Aielle's P.O.V
After 3 subject. Ayun break na, yung iba dito na rin nagstay sa
room, yung iba bumili sa canteen pero dito din sila kumain. 1 hour yung break
naming, astig no? ang haba . kaya ayun kwentuhan muna kami ni Mae, tapos
pinakilala nya na din ako sa iba naming classmate na nandun.
“aielle, siya nga pala si Bea” pakilala ya dun sa magandang babaeng
nasa may unahan.”tapos eto si Hikari, may lahing Japanese yan.” Mukha nga ang
cute nya ee, mukha siyang doll “tapos si Richelle ang top 1 namin, si Aiesha
ang pinakaactive, lahat na ata ng program sinasalihan nya kasama nya si Elysse,
si Allison at si Demi yang dalawang yan ang pinakamagaling sa math kaya
pag nahihirapan ka sa math lapit ka lang sa dalawang yan. At syempre ang most
talkative sa lahat si Ixsha, actually dalawa kaming nagaagawan sa pwestong yun.
haha.” “at yung mga boys namin, si Renz, chickboy yan pati si Kieve, tapos si
kenji, si Renji, kakambal yan ni Kenji, di lang halata. At syempre ang 4 J’s sina
Justin, Jordan, Josh at Jason.” Ang gaganda at gwapo nila.. nakakatuwa din ang friendly nilang lahat. Lahat sila ginreet
ako except kay.. “at yun si Adrian. Pinakapopular sa mga boys natin dito. ”tiningnan
nya lang ako at tumungo at isunubsob na nya yung mukha nya sa desk.
“bat mukhang badtrip yata siya?” bulong ko kay Mae, “ganyan talaga
yan. Wala masyadong kinakausap yan dito, mula pa nung first year kami, ganyan
na yan.”
“ah.. ganun ba?”
“oi Mae, kanina mo pa dinadaldal yang si Aielle, baka nagugutom na
yan.”biro ni Hikari.
“di naman, sige punta ka na sa canteen. Kain ka na, baka ako pa
sisihin ng mga to pag nagutom ka.”
“ha? Ee, ikaw?”
“may baon ako, alam mo na tipid tipid,” sagot nya.
“syempre nagiipon, nagiipon pang date.” Asar ni Ixsha kay Mae.
“Che !” haha nakakaaliw sila, parang super close sila, sabagay
matagal na silang magkakaklase ee,
“sige punta na ko sa canteen. Bibili lang ako.”
Tas pumunta na ko sa canteen. Ang laki ng canteen nila super.
Naglalakad na ako papasok ng --
“aish ! anu ba? Bat di ka tumitingin sa dinadaanan mo?! Nabasa
tuloy ako” sigaw sa akin nung babaeng nabangga ko.
“sorry hindi ko talaga sinasadya.”
“ sorry? Anung magagawa ng sorry mo? Nabasa na ako at natapunan na
ako ?” tapos tinulak nya ako na naging dahilan kung bakit napaupo ako. Tapos
naglakad siya papalapit sa akin kaso natalisod siya dahil sa wallet ko,
nabitawan ko kasi nung tinulak nya ako.
“talagang sinusubukan mo ako ah. Ngayon pinatid mo pa ako?”
pinatid ? ee hindi nga ako nagalaw dito sa pagkakatulak nya sa akin.
“hindi kita pinataid talagang natalisod ka lang” sagot ko, na
mukhang di nya nagustuhan ..
“ah ganun, then take this.” Sasampalin na dapat nya ako, kaso may
humawak sa kamay nya.
Tumingala ako at nakita ko si… si Adrian?
“stop it Lizelle, nambubully ka na naman? Tss.” Tapos binitawan
nya yung kamay nung Lizelle bay un.
“siya kasi ee. Im sorry hindi na.” teka ee bat kay Adrian siya
nagsosorry? Diba dapat sa akin?
“whatever Lizelle, wag ka saking magsorry sa kanya. Tss.” Tapos
umalis na si Adrian.
“fine im sorry, kainis naman mukhang nagalit na naman sakin si
Adrian ko.” Adrian ko? So Girlfriend siya ni Adrian?
Pumunta na akong room, bumili lang ako ng sandwich at chocolate
shake. Tiningnan ko yung upuan ni Adrian, wala siya dun, magpapasalamat sana
ako.
“mae, pwedeng magtanong?”
“nagtatanong ka na nga ee. Anu bay un?”
“Sino yung Lizelle?”
“ha? Pano mo nakilala yung impakta na yun? Inaway ka ba nya?”
“hindi naman, basta.”
“ah, 2nd year lang yun. Pero spoiled brat / bully,
masama talaga ugali nun, lahat inaaway, except kay Adrian.”
“ah, sila ba?”
Nagulat ako ng biglang natawa si Mae, may nakakatawa ba sa tanung
ko?
“hindi sila, pero matagal nang patay na patay yang si Lizelle kay Adrian,
di ko rin naman masisisi si Lizelle, kasi gwapo naman talaga ni Adrian, ang
dami ngang nagkakagusto dito kay Adrian, kaso wala ee, bukod sa inaaway lahat yun
ni Lizelle, wala rin silang pag-asa kay Adrian kasi super mega sungit nun,
bihira lang siyang kumausap ng mga babae dito, si Lizelle nga lang minsan
kinakausap nun kapag may binubully si Lizelle.”
“ah, ganun ba?”
“teka, may gusto ka kay Adrian nu?”
“ha? Ako? Wala ah, nahihiwagaan lang ako sa pagkatao nya.”
at talagang math wizard ako dito ha.. hahah.. how i wish!!
ReplyDeleteibitin na ng patiwarik yang si lizelle.. haha
whaaa !! thanks sa comment i really appreciate :))))))))))
Deletehaha nahiya naman ako sa pangalang Mae?? madaldal talaga ?? HAHAHAHAH nice one bebe .. keep this up :))
ReplyDelete