Thursday, April 4, 2013

Hey! Ms. Perfect! : Chapter Two


Chapter Two


(Grey's POV)



Nakapamulsa ako habang naglalakad papunta sa gym nung biglang may bumati sakin na babae.


"Good Morning!" Bati niya. Napatigil ako at naaptingin sa kanya.

Maganda siya. Cute kaso maliit. Ayoko sa maliit eh. Tsaka isa pa, woman-hater ako kaya ayoko.

Tinaasan ko siya ng kilay saka na ako naglakad paalis.

Grey panindigan mo naman pagiging woman-hater mo! Sa tinagal-tagal mong naging woman-hater, saka ka pa bibigay ngayon?

Tsk!

Nung makarating ako sa gym...

"Hey Dude!" Tawag ni Vince.

"Oy! Nandyan ka na pala Grey! Tara, practice na!" Tawag din ni Troy.

Naglakad na ako papunta sa malaking carpet kung saan sila nakaupo. Nasa gitna yung carpet na black. Nasa gilid yung mga sapatos nila.

"Kyaaa~ Hi Grey!!" Tawag nung mga babae sa Audience's seat.

Tumingin ako sa kanila. Di ako ngumiti. Ibinalik ko nang muli ang tingin ko sa mga kaibigan ko.

"Tara, rehearse!" Sabi ni Drake sabay bangon mula sa pagkakahiga sa carpet.

Hinubad ko yung sapatos ko at tumayo sa may carpet.

"One. Two. Three." Bilang ni Vince.

~AFTER THE REHEARSAL. (Dance Steps/Dance Practice)~

"Kyaaaaa~ Ang galing mo talaga sumayaw Grey!! Akin ka na lang!!" Tili nung isang babae.

♫ When I see your smile ♫
♪ a tear role down my face ♪

Kinuha ko sa sweatpants ko yung phone ko saka ko sinagot yung tawag.

"Yes, Dad?"

[Phillip, tapos na ba kayo magrehearse?]

"Yes, Dad."

[Okay. Go home. We need to talk to your Lolo.]

"Yes, Dad."

~End Call~

"Hanep pare! Ayos yung sagot mo ah?" -Vince.

"Oo nga pare! Pano nga yun, Drake?" Tanong ni Troy.

Kinuha ni Drake yung phone niya at nakapamulsa naman ang isang kamay.

"Yes, Dad?... Yes, Dad... Yes, Dad." Pag-aarte ni Drake habang ginagaya pa yung boses ko.

"Tapos na kayo? Sige alis na ko." Walang gana kong sabi.

Umalis na ko at Dumiretso sa Carpark.


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^