Thursday, April 4, 2013

Hey! Ms. Perfect! : Chapter One


Chapter One


(Danielle's POV)
"Good Morning!" Bati ko sa bawat taong makakasalubong ko. Ngumingiti sila kaya napapangiti na rin ako.

"Pat-pat!!" Tawag nila Shin at Cham.

Tumakbo sila papalapit.

"Good Morning, Shin! Good Morning, Cham!" Bati ko rin sa kanilang dalawa.

"Good Morning, Pat-pat!" Sabay na bati nila.

May lalaking nakapamulsa ang dumaan sa gilid namin.

"Good Morning!" Bati ko sa lalaki.

Tumigil siya saglit at tinaasan ako ng kilay. Naglakad na siyang muli na parang walang nangyari.

"Ang suplado niya naman! Hmp!" Sabi ko saka ako nagkibit-balikat.

" 'Te, woman-hater yun! Lalo na kapag makulit. Ayaw niya ng ganun. Pero wag ka, sikat na sikat siya at sobrang tinitilian pa!" kwento ni Cham.

"Right! And 'ya know, you're so lucky kapag ikaw ang pinaka-unang babaeng pinansin niya!" Kilig na singit ni Shin.

"Bakit naman? Wala ba siyang kapatid na babae?" Tanong ko.

"We don't know. Well, siguro wala. Kasi kung meron di naman siya magiging ganyan sa kapatid niya pati sa mga girls out-there." Sagot ni Shin na dinugtungan ni Cham. "Yah! Tsaka 'ya know! Kasalanan din maging woman-hater 'no!"

Hmm...

♫ One Way or Another ♫
♪ I'm gonna getcha getcha getcha ♪

"May tumatawag yata sayo, Pat-pat." Sabi ni Cham.

Tinignan ko yung bag ko. Kinuha ko yung phone ko at sinagot yung tawag.

"Yes Ma?"

[Nak pauwi ka na ba?]

"Uhm... Palabas pa lang po ng school. Wala pong kalse diba?"

[Oo nga. Nagtext ka sa akin diba?]

"Opo ma. Teka, bakit nga po pala?"

[Uwi ka na. May dapat kayong pagusapan nang Papa mo.]

"Uhm... O-osige po, ma."

~End Call~

Nakita na ba nila yung grades ko? Shit! Kinakabahan ako eh! Wala naman akong bagsak, kinakabahan lang talaga ako.

"Pat-pat, ayos ka lang?" Tanong ni Shin.

"Uwi na ko. Pinapauwi na ko ni Mama eh." Sagot ko.

"Oh? Tamang-tama, pauwi na rin ako eh. Tara sabay ka na." Sabi ni Cham.






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^