Tuesday, May 21, 2013

Jewel is the Beast [One-Shot]


Happy B-day Hannah Jewel!!!
A/N: Ito regalo ko sayo. Yong iba na di ko pa post. Sana wag kayong magtampo.. ipopost ko rin yon.



Jewel is the Beast
I’m a leech. Everybody knows it. Hindi ako tao. Hindi maamong hayop. Isa ako sa halimaw na kinamumuhihan ng lahat. Halimaw na sinumpa ng mundo. Walang karapatang mabuhay. Walang karapatang magtamo ng kalayaan. Subalit sa pagiging mapaglaro ng tadhana’y nalasap ko ang lahat ng iyon.

“Lumayas ka!”taboy ni Papa noong ika-18 na kaarawan ko. May 20, 1901,panahon ng amerikano sa pilipinas. Araw ng pagiging dalaga ko. Araw na sana’y di ko na makikita dahil nasa alanganin ang buhay ko. May malalang karamdaman ako,sakit na wala ng lunas subalit isang himala ang nangyari. Gumaling ako. Ang inaasahan nilang bumalik ako sa dati ay di ko nakuha. Nagbago ako, hindi isang normal. Isang.. “Bloodsucker!”

Natauhan ako ng tinulak ako ni Kylie palabas sa kwarto niya. Isang taon na akong nakikituloy rito pero tila pinapalayas niya na ako. Tao siya, isang di pangkaraniwang tao. She’s a psycho Goth. Mahal ang pag-e-enslave ng mga katulad ko.

“Bakit ba Kylie? Anong problema mo?”naiinis kong tanong sa kanya.

“Lumayas ka! Hindi na kita kailangan dito!”bulyaw niya.

“Alam kong nagbibiro ka lang.”sinubukan kong mag-calm down.

“Nagsinungaling ka sa akin at hindi kita mapapatawad!”sinundot niya ang dibdib ko. Wala akong maramdaman kahit mahaba pa ang kuku niya dahil sa patay ko ng katawan nan a preserve sa mahabang panahon.

Sumalpok ang kilay ko. Nagugulumihan. “Hindi! Wala akong ginawang masama sayo!”

“Jesus! You prove me that you’re a real daughter of devil,Jewel!”napasapo siya sa noo. “Alam kong pinatay mo ang girlfriend ni Flint!”

“Yeah,I’m a deadly gross leech but ni minsan di ko kayang pumatay!”

“Lair bitch!”

Uminit ang ulo ko at di ko sinasadyang tulakin siya.  Tumalsik siya at bumagsak sa dining table. “Kylie!”lumapit ako sa kanya. “I’m so sorry.”

“Stay away from me!”pinalo niya ang kamay ko ng sinubukan kong hawakan siya. “Tama si Tanya,kailanman di ako magtitiwala sa inyo! You’re undead bloodsucker! You’re not deserving to live!”

“Kylie.”

“Go away!”

Yumuko ako. “Kahit kalian di ko magagawang saktan kayong mga tao kahit ilang ulit niyo akong pagtabuyan. Kylie, hindi ako ang pumatay kay Laura. Apo siya ng bestfriend ko. Napamahal na rin siya sa akin.”sabi ko at kaagad na iniwan siya.

Bakit ba paulit-ulit na lang? Paulit-ulit kong naalala ang araw na tinaboy ako ni Papa.Ayoko na. Hindi ko sinasadya iyon. Lalong di ko gusto maging ganito. Isang undead na forever na lang maglalakad sa mundo. Ayoko na.

“Jewel?”narinig kong nagsalita si Flint. Umangat ako at nasalubong ang malungkutin niyang mukha.

“Patawarin mo ako Flint. Kahit kalian di ko magagawang saktan si Laura. Pareho ko kayong mahal. Hindi ako ang pumatay sa kanya.”usal ko.

“Jew,alam ko. Kahit isa ka pang nakakatakot. Alam kong di mo magagawa iyon.”tugon niya.
“Nitong umaga lang,tinaboy ako ni Kylie at pinagbintangan ako sa pagkamatay ni Laura. Ayoko ng mangyari ulit iyon. Hindi ko sinasadyang saktan si Kylie. Naitulak ko siya.” I sobbed.
Inakbayan ako ni Flint. Nanuyo ang lalamunan ko. Nakaramdam ng gutom. Nasa ugat niya ang pulang likidong inaasam ko pero pinipilit kong balewalain iyon. Ayoko na ulit makagawa ng matinding kasalanan matapos ang pangyayari sa huling araw na nakasama ko si Mama. Kinagat ko siya.

“Flint!”tinulak ko siya.

“Jew?”

“I’m sorry.”tinalikuran ko siya. “Mabuti pang magpalayo-layo muna ako.”

Pumasok ako sa eskinitang tahimik at madilim. Papasikat na ang araw at kailangan ko ng ligtas na lugar.

****
“Kael?” di ko makapaniwang tanong nang makita ang lalaking nakasuot ng itim sa ilalim ng buwan. Siya ang lalaking nakita ko noong 1901, sa kaarawan ko. Ang nagbigay ng rosas sa akin. Siya..siya ang kumagat sa akin.
“How are you my dear?”usal niya na binigyan ako ng evil smirk.
“Lumayo ka!”sigaw ko.
“Tsk,tsk,tsk..don’t be cold. Andito nga ako para punan yang kalungkutan mo.”pinipilit niyang magpa-sweet.
“Sana hinayaan mo na lang akong mamatay.”asik ko.

Nakuha niya pang tumawa ng mala-demonyo. “I truly love you my dear so I made you like me.”
“This is a cursed! Dinadamay mo pa ako!”

“You know what,hinahanap kita ng boung century tapos sinasabi mong sumpa iyan. Minamahal kita kaya pinagaling kita!”kinuha niya ang kanang kamay ko.

Napatiim-bagang ako.

“Bitawan mo ako!”I glared at him.

Tumawa lang siya na para bang siya ang hari ng mundo. Dumilim ang paningin ko. Gusto ko siyang sunugin. Siya ang may kagagawan sa pagkawala ng minamahal ko. Siya..salot siya!
“Sumama ka sa akin! Magtampisaw tao sa kaligayan ng immortality!”he kiss my hand.

“Hindi!”winaksi ko ang kamay ko. “Demonyo ka! Kailanman hindi ako sasama sayo. Mas pipiliin ko pang magpasunog sa araw kesa magdusa sayo!”

Tumigas ang ekspresiyon niya. Naging mabangis na hayop. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso. Isang hatak niya’y mapuputol ito.

“Akala ko makukuha na kita. Akala ko nagtagumapay na ako. ba’t ang tigas ng ulo mo? Pinatay ko na mga taong sumasagabal sa atin. Nilayo na kita sa bruhang kylie na yan tapos ito lang ang isasagot mo sa akin?”linapit niya ang bibig sa tenga ko. “Ginawa kitang bampira para magsama tayo habambuhay. Niligtas kita sa kamatayan. Nalimutan mong ito ang utang mo sa akin.”

“Pinatay mo si Laura para ipagtaboy ako ng pumoprotekta sa akin. Mautak ka kael pero kailanman di mo makukuha ang gusto mo at lalong di ko gusto na magkaroon ng utang sayo! Baliw ka! Isang demonyong sira-ulo na palaboy-laboy sa mundong walang kabuluhan!”

Sinakal niya ako. Ang higpit. Hindi ako makahinga. Sinubukan kong hatakin palayo ang kamay niya ngunit mas malakas siya sa akin. Marahil kakainom niya lang ng dugo. Hindi ko siya makakaya.

“I created you!”singhal niya. “Akin ka,Jewel!”
“Jewel!”nangangalumatang sumulpot si Flint sa likuran ni Kael.
“Flint,umalis ka rito!”sinubukan kong paalalahan siya pero lumalapit pa rin siya sa amin.
“Aha,marahil ang lalaking yan ang dahilan kaya ayaw mong sumama sa akin.”lumingon si Kael kay Flint habang mahigpit na hinahawakan ang panga ko.
“Huwag Kael! Wala siyang kinalaman dito!”I shouted.
“Sinungaling!”tinapon niya ako gamit ang isang kamay niya. Tumalsik ako sa windshield ng sasakyan. Nabasag iyon kasabay ng pagkahulog ko sa semento.
“Bampira.”narinig kong usal ni Flint. Nasa tuno niya ang takot. Ang tanga ko. Dinadala ko siya sa peligro. Bakit ko pa kasi sinasama siya rito. Hindi. Papatayin siya ni Kael. Kailangan ko siyang iligtas bago pa mahuli ang lahat.
“Layuan mo siya Kael!”sabi ko nang pinigilan ang siko ni Kael. Bumaling siya sa akin.
Tyempong tinutuk ni Flint ang baril sa amin.
“Yan ang sabi mong layuan ko? Uh-ha.”he snarled.
“Flint…please. Tumakbo ka na!”titig ko kay Flint. Umiling siya.
“Mga bampira kayo? Pinatay niyo si Laura.”tugon niya. “Pagbabayaran niyo iyon.”
“Flint..argh!”sinuntok ni Kael ang tyan ko dahilan para di ko mapigilan ang pag-atake niya kay Flint. Hinatak niya ito. Pinagsusuntok. Hanggang sa mapuno ng dugo ang mukha ni Flint. “Tama na Kael!”sinugod ko siya nang tinitikman niya ang dugo ni Flint.
Hinila ko ang kweylo niya. Sinuntok. Tinapon. Hinatak ulit. Sinuntok sa mukha. Nakakuha siya ng tyempo na iwasan ako. sinuntok niya ako sa tyan. Hinila sa buhok. Sinuntok sa mukha. Sinipa ko siya sa tyan. Tumalsik siya sa labi ng rubbish bins. Kinuyom ko ang magkabila kong kamay. Humakbang papalapit sa kanya. Bumangon siya na parang walang nangyari. Tumutulo na ang dugo sa mukha niya. Ganoon pa rin ang ekspresyon niya. Isang nakakasuklam na titig.
“ang tanga mo.”anas niya. Tumakbo siya at pinulot ang baril. Ang ayoko sa lahat ay ang pagtutuk niya ng baril kay Flint.
“Ngayon mamili ka!”he announce.
Umiling ako. kinuyog ng takot.
“Please..no!”I sobbed.
Ngumisi siya. “Ang sumama sa akin o ang kamatayan ng lalaking to?”
Nalilito siya. Hindi. Wala siyang pipiliin doon. Tumitig siya sa horizon. Papasikat na ang araw.
“Wala akong pipiliin!”pahayag niya. “Wala.”
“Uh-ha?”pinutok ni Kael ang baril. Tinamaan sa braso si Flint.
“No! Kael!”sinugod ko siya. Hinatiran ng suntok sa panga. “Wala kang karapatang saktan ang mga taong mahal ko.”
Sinuntok ko ulit ang mukha niya kaso nakaiwas siya. Na out of balance ako kaya nakuha niya ang kamay ko. Pinulupot niya para baliin. “Argh!”I moaned. Kaya ko ‘to! Siniko ko siya gamit ang isang kamay ko. Sinugod ko siya ulit nang binitawan ako.  Nahuli niya ang suntok ko at tinapik ako papalayo sa kanya. Nasubsub ako sa lupa.
“I’m sorry my dear.”bulong niya nang hinila ako paangat sa kanya.
I gritted. Napapansin kong papasikat na ang araw. “Bite me.”sabi ko sa matigas na ekspresyon.
He smirked. Mahigpit na ang pagkuyom ko ng kamay ko. Oras na para sipain siya. Kunting Segundo na lang sisikat na ang araw. Mamamatay ako..hindi siya dapat ang mamamatay. Sinipa ko siya. Tumalsik siya sa windshield ng sasakyan. Ito na nga ang araw, ini-steam ang balat ko. Maliksi akong lumapit kay Flint.at binuhat ko siya.
“Ligtas na tayo…”
“Hannah Jewel!”ingos ni Kael.
Lumingon ako kanya na kasalukuyang suma-suffer ng kamatayan.
“Thank you for creating me. Yeah, I’m Hannah Jewel and I’m the beast!”



2 comments:

  1. wow.... astig!! thank you, ate Phoebe ^_____^ ngayon ko lang napansin to kasi binabasa ko yung The Elite. Malapit ko na ring matapos eh :D

    ReplyDelete
  2. Ang cool ng story
    Medyo nanibago dahil malalim yung ibang words
    But I enjoyed reading it

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^