Happy B-day Hannah Jewel!!!
A/N: Ito regalo ko sayo. Yong iba na di ko pa post. Sana wag kayong magtampo.. ipopost ko rin yon.
I’m
a leech. Everybody knows it. Hindi ako tao. Hindi maamong hayop. Isa ako sa
halimaw na kinamumuhihan ng lahat. Halimaw na sinumpa ng mundo. Walang
karapatang mabuhay. Walang karapatang magtamo ng kalayaan. Subalit sa pagiging
mapaglaro ng tadhana’y nalasap ko ang lahat ng iyon.
“Lumayas
ka!”taboy ni Papa noong ika-18 na kaarawan ko. May 20, 1901,panahon ng
amerikano sa pilipinas. Araw ng pagiging dalaga ko. Araw na sana’y di ko na
makikita dahil nasa alanganin ang buhay ko. May malalang karamdaman ako,sakit
na wala ng lunas subalit isang himala ang nangyari. Gumaling ako. Ang inaasahan
nilang bumalik ako sa dati ay di ko nakuha. Nagbago ako, hindi isang normal.
Isang.. “Bloodsucker!”
Natauhan
ako ng tinulak ako ni Kylie palabas sa kwarto niya. Isang taon na akong
nakikituloy rito pero tila pinapalayas niya na ako. Tao siya, isang di
pangkaraniwang tao. She’s a psycho Goth. Mahal ang pag-e-enslave ng mga katulad
ko.
“Bakit
ba Kylie? Anong problema mo?”naiinis kong tanong sa kanya.
“Lumayas
ka! Hindi na kita kailangan dito!”bulyaw niya.
“Alam
kong nagbibiro ka lang.”sinubukan kong mag-calm down.
“Nagsinungaling
ka sa akin at hindi kita mapapatawad!”sinundot niya ang dibdib ko. Wala akong
maramdaman kahit mahaba pa ang kuku niya dahil sa patay ko ng katawan nan a
preserve sa mahabang panahon.
Sumalpok
ang kilay ko. Nagugulumihan. “Hindi! Wala akong ginawang masama sayo!”
“Jesus!
You prove me that you’re a real daughter of devil,Jewel!”napasapo siya sa noo.
“Alam kong pinatay mo ang girlfriend ni Flint!”
“Yeah,I’m
a deadly gross leech but ni minsan di ko kayang pumatay!”
“Lair
bitch!”
Uminit
ang ulo ko at di ko sinasadyang tulakin siya.
Tumalsik siya at bumagsak sa dining table. “Kylie!”lumapit ako sa kanya.
“I’m so sorry.”
“Stay
away from me!”pinalo niya ang kamay ko ng sinubukan kong hawakan siya. “Tama si
Tanya,kailanman di ako magtitiwala sa inyo! You’re undead bloodsucker! You’re
not deserving to live!”
“Kylie.”
“Go
away!”
Yumuko
ako. “Kahit kalian di ko magagawang saktan kayong mga tao kahit ilang ulit niyo
akong pagtabuyan. Kylie, hindi ako ang pumatay kay Laura. Apo siya ng
bestfriend ko. Napamahal na rin siya sa akin.”sabi ko at kaagad na iniwan siya.
Bakit
ba paulit-ulit na lang? Paulit-ulit kong naalala ang araw na tinaboy ako ni
Papa.Ayoko na. Hindi ko sinasadya iyon. Lalong di ko gusto maging ganito. Isang
undead na forever na lang maglalakad sa mundo. Ayoko na.
“Jewel?”narinig
kong nagsalita si Flint. Umangat ako at nasalubong ang malungkutin niyang
mukha.
“Patawarin
mo ako Flint. Kahit kalian di ko magagawang saktan si Laura. Pareho ko kayong
mahal. Hindi ako ang pumatay sa kanya.”usal ko.
“Jew,alam
ko. Kahit isa ka pang nakakatakot. Alam kong di mo magagawa iyon.”tugon niya.
“Nitong
umaga lang,tinaboy ako ni Kylie at pinagbintangan ako sa pagkamatay ni Laura.
Ayoko ng mangyari ulit iyon. Hindi ko sinasadyang saktan si Kylie. Naitulak ko
siya.” I sobbed.
Inakbayan
ako ni Flint. Nanuyo ang lalamunan ko. Nakaramdam ng gutom. Nasa ugat niya ang
pulang likidong inaasam ko pero pinipilit kong balewalain iyon. Ayoko na ulit
makagawa ng matinding kasalanan matapos ang pangyayari sa huling araw na
nakasama ko si Mama. Kinagat ko siya.
“Flint!”tinulak
ko siya.
“Jew?”
“I’m
sorry.”tinalikuran ko siya. “Mabuti pang magpalayo-layo muna ako.”
Pumasok
ako sa eskinitang tahimik at madilim. Papasikat na ang araw at kailangan ko ng
ligtas na lugar.
****
“Kael?” di ko makapaniwang tanong nang makita
ang lalaking nakasuot ng itim sa ilalim ng buwan. Siya ang lalaking nakita ko
noong 1901, sa kaarawan ko. Ang nagbigay ng rosas sa akin. Siya..siya ang
kumagat sa akin.
“How are you my dear?”usal niya na binigyan
ako ng evil smirk.
“Lumayo ka!”sigaw ko.
“Tsk,tsk,tsk..don’t be cold. Andito nga ako
para punan yang kalungkutan mo.”pinipilit niyang magpa-sweet.
“Sana hinayaan mo na lang akong mamatay.”asik
ko.
Nakuha niya pang tumawa ng mala-demonyo. “I
truly love you my dear so I made you like me.”
“This is a cursed! Dinadamay mo pa ako!”
“You know what,hinahanap kita ng boung
century tapos sinasabi mong sumpa iyan. Minamahal kita kaya pinagaling kita!”kinuha
niya ang kanang kamay ko.
Napatiim-bagang ako.
“Bitawan mo ako!”I glared at him.
Tumawa lang siya na para bang siya ang hari
ng mundo. Dumilim ang paningin ko. Gusto ko siyang sunugin. Siya ang may
kagagawan sa pagkawala ng minamahal ko. Siya..salot siya!
“Sumama ka sa akin! Magtampisaw tao sa
kaligayan ng immortality!”he kiss my hand.
“Hindi!”winaksi ko ang kamay ko. “Demonyo ka!
Kailanman hindi ako sasama sayo. Mas pipiliin ko pang magpasunog sa araw kesa
magdusa sayo!”
Tumigas ang ekspresiyon niya. Naging mabangis
na hayop. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso. Isang hatak niya’y mapuputol
ito.
“Akala ko makukuha na kita. Akala ko
nagtagumapay na ako. ba’t ang tigas ng ulo mo? Pinatay ko na mga taong
sumasagabal sa atin. Nilayo na kita sa bruhang kylie na yan tapos ito lang ang
isasagot mo sa akin?”linapit niya ang bibig sa tenga ko. “Ginawa kitang bampira
para magsama tayo habambuhay. Niligtas kita sa kamatayan. Nalimutan mong ito
ang utang mo sa akin.”
“Pinatay mo si Laura para ipagtaboy ako ng
pumoprotekta sa akin. Mautak ka kael pero kailanman di mo makukuha ang gusto mo
at lalong di ko gusto na magkaroon ng utang sayo! Baliw ka! Isang demonyong
sira-ulo na palaboy-laboy sa mundong walang kabuluhan!”
Sinakal niya ako. Ang higpit. Hindi ako
makahinga. Sinubukan kong hatakin palayo ang kamay niya ngunit mas malakas siya
sa akin. Marahil kakainom niya lang ng dugo. Hindi ko siya makakaya.
“I created you!”singhal niya. “Akin
ka,Jewel!”
“Jewel!”nangangalumatang sumulpot si Flint sa
likuran ni Kael.
“Flint,umalis ka rito!”sinubukan kong
paalalahan siya pero lumalapit pa rin siya sa amin.
“Aha,marahil ang lalaking yan ang dahilan
kaya ayaw mong sumama sa akin.”lumingon si Kael kay Flint habang mahigpit na
hinahawakan ang panga ko.
“Huwag Kael! Wala siyang kinalaman dito!”I
shouted.
“Sinungaling!”tinapon niya ako gamit ang isang
kamay niya. Tumalsik ako sa windshield ng sasakyan. Nabasag iyon kasabay ng
pagkahulog ko sa semento.
“Bampira.”narinig kong usal ni Flint. Nasa
tuno niya ang takot. Ang tanga ko. Dinadala ko siya sa peligro. Bakit ko pa
kasi sinasama siya rito. Hindi. Papatayin siya ni Kael. Kailangan ko siyang
iligtas bago pa mahuli ang lahat.
“Layuan mo siya Kael!”sabi ko nang pinigilan
ang siko ni Kael. Bumaling siya sa akin.
Tyempong tinutuk ni Flint ang baril sa amin.
“Yan ang sabi mong layuan ko? Uh-ha.”he snarled.
“Flint…please. Tumakbo ka na!”titig ko kay
Flint. Umiling siya.
“Mga bampira kayo? Pinatay niyo si
Laura.”tugon niya. “Pagbabayaran niyo iyon.”
“Flint..argh!”sinuntok ni Kael ang tyan ko
dahilan para di ko mapigilan ang pag-atake niya kay Flint. Hinatak niya ito.
Pinagsusuntok. Hanggang sa mapuno ng dugo ang mukha ni Flint. “Tama na
Kael!”sinugod ko siya nang tinitikman niya ang dugo ni Flint.
Hinila ko ang kweylo niya. Sinuntok. Tinapon.
Hinatak ulit. Sinuntok sa mukha. Nakakuha siya ng tyempo na iwasan ako.
sinuntok niya ako sa tyan. Hinila sa buhok. Sinuntok sa mukha. Sinipa ko siya
sa tyan. Tumalsik siya sa labi ng rubbish bins. Kinuyom ko ang magkabila kong
kamay. Humakbang papalapit sa kanya. Bumangon siya na parang walang nangyari.
Tumutulo na ang dugo sa mukha niya. Ganoon pa rin ang ekspresyon niya. Isang
nakakasuklam na titig.
“ang tanga mo.”anas niya. Tumakbo siya at
pinulot ang baril. Ang ayoko sa lahat ay ang pagtutuk niya ng baril kay Flint.
“Ngayon mamili ka!”he announce.
Umiling ako. kinuyog ng takot.
“Please..no!”I sobbed.
Ngumisi siya. “Ang sumama sa akin o ang
kamatayan ng lalaking to?”
Nalilito siya. Hindi. Wala siyang pipiliin
doon. Tumitig siya sa horizon. Papasikat na ang araw.
“Wala akong pipiliin!”pahayag niya. “Wala.”
“Uh-ha?”pinutok ni Kael ang baril. Tinamaan
sa braso si Flint.
“No! Kael!”sinugod ko siya. Hinatiran ng
suntok sa panga. “Wala kang karapatang saktan ang mga taong mahal ko.”
Sinuntok ko ulit ang mukha niya kaso nakaiwas
siya. Na out of balance ako kaya nakuha niya ang kamay ko. Pinulupot niya para
baliin. “Argh!”I moaned. Kaya ko ‘to! Siniko ko siya gamit ang isang kamay ko.
Sinugod ko siya ulit nang binitawan ako.
Nahuli niya ang suntok ko at tinapik ako papalayo sa kanya. Nasubsub ako
sa lupa.
“I’m sorry my dear.”bulong niya nang hinila
ako paangat sa kanya.
I gritted. Napapansin kong papasikat na ang
araw. “Bite me.”sabi ko sa matigas na ekspresyon.
He smirked. Mahigpit na ang pagkuyom ko ng
kamay ko. Oras na para sipain siya. Kunting Segundo na lang sisikat na ang
araw. Mamamatay ako..hindi siya dapat ang mamamatay. Sinipa ko siya. Tumalsik
siya sa windshield ng sasakyan. Ito na nga ang araw, ini-steam ang balat ko.
Maliksi akong lumapit kay Flint.at binuhat ko siya.
“Ligtas na tayo…”
“Hannah Jewel!”ingos ni Kael.
“Thank you for creating me. Yeah, I’m Hannah
Jewel and I’m the beast!”
wow.... astig!! thank you, ate Phoebe ^_____^ ngayon ko lang napansin to kasi binabasa ko yung The Elite. Malapit ko na ring matapos eh :D
ReplyDeleteAng cool ng story
ReplyDeleteMedyo nanibago dahil malalim yung ibang words
But I enjoyed reading it