Brokenhearted Playgirl (KathNiel)
By: InnocentPen
Chapter Four
Hazel’s POV
After a week. Pumasok na rin ako. Kahit medyo nanghihina
pa rin ako. Yes, allergies attacked me again. And that’s because of the Palabok
with shrimps.
Pagkapasok ko pa lang sa gate, ramdam na ramdam ko na
yung mga tingin ng halos lahat ng mga estudyante…mapa-boys or girls.
A-anong nangyayari? Bakit napapansin nila ako? Ganon ba
ako kaputla?
Yumuko na lang ako.
At dumaretso na sa class room namin.
Pati yung mga classmates ko nakita kong nakatingin sila saken.
Lumapit nako sa may upuan ko at may napansin akong iba.
Isang malaking red heart.
Magkadikit
yung upuan ko at yung katabing upuan, sa pagitan ng dalawang chairs na yun may
isang malaking heart sa gitna. Sinong
may gawa nito? At talagang pina-paint ang upuan ko. Ginawang couple chair.
Inayos ko na
lang yung upuan ko. Medyo kaunti pa lang ang nasa loob ng room, maaga pa kasi
e. Wala pa rin si Gelo. Di ko pa ga alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko rin
alam kung kakausapin at papansinin pa niya ko.
Bago magsimula ang class dumating na sina Gab. Unang
pumasok si Gab pagkatapos pumasok na rin si Gelo.
Nakatingin lang ako sakanya habang naglalakad siya.
Napatingin rin siya saken pero tumango lang ito at saka na umupo sa chair niya.
Medyo malayo ang pwesto niya sa pwesto ko.
Nadisappoint ako. Ewan ko ba. Ako nga unang nagtaboy
sakanya nung binisita niya ako diba? Ayaw ko lang naman kasi na malaman niya na
may allergy ako, hindi naman sa alam kong ang saklap ng itsura ko nun …. Ayaw
ko lang talagang isipin niya na siya ang may kasalanan kung bakit nagka-allergy
attack na naman ako.
Nagsimula na ang klase. Pero napatingin ako sa may tabi
kong upuan na may kadugtong na heart paint. Wala pa ring umuupo dito. Sa
pagkakaalam ko, wala naman talagang upuan sa may tabi ko. Nasa may corner kasi
ako.
“May absent ba ngayon, class?” Tanong ng adviser namin.
Sumagot naman ng wala ang mga classmates ko. Pero ako
naman nakakunot-noo habang nakatingin pa rin sa may tabi kong upuan. Eh sinong
uupo dito? Tumingin ako kay Ma’am at nakita kong nagsmile siya saken. Huh?
Anong nangyayari?
Lunch Break. [Hindi uso ang recess sa kanila. XD]
Hindi pa rin ako lumalabas dahil ang dami ko pang
kinokopyang lecture notes. Ang dami ko kasing namissed na class kaya kailangan
kong humabol.
Busy ako sa pagsusulat ng may naramdaman akong umupo sa
may katabi kong upuan. Nag-Hi ako at pinagpapatuloy pa rin yung pagsusulat.
Nagugutom nako e. XD
Hindi man nagsalita yung umupo. Bahala siya. He-he.
Nagsusulat pa rin ako ng may biglang tumapat sa mukha
ko….Isang notebook. ?_?
Tumingin na ako sa katabi ko…. Si GELO?!
Nakangiti siya saken.
“Hindi mo na kailangan kumopya.” :”>
“A-ah. Wala kasi akong kopya e. Malapit na naman ang
exam.” Kinuha niya yung notebook at saka binuksan toh.
Ito yung kinokopya ko e?
Inabot niya saken yung notebook at tiningnan ko naman
yung mga pages. Ito lahat yung kailangan kong kopyahin. Kumpletong-kumpleto.
In shock akong napatingin sakanya.
“A-ano toh? Kanino toh?” Nakatingin lang siya saken at
ngumiti.
“Alam ko kasing madaming kang hahabuling lessons kaya
pinagkopya na kita.” O_O
Sulat nga niya toh. Ang dami nito, may 20 pages din toh. Hindi ba siya nagalit nung hindi ko siya
kinausap nung binisita niya ako sa bahay?
“Salamat. Nakakahiya naman, may lecture notes ka rin ba?”
Tanong ko sakanya.
“Ah, syempre meron. *wink* Inspired yata ako e.” Mas lalo
akong napa-nganga. Edi ang dami niyang sinulat?
“Ang dami nito, Gelo. Bakit hindi ka na lang nagpa-xerox?
At saka kaya ko naman, naabala pa kita.”
“Wala yun, Zel.” Zell…
I smiled. Sobra sobra akong natutuwa.
“Salamat.”
Tinayo niya ako, means…..hinawakan niya ulit ang kamay ko. Ano ba. Kinikilig
ako. :”>
“No need ng magsulat ha? Tara lunch tayo.” Pumunta nga
kami sa may cafeteria. Holding hands. Kaya pinagtitinginan na naman kami. Pero
everytime na napapayuko ako sa kahihiyan lagi niya hinihigpitan ang hawak niya
saken at nginingitian ako. Kaya kahit papano nagiging confident ako kapag
kasama ko siya.
“Anong gusto mong lunch?” Dahil sa tanong niya….ngayon ko
lang naisip na…. Nakalimutan ko pa lang may baon ako for lunch.
“Nakalimutan ko yung baon ko, Sandali lang ha? Kukuhanin
ko lang yung lunch ko.” Tatayo sana ako nang…
“Ako na lang. Hintayin mo na lang ako, Zell ha?” Ayun,
kinilig na naman ako. XD
Hindi ko na lang pinapansin yung mga tumitingin samin.
Haaay—
May biglang sumagi ng upuan ko. Pero hindi naman ako
natumba. Mukhang yung sumagi pa saken ang nasaktan e.
“Sorry. Sorry Miss.” Nanlaki yung mata ko ng makita ko
si….RAIZA SHAO ALVAREZ.
“Ako dapat mag-sorry. May hinahabol kasi akong bata e.
Hehe. Oh, Hi Hazel!” Bati nito saken? Kilala niya ako?
“H-hello. Kilala mo ko?” Ngumiti siya saken at ngumiti
rin siya saken. Ang ganda niya. *O* Napaka-friendly pa.
“Oo naman.” Naka-ngiti pa rin siya saken at saka
hinawakan niya ang kamay ko at umupo ito sa may upuan sa harapan ko.
“Hazel….Please….Ingatan mo ang damdamin ni Gelo ha?” O_O,
“I trust you.” Sabi pa nito habang nakangiti siya….tuwang tuwa ito.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^