Thursday, May 30, 2013

Friends Zone : Chapter 31

  [ After Four Years…]


"It's never nice when you forget things you're supposed to remember.
But it feels worse when you remember things you're supposed to forget."





[Jeirick’s POV]


It’s been four years...


Ang dami na ding nangyari. Sa akin at sa barkada.


Masasakit na memories…pero meron din namang happy moments na dapat icherish..


Graduate na ako at ngayon nga ay pinamamahalaan na ang company na ibinigay sakin ng parents ko. Although may supervision parin naman ni daddy. Hindi na rin ako sa bahay nakatira. Ang laki kasi masyado nung bahay para sakin. Bumili ako ng sarili kong condo. Magmula ng umalis sina Mommy at Jhonah ni minsan hindi na sila bumalik dito.. ako nalang ang dumadalaw sa kanila sa Japan. Ang bait nila noh? Iniwan na talaga ako.


Ang barkada naman ayun magulo pa din. Parang walang pinagbago. Sabagay napakabilis na panahon ang apat taon.


Parang kelan lang.


Bukod tanging si Marky nalang ang nag-aaral sa amin. Paano ba naman kasi medicine ang course niya eh sampung taong pag-aaral yun. Sana hindi siya mabaliw kakaaral…Pero malapit na din naman siyang matapos eh.


Ay meron pa pala…si Paul…itinuloy niya kasi diba sa Law ang course niyang Political Science. Mukhang nagkakaroon na ng direksyon ang buhay nun… malapit na ding grumaduate… sa pagkakaalam ko nga nagrereview na yun para sa Bar exam niya eh.


Teka nga..dapat ko pa ba silang isa-isahin? Malalaki na sila eh..kaya na nilang ikwento ang nangyari sa buhay nila.


Pero dahil wala akong ginagawa dahil weekend ngayon eh sige magkukwento nalang ako.


Pero bago yun….


*Ding Dong*


Tunog ng doorbell ko yun ah hindi si Ding Dong ni Marian…wala akong pakialam dun.


Sino naman kayang istorbo ito sa pagmumuni-muni ko?


Matignan na nga lang.


Lumabas ako ng kwarto para tignan kung sinong nagdoorbell. Isa lang naman ang kwarto dito sa condo ko.


Kasi isa lang naman ako. Gusto mo sumama? Lagot ka nga lang sa girlfriend ko..hehe.


“Jeirick!!!!!” pagbukas ko ang mukha ng mga barkada ko ang nasa labas ng pinto. Balak ko pa ngang isara eh kaso naagapan ni Laxus.


Akala ko pa naman matatahimik na ang buhay ko. Kaso mukhang malabo.


“Anong ginagawa niyo dito?” tanong ko sa kanila na akala mo mga feel at home na pumasok na sa condo ko.


“Nakakatamad eh walang pasok” sagot ni Paul at ibinato kay Laxus ang naupuang throw pillow.


Ibinalik naman ito ng bato ni Laxus. Balak pa yatang magkaroon ng pillow fight ng mga ito. Itinabi ko na ang mga kawawang unan ko at baka marape ng wala sa oras.


“Nagpapanggap ka lang naman eh” sabi naman ni Earl.


Speaking of Earl…


Naupo nalang ako sa may stool na malapit sa kusina. Tanaw ko naman sila eh.


Parang mga batang ngayon lang ulit nagkita-kita. Sabagay naging busy na din kasi ang bawat isa sa amin kaya bihira na talaga kaming magkita-kita.


Ayun nga…si Earl na ngayon ay nakahalukip-kip ay may girlfriend na. Oo may girlfriend na siya..pero hindi si Jhonah. Isang model ang girlfriend ngayon ni Earl. Maganda siya actually pero hindi ko siya feel.


Ampotek parang bakla lang eh.


Ewan ko ba…basta nung nakilala ko yung girl na yun may something sa kanya na hindi ko maipaliwanag….or sadyang nagiging bias lang ako dahil kapatid ko si Jhonah…


Hindi rin naman namin alam kung paano sila nagkakilala nung girl na sa pagkakalam ko eh Aiesha yata ang name… hindi naman kasi nagkukuwento si Earl. Pero ang alam ko eh wala pa silang isang taon… bago palang…


Siguro nagtataka kayo kung bakit nadamay si Jhonah? Akala niyo ba sila ang magkakatuluyan? Well… akala ko din eh… Sabagay… four years was long enough…sa pagkakatanda ko nun after naming mag-usap-usap nun na inamin niya samin na may gusto siya kay Jhonah eh sinundan niya yung kapatid ko sa Japan kaso after a week bumalik din siya dito at sinabi nga samin na ipinagtabuyan siya ng kapatid ko.. well what do I expect.. si Jhonah yun eh..haha.. expect the unexpected nalang dapat… pero sayang talaga silang dalawa.


“Tol wala ka bang pagkain dito?”


Si Gray naman na ngayon eh nireraid na ang laman ng ref ko eh isa na sa pinakasikat na artista ngayon.


Nung college kasi sila eh may nakadiscover dyan na talent scout..ayun ginawang artista…I think that was two years ago…gwapo naman kasi talaga eh…pero kahit super sikat na yan ngayon eh para pa ding bata yan kapag kami ang kasama. Ngayon nga eh may nakasalpak na chocolate sa bibig at may hawak pang gatas…. Naturingang isa sa matinee idol ng bansa… Hay naku! Wala pa ding girlfriend yan…ewan ko ba kung bakit… hindi naman bakla… siguro dahil na din sa nature of work niya…pero kahit sikat na artista na yan tinapos pa din niya yung pag-aaral niya.


“Hoy Richelle..bakit nga pala nandito ka ngayon? Wala ka bang gyerang pinuntahan?” narinig kong tanong ni Laxus kaya napatingin naman ako sa mga ito.


Richelle now is a striving photojournalist.


Pero kakaiba ang trip ng babaeng yan. Mas gusto niya yung laging sumasabak sa panganib. Ayaw niya ng tahimik na buhay. Gusto yung laging parang nakikipaghabulan kay kamatayan….mas lumala pa nga yata yung pagiging adventurous niyan nung naghiwalay sila ni Trace eh…minsan sa pumuputok na bulkan, sa gyera sa Mindanao…sa mga nagrarally…yun ang mga trip niyang kuhanan ng litrato…


Bokya man ang lovelife niyan ni Richelle…successful naman iyan sa career niya… sikat na eh… di nga lang halata..haha.


“Hay naku sapilitan akong pinagbakasyon ng boss ko” nakasimangot na sagot nito at inirapan si Earl. Who happens to be her boss… astig diba? Sinusungitan lang niya yung boss niya.


Binalingan naman ni Laxus si Earl.


“Tol, kelan mo naman balak sesantihin si Richelle?” tanong nito na ikinatawa ko.


“Oy wag ka namang ganyan” saway ni Paul at binalingan si Earl “Earl..kelan mo sisesantihin si Richelle?”


“Isa ka pa eh ang sasama niyong kaibigan…Earl kelan mo nga ba siya sesesantihin?” tanong din ni Regine.


Napalakas ang tawa ko ng sumimangot si Richelle at pinagbabato ng boy bawang ang mga ito. Hindi ko alam kung saan galing ang boy bawang na yun. Basta nakita ko lang sa mesa nila. Dala siguro ni Richelle.


“Everybody needs a break. Ayokong mawalan ng magaling na empleyado…saka hindi ko pwedeng sisentahin si Richelle dahil I’m sure nakaisip na iyan ng paraan para hindi ko siya sisentahin….baka bumagsak ang kumpanya ko” sagot naman ni Earl.


Ang kumpanya kasi ni Earl na siyang pinagtatrababuhan ni Richelle ay isa sa pinakasikat na newspaper publication sa bansa. Minana pa niya ito sa mga magulang niya eh.


“Oo nga tol..balita ko pa naman nagtanim na ng bomba iyan si Richelle sa building niyo” biro ni Paul. “Basta kung kailangan mo ng abogado para ipakulong si Richelle nandito lang ako. Bibigyan kita ng discount”


“Mga sira-ulo talaga kayo”


Hindi ko alam kung ano ang tunay na nararamdaman ni Richelle pero mukhang okay na naman siya eh…


Si Quincy naman na ngayon eh busy sa pagtetext eh tanggap na din naman ng barkada. Pero madalas pa din silang magclash nina Demi at Richelle…pero ganun talaga ang mga babae eh…although medyo nabawasan na din naman ang pagiging maldita ni Quincy… after ng issue sa kanila ng daddy niya eh umuwi na din ng Pilipinas ang mommy niya kaya dito na sila tumira… sa pagkakaalam ko nililigawan nga ni Marky yang si Quincy eh…di ko lang sure ah. Di naman ako tsismoso eh.


Si Jiyeon naman eh nag-aaral na din pala. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral niya sa college. Graduating na nga siya this year. Medyo war mode padin silang dalawa ni Laxus. Ewan ko ba kung bakit.


Si Laxus naman…wag na..wag na nating ikento yun panggulo lang yun sa kwento eh.. hahaha.. joke lang…si Laxus may banda iyan…drummer siya ng banda nila… infairness ah sikat yung banda nilang Cosmets…saka madaming fans yan…di lang halata..hahaha…


Alam niyo ba kung anong nangyare after ng inuman session namin noon? Ayun.. ang lakas ng loob magreklamong na-Friend Zone daw siya pero di na rin naman niya pinursue ang panliligaw kay Richelle… kuntento na daw siya na nakakasama niya si Iche… at minamahal ng palihim.. paninindigan na lang daw niya na maging “bestfriend” ni Iche.. adik talaga… ewan ko sa kanya. Choice niya yun eh.


Ayan napapagod na akong magkwento..hayaan na lang natin yung iba…sila na magkwento sa buhay nila…


Ay teka meron pa pala.. syempre yung pinakamamahal kong girlfriend..hindi ko pwedeng kalimutan yun at baka hiwalayan ako bigla..hehe… ayun kami pa din naman ni Demi.. saka nagkaayos na din pala sila ng parents niya… nung birthday kasi ni Demi three years ago kinausap ko ang parents niya at inexplain ko ang nararamdaman ng girlfriend ko… ayun nagkaayos sila… saka nagtatrabaho na si Demi sa isang malaking clothing company…masyado pa daw siyang bata para pamahalaan ang business ng parents niya kaya she wants to have an experience outside her “comfort zone” .. oh diba? Ang matured na ng girlfriend ko… about sa kasal? Wala pa naman kaming napag-uusapan.


“Hey guys..check this out…may email from Jhonah” tawag pansin samin ni Laxus habang nakatingin sa Ipad niya.. nag-iinternet siguro. Lumapit naman kami rito. “ Teka nga..wag niyo akong siksikin” angal nito. Ang arte lang ah.


“Basahin mo na kasi” pangungulit ni Yesha.


Oh.. nandito pala si Yesha..hehe…ang tahimik kasi eh.


“eto na nga eh…excited? May lakad ka?” inopen nito ang email. “Ay video pala siya” sira talaga ito…paanong naging email ang video? Adik lang. “ ikabit mo ito sa TV mo Jeirick para makita nating lahat” utusan daw ba ako sa sarili kong bahay? binuksan ko ang TV at ikinabit yung Ipad niya para dun iplay yung video.


Lahat kami nakaupo at nakatutok sa Tv yung iba sa amin sa sahig na naupo.


Jhonah’s Video now loading…


“Oh ayan na siya” sabi ni Quincy


“Sssssshhhhhh!!!!” saway naming lahat


“Sorry naman”


[Jhonah’s Video now playing]


“Hi guys…kumusta? Oh diba sosyal ako may pavideo-video pang nalalaman.. hehe.. anyways…namiss ko kayo guys ng marami… kaya pala ako nag send ng video eh para sabihin sa inyong uuwi na ako..yes!!! I’m coming home to the place where I belong… aha.. adik lang… kaya maghanda na kayo ah… kasi pagbalik ko eh mag-a-outing tayo… since karamihan sa atin eh Aprilians ….meaning may birthday ngayong March…adik lang?? syempre may birthday ng April…ako, si kuya Jeirick, si Paul, si Yesha at si Paul ulit…dahil ayon sa pagkakatanda ko eh anniversary nila ni Regine…kaya dapat mas malaki yung share ni Paul…hahaha…mayaman ka naman kaya okay lang yan…saka Valentines Day na dyan next week diba? Dyan lang kasi dito hindi uso ang Valentines eh.. haha..ang inaabangan ng mga girls dito White Day kasi pwede silang magtapat sa mga crush nila nun eh…anyways back to topic… so kapag outing ibig sabihin swimming…so saan tayo magswimming?? Saan pa eh di sa Laguna…hoy! Wag kayong mga choosy ah maraming magandang private pools sa Laguna…ayon na din sa internet…wag na kayong mag-Boracay..ayoko ng beach…nagsasawa ako sa beach dito sa Japan… negneg na nga ako eh..haha…so ayun nga…dun nalang tayo sa Laguna… private pool basta may Hotspring…it will be beneficial para sa mga matatandang nirarayuma na dyan…and to those people na hindi sanay maligo kaya ginawin…bwahahaha…kilala niyo kung sino kayo..ang alam ko eh marami namang kumakaway-kaway dun sa tabi-tabi..sundan nalang natin sila… Regarding sa food natin…pwedeng sagutin ko nalang siya kaso nakakahiya naman sakin diba kung ako lahat kaya magdala na din kayo ng pagkain natin…APRILIANS… mag-ambag kayo para sa pagkain..wag kayong mga kuripot!!!! Balita ko lahat kayo may mga trabaho na eh… except kay Jiyeon… hi Jiyeon kumusta ka na??? inaaway ka pa din ba ni Laxus??? Bugbugin mo kapag inaway ka..haha…Back to topic ulit… ayun nga.. regarding sa food…pwedeng dun nalang magluto kung masipag kayo…andyan naman si Regine eh…bestfriend ikaw magluto ah??? Sa transportation naman magconvoy nalang tayo…and base sa aking latest inventory ng mga sasakyan niyo eh in super duper good running condition yung mitsubishi adventure with plate number ZRT 387 ni kuya Jeirick oh diba kabisado ko pa ang plate number mo?  At sa pagkakaalam ko din, yung BMW ni Earl pwedeng gamitin din… yun eh kung sasama ba siya..hehe…may pinaghuhugutan lang?? Pwede din yung Nissan ni Regine na cute na cute sa pagkapink…wag lang mag-ooverheat saka wag siya ang magmamaneho dahil maliligaw tayo for sure…, yung Nissan na kulay berde-asul na nakatambay lang sa bahay pwede din nating dalhin wag lang uulan ng malakas kasi di gagana ung wiper, yung baby kong si Portia ewan ko lang kung naisasara na yung bintana,hoy Paul ipinaayos mo na ba yun ha? Iniwan ko lang dyan minurder niyo na yung kotse ko… yung toyota ni Richelle na nagsusumigaw sa pagka-pula pwede din..wag lang sana mag-drift yung driver nito na kaskasera, yung toyota altis ni Laxus na nalubog daw sa baha pwede ng pagtyagaan wag lang mauubusan ng tubig ang radiator… palitan mo na nga yun Laxus.. kuripot ka talaga..hehe…at yung toyota camry ni Demi na kulay itim kung sasama at papayag yung may-ari… ate Demi sama ka ha? Naks! Ate talaga.. sabi ni kuya kasi dapat daw masanay na akong tawagin kang ate…kahit mas matanda ako sayo…Pwede rin pala ride for 2 sa motor na kulay orange ni Marky..astig yung kulay nun nakakasilaw… haha… ipahihiram ko na lang yung hard hat at safety goggles ko dun sa backride niya yung ginagamit ng mga construction workers... oh ayan di ba? Madami tayong pwedeng magamit na sasakyan kaya wala na kayong reason para tumanggi… kung kulang pa iyan itakas natin yung mga sasakyan sa car show…si Gray na bahala dun..kaw na bahala sa mga endorsements mo..so okay na tayo? Nagkalinawan ba? Bahala na kayong mag-usap-usap regarding sa sasakyan ah…sige tatawagan ko nalang kayo kung kelan ang uwe ko..pero more or less baka next week na…kaya aabot pa ako sa Valentines Day…regalo ko boys ah..hehe…hinihintay ko pa yung plane ticket ko eh..sayonara mina-san…P.S. Richelle…nakita ko si Trace dito nung nakaraang lingo.. pinuntahan at kinausap niya ako…Mahal ka pa rin daw niya at break na sila nung hipon matagal na.. it’s all up to you kung maniniwala ka..pero infairness mas gumuwapo yung kumag na lalaking iyon…iyon lang…bye bye!!!”


Iyon lang at natapos na yung video na ipinadala niya. Ewan ko ba pero after ng video eh sabay-sabay kaming tumawa lahat….yung tawang walang bukas.


“Luka-luka talaga iyon si Jhonah hanggang ngayon..wala pa ding pinagbago” mangiyak-ngiyak sa kakatawang komento ni Marky.


“Aray ko…sumakit yata yung tyan ko” tumatawang sabi din ni Gray habang sapo-sapo ang tyan.


“Looks like wala na talaga tayong choice para tumanggi ah” sabi naman ni Laxus


“Kapag tumanggi tayo lagot tayo sa kanya” dugtong naman ni Paul.


“Hay nakakamiss si Jhonah..cant wait to see her again”


“Next week naman daw uuwe na siya.”


“See you next week guys…magsipagleave na kayo sa work niyo..mga one week kasi ngayong darating na ang kapatid ko…magyayaya iyang mag-gala-gala… four years ba naman ang lumipas eh” sabi ko sa kanila.


“Yeah you’re right” sang-ayon ng lahat.


“Ano na kayang hitsura nung babaeng yun.? Boyish pa din ba? Pero dun sa Video mukhang babae na siya eh” curious na tanong ni Regine.


“Hay naku that’s for you to find out guys.. dahil maski ako nagulat nung nakita ko yung kapatid ko.. para siyang sinapian ng ibang espirito” tumatawang sagot ko naman.


“Bakit naman?”


“Basta abangan niyo nalang”


***

[Richelle’s POV]


Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Jhonah sa ipinadala niyang video.


P.S. Richelle…nakita ko si Trace dito nung nakaraang lingo.. pinuntahan at kinausap niya ako…Mahal ka pa rin daw niya at break na sila nung hipon matagal na.. it’s all up to you kung maniniwala ka..pero infairness mas gumuwapo yung kumag na lalaking iyon


“Psst! Tahimik ka yata? Wag mong sabihing naiinis ka pa din dahil pinagleave ka ni Earl?...ikaw lang yata ang taong ayaw na ayaw ng walang trabaho eh.. kakaiba ka talaga.. imba ka!” tanong sakin ni Laxus.


“Ha? Hindi may naisip lang ako”


“Ano yun?”


“Wala”


Napabuntong-hininga muna si Laxus bago sumagot.


“Si Trace pa rin ba?” tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.


“Hindi ko alam kung anong gusto mong palabasin sa mga tanong mo Laxus” kaila ko.


“Hay naku sabi mo eh.. tara na nga dun..kumain ka na muna. Uubusan ka na nila ng pagkain” at inakay…este hinila pala niya ako patungo sa kusina ng condo ni Jeirick.


Ewan.. saka ko na nga pag-aaksayahan ng panahong isipin yun. Si Jhonah kasi eh.. umalis na nga’t lahat lahat pinapagulo pa din ang utak ko.

4 comments:

  1. Naku naka-leave na ako ngayon, baka next week hindi na ako payagan ng BOSS ko... potek... magkakaron talaga ng gyera, pero ako naman ang kailangan ma-picture-an kasi ako ang sanh ng gyera...

    grabe, isa kang alamat jhona, ang galing mong mag-plano ng bakasyon, can you teach me how? hahaha...


    hindi ko na mahintay yung mga susunod na updates.. for sure more on laughter ang mangyayari, magsasama-sama na naman lahat ng imba sa pinas...ahahaha...


    pressy, update pa, phuleeeaaasssseee.....



    ~QueenRichelle~

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. kalma sis.. nahukay ko pa sa baul yang update na yan eh..wala pang energy ang utak ko ngayon..ang dami kong pending eh haha..

      naks naman! salamat ng madami queeny...hahaha

      Delete
  2. nkkAinis,,, cNo uNg gF ni eArL,,, pReho kMi ni JeiEick n biAs kEi jhOnah,,, hwaHehE,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay yung story mo nicole di ko pa naipopost hehe

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^