Saturday, April 27, 2013

That Girl Change Me : Chapter 1





Chapter 1



“Good morning Aielle!” bati ko sa sarili ko,sa harap ng salamin, parang ewan lang nu? Binabati yung sarili. Hay wala na naman kasi sina mama, nasa korea sila ni Papa, inaayos yung business nila. Lagi naman silang wala kaya sanay na ako, pero di naman ako nagtatampo sa kanila kasi lagi naman nila akong tina---



Now Im standing alone in a crowded room and were not speaking and im dying to know is it killing you like its killing me yeah I don’t know what to say when its twist of fate when it all broke down but the story of us looks a lot of like a tragedy now.



“hello?”

“princess si papa to, goodmorning my baby girl..”

“morning din po Papa..”

“Morning baby, si mama na to .. ingat ka lagi dyan ah..”

“opo, morning din po. Ingat din po kayo dyan saka yung pasalubong ko po ah ?”

“kaw talaga oo, next week uwi na kami.. bye iloveyou baby ko, love na love ka ni mama.

“love ko din po kayo mama..”

“ako din baby ko, love na love ka din ni Papa"

“love din kita siyempre papa..”

“sige may meeting pa kami. Ingat ka ah ..”

“okay po. Bye”

Oh diba? Di ko pa natatapos yung sinasabi ko tumawag na sila, kaya mahal na mahal ko sila, kasi kahit busy sila, tinatawagan nila ako lagi, kaya ramdam na ramdam ko na mahal talaga nila ako..


Ako nga pala si Aielle Jernette Kim. (Aielle pronounce as Ayel) Oo kim surname ko, half korean kasi si Papa, tas pure Filipino si mama. First day ko nga pala sa school, third year na ako, transferee lang. kasi dati dun kami sa manila nakatira, ee ewan ko ba lumipat sila mama dito sa Cavite kaya ayun. Lipat school din. 1 week pa nga lang kami dito. Actually ako 1 week pala dito sina mama, 3 days kasi after naming makalipat dito umalis na din sila papuntang korea.


Teka nga asan na ba yung eye glasses ko? Ah ayun pala. Malabo kasi yung 
mata ko. Kaya ayun mukha akong nerd. Pero di naman ako as in nerd nu. Kahit papano medyo maganda naman ako. Medyo lang ah.


Hala, 6:45 na pala, pasok na ko, 7:15 start ng class ko ee.


Dito na ako sa school, teka san ba yung Faculty? Sabi kasi nung principal nung nagenroll ako punta na lang daw ako sa teacher’s Faculty sa first day ko tapos hanapin ko lang daw si Mrs. Policarpio, siya yung advicer namin. Siya na daw bahala sa akin. Ee malay ko ba kung san yung faculty ? di naman nya tinuro.


“excuse me? Hmm san po ba yungTeacher’s Faculty?” tanung ko dun sa babaeng malapit sa akin, muka ngang masungit kaya medyo kinakabahan ako, baka mamaya sigaw sigawan ako nito.

Pero mukhang mali ako, mukhang mabait naman siya. “ ah, dyan sa blue na pinto. Sa may right side.” Sagot nya tapos nginitian ako.

“ah sige salamat”

“sige, welcome”

So ayun nga papunta na kami ng adviser namin sa room. Pagpasok nya ..
‘Goodmorning class, may bago kayong classmate, si Ms. Kim” tapos pumasok na ako at sabi nga ni Mrs. Policarpio magpakilala daw ako.

“Goodmorning, Im Aielle Jernnette Kim, 15 years old.” Pakilala ko.

“okay so Ms. Kim you may sit hmm. There between Mr. Cortes and Ms. Fernandez.”

“thank you ma’am” tapos umupo na ako. Nakita ko yung babae kanina yung napagtanungan ko. Classmate ko pala siya at katabi ko pa.

“classmate pala kita. Mae nga pala, Mae Fernandez”

“Nice meeting you, Aielle nga pla” pakilala naming sa isa’t isa pero syempre hindi na kami nagshake hands at saka bulong lang yun kasi nagsisimula na si Mrs. Policarpio magturo. Nakakatuwa naman mukhang magkakaroon ako ng bagong friend :) 





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^