Saturday, April 27, 2013

That Girl Change Me : Chapter 2



Aielle's P.O.V



After 3 subject. Ayun break na, yung iba dito na rin nagstay sa room, yung iba bumili sa canteen pero dito din sila kumain. 1 hour yung break naming, astig no? ang haba . kaya ayun kwentuhan muna kami ni Mae, tapos pinakilala nya na din ako sa iba naming classmate na nandun.


“aielle, siya nga pala si Bea” pakilala ya dun sa magandang babaeng nasa may unahan.”tapos eto si Hikari, may lahing Japanese yan.” Mukha nga ang cute nya ee, mukha siyang doll “tapos si Richelle ang top 1 namin, si Aiesha ang pinakaactive, lahat na ata ng program sinasalihan nya kasama nya si  Elysse,  si Allison at si Demi yang dalawang yan ang pinakamagaling sa math kaya pag nahihirapan ka sa math lapit ka lang sa dalawang yan. At syempre ang most talkative sa lahat si Ixsha, actually dalawa kaming nagaagawan sa pwestong yun. haha.” “at yung mga boys namin, si Renz, chickboy yan pati si Kieve, tapos si kenji, si Renji, kakambal yan ni Kenji, di lang halata. At syempre ang 4 J’s sina Justin, Jordan, Josh at Jason.” Ang gaganda at gwapo nila.. nakakatuwa din ang friendly nilang lahat. Lahat sila ginreet ako except kay.. “at yun si Adrian. Pinakapopular sa mga boys natin dito. ”tiningnan nya lang ako at tumungo at isunubsob na nya yung mukha nya sa desk.


“bat mukhang badtrip yata siya?” bulong ko kay Mae, “ganyan talaga yan. Wala masyadong kinakausap yan dito, mula pa nung first year kami, ganyan na yan.”

“ah.. ganun ba?”

“oi Mae, kanina mo pa dinadaldal yang si Aielle, baka nagugutom na yan.”biro ni Hikari.

“di naman, sige punta ka na sa canteen. Kain ka na, baka ako pa sisihin ng mga to pag nagutom ka.”

“ha? Ee, ikaw?”

“may baon ako, alam mo na tipid tipid,” sagot nya.

“syempre nagiipon, nagiipon pang date.” Asar ni Ixsha kay Mae.

“Che !” haha nakakaaliw sila, parang super close sila, sabagay matagal na silang magkakaklase ee,

“sige punta na ko sa canteen. Bibili lang ako.”

Tas pumunta na ko sa canteen. Ang laki ng canteen nila super. Naglalakad na ako papasok ng --

“aish ! anu ba? Bat di ka tumitingin sa dinadaanan mo?! Nabasa tuloy ako” sigaw sa akin nung babaeng nabangga ko.

“sorry hindi ko talaga sinasadya.”

“ sorry? Anung magagawa ng sorry mo? Nabasa na ako at natapunan na ako ?” tapos tinulak nya ako na naging dahilan kung bakit napaupo ako. Tapos naglakad siya papalapit sa akin kaso natalisod siya dahil sa wallet ko, nabitawan ko kasi nung tinulak nya ako.

“talagang sinusubukan mo ako ah. Ngayon pinatid mo pa ako?” pinatid ? ee hindi nga ako nagalaw dito sa pagkakatulak nya sa akin.

“hindi kita pinataid talagang natalisod ka lang” sagot ko, na mukhang di nya nagustuhan ..

“ah ganun, then take this.” Sasampalin na dapat nya ako, kaso may humawak sa kamay nya.

Tumingala ako at nakita ko si… si Adrian?

“stop it Lizelle, nambubully ka na naman? Tss.” Tapos binitawan nya yung kamay nung Lizelle bay un.

“siya kasi ee. Im sorry hindi na.” teka ee bat kay Adrian siya nagsosorry? Diba dapat sa akin?

“whatever Lizelle, wag ka saking magsorry sa kanya. Tss.” Tapos umalis na si Adrian.

“fine im sorry, kainis naman mukhang nagalit na naman sakin si Adrian ko.” Adrian ko? So Girlfriend siya ni Adrian?

Pumunta na akong room, bumili lang ako ng sandwich at chocolate shake. Tiningnan ko yung upuan ni Adrian, wala siya dun, magpapasalamat sana ako.

“mae, pwedeng magtanong?”

“nagtatanong ka na nga ee. Anu bay un?”

“Sino yung Lizelle?”

“ha? Pano mo nakilala yung impakta na yun? Inaway ka ba nya?”

“hindi naman, basta.”

“ah, 2nd year lang yun. Pero spoiled brat / bully, masama talaga ugali nun, lahat inaaway, except kay Adrian.”

“ah, sila ba?”

Nagulat ako ng biglang natawa si Mae, may nakakatawa ba sa tanung ko? 

“hindi sila, pero matagal nang patay na patay yang si Lizelle kay Adrian, di ko rin naman masisisi si Lizelle, kasi gwapo naman talaga ni Adrian, ang dami ngang nagkakagusto dito kay Adrian, kaso wala ee, bukod sa inaaway lahat yun ni Lizelle, wala rin silang pag-asa kay Adrian kasi super mega sungit nun, bihira lang siyang kumausap ng mga babae dito, si Lizelle nga lang minsan kinakausap nun kapag may binubully si Lizelle.”

“ah, ganun ba?”

“teka, may gusto ka kay Adrian nu?”

“ha? Ako? Wala ah, nahihiwagaan lang ako sa pagkatao nya.” 

3 comments:

  1. at talagang math wizard ako dito ha.. hahah.. how i wish!!

    ibitin na ng patiwarik yang si lizelle.. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. whaaa !! thanks sa comment i really appreciate :))))))))))

      Delete
  2. haha nahiya naman ako sa pangalang Mae?? madaldal talaga ?? HAHAHAHAH nice one bebe .. keep this up :))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^