Tuesday, May 7, 2013

When Mr. North Pole meets Ms. South Pole : Chapter 15 (Last Part)


Chapter 15: Final Chapter (Last Part)



Finally, we put our love on top!!!



            “Everything will be okay in the end. If it’s not okay, it is not yet the end.”




            The same day when Gio visited Giorgina Café, she decided to take a ride on her own car. Hindi nya alam kung ano bang dapat nyang isipin, hindi nya alam kung ano ba talaga ang gustong mangyari ni Gio. She already said to him that she will start to move-on after that conversation with him, pero bakit parang hindi yata sila nagka-intindihan?


            “Bakit ka ba nagpunta dito?” tanong ni Gina sa sarili habang nagmamaneho.


            Hindi nya alam kung saan ba sya pupunta, wala syang ibang maisip kundi si Gio.


            Pilit bumabalik sa alaala ni Gina kung paano umiiyak ang mahal nya sa harap ng mga pictures at wall paintings sa café nya si Gio. She can feel his pain, yung panghihinayang.


            “Akala ko kapag nasabi ko na sayo ang lahat magiging ok na ako, magagawa ko na ang kalimutan ka. Pero bakit ganon, bakit parang mas nahihirapan ako ngayon?!” malakas na tanong ni Gina sa sarili nya.


            Mayaman na sa luha ang mga mata nito, kaya hindi nito masyadong mapansin ang mga kasalaubong nya. Nagulat na lang sya na meron na palang isang pick-up truck sa harap nya. After that scene, wala na syang ibang maalala.


+++++++++++++++++++++++++++++++



            After that incident inside Giorgina, napagpasyahan ni Gio na tawagan agad si Kiara. Alam nyang hindi tama yung naiisip nya, alam nyang may masasaktan na naman sya dahil sa katangahan nya, but he knows that what he will do is the best for them.


            Makikipag-hiwalay na sya kay Kiara. Tatawagan na lamang nya ito, hindi sya aalis ng Switzerland hanggang hindi nito muling nakukuha ang puso ni Gina. Hindi na nya hahayaan ang sarili na gumawa na naman ng isang napakalaking pagkakamali.


            “Kiara…”


            “Hello babe, I miss you so so much. Kailan ka babalik dito?”


            How can he break her heart? Paano nito hihiwalayan ang dalaga na walang ibang ginawa kundi ang mahalin at unawain sya? But God knows he must do it.


            “Hey, may problema ba?” tanong nito sa kanya.


            Yes Kiara, meron nga kayong problema ni Gio. Ang hindi nya alam kung paano nya sasabihin sayo na tapusin nyo na ang relasyon na meron kayo.


            “I-I just wanna say sorry and thank you Kiara. I want to thank you for always being there whenever I’m so lost and down. Ikaw yung laging nasa tabi ko para kayanin ko ang lahat. But I also want to say my sincerest sorry; I realized that all through out our relationship si Gina pa rin pala ang mahal ko. Akala ko nakalimutan ko na sya, pero nagkamali ako Kiara. I’m so sorry!”


            Isang buntong-hininga lang ang ibinigay ng dalaga sa kanya. Ok lang naman na murahin sya nito over the phone, kahit nga siguro ng harap-harapan ok lang sa kanya because he really deserves that.


            “Alam mo ba Gio, college pa lang ako pangarap ko na na maging boyfriend ka, pero nung naging boyfriend kita, pinangarap ko na sana maging Mrs. Gregory Lopez ako.” Panimula nito. “Sa simula pa lang naman Gio alam ko na, kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin. Mahal mo lang ako dahil mahal kita, at hindi dahil sa mahal mo lang talaga ako. Nakaka-inggit nga si Regina, kasi mahal na mahal mo sya. Sabi ko sa sarili ko hindi kita isusuko ng hindi lumalaban, pero ano pang silbi ng pakikipaglaban ko kung alam ko na kahit na anong klaseng laban ang gawin ko, kahit na makipag-sanib pwersa ako sa North Korea hinding-hindi ako mananalo. She has your heart.”


            “I’m really sorry Kiara, hindi ko talaga gustong saktan ka.”


            “Don’t be sorry Gio, parang pinagsisisihan mo na rin na nakipag-kaibigan ka sa akin.” Pigil nito sa mga sasabihin pa ng binata. “I’m setting you free, but promise me two things. You should come back here in the Philippines with her, and we will remain as friends.” And she ends the call.


            Now it is official, he’s single. Gio is so grateful that Kiara understands him.


++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++



            Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng happy ending. Kahit pa mahal na mahal nyo ang isa’t-isa, hindi iyon sapat na dahilan para magkaroon kayo ng katapusan na pinapangarap nyo.


            Binigyan na kayo ng ilang pagkakataon, but you all keep on wasting it. Anong akala nyo sa chance, unlimited, hindi nauubos?


            “Pangalan!”


            “Regina Reynolds po.”


            “Give me one good deed that you’ve done?”


            “Nagmahal ng wagas.”


            “Paano naging good deed yun?”


            “When you love someone, tanggap mo ang lahat sa kanya, kahit kamalian nya tanggap mo. Ang pagtanggap mo sa isang tao bilang sya ay matatawag na isang magandang gawa. Minahal mo sya bilang sya, at hindi mo sya binago sa isang tao na gusto mo.”


            “So kailangan seryoso?”


            “Eh muka kang seryoso eh. Baka mamaya gaguhin kita sabihin mo naman ang sama ng ugali ko!”


            “Gusto mo bang pumasok sa loob?”


            “Kung papapasukin mo ba ako eh, bakit hindi?!”


            “Ayoko, bumalik ka na sa pinaggalingan mo, wala pa akong pampa-botox at diamond peel.”


            “Eh pano kung gusto ko na ditto, maganda ditto eh.”


            “Wala ka namang magagawa kapag sinipa kita pabalik kung saan ka nanggaling.”


            “Eh bakit tinanong mo pa ako?”


            “Bakit, wala namang bayad ang pagtatanong, saka walang basagan ng trip.”


            Bigla namang may lumabas na isang dalaga mula sa di kalayuan kung saan nag-uusap ang dalawa.


            “Brod Pete!” sigaw ng dalaga. “May niloloko na naman kayong bagong aplikante, isusumbong ko na talaga kayo eh.”


            “Tigilan mo ako Rina ha, hindi pa tayo bati. Saka ayan ka na naman, binigyan mo na naman ako ng bagong pangalan. FYI, mas pogi ako kesa kay Brad Pitt na asawa ni Angelina, at mas lalong mas maganda akong lalake kesa dun kay Alien Brad Pete.”


            “So kailangan po talagang magpaliwanag? Saka Brod Pete, hindi mo na kailangang sabihin na hindi ikaw ang asawa ni Angelina J. kasi malayong patulan ka nya, ang payat mo po eh.”


            Samantala, naka-nganga namang nakikinig si Regina sa pag-uusap ng dalawang nilalang na may pakpak at naka-kulay puti pa. Akala tuloy ni Regina nasa mental hospital sya.


            “Pwede bang ditto na lang ako?” biglang tanong nito sa dalawang nag-uusap.


            “Sure!” sagot ni Rina


            “Ayoko!” kontra naman ni Brother Peter.


            “Brod Pete, Rina! Anong meron, nagde-debate na naman kayo?”


            “Brother Gabby yow, kamusta?” tanong ni Rina ditto.


            Napansin naman agad ng bagong dating si Gina. “Ang ganda mo naman neh, pwede ka bang ligawan?” malokong tanong nito.


            Hinila naman ni Rina at St. Peter ang magkabilang tenga ni St. Gabriel dahil sa kalokohan nito.


            “Eh kasi itong si Brod Pete, gusto na ditto ni Ate ayaw pa nyang tanggapin. Takot kasi sya sa matalino at magandan kaya ganyan yan Brother Gabby.” Sagot ni Rina sa naunang tanong ni St. Gabriel. “Ate mag-stay ka na ditto!”


            “At anong karapatan mo para magpatuloy ditto, ikaw ba si taga-bantay?” bwisit na tanong nito sa dalaga. “Ayoko, kapag pinatuloy kita baka maging giniling ako.”


            Regina, Rina and St. Gabriel look at him all wondering what he means. Paano pa sya magiging giniling kung kaluluwa na lang ito? And as if naman na may magagawa ang mga tao na pwede syang gilingin kung hindi naman sya nakikita ng mga ito.


            “Tara nga muna kasi ditto, ang slow ng mga utak ninyo.”


At tumuloy ito sa isang wishing well kung saan makikita mo ang nangyayari sa kabilang buhay. Gina saw herself lying on a hospital bed with so many apparatus connected on her entire body. Naalala bigla ni Regina ang mga nangyari bago sya nawalan ng malay-tao. She met an accident on the road while running away from him.


“Ate ligaw mo ba yung nagbabantay sayo dun? Infairness Brother Gabby, have yang papa ni ate.”


Gina is still looking on that well, tinitingnan at pinagmamasdan nitong mabuti ang mga nangyayari. Pero bakit ganon, nakikita nya na parang may sinasabi si Gio pero hindi nya marinig.


“Eh baka naman gusto mong sumunod sa uso Brod Pete.” Biglang sabi ni St. Gabriel sa kasama. “Baka pwedeng lagyan mo ng audio, napaka-outdated mo talaga! Wala kang katulad.”


Tiningnan naman ng masama ni St. Peter si St. Gabriel dahil sa sinabi nito. Nakita rin nito na pinipigil ni Rina ang tawa, kaya naman tiningnan din nito ang dalaga pero nagkibit-balikat lamang ito sa kanya habang pigil pa rin ang tawa.


“Gio…”


“Ah, Gio pala ang pangalan ng boyfriend mo! May LQ ba kayo at ganyan na lang sya kung umiyak?”


“Chismoso!!!” sabay na sabi ni Rina at St. Gabriel.


“Alam mo kasi iha, wala namang problemang naaayos ng tinatakbuhan lang. Kung mayroon kayong hindi pagkaka-intindihan, dapat pinag-uusapan ninyo at hindi iniiwasan.” Saad ni St. Peter. “Alam mo bang hindi lahat makakatagpo ng tunay na pag-ibig? Maswerte kayong dalawa ng lalake na iyan dahil nahanap nyo ang isa’t-isa, kaya sana wag nyong sayangin.”


“Oo nga naman ate, kagaya na lang na hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon para inisin si Brod Pete.” Tiningnan na naman ng masama si Rina ng tinutukoy nito. “Kaya nga ako sinusulit ko yung bawat pagkakataon na pwede ko yung gawin.” Tuloy nito at hindi man lang pinansin ang masamang tingin ng isa.


“Hindi mo man lang ba naisip na baka hindi na kayo mabigyan ng pangalawang pagkakataon?” tanong naman ni Brother Gabby kay Gina.


Napatingin naman ang dalaga sa sinabi ng nagsalita. Oo nga naman, bakit nga ba hindi nito naisip nab aka wala ng ibang pagkakataon para maayos nila ni Gio ang lahat? Kung tutuusin hindi lang pangalawang beses ang ibinigay sa kanila, napakaraming pagkakataon ang pinalampas nila. Wala na nga bang isa at huling pagkakataon para sa kanilang dalawa?


Lagi na lang syang natatakot, lagi na lamang nyang iniisip ang sakit. Bakit nga ba hindi sya nagkaroon ng tapat at lakas ng loob para balikan si Gio noon at ipaglaban?


“Tatanungin ulit kita Regina Reynold, gusto mo nab a talagang pumasok ditto?” tanong ni San Pedro sa kanya. “Sa oras na pumasok ka, hindi ka na makakalabas kahit na akitin mo pa ako.”


“Brod Pete konting hiya naman, as if namang pagnanasahan ka ni Ate Regina. Saka kahit idikit ni Kuya Gio yung pwet nya sa muka mo talo ka pa rin.” Nang-iinis na naman na sabi ni Rina, at sinabayan pa ito ng tawa ni San Gabriel. “Oh, oh, oh! Kasalanan ang manakit ng walang laban, at Brod Pete, alam mong bawala ang magsinungaling ditto kaya nagsasabi lang ako ng totoo.”


“Gio… I’m so sorry, sobrang naging duwag ako.” Umiiyak na sabi ni Gina habang pinagmamasdan ang umiiyak na si Gio. “Sana hindi pa huli ang lahat para sa atin.” At tiningnan nito ang tatlo na nagtatalo pa rin. “Hindi pa ako ready na pumasok sa paraiso, pwede bang ibalik nyo na ako sa katawan ko? Gusto ko pang mabuhay para maiparamdam ko pa sa kanya kung gaano ko sya kamahal.”


Napatigil naman ang tatlo sa sinabi ni Gina. Hindi pa nya talaga kayang iwan si Gio, hindi nya kayang makita na nasasaktan at nahihirapan si Gio ng dahil sa kanya. Mahal na mahal nya ito, at ngayon ay handa na syang gawin ang lahat para lang makasama ulit ito. Kahit pa lumuhod at magmakaawa sya sa taga-bantay para lang payagan syang bumalik sa mundo.


“Papayagan ka ni St. Peter, mabait yan eh!”


Tiningnan naman ni St. Peter si Rina na halatang binobola lang sya, alam nyang may kailangan na naman ang pilyang babae na ito sa kanya. “Papayagan ko naman talaga sya eh, pero sa isang kondisyon.”


“Ano yun?” sabay-sabay na tanong ni Rina, Gina at St. Gabriel.


Parang mga timang naman sila na hinihintay ang sasabihin nito. “Isama mo na si Rina, Gina. Parang-awa mo na!” biglang sabi ni Brod Pete ditto.


“Ayoko!” Rina


“Hindi ako papayag!” St. Gabriel


“Ha?” Gina


Hagalpak naman ang tawa ni San Pedro dahil sa naging reaksyo ng tatlo. Ayaw naman talaga nyang isama ni Gina si Rina, ang totoo mahal na mahal nya ang dalaga kahit lagi sya nitong binubwisit.


“Joke lang! Sige na, bumalik ka na sa kanila. Hindi ko naman yata gugustuhin na dalawa kayong bubwit na hindi titigil sa pang-iinis sa akin.” Seryosong sabi ni St. Peter. “Just promise me na hindi nyo na sasayangin ang pagkakataon na ito. Wala ng susunod, huli na talaga ito. If you can’t work things out, wala na tayong magagawa. Wala na sa tadhana ang problema, nasa inyong dalawa na.”


Nilapitan naman agad ni Rina si Gina bago ito lumabas papunta sa lagusan. “Ate Gina, ibigay mo naman to sa kapatid ko.” At kumuha ito ng isang piraso ng kanyang pakpak. “Saka kung pwede kapag kinasal kayo iabay mo silang dalawa ni Ryuji ha, tapos sa kanila nyo ihagis yung bulaklak at garter.” Abusing hiling nito sa dalaga.


Hinila naman ni Brod. Pete at Brother Gabby ang magkabilang tenga ng dalaga dahil sa kalokohan nito. Nag-paalam na si Regina sa tatlo.


“Pangako Rina, hahanapin ko si Sabina Bernardo.” At humakbang ito pabalik sa mundo kung saan pa sya dapat naroon.


Darating din ang tamang panahon, babalik sya sa lugar na iyon at tutulungan si Rina kunsumihin ang taga-bantay na si Brod. Pete, kasama pa nya si Gio.




+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++



            Ilang araw ng hindi umuuwi si Gio sa tinutuluyan nyang bahay. Ayaw nyang umalis sa tabi ni Gina hanggang hindi ito nagkakamalay. Ipinaalam din ng binata ang nangyari kay Gina sa mga magulang nya, maging sa magulang ng dalaga. Nangako naman ang mga magulang ni Gio na pupuntahan nila ito, at sasamahan sa pagbabantay at pagdarasal para sa kaligtasan ni Gina.


            “Gina gising ka na, pumapayat ka na oh. Siguro naman ayaw mong ikasal ng hindi maganda, right?” kausap nito sa natutulog na dalaga. “Alam mo ba na lagi kang kinakamusta ni Ran, saka sabi ni Ate Billy kailangan mong gumising kasi magiging ninong at ninang pa tayo sa second and third babies nila. Oo, kambal yung nasa tyan ni Ate kaya kailangan mo pang gumising. Ayaw mo naman siguro na maging malungkot na naman ako diba?” mahang sabi nito na akala mo gising ang kausap nya.


            Hawak-hawak lang ni Gio ang kamay ng dalaga, gusto nyang maramdaman agad kapag gumalaw si Regina. He’s hoping na gigising na ito ngayong araw, umaasa sya na kapag nagising ito ay mahal na sya ulit nito. Pero kung gigising man ito na hindi na sya mahal, he’s will to do everything to win her back. Marami na syang nagawang kaduwagan at kagaguhan kay Gina, at handa na syang gawin ang lahat ng tama at makakapagpaligaya sa babaeng mahal nya.


            “Gina, I love you very much.” The last words he said and he dozed off.


            Malalim na ang paghinga ni Gio, halatang tulog na tulog ito dahil sa pagod. Hindi tuloy nito naramdaman ang marahang paggalaw ni Regina. Ng idilat ng dalaga ang kanyang mga mata, nasa lugar sya na hindi sya pamilyar. Inilibot nito ang kanyang paningin kahit na nanghihina pa.


            “G-gio…” tawag nito sa tong natutulog sa gilid ng hinihigaan nya. “Gio…”


            Nagising naman ito sa marahang paghaplos ni Gina sa ulo nito. Dahil sa pagkabigla na gising na ito, bigla itong tumayo at umikot-ikot. Hindi alam ni Gio ang gagawin. Dapat muna bas yang tumawag ng doctor, lapitan si Gina, o tumalon sa saya dahil gising na ito sa wakas.


            “I’m thirsty.”


            Nagmamadali namang kumuha si Gio ng bottled-water at pina-inom agad si Gina. “Kamusta ka na, wala bang masakit sayo? Ok ka lang ba? Gusto mo tumawag na ako ng doctor?” sunod-sunod na tanong nito.
                                                        

            Tumango lang si Gina bilang sagot sa lahat ng tanong nito. Sandaling lumabas si Gio para tumawag ng doctor na pwedeng tumingin s kodisyon ni Gina.


            While Gio is out, may napasin si Gina na mayroon syang hawak saa kanang kamay nya, isang piraso ng puting pakpak. Noon bumalik sa kanya ang mga napanaginipan nya. Doon nakakita sya ng tatlong baliw na mga anghel na walang tigil sa  pag-aasaran.


            “Pangako Rina, hahanapin ko si Sabina Bernardo.”





+++++++++++++++++++++++++++++++++




            Five months had past and ok na sina Gio at Gina, and they are currently preparing everything for their wedding. Nahanap na rin nila si Sabina Bernardo at nasabihan na rin nila ito na isa ito sa mga abay nila.


            Gina found Sabrina a very cheerful girl like her twin sister RIna. Up until now, hindi pa rin talaga makapaniwala ang dalaga na anghel nga ang nakita nya, na totoong anghel si Rina.


            May ilang alaala si Gina na hindi na nya matandaan, pero hindi iyon naging hadlang para makalimutan nito kung gaano sya kamahal ni Gio, at kung gaano nya kamahal ang lalake.


            They made new memories together, happy memories to be exct. Hindi na nila binalikan pa ang ibang mga nangyari noon, ang mahalaga para sa kanilang dalawa ay ang kasalukuyan. They will seize every minute they are together, hindi na sila magpapatalo sa takot.


            They both realized na walang naidulot na maganda sa kanila ang takot, ang kawalan ng tiwala at pride. Hindi na nila hahayaan na masayang ang huling pagkakataon na ibinigay sa kanila.


            They promise to love each other no matter what they will get their way. Sabay nilang haharapin ang lahat ng problema na ibabato sa kanila. Tiwala lang. gina also believes na lagi silang binabantayan ni Rina, kasabay ng pagbabantay nito sa kakambal.



***The End***












[A/N: maraming salamat sa pagbabasa ng WNPMSP
kahit na super tagal ng mga UD’s. I leave the story with an open ending.
Hindi naman natatapos lang sa ganyan ang story nila, because we all know
Na marami pa rin silang kakaharapin na problema.
Sa totoo lang nahihirapan akong gumawa ng ending na makatotoohanan,
So I decided to leave it this way.
Hope this one will make you smile, Espren.]

***Queen_Richelle is now signing off…

10 comments:

  1. ohmyghad! i'm crying... pero hindi yung katulad ng mga nakaraang updates. tears of joy 'to espren!!! dito pa lang sinasabi ko na ang aylabyu at binabawi ko na ang lahat ng ayheytchu na sinabi ko sayo! ahooo~

    PS. 1st wave pa lang ito ng comment ko. 2nd wave is coming next...

    ReplyDelete
  2. unang-una, ang brilliant ng linya dun sa taas! pwede ko bang i-plagiarize yan? dejoke lang! pero ang ganda talaga!

    "everything will be okay in the. if its not okay, it's not yet the end." hayup espren, you are a genius!!! i love it. iisipin ko na ginawa yang quote na yan para saakin. ahahaha!!!

    natuwa naman ako kay kiara... ang bitter ko kasi sa kanya nung mga nakaraang update! mabait naman pala talaga siya! hohoho, at hindi na niya pinahirapan pa si gio...

    galak na galak naman ako sa eksena namin sa langit! ahahahaha!!! namiss ko sina brod pete at rina ha!!! namiss ko yung story ni saab at ryuji!

    at wala akong masabi na talaga espren! i am more than satisfied sa ending! it's so beautiful!!! kahit na north pole siya at south pole ako, nagkatagpo pa rin ang mga landas namin at nagkatuluyan sa bandang huli!

    congrats sa pagtapos nito mahal kong espren~ (nagtatampo pa nga ako dapat sayo) pero dahil sa napakagandang ending nga na ito, burado na ang lahat ng ayhetchu's ko!

    isang malaking AYLBAYU ESPREN!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay naku, mali pa yung spelling ng aylabyu ko! ulitin ko na lang. >____<

      isang malaking AYLABYU ESPREN!

      Delete
    2. hwAhehE,,, c atEy aeGyo aNg cuTe ng mgA coMmeNts,,,

      Delete
    3. sabi ko naman sayo, mabait naman talaga si Kiara, kayo lang naman ang naiinis sa kanya.. kailan ba pumili si Gio ng hindi mabait? May muntik lang mawalan ng bait, at ikaw yun..hahah...

      actually, namis ko lang din sila kaya naman isinama ko na sila... kung pwede nga lang sila na lang bida eh..hahaha...

      pasensya na at hindi na detailed much yung pinaka-ending. ang unang plano ko pa nga jan sa yung honeymoon nyo, kaya lang kapos na ako sa oras..

      congrats talaga sa akin, may natapos na akong series dito sa blog mo...

      salamat din at kinalimutan mo na yung sandamakmak na ayhetyus mo...hihi...


      sign off muna ako sa blog, may gagawin akong isang makabuluhang step sa buhay ko , hihi... hindi pa ako ikakasal, hahaha... magfo-focus na muna ako sa ginagawa ko, i want it to be to-good-to-be-true... hihi...chos... pangako babalik ako, at sana may dala akong good news..hihi...

      Delete
  3. You need to be а ρart of a contest for one of
    the most useful blogs on the web. I will recommend this blog!


    Chеcκ out my web blog Bauchmuskelübungen

    ReplyDelete
  4. naGbuBunyi aq hbAng binbAsa itEy,,, iM so gLad cLa p diN haNggaNg huLi,,, waAaah, thaNk u atEy aT masAya p riN aNg ngiNg ktApusAn,,, aNg sKit diN pO ng puSo q nuNg mga nkRaaNg chpTers,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihi.. pasensya sa sakit sa puso na naidulot ko sayo.. ayan, bawi na ako ha... pero pasensya na rin kasi natagalan at hindi na sya naging ganong ka-detailed..

      tnx nicole... see you again soon!!!

      Delete
  5. yay! finally! the most awaited ending!

    ang kulit ng tatlong bisugo ha! hahha.. tawa much ako dun.. nkakatuwa yung interview sa kanya ni brod pete, parang magchecheck up lng ah! haha..

    sino ba kasi sila sabina at ryuji? hinahalukay ko na sa madami nang laman nitong utak ko, pero waley pa ring sagot.. hahha..

    i just wanna say na congrats po ate for this wonderful story! ang ganda! pramis! nagkasundo na rin sa wakas ang North and south pole! ayiieh..

    mamimiss ko sila gina and Gio... adios..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si Sabina at si Ryuji yung bida dun sa isang story ko na hindi ko natapos, ayun.. hahaha... kasama nila sila Brod. Pete sa story... si Rina yung kakambal ni Saab...


      thank you Demi for always reading and waiting for my updates...

      nanaig kasi yung opposite poles attracts...



      adios demi... read my stories soooooooooooonnnnn, we'll be out in here for unknown time...hihi...

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^