Thursday, May 9, 2013

My Unbelievable Love Story (KathNiel)




My Unbelievable Love Story (KATHNIEL)
Written by InnocentPen





This is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author’s imagination. Any resemblance to an actual incident is purely coincidental.
  



My Unbelievable Love Story © 2013 by InnocentPen
All rights reserved.


Plagiarism is a crime.


**
CHARACTERS:
Nathaniel Villegas as Kathryn Bernardo
Daniel Padilla as himself
**



“Loving a celebrity is like loving someone who never exists in your world…”




“Sinong gusto mong maging boyfriend?” Minsan na naitanong sa akin.
“Eh sino pa ba? Edi ang pinakamamahal kong si Daniel Padilla!” Iyan lang naman ang sinasagot ko every time na tinatanong iyon.
“Hahahahaha! Alam mo ‘day, wag kang masyadong mangarap ng mataas. Wala kang mapapala.”
Err, ano bang masama kung magmahal ako ng isang celebrity? Kasalanan ba ‘yon? Kasama ba sa Ten Commandments ‘yon?

“Ni hindi ka nga pinapansin—ay mali—ni hindi ka nga napapansin nun tapos magiging boylet mo siya? ‘Day, hanggang pangarap lang iyan.” Dagdag pa nito.

Alam ko naman na milyon ang karibal ko sa paningin ni Daniel Padilla…Ah basta! Hindi naman masamang maghintay at mangarap ha?
--


“Oh, girls! Ito na ang pinakahihintay natin…Let’s welcome on stage, Daniel Padilla!”
“Woooooh!” Todo sigaw ako nang marinig ko iyong sabi ng MC. Hindi rin naman magpapahuli ang mga sigawan ng ibang fans na kasama ko. Ah basta! Sana this time mapansin na ako ni Daniel Padilla. Minsan na lang siyang mag-mall show dito sa lugar namin kaya dapat ng sulitin.

“DJ! DJ! DJ! DJ!” Sigaw ng ibang fangirls sa loob ng activity center nitong mall.

“Ito na talaga, nandito na siya.” Kanina pang sabi ng MC pero hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas si DJ.

“Ano ba ‘yan!” Naasar na sabi ng pinsan ko, siya ang kasama ko ngayon.
Kahit ako naasar na rin, kaso pinipigilan ko na lang. Patience is a virtue nga di’ba?

Nakatayo lang kami ni insane sa may malapit sa stage. Nakakangawit pero para kay Daniel Padilla, yakang yaka ko ito!

“Magandang Gabi po sa lahat!”

Nagsimula na naman ang sobrang lakas na sigawan. Meron ding mga sumisigit para makarating sa harapan pero walang pakialaman. May mga tao dito na ang goal ay mapansin ni Daniel Padilla, meron ding gusto lang mapanuod ang iniidolo nila.
Pero haler? Hindi na’ko magpapaka-plastic. Gusto kong mapansin din ako ng mahal ko. 13 years old pa lang ako nang mag-start ang pagka-adik ko kay Daniel Padilla, nagsisimula pa lang siya noon. Sa almost five years napagiging fangirl ko kay DJ, ni minsan ay hindi niya ako nakikita, hindi niya ako tinitignan.
Nanahimik lang ako sa pwesto ko habang pinapanuod si Daniel na kinakanta ang isang kanta mula sa latest album nito. Haaaay, kalian mo ba ako mapapansin?
June 17, 20** yan ang date na for the first time ay nahawakan ko ang kamay ni Daniel, dito rin sa mall na ito. Pero habang hawak ko ang kamay niya ay patuloy lang ito sa pagkanta at nakatingin sa ibang fans niya. That time, hindi niya ako tinignan. Pero masaya pa rin ako dahil nahawakan ko ang kamay niya.

“Wooooh! Daniel, I love you so much!!!!” Sinigaw ko ng malakas. Sana lang ay mapansin niya ako.
Pagtingin ko sa stage ay nakatingin sa akin ang MC. What?! Bakit lahat sila ay nakatigin sa akin?

Siniko ako ng pinsan ko, “Oh etoh, panyo. Ipang-cover mo ng mukha mo. Kaloka ka! Sumigaw ka ba naman kung kelan wala si DJ sa stage. ‘Day, nasa backstage na siya.”

Whaaaat? Mabilis kong kinuha ang panyo ni insane at ipinantakip sa mukha ko. Sobrang nakakahiya!!!
Nakarinig din ako ng mga tawanan pero yungiba mukhang walang pakialam, dine-deadma lang ang beauty ko.

“Ahm, so sino nga ulit ang may gusto ng signed posters ni Daniel Padilla?” Tanong ng emcee.

“Meee!”
“Akooo!”
Sigawan ng iba.

“Magaling ba kayong kumanta? Pwes kung oo. First six na makaakyat sa stage will get the chance to get these posters.” Pinakita nung MC yung mga posters na naglalaman ng napaka-gwapong nilalang. Sino pa ba? Edi si Daniel Padilla.

“Yung anim na unang makaka-akyat sa stage ang pwede lang sumali sa singing contest dito! Game? Bilang ako ng tatlo ah. One..two…three!”
Bigla akongnabuhayan ng dugo sa narinig ko, chance ko na ‘to! Malay mo naman ay mapansin na ako this time.
“Insan, Sali ka. Sayang din yung signed poster. Dali na punta ka na sa stage. Malay mo mapansin ka rin ni Daniel—“
Hindi ko na siay pinatapos dahil nagmadali na akong umakyat ng stage,

“Apat na. Dalawa na lang oh.” Sabi ng MC pagka-akyat ko. Woooh.
Nang makumpleto na kaming anim, pinagsama kami. Syempre, ako y ung pang-apat.
Nagsimula nang kumanta yung una. Hindi naman ipapatapos sa’yo yung kanta kasi ang sabi ng MC, sisingit na lang daw siya bilang hudyat na pinapahinto ka na. Hindi naman kasi pwedeng forever kaming magkantahan dito, may prod pa si DJ.
Sa mga kumanta na. May mga magaganda ang boses meron ding hindi. Yung pangalawa nga tinawanan kasi bumirit pa ng “I Will Always Love You”

“Oh si number four na. Siya nga pala yung sumigaw ng “Daniel, I love you so much” kanina.” Ang daldal talaga ng MC na to! Kelangan pa bang sabihin pa iyon?

“When I was younger, I saw my daddy cry
And curse at the wind
He broke his own heart and I watched
As he tried to reassemble it

And my momma swore that
She would never let herself forget
And that was the day that I promised
I'd never sing of love if it does not exist.”

Ito na lang ang kinanta ako. Wala na akong maisip eh. At sabi ng mga iba kong kakilala na kapag daw ito yung kinakanta ko, maganda daw ang boses. Bagay daw ang song sa boses ko.

“But darling, you are the only exception
You are the only exception
You are the only exception
You are the only exception”

“Maybe I know, somewhere deep in my soul
That love never lasts
And we've got to find other ways to make it alone
Or keep a straight face

And I've always lived like this
Keeping a comfortable distance
And up until now I had sworn to myself
that I'm content with loneliness
Because none of it was ever worth the risk”


Ang ganda talaga ng song na ito. Haaay.
“But darling, you are the only exception
You are the only exception
You are the only exception
You are the only exception”

“I've got a tight grip on reality
But I can't let go of what's in front of me here
I know you're leaving in the morning when you wake up
Leave me with some kind of proof, it's not a dream, oh”
“You are the only exception
You are the only exception
You are the only exception
You are the only exception”

I finished the song. Hindi naman kasi ako pinahinto ng MC kaya tinuloy-tuloy ko na ang pagkanta.

“WOW! Your voice…is sooo beautiful.” Puri nung emcee habang pumalakpak.
     Ngumiti lang ako sakanya. Napansin ko ding humanga din ang ibang nanunuod. Mall show ‘to ni DJ kaya sobrang dami ng nanunuod.
Yung kasunod kong kumanta nag-back out kaya yung pag-sixth na ang kakanta. Hmm, hindi ko alam kung mahihiya ako or what para dun sa pag-sixth. Basta ang alam ko nasa Verse I pa lang yung song nang pinahinto siya ng MC.

    Isa isa kaming tinuturo. Kung sino daw ang may pinakamalakas na palakpak and sigawan from the audience ang mananalo. Hindi na ako nag-expect, kasi si insan lang naman ang kasama ko ditong pumunta. Hindi naman ako sikat para palakpakan. Wala akong fans.
    Buhay nga naman, akalain mo akong mananalo dito? Maraming nahakot si Insan. Haha. Ibinigay na sa akin yung dalawang posters. May autograph nga ni DJ. Sayang din ‘to, 95 pesos ang isa nitong poster tapos kung bibili ka wala pang pirma. Pero itong binigay sa akin may instant pirma na! Sosyal!
Bumaba na din ako after ibigay yun. Ayoko namang tumayo dun forever. Sayang nga lang at hindi ako napansin ni DJ. Akala ko pa naman maakit siya sa boses ko at pupuntahan ako, hindi naman pala. Alam mo yung ‘Feeler’? Ako yun eh. Haha
Kulang pa siguro yung effort na binigay ko para mapansin niya ako. =(

Nagsimula na naman ang ingayan.
“Hello po ulit sa lahat! Ahm, gusto ko pong tawagin yung girl na kumanta ng “The Only Exception” kanina sa stage.”

“OMG! Insan! Tawag ka ni DJ! OMG!!! Natupad na! OMG TALAGA! I’m so proud of you!” Saglit akong nawala sa tamang pag-iisip, joke. Pero totoo ba talaga ‘toh?

Hindi pa rin ako makapag-isip ng maayos para bang…hindi ito reality. Si insane ang nagdala  sa akin sa stage.

Nakatayo lang ako sa stage tapos si DJ tinitignan ako. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, kinakabahan na natutuwa na naeexcite. Finally…dream came true. Tinignan na niya ako! May bonus pa kasi...

“Hi. Anong pangalan mo, Miss?”
…kasi kinausap pa niya ako. Thank you Lord!

Lumapit siya sa akin. “A-ah..Na…N-Nathaniel.”
Natawa siya at saka bumulong ng ,”Relax.”
Mas lalo naman akong hindi mapakali. Kasi…*blush* his breath…ang init. Ang hot!

“First time akong hihiling ng ganito. Nathaniel, pwede ka bang maka-duet?” Sabi niya tapos nag-smile siya sa akin ng malapad.

O-M-G! Makaka-duet ko siya? Again, O-M-G!
Tumingin ako sa audience. Nakita ko si Insan na todo ang pag-kuha sa amin ng video. May ibang kinikilig, meron ding naiinggit. K-kasi naman eh…s-si Daniel Padilla ito oh! Nakatayo sa tabi ko! Again and again, O-M-G!

“S-sige.” Nung sumagot ako, mas lalong lumapad yung ngiti ni DJ.

“Alam mo ba yung, “Nasa Iyo Na Ang Lahat?” Tumango na lang ako. Sino ba kasing hindi makakaalam nun?

He held my hand and he sang the first verse.
--

“Waaaaaaaaah!” Nanaginip na naman ako.
Pwew! Oyyy, totoong nangyari yun ah. Yun na siguro ang isa sa mga pinaka-masayang araw ko. Ang makasama si Daniel Padilla kahit ilang minuto lang.

Ano bang nangyari after nun? Wala lang. Nagpa-thank you lang siya sa akin tapos wala na tapos na. Uwian na.

Pero masaya pa rin ako kasi nakaduet ko siya. Sayang nga lang kasi masyado akong shy para i-kiss siya or yakapin siya. Okay na naman sa akin yungholding hands namin while singing. Masaya na ako kahit ganun lang…basta ba si Daniel Padilla ang kasama ko.

Kinuha ko yung laptop ko at nag-login sa Twitter. Sana….sana napansin na ni DJ.

INTERACTIONS
Ate…why so ganda ang boses mo? Sana mapanuod ‘to ni @imdanielpadilla!
Ang ganda talaga! Nakaka-LSS!

Pagka-bukas ko ng Twiiter account ganyan lahat ang lumabas. Scroll sown…scroll down…A tweet from @imdanielpadilla please.

Scroll down….
Scroll down….

Napa-sigh na lang ako. Wala na naman.

Nag-tweet na lang ako tapos nag-out na.
--

“Anak, one week na lang before ng debut mo, hindi ka pa ba nakapag-decide kung sinong escort mo?” Tanong na naman ni papa. Baka si dad na lang ang maging escort ko. Wala naman akong ibang nagugustuhan except kay DJ. Pero ngayon iniisip ko na…parang napaka-imposible. Kasi celebrity siya.
“Wala pa talaga, Dad eh. Baka kayo na lang po maging escort ko.”
“Mas maganda pa rin anak kung iba yung escort mo.” Ang kulit talaga ni Dad.
“Dad, alam mo naman na wala talaga akong ka-close na lalaki. Meron din naman kaso puro mga kamag-anak natin.”
“Anak, masyado ka na yatang naadik dun sa Daniel Padilla na ‘yon at lahat ng mga nanliligaw sayo ay bina-busted mo na.” Ito na naman ang script ni papa.
“Pa naman. Wala lang talaga akong gusto sakanila. Alam mo naman na kay Daniel Padilla lang ako nagkagusto.”
“Pero anak. Imposible naman yung gusto mo. Artista ‘yon.”  
“Dad, pwede pang suportahan niyo na lang ako?” Napa-iling na lang si papa sa akin. Lagi naman eh.

--
Bago ako matulog, binuksan ko muna yung Twitter ko para magpa-‘good night’. Kanino pa ba? Edi kay DJ.
Pagkabukas ko. Puno ng tweets ni DJ ang account ko. Lahat yata ng mga fans club account niya ay ini-RT yung pinost niyang pic na may caption na “Last day”
Syempre, bilang dakilang fan ni DJ ay ini-RT ko rin.

“Good night @imdanielpadilla! Sweet dreams.” Tweet ko kay Daniel Padilla.
--

“OMG! OMG!” Napa-sigaw talaga ako as in. Kasi finavorite ni DJ yung tweet ko kagabi. Kaso hindi niya ako finollow. Pero masaya pa rin kasi napansin niya ang tweet ko!

Wala namang ibang nangyari ngayong araw. Pumasok lang ako ng school tapos yun patuloy pa rin ang pagiging fan girl ko thru Twitter. Basta good vibes ako buong araw!

“Ang tagal naman matapos ng TV Patrol.” Reklamo ko. Pagkatapos kasi ng TV Patrol ay ang pinakahihintay na ending ng teleserye nina DJ and Chandria, ang ka-loveteam ni DJ.
“Waaaah eto naaa!!!” Kasama ko kasi si insan na manunuod ng ending. Ganyan naman kami lagi kapag patapos na ang teleserye ni DJ.

Tahimik lang akong nanunuod samantalang si insan naman ay sobrang ingay habang nanunuod. Kaya dagdag intense. Haha


O-M-G. Is this true?!


“INSAN!!!! FIRST EVER KISSING SCENE ‘TOH NI DJ!!! OMG! HIS LIPS!”

Alam kong sa TV lang ‘to. Pero…

That scene….broke my heart.
--

“Ano ba yan, insan! Umayos ka nga. Birthday mo na oh. Smile ka nga.” Sabi ng pinsan ko habang inaayos yung gown ko. Parehas kaming nakaharap sa may salamin.

  Hinihintay na ang grand entrance ko. Hayaan niyo na akong gumamit ng word na ‘grand’ party ko naman ‘to eh.
Nakakalungkot lang kasi mukhang luma-love life na rin si Daniel Padilla. Kaya wala na talaga akong pag-asa. Sobrang nasaktan talaga ako dun sa nangyari.  Kasi natandaan ko yung sinabi ni DJ dun sa isang interview before. Sabi niya, “Magkaka-kissing scene lang ako kapag girlfriend ko ang kaharap ko.”
After nun, hindi na ako gumamit ng Twitter. Sigurado kasi puro updates lang tungkol sa relationship nina DJ and Chandria, baka kapag nabasa ko ‘yon….masasaktan lang ako lalo.

“Insan! Ang ganda mo…pero mas gaganda ka kung mag-smile ka. Sayang yung ayos mo oh.” Kinukulit na naman ako ni insan. Kaya pilit akong ngumiti.

Haaaay… Loving a celebrity is like loving someone who never exists in your world.

Bumaba na si insan kung saan gaganapin yung debut ko, siya kasi ang tatayong Emcee ng party. Madaldal kasi si insan kaya siya ang napili ko.
Nag-entrance sina papa, mama at kuya. Pagkatapos, hinihintay na ang entrance ko.

“Guests, friends, ladies and gentlemen.” Bigla akong kinabahan nang marinig kong sabi ni Insan. Etoh na.

“Let us all stand as we welcome the debutant as a woman of grandeur. Let’s give a big round of applause Ms. Nathaniel Villegas with her !^%@$^$@.” Napatakip ako ng tenga. Nagloko yata yung mic ni insan.
 Lumabas na ako sa kwarto at dahan-dahang bumababa sa may hagdan. Nakatingin lang ako sa mga tao sa baba na inaabangan yung pagbaba ko. Nakakakaba naman ‘to, first time kong magka-party ng ganito.

Sa may pinakababa ng hagdan ay may nakaabang na lalaki, na siyang escort ko. Ang sabi ni papa hahanap daw siya, pero kapag wala daw siyang nahanap, siya na lang daw ang magiging escort ko. Pero mukhang nakahanap siya.

Lumapit pa ako sakanya. Titignan ko na sana yung mukha niya kaso biglang namatay yung mga ilaw. Ang dilim. Brown out ba? Kung minamalas ka nga naman oh.

Bigla akong nasilaw dun sa liwanag na tumapat sa akin. Sa amin ng escort ko. Wow, sosyal, may spotlight pa!
Natuwa ako kasi minsan kong pinangarap na matapat sa isang spotlight.

“You look so beautiful.” Sabi ng isang boses. A-ang escort ko.

“D-Daniel P-Padilla?” Ngumiti lang ito at saka hinawakan ang kamay ko para alalayan ako sa pagbaba ko.

Lumakad kami papunta sa gitna ng dance floor at nagsimula kaming sumayaw.

I've got a million people telling me
That you and I will never be (You and I will never be) 
Pinapatugtog nila yung kantang ginawa ko para kay Daniel Padilla, para sa lalaking kasayaw ko ngayon.

We're from two completely different worlds
You are every girl's dream and
Well, I'm just me 
Parehas kami hindi nagsasalita. Patuloy lang kami sa pagsayaw habang nakatingin kami sa isa’t isa. Napakagwapo niya talaga, lalo na sa malapitan. Hindi ako makapaniwala na siya ang magiging escort ko.

“B-bakit ikaw ang escort ko?” Alam kong walang kwentang tanong iyon. Pero masisisi niyo ba ako? Malay ko ba kung binayaran pala ni dad si DJ para um-attend sa debut ko at maging escort ko. Haaay, kung anu-ano na naman ang pumapasok sa utak ko.

But I'll keep wishing on
Every star that shoots across tonight 
Nagsmile lang siya sa akin.

“'Cause you will always be
The apple of my eye
The everything that I
Will always want and hope to be with
You mean everything to me
More than melodies and beats, baby
Don't you know that you complete me”

O-M-G! Nagulat ako kasi kinanta niya yung ginawa kong kanta sakanya.

“B-bakit mo memorize yan?” Tanong ko dito. Sa sobrang gulat, napabitaw tuloy ako sakanya.

“After mong kinanta yung ‘the only exception’ sa mall show ko, after kong marinig yung boses mo….parang gusto ko nang laging naririnig yung boses mo. Ang sabi ko sa sarili ko pagkatapos ng teleserye namin ay babalikan kita. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya sa tuwing nakikita ko yung mga tweets mo sa akin araw-araw. Hindi lang kita magawang reply-an baka kasi magka-issue tayo at madamay ka pa. Alam mo naman kung anong nangyari nung kumalat yung mga videos natin dun sa mall show. Nababasa ko yung mga tweets nila sayo na halos negative.”

I see your pictures on the Internet
You got a billion Facebook likes
And you're probably flooded with Twitter interactions
That's a fact
I know you'll never ever notice me (Never ever notice me) 

“Ayaw ko nang mangyari ulit iyon, Nathaniel. Last three days, hindi ako nakatanggap ng tweets mo, kaya kinabahan na ako. Nagtanong-tanong ako sa mga kakilala mo online kung anong address mo para mapuntahan kita. Kahapon, nakausap ko ang pinsan mo at sinabi niyang nasaktan ka dun sa last part ng teleserye namin ni Mara. I’m so sorry, Nathaniel. Kailangan lang naming gawin ‘yon pero wala kaming relasyon. Nagkataon lang talaga na yun ang gustong gawin ng director, wala naman kaming magawa. Sorry, hindi ko naman sinasadya na—“

“Bakit mo ba sinasabi ang lahat ng ito?” Naglakas ako ng loob na magtanong.

But I'll keep wishing on
Every star that shoots across tonight

'Cause you will always be
The apple of my eye
The everything that I
Will always want and hope to be with
You mean everything to me
More than melodies and beats, baby
Don't you know that you complete 

“G-gusto ko lang sanang magpaliwanag. A-ayoko kasing makita kitang nasasaktan. Hindi ko alam kung maniniwala ka, kasi hindi naman talaga tayo magkakilala personally. But I think I already fall for you. Your sweet voice captivated my heart.” Wala na akong pakialam kung naka-nganga ako sa harapan niya.

All this time…in love pa la sa akin ang isang Daniel Padilla?!

“Every part of me
I'll get a bumblebee to sing along with me
Lalalala Lalalalalove

I know this love is true
Though there ain't no me and you
I still love you.”
Again, kinanta niya ito sa harap ko. At tuluyan nang tumulo ang mga luha….namin.

“Ang tagal kong hinintay na makasama kita, Nathaniel. Ang tagal…maraming maraming salamat at hinayaan mo akong makasama ka sa importateng araw ng buhay mo.” Hinawakan niya ang kamay ko, “Nathaniel…”
Huminga siya ng malalim. Kinikilig ako kasi nakikita ko siyang namumula ang mga pisngi niya. Ang cute niya.

“Nathaniel…parehas ba tayo ng nararamdaman?”

Shooot! Tinanong na niya.
Dahil ako ay isang babae din kaya hindi ko naiwasang mahampas siya sa kanyang dibdib sa sobrang kilig.

“Sorry, DJ! Yiiieh!  Kasi naman eh, pinapakilig mo naman ako eh.” Abnormal na kung abnormal. Umiiyak ako habang kinikilig.  “Sa tingin mo ba, araw araw akong maghihintay para pansinin mo yung kantang ginawa ko sayo. Sa tingin mo ba magtitiis ako sa mga bashers ko. Sa tingin mo ba masasaktan ako kapag nakita kitang may kasamang iba. Tingin mo ba—“

Hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi…..

He kissed me.

'Cause you are the apple of my eye
The everything that I
Will always want and hope to be with
You mean everything to me
More than melodies and beats, baby
Don't you know that you complete me 

“Hmm…sa tingin ko mahal mo din ako.” Sabi niya at nagtinginan na naman kaming dalawa. Sobrang pula na ng mga pisngi namin.

“Thank you Nathaniel. Thank you. Thank you because…” Hinawakan niya ang pisngi ko. Kitang-kita sa mag mata niya ang sincerity na lalong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

You complete me
“You complete me..” Kinanta na naman niya ang last part ng kantang ginawa ko para sakanya. Thank you because you complete me, ang sinabi niya sa akin. Grabe ang tuwa at saya na nararamdaman ko ngayon. Kasi…ang matagal ko ng pinapangarap ay nakatayo sa harapan ko.


“Nathaniel, I love you.”
“I love you, too, DJ.”


“Ehem. Gusto pa sana naming mapanuod kayo, pero kelangan matuloy ang party. Guys, are you enjoying the scene—este the party?” Sino pa ba iyan, edi ang insan kong madaldal.





This story is unbelievable, right? Well, this is My Unbelievable Love Story with my boyfriend, Daniel Padilla.

Forget about the first sentence I said when I started this story. Because, that’s a lie.

---

Feedbacks?? <3
Follow me on Twitter: @Innocent_Pen


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^