Monday, June 10, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 2



CHAPTER 2

“The Heir, The Succesor“
[ ELLAINE’s POV ]


Alam kong hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin kay Jaylord. Nakakainis! Akala ko kung ano nang masamang nangyari sa kaniya.


“Hi, Elle. Talagang magaling ka na, huh? Pero magaling pa rin ako sa’yo. At dahil natalo na naman kita.” Kasunod no’n ay bumaba ang labi niya sa labi ko. And gave me a quick kiss.


“Nakakainis ka!”


He grinned. “Dahil smack lang?”


Sinimangutan ko siya. “Ewan ko sa’yo!”


Bumangon siya at hinila ako paupo. At niyakap ako. “Nag-alala ka na naman sa nakita mo sa labas ng kwarto ko.” He sighed. “Ano ka ba naman, Elle. No one could harm me here. And we’re talking about me here. Parang hindi mo ako kilala. Kahit ilan pa sila, kayang-kaya ko sila. Nagkatuwaan lang kami nila Chad kanina.”


Alam ko ‘yon. Kapag trip nilang magkakaibigan na mag-‘bonding’, in their very own meaning of that word. Parang nagkakaro’n ng maliit na wrestling match dito sa penthouse.


Tiningala ko siya. “Sorry. Nag-panic lang ako ng may makita akong dugo.”


Inangat niya ang kaliwang kamay niya. May band-aid ang isang daliri niya. “Nasugatan lang ako sa pagmamadali kong damputin ‘yon. Bakit hindi mo ko tinawag?”


“You’re the one who told me not to make a single noise if ever I would encounter a situation like this. Para kung sakaling may intruder man o kalaban, hindi sila maa-alarm na nandito ako.”


He smiled. He leaned his forehead against mine. “You’ve learned very well, Elle. That’s great.” Sumeryoso ang mukha niya. “I’m sorry If I had to put you in this kind of mess.”


Pinisil ko ang ilong niya. “What mess?” Pero aware ako sa sinasabi niya. May mga kaaway pa din si Jaylord until now. Mga tao from his past na nagtanim ng sama ng loob sa kaniya. Mga taong naiinggit sa sitwasyon niya ngayon. “I will never allow anyone to lay their hands on you. Ako ang makakalaban nila. Girlfriend ata ako ng pinakamagaling sa martial arts. Name it. And he knows it.” Right. Halos lahat ata pinag-aralan ni Jaylord sa loob ng limang taon. Taekwando. Judo. Karate. At kung anu-ano. Ang alam lang kasi niya dati, kung paano makipag-basag ulo.


“And that, I would never allow to happen. Na ikaw ang magtanggol sakin. Kahit mamatay—”


“Stop!” sabay takip sa tenga ko. “I don’t want to talk about death, okay.” Iisipin pa lang na mawawala siya—No! Hindi naman mangyayari ‘yon. Kaya bakit ko iisipin ‘yon?


Hinaplos niya ang pisngi ko. “I’m sorry.”


Yumakap lang ako sa kaniya. “Can we stay like this way for a while?”


Wala siyang sinabi. He just hugged me back.


Jaylord... Whenever we were like this close. Wala kong nararamdaman na kahit ano. Maliban sa pakiramdam na safe ako kasi nandyan siya.


Gusto ninyo bang malaman kung anong koneksyon ni Jaylord sa mga Nevarez? At bakit nandito siya sa penthouse ng company na pinagta-trabahuhan ko?


Janitor siya dito.


Kidding!


Siya ang apo ni Mr. Ferdinand Joe Nevarez, the president of the Nevarez Pharmaceutical Company. One of the most successful companies when it comes to pharmaceutical businesses here in the Philippines.


And above all. He is the successor of this company. The heir of Mr. Ferdinand Joe Nevarez.


Graduating na si Jaylord ng maging kami, sinagot ko siya nung araw ng graduation niya. And that was two weeks after my debu. Wahehe! Katatapos ko lang ng second year no’n. Sa graduation party na ginanap sa bahay ng daddy niya, na in the first place ay ayaw naman niya talagang magpa-party dahil hindi siya mahilig do’n, hindi nga siya umatend ng debu ko no’n diba?


Sa party na ‘yon, may dalawang taong hindi inaasahang bigla na lang dumating. At ang dalawang taong ‘yon ay ang grandparents ni Jaylord. Ang mga taong nagpahirap sa buhay ng magulang niya.


Sa kabila no’n, nagkapatawaran sina Tito William at ang magulang nito.


Pero hindi agad si Jaylord. Wala ng nakakapagtaka sa gawi niya. Lumipas pa ang isang buwan no’n. Natatandaan ko pa ang araw na sinama niya ka no’n sa mansion ng grandparents niya. Ang araw na  tanggapin niya ang grandparents niya. At ang mga sinabi niya.


“She is Ellaine, my girlfriend. She’s the first and will be the last. Because someday, she will be my wife. Mataas ang antas ninyo sa lipunan. Simple lang ang buhay nila. Kung magiging katulad ng nangyari kina daddy at mama ang mangyayari samin. Hinding-hindi ko kaya tatanggapin.”


And guess what happened next?


“Marami kaming natutunan ng lola mo sa pagkawala samin ng ama mo. Alam kong matanda na kami. At hindi na rin kami magtatagal sa mundong ito. Siguro naman, hindi pa huli para samin ang magbago. Nang araw na lumapit kami sa inyo ng ama mo. Nang araw na ‘yon, tanggap ka na namin ng buong-buo. When I saw how you held this girl’s hand tightly when you saw us, naalala ko ang mama at papa mo. Hawak din niya ng gano’n kahigpit ang kamay ng mama mo ng araw na iwan niya kami. And we don’t want that to happen again.”


Iyon ang mga salitang binitawan ng lolo ni Jaylord sa kaniya.


Dahil na rin sa may sariling business na inaasikaso ang daddy ni Jaylord. Sa Nevarez Pharmaceutical Company nag-trabaho si Jaylord. Sa hiling na rin ng grandparents niya. At dahil pinaalam na rin sa kaniya na siya ang magmamana ng kumpanya. At ngayon nga, siya ang head ng marketing department. Pero bago siya napunta sa gano’ng estado, nag-umpisa pa rin siya sa mababang posisiyon kahit siya pa ang apo ng may-ari ng kompanya. Two years din siya no’n na halos nagpalipat-lipat sa ibat’t ibang department. Siya ang may gusto no’n. Para bawat pasikut-sikot ng kumpanya, alam daw niya.


Marketing graduate siya. Pero nag-aral pa rin siya ng short course for business management and pharmacology. Madali naman siyang matuto. Si Jaylord yung tipong kahit hindi mag-aral, siguradong papasa. May mga gano’ng tao talaga na pinanganak ng matalino. Kaya siguro kahit may fraternity siya nung nag-aaral pa kami at nakikipag-away siya sa labas ng school, dahil iniiwasan niyang makipag-away no’n sa loob ng campus, naka-graduate si Jaylord ng walang bagsak.


Hay... Sinong mag-aakalang si Jaylord na siga no’n ay magiging ganito kasipag ngayon? Dahil sa sobrang kasipagan niya, dito na siya sa penthouse ng building halos tumira kahit may sariling condo pa siya.


“Anong iniisip mo, Elle?”


Napakurap ako. Umiling ako. “Wala lang.”


Tiningnan niya ang mukha ko. “May umaway ba sa’yo sa mga ka-officemates mo? Tell me. Kahit anong department pa ‘yan.” seryosong sabi niya. “I’m gonna—” Tinakpan ko ang bibig niya.


“Wala nga. At ano na namang gagawin mo? Tatakutin mo sila?”


“Kakausapin.”


“Kakausapin daw.” Naaalala ko pa kasi nung unang tapak ko dito sa NPC bilang employee, iba na agad ang tingin sakin ng mga tao. Dahil hindi kaila sa kanila na boyfriend ko si Jaylord. Kapag may gatherings kasi dito sa NPC, na ayaw na ayaw ni Jaylord, sinasama niya ko. Para daw hindi siya mainip at tumakas sa boring daw na mga party na ‘yon.


Hindi ko gustong dito magtrabaho sa NPC. Pero ang grandparents ni Jaylord, pinilit akong dito na lang magtrabaho pagka-graduate ko. Napalapit na rin kasi ako sa kanila. Ayaw ko sana, kaya lang, yung mukha nila habang kinakausap nila ko. Plus the pangongonsenya factor. Napa-oo nila ako. Siniguro naman nilang dadaan ako sa tamang proseso bago ako matanggap sa trabaho ko. Ayaw ko kasing isipin ng mga tao na natanggap lang ako dahil boyfriend ko ang apo ng may-ari ng kumpanya.


Pero hindi talaga maiiwasan ‘yon. May mga tao talagang makitid mag-isip kung minsan. Minsang kinompronta ako ng isang babae mula sa ibang department, pinagsalitaan niya ko ng masasakit. Sa mismong cafeteria pa ng company. Nang sagutin ko siya. In a nice way naman. Ang tapang ko daw. Sinampal ako ng bruha. At ‘yon ang naabutang eksena ni Jaylord. Guess what happened? Sinabi lang naman niya do’n sa bruha...


“You have no right to hurt her. Kung may problema kayo sa pagkakapasok ni Ms. Manansala dito, wag siya ang komprontahin ninyo. Kung ganyan ang pananaw ninyo sa bawat bagong employee na papasok dito na may kaugnayan sa may matataas na posisyon nitong kumpanya, hindi magtatagal babagsak ang kumpanyang ito. Dahil na rin sa inyo kaya napunta sa ganitong estado ang NPC, kaya sana wag kayo ang maging dahilan ng pagbagsak nito.”


Tumahimik ang mga tao sa cafeteria no’n.


“Ms. Manansala, go back to your office.” utos niya sakin.


The way he said those words, parang hindi ko siya boyfriend. Pero humakbang na din ako palabas ng cafeteria no’n. Pero bago ako makalabas may pahabol pa siyang sinabi sa babaeng bruhang sumampal sakin.


“Miss Nelasco. I know your reputation here. The next time you lay your hands on her o sa kahit na sino pang mga taong nagta-trabaho dito. May kababagsakan ka.”


Gusto ko sanang bumalik pero napigilan na ako nina Charie at Drenz. Tama lang daw ‘yon sa babae, dahil bully daw talaga ‘yon sa ibang baguhang nagta-trabaho sa NPC.
At buti na lang, naging kaibigan ko sina Charie at Drenz. Totoong kaibigan. Dahil hindi nila ako hinusgahan.


At ang bruhang babae? Ayun, nagresign. Hindi ko alam kung sa takot sa sinabi ni Jaylord o ano. Si Jaylord naman kasi. Lalo na pag hindi mo siya kilalang talaga. Salita pa lang, mapapa-atras ka na. Plus the way he delivered his words. Parang lasong nakakamatay.


Napabungisngis ako sa naisip ko.


“What are you laughing at?”


Napatingala ako kay Jaylord. “Ikaw.”


Kumunot ang noo niya. “Alam mong ayaw kong pinagtatawan ako.” Bigla siyang humiwalay sakin. At lumabas ng kwarto. Natatawang sinundan ko siya.


“Honey, anong kakainin natin for lunch? Masarap ba?”


Hindi niya ko pinansin. Napapalatak lang siya habang pinagmamasdan ang buong sala. “Grandma will get angry when she see this.” sabi niya habang umiiling.


“Kasalanan mo naman, eh.” Umupo ako sa couch. “Nagugutom na ko, honey.” With paawa effect pa. Para okay ang drama. Pero, gutom na talaga ko. Yun ang totoo.


Hindi pa rin niya ko pinansin. Humalukipkip ako. Lumapit siya sakin. At may kung anong kinuha sa ilalim ng couch na kinauupuan. “Hmp!”


“Bestfriend mo.” Sabay lagay sa tabi ko ng...


“Aaaahhhh!” Ang lakas ng tili ko ng makita ‘yon. Buti na lang, soundproof ‘tong kwarto. Pero hindi ko inisip ‘yon ng tumili ako ng malakas. At hindi ko rin alam kung paano ako nakatalon at naglambitin sa leeg ni Jaylord.


“It was just a toy, Elle. Don’t freak out. Sinasakal mo na ko.” sabi niya.


Nang lingunin ko yung ahas na nakita ko. Napa— “Bwisit ka!” Inis na hinampas ko si Jaylord sa braso niya. Saka lang ako bumaba sa pagkakapulupot sa kaniya na parang ahas.


“Pumunta tayo ng zoo, Elle. Do’n sa madaming ahas.” pang-aasar pa niya.


“Ewan ko sa’yo!” Umupo ako couch at hinagis ang laruang ahas sa kaniya. “Nakakaasar ‘to. Baka nakakalimutan mo, ikaw ang magpapatakbo nitong kumpanya ninyo. Umayos ka nga. Para kang sira.” Natahimik siya. Natutop ko ang bibig ko. “Jaylord...”


“Masama na palang mag-enjoy paminsan-minsan. Mas gusto ata ng isa dyan na lagi akong nagsusungit sa kaniya. Fine. Yun pala ang gusto niya.”


Napayuko ako. “Sorry na nga, eh. Ikaw naman kasi. Alam mo namang takot ako sa ahas, eh. Tinatakot mo pa ko.”


“Para namang hindi mo alam ang dahilan.”


Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. “Hindi mo naman kailangang takutin ako para gawin ko ‘to.” Niyakap ko siya. “Sorry.” bulong ko.


Hinaplos niya ang ulo ko. “Alam ko namang hindi mo sinasadyang sabihin ‘yon.”


“Sorry pa rin.”


“Pero seryoso ako ng sabihin kong dapat mong i-expose ang sarili mo sa mga ahas. Sa totoong ahas. Para ma-overcome mo ang takot mo.”


Napangiwi ako. Iisipin ko pa lang, nagtatayuan na ang balahibo ko sa katawan. Humiwalay ako sa kaniya. “Pag-iisipan ko. Nagugutom na ko. Kain na tayo? Sinong nagluto? Masarap ba?” sunod-sunod kong tanong.


Nahalata man niya na nag-change ako ng topic. Hindi na niya pinansin. “Nagluto si Chad.”


“Bakit si Chad ang nagluto?”


“Siya naman talaga ang nagluluto para sakin. At dahil natalo ko siya kanina sa sparring namin.”


“Para namang matatalo ka nila. Hindi nga kita matalo, sila pa kaya.”


“Yumayabang ka, hah.”


“Talaga namang natalo ko sila diba? That was one year ago, pero tandang-tanda ko pa ‘yon.”


“Oo na.” He grinned. “Pero never mo kong matatalo.”


“Syempre, ikaw ang teacher ko.” Tumingkayad ako para halikan ang pisngi niya. “I love you, Jaylord.” bulong ko.


“I love you, too, Elle.”


Napangiti ako. Hindi gano’n kaboka si Jaylord when saying that three words, lalo na pag maraming taong nasa paligid namin. Pero kahit hindi niya sinasabi bawat minuto ang tatlong salitang ‘yon, it’s very fine with me. Dahil pinaparamdam naman niya sakin ‘yon. Bawat minuto. Just like what he told me five years ago.


Pero kung gano’n ang sitwasyon na maraming tao sa paligid namin and he had the feeling to say it, he would just leaned on me whispering, ‘I love you, Elle.’

= = =

3 comments:

  1. KAyo na aNg sWeet!!! niLaLaNggAm n aq s inYong dLawa,,, hwAhoHo,,,

    ReplyDelete
  2. Sa totoo lang dito palang naiiyak na ako na ewan kasi naman diba diba... Yung ahas! madedeads tlaga tong si Jaylord sa akin!

    ReplyDelete
  3. Ang sweet sweet sweet ng Lordy ko dito... bagay na bagay sa masungit attitude niya

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^