Monday, June 10, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 1



“My First, My Last”

( My Last Rose Sequel )
written by Aiesha Lee
                                            
 = = =

 Click the link below for the Book 1 (My Last Rose)

 http://aegyodaydream.blogspot.com/2013/04/my-last-rose-short-story.html

= = =

Mamamatay ako na ikaw lang ang una’t huling babae sa puso ko.”  
- Jaylord
 = = =

CHAPTER 1
“My New Found Friends”

[ ELLAINE’s POV ]


“It’s lunch time!”


“Ten minutes pa, Drenz. Excited ka na naman.” narinig kong sabi ng katabi kong si Charie.


“Wala pa ba? Bakit gano’n? Tumutunog na yung alarm clock ko sa tiyan?”


Napapailing na napangiti ako. “Ang takaw mo talaga, Drenz. Hindi ka naman ganyan dati, ah.” singit ko ng hindi lumilingon sa kaniya. Habang nakatutok ang mga mata ko sa computer.


“May sinasabi ka, Miss Takaw?”


“Oo. Hindi ka naman ganyan dati. Pwedeng may nangyari sa’yo kaya ginagawa mong outlet ang pagkain. Alam mo bang may na-encounter na kong ganyan dati. Alam mo ba ang nangyari sa kaniya? Bumondat siya.”


“Wag mong gamitin sakin ang pagiging Psychology graduate mo. Parehas lang tayo.”


“Ows? Bahala ka. Kung may problema ka, sabihin mo lang samin. Tutulungan ka namin. Unhealthy din kasi minsan ang ganyan. Sige ka. Baka magaya ka do’n sa kilala ko na—”


“Enough!” madiin pero mahinang sabi niya.


Napalingon tuloy ako sa kaniya. Magkatabi lang kami ng table kaya kitang-kita ko ang reaksyon ng mukha niya. Kuyom niya ang kamao niya na nasa mesa. “Drenz? May nasabi ba kong—”


May humawak sa braso ko. “Ellaine.” Napalingon ako sa kaliwa ko, kay Charie. Iniling niya ang ulo niya na parang sinasabing hayaan ko muna si Drenz. Mukhang umatake ang pagiging moody ni Drenz ngayon. Parang ‘yon ang gusto niyang iparating sakin.


I sighed. “Okay.”


Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Ilang sandali ang lumipas ng...


“I’m sorry, Ellaine.”


Napalingon ako kay Drenz. Nginitian ko siya. “Okay lang.”


Pinagpatuloy na namin ang mga ginagawa namin na parang walang nangyari. Wala ng bago. Gano’n talaga si Drenz minsan.


Sino si Charie at Drenz? Officemates at naging kaibigan ko din sila, hindi lang kaibigan, close friends ko sila sa loob ng tatlong taong pagta-trabaho ko dito sa Nevarez Pharmaceutical Company. Sa Human Relations Department kami. Halos sabay-sabay lang kaming napasok dito sa HR Department.


Kinuha ko ang picture na nasa table ko. Picture naming apat nina Jaylord, Emjhay at Pearl. This summer lang. Napangiti ako. Every year, nag-ge-get together kaming apat.


Sa totoo lang, si Charie at Drenz ang parang naging kapalit nina Emjhay at Pearl. Pagkatapos kasing maka-graduate ni Pearl three years ago ay pumunta siya ng States kung nasa’n si Emjhay. Hanga nga ako sa dalawang ‘yon, nakaya nila ang long distance relationship nung mga panahong college pa kami. Oo. Naging sila. Biruin ninyo naging sila. Eh, si Luhan lang naman ang kilalang lalaki ni Pearl, eh. Pero gano’n talaga. When love strikes, tuloy-tuloy na.


Sa ngayon, nagta-trabaho silang dalawa bilang mga dance instructor. May sarili na nga silang dance studio sa States. Yun talaga ang hilig nilang dalawa noon pa man. Member nga silang dalawa ng dance club nung college pa kami bago mag-migrate si Emjhay sa States no’n. At one year na simula ng maging official korean dance instructor si Pearl ng sikat na Korean group na EXO. Maygad! Sobrang nainggit ako sa kaniya no’n. Biruin ninyo, abot kamay lang niya ang Luhan ko. At oo. Die hard fan pa rin ako ni Luhan until now. Hindi na magbabago  ‘yon. Si Pearl ang nagbago. May bago na siyang kinaaadikan ngayon. At ‘yon ay si Suho. Co-member ni Luhan.


“Ellaine.”


Napalingon ako kay Charie. “Bakit?” tanong ko.


“Anong bakit? Lunch time na. Let’s go.”


“Lunch time na ba?” Tiningnan ko ang relo ko. Oo nga. Lunch time na.


“Lumilipad na naman kasi ang isip ni Miss Takaw.” Nawala sa kamay ko ang picture frame. Napalingon ako kay Drenz. “Nakakatampo ka, hah. Kami ang kasama mo, pero sila ang iniisip mo. How could you!”


Nagkatinginan kami ni Charie at natawa sa pag-dadrama niya.


“Aba! Aba! Pinagtatawanan ninyo ko? Seryoso ako dito! Hindi ko kayo ililibre. Dyan na nga kayo.”


Natatawang sumunod kami ni Charie kay Drenz. That’s how Drenz can easily change his mood, in just a snap of finger. Sometimes, he acts cool, sometimes not. Nagiging masungit din siya minsan. Isip bata rin sa kulit. At parang may balak na maging artista sa pag-eemote, katulad kanina.


“Uy! Joke lang! Ito naman, hindi mabiro.” nakangiting sabi ni Charie kay Drenz.


“Wala kong marinig.” Tinakpan pa ni Drenz ang tenga niya. “Wala. Wala. Wala.”


Tinabig ko siya ng bahagya habang naglalakad kami. “Ang arte mo. Hindi bagay sa’yo.”


Tiningnan niya ko at binelatan. “Wag kang magpapalibre sakin.”


Hindi na ko nakasagot. Nag-ring ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa. May message akong natanggap. Napangiti ako sa nabasa ko. “Guys, mukhang hindi ako makakasabay sa inyo.”


“We know.” Drenz said. Nauna na siyang naglakad. “Pakabusog ka, hah.” pahabol pa niya.


“Sige, Ellaine. Wag mong pansinin yung mga bubuyog dyan, ah.” Tinapik pa ko sa balikat ni Charie bago siya sumunod kay Drenz. “Ililibre mo na ba ko, Drenz?”


“Hindi. Wala kong pera.”


“Huh? Ba’t ang sungit mo ata.”


“Hindi ako masungit. Ang kulit mo lang.”


“Huh? Ako? Makulit? Kailan?”


“Ayoko ng kausap.”


“Ang moody mo talaga.”


“Anong moody? Kinakain ba ‘yon?”


“Hindi na nga kita kukulitin. Baka mag-back-out ka pang maging escort ko next week sa anniversary ng NPC.”


“Ano? NPA?”


Napangiti na lang ako habang sinusundan sila ng tingin. Hindi sila naging kapalit nina Pearl. With them, I found a new friends. That friendship we have for almost three years. Na alam kong hindi nila ako hinusgahan nung una pa lang. At sa tatlong taong pinagsamahan namin. Hanggang ngayon.


Tumalikod na ko at naglakad papunta ng elevator. Bago magbukas ang elevator, nakita ko pa mula sa gilid ng mga mata ko ang makahulugang tinginan ng mga taong nasa paligid ko. Hindi naman lahat. Yung iba lang. Sanay na ko. Immune na ko dahil sinanay ko na ang sarili ko sa loob ng tatlong taong pagta-trabaho ko dito. Sadyang may mga tao lang na talaga mapanghusga.


Ilang saglit lang ay nakarating na ko sa taas. Sa pinakataas. Ang last floor nitong building. Kung sa’n may penthouse. Exclusive elevator ang gamit ko. Exclusive para sa mga may matataas na katungkulan dito sa kumpanya. Alam kong wala kong mataas na katungkulan. But I have no choice. Dahil ang elevator na ‘to lang ang pwede kong gamitin para makarating sa penthouse. Dahil ang isang elevator ay hanggang fourteenth floor lang. Kaya gano’n na lang ang tinginan ng ibang tao sakin kanina.


Kakatok na sana ko sa pintuan ng makita kong bukas ‘yon. Pumasok na ko. Para lang magulat sa makikita ko. Magulo ang mga gamit sa loob. May nakita din akong basag na baso sa sahig. Kumunot ang noo ko ng may mapansin ako. Lumapit ako at nakumpirma ko ngang dugo ang nakita ko. “Kaninong dugo ‘to?”


Kinutubuan agad ako. Mabilis akong pumasok ng kwarto. Walang tao. Kinuha ko agad ang phone ko at tatawagan na sana sina Chad. Nang may brasong pumaikot sa leeg ko.


On instinct, I gave him an elbow strike. Hindi ko natamaan ang taong nasa likuran ko dahil mabilis niyang na-block ‘yon. Jeez! Next move, I was about to flip him over my shoulder ng mahulaan niya ang gagawin ko dahil hindi ko siya mabuhat! I just wedged my hand between his forearm and my neck, then turned inside towards his chest and crouched down away and out of his hold. Napahinto ako. Ang pakiramdam na ‘to. Kilala ko ang taong ‘to!


Titingala na sana ko sa kaniya ng maunahan niya ko. Mabilis niyang natakpan ang mga mata ko. Kasunod no’n ay binigyan niya ko ng double-leg takedown. And the next thing I knew, that person was pinning me in the bed. He was holding my wrists, too. Hindi ko na kailangang tingnan ang mukha niya para malaman kung sino siya.


Twenty three years of my life na siya ang kasama ko, hinding-hindi ko siya maipagkakamali sa ibang tao.


“Jaylord.”

= = =

5 comments:

  1. 5th time! hahaha! Hindi ko tlga mapigilan hindi ulit ulitin... meged

    ReplyDelete
  2. my gOodnEss kiniKLig n aq 1st chAppiE p LNg,,, kkAmiss diN cLa emjhAy at pEarL hAh,,,

    ReplyDelete
  3. Sa totoo lang same intensity pari nyung kabang nararamdaman ko kahit pang 9th timE na to pero ganun padin.. yung pakiramdam..Feeling ko tlga andaming nangyari. Nakakakaba....

    ReplyDelete
  4. Oh diba? Naaaning na naman ako at binabasa ulit to.. Sa totoo lang ibang pakiramdam na... mas nagreread between the lines na ako kasi kailangan ng clues at may binabantayan nadin akong mga kilos...


    #LOYALTYLORDY

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^