Wednesday, April 3, 2013

Ellaine at Aegyoworld : Part 2


2: Kiss from the Bandit
(Ellaine's POV)





Umaga na pero walang good sa morning! Nakatatak pa rin sa utak ko yung panggo-goyong ginawa saakin ni Ate Aegyo. Smiley Pasabi-sabi siyang meron na akong story, yun pala trip-trip lang! May pa wish-wish pa siyang nalalaman!!!




Anyway, kagigising ko pa lang pero humarap na ako sa laptop ko. Diba sabi ko nga, ia-unfollow ko na si AegyoDayDreamer. Hindi lang yun, ia-unfriend ko rin siya sa FB at iba-block ko pa sa lahat ng social networking sites na  kunektado ako sa kanya. Ire-report ko na din para mas masaya! Smiley



Kaso, wala pa nga akong tina-type na URL, may sumulpot na agad na site!!!



TMU Diary.



"TMU Diary...? Ito yung fictional site dun sa kwento ni Ate Aegyo ha! Yung sa Kissing Bandit. Ibig sabihin, totoo pala 'to?" Smiley



Ang nakakagulat lang, meron na akong account dun at ila-login ko na lang! THIS IS WEIRD! Pero dahil curious ako, nag-login talaga ako at napunta na ako sa homepage ng site.



Napakurap na lang tuloy ako sa mga nakikita ko. Smiley Yung TMU Diary, katulad na katulad sa naiimagine ko habang binabasa ko yung kwentong Kissing Bandit!!!



1 notification... TMU_Admin tagged you in her post.



"Si TMU_Admin!!! Eh fictional character lang din ito dun sa kwento ha!!!" Suminghot ba ako ng drugs bago ako matulog tapos may epekto pa rin hanggang ngayong paggising ko? "Ay naku... baka katulad lang 'to dun sa kunwaring FB accounts ng mga characters ng stories ni Ate Aegyo. Tama!" Smiley



Ni-check ko na yung pinost ni TMU_Admin 'kuno' at ito ang nabasa ko...




New girl, new prospect?

Let me be the first one to greet @Akirara, the new girl in our world, who also happens to be the new Prospect of our dearest @Kissing Bandit.

I wish you nothing but all the best in this world. Enjoy!!!



WHAT. A. JOKE. But I get it now! Smiley



Smiley "Si Ate Aegyo siguro ang may pakana nito! Loka-loka pala talaga yung babaeng yun eh!!! At ako magiging Prospect ni Kissing Bandit? Ha. Ha. Ha. How I wish... but hello~ FICTIONAL NGA LANG SI KISSING BANDIT EH!!!" Smiley



Smiley Ay nakow~ naiinis na talaga ako sa gustong palabasin ni Ate Aegyo! Hindi ko akalaing ganito siya! Paasahin pa talaga ako, as if namang makiki-ride talaga ako sa mga kakornihan niya! Smiley



Minabuti ko nang patayin ang laptop ko. Smiley Hindi ko na nga nagawa pang i-unfollow si AegyoDayDreamer dahil nabwiset na ako agad sa kanya. Pero may oras din siya, mamaya!!! 



Bumaba na ako para mag-almusal na sana kaso ang nakakapagtaka, walang tao sa bahay namin! Smiley Ang weird ulit. Usually, hindi naman nila ako iniiwan ng mag-isa ha. "Nasaan na kaya yung mga yun?" Smiley



*tok tok tok*



Ayun, baka bumalik na yung mga tao sa bahay...



*tok tok tok*



Eh kaso bakit kailangan pa nilang kumatok, hindi na lang pumasok agad?



*tok tok tok*



Minabuti ko nang puntahan para silipin kung sino yung tao dun sa labas. At ang bumungad saakin.



"Ang kupad mo naman. Bakit ang tagal mong binuksan 'tong pinto ha? Kanina pa ako katok ng katok." Smiley



.


.


.



Tulala si ako - Smiley



"Uy ano? Na-stroke ka na jan."



"La... La... Laris Howfer..." Hindi ako pwedeng magkamali!!! Si Laris Howfer nga 'tong kaharap ko!!! Siya yung lalaking ginagamit ni Ate Aegyo bilang fictional character dun sa kwento niya.



"Yep! I'm the one and only Kissing Bandit." Smiley



"Waaaaaaaah!!!" Anong ginagawa ni Laris Howfer dito sa bahay ko! Paano siya naging totoong tao!!! "Diba fictional ka lang!!! Ow mahabaging langit, ano pong dahilan ng pagha-hallucinate ko ngayon!!! Waaaaaaaah!!!"



"Hoy pwede ba, kumalma ka nga! Hindi ka naghahallucinate!" Hinawakan ni Laris ang kamay ko at pinahawak niya sa maganda niyang mukha. "Ito yung wish mo diba? Tinupad na ng author-manager namin." Smiley




"Si Ate Aegyo ang may gawa nito?" Smiley



Smiley "Eh sino pa nga ba? Siya lang naman ang author ng kwento ko diba? At hiniling mo naman na mapunta ka sa sitwasyon na ito kaya tinupad na niya!"



Smiley This is sooo~ unbelievable!!! Nasa mundo na ako na ginawa ni Ate Aegyo! Eh ano nga ba si Ate? Paano niya 'to nagagawa? Mangkukulam ba siya? Wizard? Goddess? I really don't know what to think anymore!!! Smiley



Pero maiba ako... "Eh si Atasha nga pala? Yung leading lady mo dun sa kwento mo! Buhay din ba siya? Nasaan siya? Waaaah!!! Gusto ko siyang makita!!!" Smiley



"Ang dami mong tanong. Wala si Hot Pink dahil baka masyadong humaba ang kwento, eh short story lang dapat ito." Paliwanag niya. "At isa pa, ikaw ang bida sa kwentong ito. Kaya nga ikaw ang Prospect ko." Smiley



"Ako talaga ha? Waaah!!!SmileyNaiiyak na ako sa sobrang tuwa!



At natawa naman si Laris sa pinapakita ko. "Alam mo, okay lang na kiligin. Pero dapat wag mong masyadong ipakita para naman hindi masyadong isipin ng lalaki na patay na patay ka sa kanila."



"Teka... isa ba yan sa mga tinuturo mo sa Prospects mo?" Smiley



"Ano sa tingin mo?" Nagpa-cute siya at may kindat pang kasama. "Tara na nga."



"Ha? Saan?"



Smiley "Sisimulan na natin ang araw mo dito sa Aegyoworld na ako ang kasama mo." Nagulat ako nang makipag-holding hands siya saakin.



Nakakakilig lang talaga!!! Smiley



Pero hindi ko pinahalata na kinikilig talaga ako dahil yun ang turo niya saakin. Fast-learner yata ako!















Dinala niya ako sa isang restaurant. Bakit kaya ang kwentong ito mahilig sa mga eksenang may kainan? Pansin na pansin ko kasi yun eh! Smiley




Smiley Anyway, nag-almusal na kami at ang saya lang kausap ni Laris. Ang hilig niya lang mamilosopo. Tapos lagi pa akong barado. Ang balahura niya makipag-usap, pero pasalamat siya pogi siya!



Nang maubos na ang kinakain namin... "Um, ano nang sunod nating gagawin? Ide-date mo na ba ako?" Smiley



"Nope, hindi yung kasama sa mga hiniling mo."



Smiley "Anong hiling?"



"Yung birthday wish mo. Yung pinagawa sayo ni author-manager sa Part 1 nitong kwento." Smiley Napa-isip ako nun. Eh ang haba kaya ng wish na binanggit ko. At tsaka sa totoo lang, natupad na yung wish ko na magbida sa kwento niya. "Ay, patay tayo jan! Nakalimutan mo na nga yata ang kabuuan ng wish mo?"



"Eh bakit ka nananakot?" Smiley Teka nga, ipapa-flashback ko lang sandali sa isip ko. I remember it went something like this...



"Simple lang ang gusto ko ngayong birthday ko. Yun ay ang gawaan ako ng sarili kong kwento ni Ate Aegyo. Gusto kong makaranas ng isang halik mula kay Kissing Bandit..."




"...isang halik mula kay Kissing Bandit..."



"...isang halik mula kay Kissing Bandit..."



"...isang halik mula kay Kissing Bandit..."



"...isang halik mula kay Kissing Bandit..."



"...isang halik mula kay Kissing Bandit..."



Napatayo ako sa kinauupuan ko at napaatras kay Laris. Smiley



"Isang halik mula saakin." Smiley Binanggit niya nang nakatitig saakin at nakahawak pa siya sa mga labi niya. "It seems like naalala mo na." Tumayo na rin siya at lumapit saakin.



"Teka lang..." Smiley



Handa na nga ba ako para sa isang halik ni Kissing Bandit? Smiley



*dug dug dug dug*



Waaaah! Feeling ko tatalsik na ang puso ko! Tapos maiduduwal ko na yata yung mga kinain namin nung almusal.



Umatras pa ako pero pampam si Laris, pilit namang lumalapit saakin. "Bakit ka kinakabahan? Hahalikan lang naman kita." Smiley Ang naughty ng boses niya, shet lang!



Smiley "Utang na loob naman Laris... why you ganyan!!!" Tinawanan lang niya ako kahit kinakabahan na ako. Hindi pa siya nakuntento, ni-corner niya ako sa may pader. "Uwaaaah! Totoo nga ang sinasabi ni Atasha, ang pervert mo nga." Smiley




"Hala! Wala pa nga akong ginagawa eh." Smiley




"Eh anong plano mong gawin?"




"Ano yung gusto mong gawin?" Smiley




Uwaaah! Anytime, magno-nosebleed na yata ako. Papalapit pa siya ng papalapit! Sa position namin ngayon, kita na niya ang pores ko sa mukha!



Pero hindi yun ang dapat kong isipin. Gusto akong halikan ni Kissing Bandit!



Pero teka lang ulit, diba ito naman ang gusto ko? OO, gusto ko nga 'to. At tsaka, pampa-swerte din naman ang first kiss mula sa kanya diba?



5 inches... 4... 3... 2... 1... 1/2... Smiley



Ipinikit ko na ang mga mata ko at...



*chu~ 



Hinalikan na ako ni Laris.



Smiley Hinalikan niya ako sa pisngi. Sa pisngi lang?



"Yan na ang pinaka-sweet na kiss na maibibigay ko sayo dahil ang una mong halik, dapat mo lang ibigay sa lalaking mahal mo. Tandaan mo yan ha." SmileyTapos hinawakan niya ang pisngi ko kung saan niya ako hinalikan. "Happy Birthday ulit, Ellaine."



Saka na siya lumayo para bigyan ako ng space. And yeah, kailangan ko yun para makahinga! Kamuntikan na akong magkaheart-attack sa ginawa niya eh.



Pero ang nakakapagtaka, tinalikuran na ako ni Laris at nagsimula na siyang maglakad palayo. "Teka, saan ka na pupunta?" Smiley



Smiley Tumigil siya nung nandun na siya sa may pintuan. "Tinupad ko na ang wish mo. Hanggang dito na lang muna ako..." He smiled at saka tuluyang umalis.



Pero nabitin ako sa moment namin!!! Kulang eh!!! Papayag na ako ng kiss sa lips!!! Smiley



Sinubukan ko na siyang habulin pero...



*buuug!!!*



May nabangga akong lalaki na ubod din ng gwapo at sobrang singkit... at mukhang masungit. Smiley


















"Hoy! Ikaw si Ellaine diba. Kanina pa kita hinahanap!" Smiley



Hala!!! Siya si... Smiley








7 comments:

  1. Omg! Omg! Omg!As in Hindi ako makahinga! Sobra!Promise! Ghaaaaaaad! Ghaaaaaaaad! Tapos yung guy! WAAAAAAAAAAAh... Sno KA!magpakilala ka! Omg~!! OMG!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha!!! kalma!!! Part 2 palang yan, hanggang 5 parts 'to!

      Delete
  2. wAaahh nakAsaMa ni eLLaine c LAris,,, kYaaaAaah,,, ingGit muCh aq,,, saYaNg kUng aq diN yun, hinALikAn q n s LipS c LaRis,,, hwAheHe,,, aNg LaNdi LNg,,,

    ReplyDelete
  3. at tiNgin q c eLi n uNg guY n nkBanggA ni eLLaiNe,,, si eLi ng my nEpheW-in-Law kSi dbA uN uNg ksAmA s wiSh niA,,, oH mY gOsH,,, bKa mmtAy n aq s inGgit kUn si eLi ngA yuN,,, wAaah,,, eXcitEd muCh n aq s nXt n mnGyyri,,,

    ReplyDelete
  4. Parang si Eli ang hinala ko sa lalaking iyon!! Waaahhhh! Nakakakilig naman itetch! (Other me: so ngayon bakla ka na pala?) LOL

    ReplyDelete
  5. Nakakainggit naman. Nakasama niya si Laris ..

    ReplyDelete
  6. si BRYLLE YUNNNN!!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!! Nagwawala ang mga hormones ko dito! At hindi ko alam kung bakit naiiyak ako habang binabasa ko ito!!! Wah! Halo-halong emosyon!!! XD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^