Friday, May 10, 2013

Kim Hyun Joong is my Boyfriend - Chapter 4


"You're pretty too."
"You're pretty too."
"You're pretty too."
"You're pretty too."
"You're pretty too."
"You're pretty too."




Is this a dream? Talaga bang si Jung Il Woo ang nagsalita? Di nga? Ahhhh! Gusto ko na himatayin. Pero hindi pwede. Baka mapahiya ako sa harapan niya.


"K-Kamsahamnida...oppa." (-//////-)
Shy ako. Shy ako.
Ngumiti naman si Il Woo ng pagkatamis-tamis. Heaven. This is heaven. KIlig na kilig ako.
"What's your name?"
Huuumigaaad! Is he asking for my name?
"K-Kaye...Kaye Lorenzo," inabot ko ang gift ko sa kanya. "This is for you oppa."
"Can I open it now?"
O__O

"Eeeeeeehhhh!!!"
Tilian iyan ng ibang fans na nakarinig. Pakiramdam ko nakalutang na ako sa hangin.Pati si Ria nakitili din. Magkaribal ba talaga kami? Hehe.

"O-Okay."

At binuksan na nga niya at nagpasalamat siya at nainlove siya sa akin at nagpropose siya sa akin bigla. Pagkatapos ng ilang buwan nagpakasal kami. The end  pero joke lang. Ang totoo nagpasalamat lang siya. Waah. TT__TTAt nag-shake hands kami. Parang holding hands na rin iyon diba? >:)
"Next?"
Bumalik na ako sa puwesto namin ni Ria. Nakangiti din siya.
"Hindi na ako maghuhugas ng kamay!" sabay pa kaming nagsalita.
"Ang gwapo niya at naka-first base ako bakla!" kinikilig na pang-iinggit ko sa kanya. Haha.
"Tse! Papansin ka pa kasi. Dapat naisip ko iyon eh. Dapat nagpatulala effect nadin ako. Sayang!"
"Hindi ka parin papansinin ni Il Woo noh. Ako lang naman kasi ang papasinin niya."
"Weh di nga? Eh ano iyon?" sabay turo niya sa isang fan na humalik sa pisngi ni Il Woo.
Shit. Sino iyon? Ang landi lang ha.
"Ipapakulam ko iyan bakla. Grr." si Ria.
"Grr. Sabay tayo para doble ang epekto." Walangya! Hanggang shake hands lang ako eh."
"Ako hanggang ngiti lang! Peste! Mabuti ka pa nga nakapagshake hands. Isama kaya kita sa mga kukulamin?"
Binatukan ko siya.
Inabot din kami ng ilang oras bago natapos. Nag-present pa kasi si Il Woo. Hinarana niya ako este kami pala. At sa huli may surprise sila sa amin. Isang raffle draw! An exclusive date with Jung Il Woo after. Dinner date! Omygollywow! Kailangang mabunot ako. Pareho kaming kinakabahan ni Ria habang binabasa ng Host ang pangalang nabunot.
"And the lucky girl is....."

Please. Ako nalang.


Cross fingers.

Kaye please!
Kaye!
Say it!



"And the lucky girl is......"


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
*sniff sniff*

Tama umiiyak nga ako ngayon habang nakaupo sa isang bench. Nandito ako sa Yeouido Park habang nakatanaw sa isang parang lake. Lake nga ba ito? Parang Han river yata. Ah ewan. Stress ako ngayon. Gusto kong mag-emo. Si Ria siguradong nag-eenjoy siya sa date nila ni Il Woo. Waaah!! Bakit kasi ang malas ko sa mga raffles na yan. Bakit hindi ako ang nabunot para sa isang exclusive date with Il Woo. Bakit ang bruhang si Ria pa. Nakaka-stress talaga kaya ako nalang mag-isa ang namasyal. Gusto ko na ngang akyatin ang malaking Budha nila dito pero nakakatakot baka ma-deport ako ng wala sa oras. Hehe. Pero kung iniisip niyong kaya ako umiiyak dahil sa raffles na iyon kanina sa fan signing. Hindi noh. Umiiyak ako dahil nagbabasa ako ng SHE'S DATING THE GANGSTER sa cellphone ko. Ilang ulit ko na itong binabasa pero iyak parin ako ng iyak sa ending. Ang saklap naman kasi ng ending nina Kenji at Athena. Hindi ko keri ang tragic ending. May nabili narin akong libro nito. Sayang nga lang at hindi ko nadala sa Korea.

Waah. Kenji-yah kajima....
kajima...

Hehe. Favorite line ko talaga iyan. XD Feel na feel ko kasing sabihin.

"Hmmmm..." May katabi nga pala ako dito. Siya iyang umungol.
(>__>)   ( _  _ )z z Z ZZ
 Actually. Natutulog si kuya. Kanina pa nga eh. Noong dumating ako dito natutulog na siya. Mga 3:00 pm yata iyon tapos malapit na mag-6:30 pm ngayon. Hindi ko naman makausap kasi parang ayaw paistorbo sa tulog niya. Naka-cap pa kasi.Haizt. Makabasa nga ulit ng favorite line ko. Last na to promise. Doon nalang ulit sa hotel. Haha.

"Kenji-yah...kajima..." tumikhim ako. "Kajima!!"

O///////O
"Neh, algess-eoyo"
Sisigaw ba ako? Niyakap lang naman ako bigla ng taong katabi ko. Manyak yata ito.
"Y-Yah...let go of me."
Bumitaw siya at humarap sa akin. This time I could see his face.

Dear God, Am I lucky or not? Bakit kailangan mo kaming pagtagpuin ng lalaking ito?

----------------------------------------------------------------------------------------------
NOTE: Kajima - don't leave, don't go.
      "Neh, algess-eoyo" (yes, I get it, yes I understand)


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^