na?” nakangiting tanong ko.


Sabay-sabay pa silang tumayo. “Let’s go.” chorus nilang sagot.


“Ma! Aalis na po kami!” paalam ko kay mama.


Lumabas ang mama ko mula sa kusina. “Ingat kayo, Ellaine.”


“Aalis na po kami, Tita Julia!” chorus na sabi ng tatlo.


Natawa si mama. “Nakakatuwa talaga kayong tatlo.”


= = = = = = = =


“Ba’t ang tahimik mo, Ellaine?”


Umayos ako ng upo. At napalingon kay Khalil na nasa kaliwa ko. Nasa kotse na kami at nasa highway na. “May iniisip lang ako.” sagot ko.


“Iniisip mo pa rin ba ang nangyari last year sa date ninyo ni Jaylord?” tanong niya. “Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ko?” may halong dramang tanong niya.


Pinigilan kong kamutin ang mukha ko dahil sa kaniya. Naka-makeup pa naman ako. “Hindi ‘yon.”


“At ang drama mo, Khalil! Hindi bagay sa’yo!” singit ni Chad na nasa driver seat.


“Wag kang epal, Chad. Just mind your driving. Pag tayo nabunggo, sige ka.”


“Lagot ka kay Lordy.” dagdag ni Clay na nasa kanan ko. Pwesto ni Jaylord ang pwesto niya ngayon. Sa passenger seat siya. Pero dahil wala si Jaylord, siya ang nasa kanan ko ngayon. Yun na ang nakasanayan naming set up pag nakasakay kaming lima sa loob ng kotse. Lagi nila akong napapagitnaan. Wala man silang sabihin, alam kong gusto lang nila akong protektahan. If ever man na may mangyaring hindi inaasahan.


“Lordy ka dyan! Ikaw ang lagot!” ganti ni Chad sa Clay.


“Guys.” Hinarang ko ang kamay ko sa kanila. “Talagang ganyan kayo magmahalan noh? Sobrang sweet. Nilalanggam na nga ko. Buti hindi naiinis si Jaylord sa inyo at hinahagis kayo palabas ng building ng NPC.”


“Sanay na siya samin. College pa lang kami, ganito na talaga kami.” Khalil said.


“Makukulit na gwapings.” Clay said.


“At ayaw naming masayang ang lahi namin kapag hinagis kami ni Jaylord sa labas ng building. We know Jaylord very well to know when to stop.” Chad said.


“Ang tagal ninyo na palang apat na magkakasama noh? First year college pa kayo no’n. Almost nine years na rin.”


“Oo nga. Ang tagal na rin pala.” segunda ni Chad.


“Alam ninyo bang bilib ako sa samahan ninyong apat? Yung iba dyan, pagkatapos ng college, hindi maiwasang magkalimutan na. Nagiging busy na rin kasi sa kaniya-kaniyang pangarap ang bawat isa. Buti na lang hindi kayo ganon.”


Natahimik silang tatlo. Itinutok ni Chad ang atensyon niya sa pagda-drive. Nang lingunin ko naman sina Khalil at Clay, sa bintana silang dalawa nakatingin.


Pasimple kong kinurot ang sarili ko. Me and my big mouth. Ang tactless ko din minsan. Pasimple akong nabuntong-hininga. Alam ko ang iniisip nila.


Ano kayang mangyayari sa buhay nila kung pinabayaan sila ni Jaylord?


Si Jaylord lang ang naka-graduate sa kanilang apat. Napakatamad naman kasi ng tatlo. At ng pumasok na ko as third year college student, ako ang binilinan ni Jaylord sa tatlo ng mga panahong nasa NPC na siya. Hindi man niya sabihin, alam kong sobrang napalapit na siya kina Chad. Kaya lihim kong binantayan ang bawat kilos nila. Madali lang para sakin ‘yon dahil nagawa ko na kay Jaylord ‘yon.


Chad Suarez. HRM student. Fourth year, irregular. Maraming failed at back subjects.


Khalil Zuniga. Education student. Third year, irregular. Bumagsak ng isang taon. Maraming failed at back subjects.


Clay Valverde. IT student. Fourth year. Bumagsak ng isang taon. Maraming failed subjects.


Nalaman ko rin mula kay Jaylord na may kaniya-kaniyang dahilan ang tatlo kung bakit ‘yon ang kinuha nilang course.


Si Chad. Dahil magta-trabaho siya sa pinaka-sikat na hotel sa bansa kung sa’n madalas nag-iistay ang magaganda at sexy na artista. Foreign man o local.


Si Khalil. Dahil magta-trabaho daw siya sa all girls college school. Para araw-araw daw, makakakita siya ng magagandang babae.


Si Clay. Isa lang gusto niya. Ang ma-hack ang malalaking website sa mundo. At guluhin ‘yon.


Napailing na lang ako ng malaman ko ang mga ‘yon. Kung iisipin, walang ka-sense-sense ang dahilan nila. Pero ano nga bang aasahan sa kanilang bulakbol sa pag-aaral? Nang tanungin ko naman si Jaylord kung bakit marketing ang kinuha niya. Hindi siya sumagot. Pero dahil makulit ako, pinilit ko siya. At ang sagot niya, “Wala. Ni-mini-mini-mayni-mo ko lang kung anong kukunin ko ng araw na mag-enroll ako.”


Partida pa ‘yon, ah. Wala siyang dahilan at hindi pa siya nagseseryoso sa pag-aaral pero pumasa siya at naka-graduate ng walang hinto. Hindi katulad ng tatlo. Ubod ng tamad. Tapos, puro lakwatsa pa.


December no’n. At katatapos lang ng first sem ng sabihin ko kay Jaylord na tuluyan ng huminto at nag-drop-out sina Chad. Bihira ko na talaga silang makita nung first sem. Sa labas ng campus ko sila madalas na makita. Lagi pa silang napapa-away.


May sinasabi naman sa buhay ang pamilya nilang tatlo. Yun nga lang, sa bawat pamilya nila, sila ang black sheep. Hindi ko nga alam kung umuuwi pa sila sa bahay ng magulang nila ng mga panahong ‘yon. At hindi ko rin alam kung dahil ba wala na rin si Jaylord sa campus kaya nawalan na rin sila ng ganang mag-aral.


Basta ang alam ko lang, sa kabila ng pagiging busy ni Jaylord sa NPC, nagawa pa rin niyang hanapin ang tatlo. At buti na lang, dahil ng araw na ‘yon, muntik ng mapahamak ang buhay nila Chad kung hindi lang dumating si Jaylord. Galing sa inuman ang tatlo at lasing na lasing ng harangin sila ng limang lalaking miyembro ng mortal nilang kaaway na gang, ang Abrafo Crevan Gang o ACG. Anong magagawa ng kalasingan nilang tatlo sa limang may dalang panaksak?


At paano ko nalaman? Dahil lihim kong sinundan si Jaylord no’n. Ako pa nga ang tumawag ng pulis no’n. At abot hanggang kabilang baranggay ang sermon ni Jaylord sakin pagkatapos niyang malaman na sinundan ko siya. Muntik na naman kasi akong mapahamak dahil sa katigasan ng ulo ko.


And the rest was history. Nagta-trabaho ngayon sa NPC ang tatlo. Bilang bodyguard con assistant ni Jaylord.


At may kaniya-kaniyang papel din ang tatlo aside sa pagiging bodyguard con assistant.


Si Chad. Siya ang personal chef ni Jaylord. Nag-aral siya ng culinary arts. Sa utos ni Jaylord. Na sinunod niya dahil nakatapos siya.


Si Khalil. Siya si Research Man. When it comes to research mostly regarding pharma, maaasahan siya. Yun daw kasi ang madalas niyang gawin no’n tuwing may klase siya at tinatamad siyang makinig. Ang mag-research ng anu-ano sa google at yahoo via his phone. Nag-aral din sila ng sabay no’n ni Jaylord ng short course ng Pharmacology. Sa utos din ni Jaylord. At himalang natapos niya.


Si Clay. Basta may kinalaman sa computer and everything concerning gadgets, sagot niya. At sa utos din ni Jaylord, tinapos niya ang one year niya sa IT.


Nang tinanong ko no’n si Jaylord kung bakit niya pinilit na gawin ng tatlo ang mga ‘yon. Mahaba niyang sinabi na, “I asked Chad kung gusto niyang magtake ng Culinary arts dahil noon pa lang alam ko ng hilig na niya ang pagluluto, hindi lang niya pinapahalata. I asked Khalil kung gusto niyang sumabay sakin na mag-aral ng short course about Pharmacology dahil alam kong may drug store na business ang magulang niya. Lagi pa siyang may dalang gamot sa bag niya. Sinabi niyang kinukuha lang daw niya ‘yon sa drug store ng pamilya niya. At wala siyang pakialam sa gamit no’n. Pero tuwing napapaaway kami, may gamot agad siya para sa sakit ng katawan namin. I asked Clay kung gusto niyang ituloy ang one year niyang naiwan sa IT. I know how he love things concerning computers. At sa mga tanong ko sa kanila. They said yes. Do’n ko lang sila sinabihang gawin ang mga bagay na ‘yon.”


I replied him that day, “Edi, lumalabas na inutusan mo nga sila.”


Nagkasalubong ang kilay niya no’n. “Sa haba ng sinabi ko, ‘yan pa rin ang sinabi mo? From now on, hindi na ulit ko magsasalita ng pagkahaba-haba.” masungit niyang sabi. Tinawanan ko lang siya no’n.


Kung aalahanin ko nga kung ano sila dati nung college pa kami at kung ano sila ngayon. Sobrang laki ng pinagbago nila. Pero syempre, nakatatak na talaga sa katauhan nila ang kaniya-kaniya nilang kakulitan.


Sa totoo lang, hindi lang naman sila ang natulungan ni Jaylord. Mero’n pang iba. Ang iba nilang mga ka-brod sa frat no’n. Ang ibang member ng Donaghy Shere Gang or DSG. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Jaylord para mapasunod sila. Pero inabot din ng taon bago sila tuluyang makaiwas sa mundong nakasanayan nila. Hindi na sila active sa away ngayon, may pinagkakaabalahan sila ngayong mga livelihood projects. Sa pamumuno ng isa nilang ka-brod na si Paul.


“Si Jaylord.”


Naputol ang pagbabalik tanaw ko at napatingin kay Chad. “What is it about Jaylord, Chad?”


“Utang namin ang buhay namin sa kaniya at kung ano kami ngayon. Nagkaro’n kami ng pangarap ng dahil sa kaniya.” sagot niya.


“Tinalikuran kami ng mismong pamilya namin no’n. Pero hindi siya. Hindi siya sumuko samin. Tinuring niya kaming pamilya niya.” Khalil said.


“Kaya kahit anong hilingin niya, gagawin namin. Handa kaming humarang sa bawat makakalaban niya.” Clay said.


“Kahit kapalit pa no’n ang buhay namin.” chorus nilang sagot.


Hindi na ko sumagot. Tumahimik na lang ako. I can never question the last words they said. Yun ang bagay na sa nakalipas na taon ay inintindi ko. Na utang nila ang buhay nila kay Jaylord, hindi lang ng araw na ‘yon o ng mga sumunod na araw. Pati ang mga susunod pang araw na darating sa buhay nila.


Pero alam kong hindi papayagan ni Jaylord na mangyari ang bagay na ‘yon. Na may mawalang buhay para sa kaniya.


Alam kong hindi.


Dahil po-protektahan niya ang mga mahal niya sa buhay.


Kahit kapalit pa no’n ang mismong buhay niya.


At ‘yon ang hindi ko papayagang mangyari.

 = = =



4 comments:

  1. kKaTawa cLa kHaLiL at chAd,,, actuALLy naiiSip q s kniLang taTLo ninA jayLord, parAng ktuLad din duN s MNIL ni atEy aeGyo... uNg cNa eLi, wAine at arGeL,,, maKuLit diN cLa kyA nkkAenjOy tLga,,, at tsAka raMdaM mu uNg friendsHip kHit ggAnyaN-gaNyan cLa,,, hwahEhE,,,

    ReplyDelete
  2. aY pti pLa c cLay wAg ntiNg kaLimuTan,,, hwaHihi,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. At dahil nakalimutan mo si Clay, nagtampururot ang loko! HAHAH!

      Delete
  3. Sa totoo lang meron akong naiisip na 3 maskiiteeers sa utak ko.. actually di lang tatlo.. apat sila ... :) tapos pang lima si Jaylord sa barkada..ganun din sila..willing si magsacrifice para sa isat-isa .At saksi ako doon ako nga diary ng mga yun eh.. lahaat ng tungkol sa kanila .Magaling kasi akong stalker...kaya nagagalit si Lordy ko saa akin eh

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^