Monday, May 6, 2013

Kim Hyun Joong is my Boyfriend - Chapter 2


Long....

pale.....

and smooth.......

Iyan ang hitsura ng kinakain naming noodles ni Ria ngayon. Hehe. Akala niyo kung ano? Nakaget-over na kaya ako sa incident kahapon. Ikaw ba naman ang hindi makatulog buong gabi kakaisip. Dapat lang na makaget-over ako kaagad.
Medyo napapahiya na nga ako kapag naalala iyon. Hindi naman ako likas na manyakis. Duh. Erase mode na nga lang. At syempre hindi ko pa pala nasabi kay Ria ang nangyari sa airport kahapon kahit kinulit niya ako ng bongga kahapon. Mahirap na baka may pagnanasa pa talaga ang isang ito sa Hyun Joong na iyon. Gosh lang ha. Marami pa akong pangarap sa buhay. Ayoko pang matsugii ng wala sa oras. Sasabihin ko nalang in right time....pero pwede ring hwag na. Hihi. Akin nalang iyong nangyari kahapon. Hindi naman iyon gaano kahalaga.
Mas mahalaga ang araw na ito! Guess what kung anong meron? ^o^ Kaya maaga kaming kumakain ni Ria ng noodles ngayon iyon ay dahil may lakad kami. Pupunta kami sa fan signing ni Jung Il Woo. ANg galing nga 'eh. Exclusive fan signing lang iyon for 100 persons. Pakulo ng agency ni Il Woo. Maswerte nga kami at napasali kami ni Ria. Mabuti nalang talaga kami ang isa sa pinakaunang bumili ng Jung Il Woo collectibles. Ganoon talaga ang mga loyal. Ako lang pala kasi may Hyun Joong si Ria. Meron din naman akong mga crushes kagaya nina Kevin Woo, Kim Myung Soo at Jang Geun Suk pero mga flings lang ang mga iyan. Hohoho. ^o^ Puro talaga korean ang mga crushes ko. Ewan ko ba, hindi ako mabuhayan ng hasang kapag hindi eh. Ideal man ko yata ang mga kagaya nila. Siguro koreana ako nong past life ko. Siguro ako si Dongyi, o kaya si Jang Geum in the past. O baka naman si Mishil! Ayun nga sila na talaga ang mga crush ko pero may crushes din naman ako na hindi korean like Tamahome, Zero Kiryuu, Lawliet Ryuzaki. Eeer...hehe mga anime guys nga ang mga iyan. Bakit ba? Wala namang nakalagay sa Philippine Constitution na bawal magka-crush sa anime hindi ba? Eh sa sila ang mga first love ko. *o* 
Nakasakay na nga pala kami ng taxi ngayon ni Ria. We are fast, I know. Girls Scout yata kami. Teka, ma-check nga ulit ang mga gamit ko.

Make-up kit. Check.
Water. Check.
Handkercheif. Check.
Cp number. Check. Call me maybe. Haha!
Notebook. Check.
Ballpen. Check.
Gift. Check.
Marriage Licence. Check.

Dala ko na lahat! ^__^ Pero joke lang iyong nasa huli. Hindi ko iyon dala. Sayang nga eh. Nakalimutan ko pa. Next time na nga lang.
"Hoy anong tinatanga-tanga mo diyan?"
Tila nagising ako mula sa pag-iisip at napatingin kay Ria na nagsalita. Nasa labas na pala siya at pinameywangan ako. Napakamot ako sa ulo. Pati si manong driver nakatingin din sa akin. Haha.
"Nandito na pala tayo."
"Ay hindi wala pa. Imagination mo lang iyan. Nasa taxi pa tayo!"
"Che!" Ang sarap talagang sapakin ng isang ito.
"Bumaba ka na nga diyan."
"Howkey!" pero bago iyon ay binalingan ko muna sa manong driver. "Hey Ajjushii! I am very pretty right?"

(^___^"?? ----->manong
"I am pretty right?" ulit ko. "I think the prettiest passenger ever."
"OKE!" wika ni manong saka nagthumbs-up.
I just chuckled and went out.
"Lukaret lang?" bulong sakin ni Ria pagkatapos.
"Inspired lang sa Hello Stranger."
"Ang sabihin mo lukring you. Big NO iyan kay Il Woo. Sorry pero mukhang ako na ang pipiliin niya bakla. Walang K ang mga may saltik na kagaya mo. Don't worry invited ka naman sa kasal namin," at tumawa pa siya ng malakas. Napapatingin tuloy ang ibang tao sa kanya. Siya yata ang may saltik.
"Sorry to burst your bubble Ria pero ako lang ang pakakasalan niya."
"Oh sige ang unang makapasok siya ang makakatuluyan ni Il Woo," hamon ni Ria. Ang tinutukoy niya ay ang papasukan naming building kung saan gaganapin ang fan signing. Hindi ko na i-dedescribe kung gaano kataas. Baka malula din kayo.
"Game!"
Ayan mapatulan na nga ang kabaliwan ni Ria. Haha. Ganito talaga kami minsan.
"Okay one...two..."
"THREE!" sabay naming sigaw saka nag-uunahan papasok sa main entrance.
At dahil may ID na kami hindi na kami sinita ng guard. On the second thought masama pala ang tingin niya sa aming dalawa dahil nagwawala kaming dalawa sa harapan niya. Haha. Naghihilaan kasi kami ni Ria.
"Ako ang unang makakapasok diyan Kaye!"
"Dream on! Dream girls you!" at hinila ko ang buhok niyang naka-pony tail at inunahan na siya pagpasok. Daig ko pa ang nasa marathon sa tulin ng takbo ko papasok pagkatapos. Haha! Nilingon ko siya habang tumatakbo parin. Ang kawawang si Ria. Pinagsabihan ng guard. Mwahaha! "Paano ba iyan----aww!"
Nasapo ko ang noo ko dahil bumangga ako sa kung sinong nakasalabong ko. Aray. T_T Magkakabukol yata ako nito pero hindi naman ako pwedeng magreklamo. Ako kasi ang hindi nakatingin. O diba ganyan ako ka-reasonable na tao.
"You..."
Napatingin ako sa kanya. Oh well, nakasuot ng hooded jacket at shades. Nice. Hindi ko kita ang mukha. Ang tangkad naman ng taong ito.Tumama yata noo ko sa may balikat niya.
"Jwesonghamnida!" ako with matching deep bow.
"Small world huh."
Huh? Ano daw?
------------------------------------------------------------------------------
Note: Jwesonghamnida- I'm sorry pwede ding mianhe pero mas polite at formal kasing pakinggan ang Jwesonghamnida.





2 comments:

  1. waahhh! hula ko si Kim Hyun Joong yan :)) Ate, naadik din po ako kay Jung Il Woo ngayon ng napanood ko yung Flower Boy Ramyeon Shop. Haha. Hate na hate ko siya dati kasi ang panget niya sa The Moon that Embracing the Sun. Niyahaha.

    ReplyDelete
  2. Hahaha.. Napanood ko kasi siya before Moon Embracing eh kaya crush ko na siya dati pa. Napanood ko na siya noon sa Iljimae tapos doon sa 49 days a.k.a Pure Love saka My Fair Lady. Hahaha. Pero mas malakas talaga iyong dating niya sa Flower Boy. Hahahahaha.. Oo, ako na ang praning din sa kanya. XD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^