3: Serving for an Idol
(Ellaine's POV)
"Hoy!" May nabangga akong lalaki na ubod din ng gwapo at sobrang singkit... "Ikaw si Ellaine diba. Kanina pa kita hinahanap!" At mukha siyang masungit.
Hala!!! Hindi kaya siya si... "E... Eli?"
"Anong Eli ka jan." Tinaasan niya ako ng kilay.
"Ay hindi ka ba si Eli?" Kamukha niya kasi yung naiimagine kong bidang lalaki dun sa kwentong My Nephew-in-Law.
"Ako nga si Eli... pero hindi tayo close kaya wag mo akong tatawaging Eli."
Ow. Em. Ji. "IKAW NGA SI ELI!!! HWAAAAAAAAAH!!!" Para na akong ini-epilepsy dito! "Kyaaah~ kyaaah~ kyaaah~!!! Fan na fan ako ng kwento niyo ni Sam!!! Raawr!!!" At hindi ko na pinalampas ang pagkakataon, niyapos ko siya agad ng mahigpit! Ang bango niya, shetlungs!!!
"Oy ano ba..." Napa-atras siya tapos nagulat ako sa sunod niyang ginawa, kinarate-chop niya ako sa noo! HANGSAKET!!! "Nakakakilabot ka!!! Bakit ba ganyan kayong mga babae?"
"Ang sakit nun ha!!!" Pero carry lang! Ang bukol kong ito sa noo ay ituturing kong remembrance mula kay Eli.
"Tsk! Tara na nga, wag mong sinasayang ang oras ko." Ang sungit talaga niya! "Sumunod ka saakin, wag kang babagal-bagal jan."
"Saan tayo pupunta?"
"Sa bahay ko."
Napa-isip ako sa sinabi niya. Kaya nasa harap ko ngayon si Eli ay dahil kasama ito sa hiniling ko! "Simple lang ang gusto ko ngayong birthday ko. Yun ay ang gawaan ako ng sarili kong kwento ni Ate Aegyo. Gusto kong makaranas ng isang halik mula kay Kissing Bandit. Pwede ring makasama sa bahay ang isang gwapong Timongoloid..."
"...makasama sa bahay ang isang gwapong Timongoloid..."
"...makasama sa bahay ang isang gwapong Timongoloid..."
"...makasama sa bahay ang isang gwapong Timongoloid..."
Titira ako sa bahay ni Eli!!!
Nandito na kami sa bahay ni Eli! Nakilala ko na nga si Squall, yung bago nilang security cam. Tapos nadaanan ko din yung puntod ni Rinoa na nandun lang malapit sa halamanan. "Um... Eli~"
"Sabi nang wag mo akong tawaging Eli eh!"
"Eli-byu~?" Pauso naman yun ni Byron.
"Shatap!!!"
Eh di yung tawag na lang sa kanya ng maldita niyang step-sister na si Sunmi. "Hmmm... eh kung Oppa?"
"Gusto mo yatang mabangasan eh."
"Eh anong itatawag ko sayo? Hoy? Hey? Manong? Sungit?" Hala naman!!! Ang sama na ng titig niya saakin. "AHA!!! Timongoloid!!!"
"Anong sabi mo?" Lalong naging nakakatakot yung expression ng mukha niya. "Hindi mo pa yata talaga ako kilala eh..."
"Ah... eh... joke lang... ikaw naman! Kilalang-kilala kaya kita..." Mainitin ang ulo niya! Sa napaka-gwapo niyang mukha nagtatago ang mala-demonyo niyang ugali... ah hindi naman demonyo. OA naman yun! Pero basta, hindi dapat ginagalit si Eli dahil siya ang kinatatakutang leader ng SGG at tinaguriang... "IDOL!!! Yun ang itatawag ko sayo! Diba ikaw si Idol?"
"Tsss..." Inirapan lang niya ako at saka siya naglakad papasok ng bahay niya. Mabuti na lang at mukhang nakalusot ako dun. Akala ko talaga mababangasan na niya ako eh.
Pagdating namin sa loob, "Uwaaah! Sa natatandaan ko na description noon sa bahay mo, mala-hotel siya. Bakit parang dinaanan ng buhawi itong bahay mo Idol?"
"Wala si Sam eh."
"Kaya ka rin nagwala at ginulo itong sarili mong bahay?"
"Nadali mo! Matalino ka naman pala eh."
"Eh bakit nga ba wala si Sam?" Sayang! Una si Atasha, tapos ngayon si Sam ang hindi ko nakita! "Nag-break na ba kayo?"
"Oy, don't speak bad words! Hinding-hindi kami magbi-break ni Sammy ko! Mahal na mahal kaya ako nun, hindi ako maiiwan nun! Ahahaha!!!" Aysus, mahal na mahal din naman niya si Sam. "At tsaka wala siya kasi baka humaba ang kwento mo. Short story lang kaya 'to." Teka, parang linya din yun ni Laris dun sa Part 2 ha.
Anyway, sinipa niya bigla yung nakakalat na mga unan sa upuan saka siya naupo. Tapos kinuha yung remote at saka siya nanood ng TV. Korean gag show yun na hindi ko maintindihan pero tawa siya ng tawa. "Wag mo ako masyadong titigan, baka matunaw ako."
Nasamid ako bigla. Ang hangin eh! "Hindi naman kita tinititigan noh!" Kinakabisado ko ang mukha niya para makasama siya sa panaginip ko! Ahihihi!!!
"Eh di wag ka nang tumunganga jan, magsimula ka nang mag-linis. Marami ka pang aayusin! Naaalibadbaran ako sa gulo eh!"
"Ha? Bakit ako maglilinis?"
"Obvious ba? Diba wala si Sam, sinong gagawa nun? Eh di ikaw!"
"Bakit hindi ikaw? Ikaw ang nagkalat nito ha!"
"So? Kung ako ang nagkalat, ako din dapat ang maglinis?"
"Malamang! IKAW ANG MAGLINIS!"
"Inuutusan mo ako?" Ayan na naman siya sa sungit-titig-attack niya! Bakit ba sobrang nakakatakot yun? Parang dini-dyspepsia ako sa takot eh! "Diba hiniling mong makasama ako sa bahay. Pwes, hetong kailangan mong pagdaanan kapag dito ka nanirahan."
So wala talaga akong choice? Ganun?
Kung sa bagay, baka ma-four knuckle strike o ma-flying kick ako ni Eli kapag hindi ko siya sinunod . "At pagkatapos niyan, magluto ka na rin pala para sa tanghalian. Kung binasa mo ang kwento ko, alam mo naman na siguro ang favorite kong kainin?"
"Pagkaing may CHEESE!"
"Nadali mo ulit! Hay~ iba na talaga sikat!" Tapos tumawa siyang parang ewan. "Dali, magsimula ka na jan!"
Ngayon alam ko na ang feeling ni Sam sa pang-aalipin sa kanya nitong pamangkin niyang timongoloid! Ang sakit sa bangs!
Nilinis ang mga kalat.
Nag-mop ng sahig.
Nilinis ang kusina.
Pinunasan ang mga bintana.
Nagtabas ng damo.
Nagdilig ng mga halaman.
Ginawa ang mga assignments niya.
Naglaba ng mga damit.
Nag-sampay.
Nag-plantsa.
Nag-sibak ng kahoy.
Nilakad ang aso nila.
Gumawa ng suicide note sa sobrang paghihirap.
Okay, joke lang po yung iba jan! Nangunguna na yung nilakad ang aso kasi wala naman silang alagang aso. Pero promise, daig ko pa namasukang katulong sa mga pinaggagawa ko dito sa bahay ni Eli.
Hindi ko na nga alam kung paano pa ako nakapag-luto ng tanghalian namin! Pero nagawa ko pa rin, sa kabutihang-palad. Inihain ko na yung spaghetti at saka ko na siya tinawag.
"Masarap ba yan?"
"Tikman mo na lang!"
Naglagay na siya ng spaghetti sa plato niya at binudburan ito ng napakaraming cheese. Kabado ako nung tinikman na niya yung niluto ko, saka siya tumingin saakin... "Ayos! Ang sarap ah!"
"Talaga? Nagustuhan mo? Pwede na bang itapat sa luto ni Sam?"
"Syempre hindi. Mas masarap yung luto ni Sam." Psh~ sana hindi ko na lang pala tinanong yun. "Pero masarap ka rin namang magluto." At pagkasabi niya nun, nginitian na niya ako.
For the first time, nginitian ako ni Eli!!! Tumalsik na yata puso ko, pakihanap nga! Sa simpleng ngiti na yun, nawala pagod ko ha!
Ngayong kumakain na kami, parang mabait na tupa nang kausap si Eli! Nakaka-usap ko na siya ng matino nang hindi siya nagsusungit! Malakas na nga loob ko na pagsabihan naman siya. "Alam mo Idol, kung alam ko lang na gagawin mo lang pala akong katulong ngayong birthday ko, hindi na sana ito ang hiniling ko."
"Hindi ko na kasalanan yun. Dinamay mo pa ako sa hiling mo."
"Eh kasi fan nga ako ng kwento niyo!"
"Yun pa ang hindi ko maintindihan. Bakit gusto niyo ang kwento namin samantalang puro kalokohan lang naman yun. Tapos wala pang moral values!"
"OO TAMA KA! Tapos ikaw, naturingan kang bidang lalaki, inaalipin mo si Sam sa sarili niyang kwento!"
"Dun mo na yan ireklamo sa Author-Manager namin! At tsaka..." Biglang naging seryoso ulit ang mukha niya at napatigil siya sa pagkain. "Alipin din naman ako sa pagmamahal ni Sam!"
"Pfffft~" Nabulunan tuloy ako ng wala sa oras! Pero imbes na matawa ako dahil sa banat niyang yun, lalo lang akong naamaze sa kanya. WALA NGA KASING BAHID NG BIRO YUNG SINABI NIYA. Seryoso siya!
"I guess kahit puro kalokohan, marami pa rin naman kaming natutunan sa kwento niyo noh! #1 na dun yung kahalagahan ng friendship! yung kahit na Security camera, kapag nasira, iiyakan mo! #2 yung kahalagahan na matuto ka ng self-defense para maipagtanggol mo ang sarili mo sa panganib! At ang pinaka-huli, yung wagas na pag-ibig! Yung handa kang mamatay para lang sa minamahal mo."
Ang haba ng speech ko ha! Nakatitig na nga lang din si Eli sa mga pinagsasabi ko. At ang reply niya...
"Ang OA mo." Saka niya ako tinawanan. Pero may something sa kanya na kahit ganun yung reaction niya, parang natutuwa siya dahil may natutunan nga akong magandang lesson mula sa kwento nila. "Bilisan mo nang kumain jan. May pupuntahan pa tayo pagkatapos nito..."
At saan naman kaya niya ako dadalhin?

"Anong ginagawa natin dito?" Nandito kami sa isang eskinita. Hindi ko sure kung saan ito pero feeling ko, pamilyar saakin ang lugar na ito.
"Natupad ko na ang kahilingan mo. Ibig sabihin, hanggang dito na lang muna tayo."
"Ay~" Nalungkot ako bigla. "Nakakabitin naman..."
"Bakit? Gusto mo pang magtagal sa bahay ko? Okay lang naman din..." Biglang nag-glow ang mukha ko. "Kakailanganin na namin ni Sam ng katulong. Pwedeng-pwede ka dun."
"HINDI NA NOH!!!" Nakakainis na talaga siya ha! Akala mo sweet na, yun pala asa ka!
"Oh paano, alis na ako!"
"Eh saan na ako magpupunta?"
"Aba malay ko! Basta natupad ko na wish mo, tapos na yun!" Saka niya ako tinalikuran at iniwan na akong mag-isa!
Lokong Eli yun! Ano na kayang mangyayari saakin dito? Nilingon-lingon ko na lang ang buong paligid nang biglang may tumawag saakin.
"Ellaine..."
Paglingon ko, bumalik ulit si Eli. "Idol?"
"Nakalimutan ko palang sabihin. Happy Birthday!" At isang malaking himala ang naganap, bigla niya akong ni-hug! "At dahil masarap yung pinakain mo saakin kanina, pwede mo na akong tawaging Eli."
Naging abot-langit ang ngiti ko nun. Pwede na akong mamatay ngayon... but for the second thought, wag na muna pala! Marami pa akong gustong gawin sa buhay!
Matapos nun, tuluyan na talagang umalis si Eli.
Pero nung inakala kong nag-iisa na ako... hindi pa pala.
May tumapik saakin mula sa likod at paglingon ko...
"Nandito ka lang pala."
Na-stroke na ako sa kinatatayuan ko nang makita ko siya. "I... ikaw..."
"I guess we're ready to go. Ang mabuti pa, kumapit ka na saakin."
"Ha... teka... sandali..." Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko.
Bukod kasi sa nastar-struck na ako sa kaharap ko, nabalot na kami ng puting liwanag. At saan niya ako balak dalhin? Hindi kaya dun sa...
>3< Hindi ko nabasa ung mgalines kooooooooooooooo! pink din kasi back ground ng monitor ko..topak lang XD
ReplyDeletePeroooooooooooooooooo waaaaaaaaah! Si Brylle na ba ang next?! hhaahha
si Brylle ang sunod!!! waaahhh.... :)
ReplyDeleteuU ngA c brYLLe n uN,,, aLaM q gAnyAn uNg cOLor ni pApA brYLLe eE,,, ddALhin niA s oTherwOrLd c atEy,,, wAaaHhh,,, pAinvitE diN s aegYowoRLd prA mkiLaLa q cLa,,,
DeletehwAhehE,,, hiNdi k p riN tLga nAgbbgO eLi,,, kHit c eLLaiNe inALipiN mo,,, kPaG nkpUnta aq s aEgyoWoRLd ipAgLuLuto diN ktA ng spAghetti n mRaMing marAming chEeSe,,,, hwAhiHi,,,
ReplyDeleteSahara angle swerte mo naman!, ang cute ng storya na to :-)
ReplyDeleteOMG! Pahiya ang ganda ko!!! Hindi pala si Brylle ito!!! NGAYON PA LANG SI BRYLLE! Si ELI PALA YUN! Bakit kasi parang parehas sila ni Brylle ng kaunti? -__- pahiya talaga ako shet! Pero.... waaaaaah! Naiiyak na naman ako!!! AJUJUJUJUUJUJU! Nakakatuwang basahin ito kasi para na din akong si Ellaine!!! Wahuhuhu. Bakit ba nakakaiyak!!! XD
ReplyDelete