Chapter Three
(Danielle's POV)
"Bye, Cham! Bye, Shin!" Paalam ko.
"Bye, Pat-pat!"
Pagpasok ko sa loob ng bahay, nandun na si Papa.
"Anak." Tawag ni Papa.
"Kakausapin niyo daw po ako? Tungkol saan?" Tanong ko.
"Nak, magmalling tayo bukas ha?" Malungkot na sabi ni Mama.
"Ma, may pasok po ako bukas." Sagot ko.
"Mag-absent ka na lang... Please?" Pakiusap ni Mama.
"Fine. But after class." Sagot ko.
"Sigee."
"Ano po yung pag-uusapan natin, Papa?" Tanong ko.
"Tungkol sa kasal--" Naputol yung sinabi ni Papa nung sumigaw si Mama mula sa kitchen.
"Lunch is ready!!"
Teka? Pano siya napunta dun?
Dumiretso na kami ni Papa sa may Dining Table at saka kami kumain.
"Anak, Danielle. Ikakasal ka na." Malungkot na sabi ni Papa.
Parehas kaming napatingin ni Mama kay Papa.
"POO?!"
"Ikakasal ka na, anak ko." Sagot niya.
17 ako ngayon. Wala pa ko sa Legal Age diba?
"Pero Papa?" Tanong ko.
"Ang usapan kasi namin dati ng Bestfriend ko na lalaki, yung unang magiging anak namin, yun ang ipapakasal namin sa isa't isa. So dahil babae ang unang anak ni Harrold, inaantay ko na sana lalaki ang maging anak ko, kaso namatay naman ang kuya mo nung baby pa siya. Nung ipanganak naman ang anak na lalaki ni Harrold, dun namin nalaman na buntis ang mama mo sayo." Pagkukwneto ni Papa.
"Same date ng birthday mo ikaw ikakasal. Sa sabado natin sila imi-meet." Dagdag n Mama.
"Bibigyan kita ng pera bukas." Sabi naman ni Papa.
"Sige po."
--Pagkatapos kumain--
Dumiretso ako sa kwarto ko.
Sino naman yung mapapangasawa ko? Tsk. Parang ayaw naman nilang maenjoy ko yung pagkadalaga ko eh.
♫ One Way or Another ♫
♪ I'm gonna getcha getcha getcha ♪
Kinuha ko sa may Bed-side table yung phone ko.
"Shin?"
[Sunduin ka namin, punta tayong mall.]
"Sige, tara!"
~End Call~
Inasikaso ko na agad sarili ko. Nagbihis ako ng stripes na black na polo shirt tapos short then converse blue.
Bumaba ako kasama yung maliit na backpack ko.
"Pat? Saan ka pupunta?" Tanong ni Mama.
"Magmo-malling po kami nina Shin at Cham." Sagot ko.
"Ah. Osige, mag-ingat kayo ha!" Paalam ni Mama.
May nag-doorbell kaya humalik na ako sa pisngi ni Mama.
"Bye, Ma!" Paalam ko.
Lumabas na ako ng gate saka sumakay sa kotse ni Cham.
-Pagdating sa Mall-
"Nga pala, Pat-pat, bakit ka daw pinauwi agad?" Taniong ni Shin.
"Ikakasal na ko." Sagot ko.
"HAA?!"
"I'm getting married." Ulit ko.
"Kanino?" Tanong nila.
"Di ko alam. Basta ayoko." Sagot ko.
"Kelan niyo ba imi-meet? Malay mo Gwapo? Malay mo Hot?" Tanong ni CHam.
"Tumigil ka nga, Cham! Ikaw talaga!" Saway ni Shin.
"Eh bakit ba? Malay mo diba? Tsaka titignan mo lang naman muna eh." Sagot ni Cham
hello po @Thesweetgirl14,nabasa ko po iyong message mo kanina sa chatango kaya nagpost po ako dito. huwag po kayong maiyak kasi binabasa ko itong story mo.. Natatawa pa nga ako eh.. kaya lang po ako di nakakapagcomment kasi pag nagbabasa ako gusto ko pong tuloy tuloy... Naiintindihan po kita kasi ako rin minsan ganyan. Pero kahit walang nagbabasa sa kuwento mo, keep writing lang. People will like it,people will hate it but yeah, just keep on writing. Ang importante, nagawa mo ang best mo. •• ayan po. Yan lang ang maadvice ko sa iyo :))
ReplyDeleteNatapos ko na ang pagbasa nito fro ch. 1 to 3. Maganda iyong kwento mo sis kaso nga lang parang nabitin ako sa kwento XD mo... wow! Arrange marriage? Gustong gusto ko talaga ang ganun plot lalo na kapag parang aso't pusa ang mag asawa. Binasa ko rin iyong comment ni hannah. Hmm.... ang totoo niya, huwag kang malungkot kung walang nagkokoment, dear sa mga chap. Mayroon kasing mga silent reader tayo dito eh at some people are waiting na makomplete iyong kwento dahil mabibitin sila XD. If you really love to write then go on. We will support you. Uy... wag mo itong e-delete hindi pa nga nakakasimula eh.... wait wait lang ako sa update. Oh iyan bongga ang comment ko haha sorry kung anonano na ang sinasabi ko dito. Just keep on writing dear (inulit ko? XD)
ReplyDelete