(A/N : this is my first one-shot story sa series na ito...birthday gift ko kay Espren Queen...kahit na ako ang may birthday ngayon..hehe...enjoy reading guys )
***
Queen
and Railey’s relationship is the kind of relationship people envied and talked
about.
Railey
is the campus heartthrob. The basketball jock. The students council president.
He is so famous that all the girls in the University love and adored him. And
the boys envy him.
Queen
on the other hand is a very simple and down to earth girl. But she’s very
bright. Since first grade she was always on the honor roll and she’s a dean
lister in the University. She always had this smile on her face that Railey was
so addicted about.
At
first, Queen can’t believe how lucky she could be when Railey courted her. Well
she’s just a normal average girl. Yes she’s bright and a little bit pretty but
there are a lot of pretty girls in the campus. She thought that Railey was just
playing on her but Railey did everything he could to make Queen believe in him.
“Why
me?” Queen asked Railey one time.
“Ha?
Anong bakit ikaw?”
“Madaming
ibang babae dyan. Mas magaganda at mas matatalino pa sakin. Pero bakit ako?”
“Ano
ba namang tanong yan? Ikaw ang pinili ko simply because ikaw ang mahal ko. And
besides mag-iisang taon na ang relasyon natin eh” Railey answered with a smile
and hug his girlfriend.
“Kaya
nga eh.. almost one year na tayo pero hanggang ngayon hindi pa rin ako
makapaniwala na boyfriend kita… parang ang layo-layo kasi ng agwat natin eh”
“Ano
bang layo ang sinasabi mo? Eh heto ngat yakap yakap ita oh” pagbibiro ni
Railey.
“Railey
naman eh” reklamo ni Queen at tinangkang alisin ang kamay ni Railey na
nakayakap sa bewang niya. Pero mas lalong hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya.
“Babe…ilang
beses ba nating dapat pag-usapan ito? Mahal kita.. at boyfriend mo ako.. tapos”
“Eh
kasi naman hindi ko maiwasang mainsecure eh… lalo na’t madalas kong marinig sa
ibang tao na hindi daw tayo bagay.”
“Eh
kasi Babe tao tayo.. kaya hindi talaga tayo bagay” pang-aasar ni Railey.
“Alam
mo nakakainis ka na ah!”
“Okay
sorry na Babe.. wag ka na magalit.. binibiro lang naman kita eh…wag mo nalang
pansinin ang sinasabi nila… inggit lang yung mga yun kasi ang ganda ganda kaya
ng girlfriend ko… ang talino pa” paglalambing ni Railey at hinalikan siya sa
mga labi.
If
there’s one thing that could ease all Queen’s insecurity, it’s the thought that
Railey always feel her special. Laging ipinaparamdam ni Railey sa kanya how
much he loves her. Kaya nga kahit na marami siyang naririnig na hindi maganda
mula sa ibang tao hindi nalang niya pinapansin. Ang mahalaga… Railey loves
her.. and She loves Railey.
Or
so she thought…
“I
really don’t like that Queen girl… so what if she’s a consistent deanlister?
She’s not that pretty. I don’t know why Railey is so hooked up on her”
“Baka
ginayuma niya”
Queen
decided not to leave the cubicle inside the restroom when she heard two girls
talking outside. Obviously they are referring to her and Railey. She decided to
listen more.
“She’s
so baduy!!! Kadiri…maybe ginayuma niya nga lang si Railey”
“Oo
naman noh.. imposibleng mahal talaga siya ni Railey. Eh ang layo layo niya kay
Margareth.”
She
knows the name that they were talking. Margareth is Railey’s ex-girlfriend. She
was the last years’ Miss Campus. She’s very pretty and sexy. All of the boys
adored her. She is also Railey’s Vice-President. Madami ngang nagsasabi na
“perfect relationship” ang dalawa at walang linaw kung bakit sila naghiwalay.
“Feeling
siguro nung Queen na yun mahal na mahal talaga siya ni Railey. Hah! Asa naman
siya”
“I
heard madalas ngang magkasama sina Margareth at Railey kasi inaasikaso nila ang
mga school activities being the President and Vice of our school”
“Perfect
combination talaga”
Hanggang
sa makalabas ang dalawang babae ay hindi pa rin lumabas ng cubicle si Queen.
She feels drained. Ang sakit pa rin pala talagang marinig na hindi kayo bagay
ng taong mahal mo at higit na masakit ang katotohanang may ibang nararapat para
sa kanya.
***
“Babe
hindi muna kita maihahatid pauwe ah.. masyado akong busy sa school preparations
eh. Malapit na kasi ang foundation day”
“Okay
lang… ingat ka nalang pag-uwe mo”
“ikaw
din. Sige na..babye na”
“Bye…..I love You”
Pero
hindi na narinig ni Railey ang salitang iyon dahil ibinaba na niya ang
telepono. Napabuntong-hininga nalang si Queen habang nakatitig sa regalong
hawak niya.
Today
is their first anniversary as a couple and she prepared a gift for him. Pero
mukhang sa sobrang busy ni Railey nawala na sa isip nito na anniversary nila.
“Oh?
Bakit nandito ka pa? akala ko ba may date kayo ni Railey?” tanong ng kaibigan
niyang si Empress ng maabutan pa siya sa library.
“Oo
nga. Super excited ka pa kaya kanina kasi diba anniversary niyo?” segunda naman
ni Ruijin.
These
two girls are the only people she could consider as her true friends. Katulad
niya ay mga dean lister din ang mga ito.
“He
called me. Hindi daw niya ako maihahatid pauwe kasi busy sya” pag-amin niya.
“Ha?
Eh di ba anniversary niyo? Anong sabi niya?”
“Wala.
Mukhang nakalimutan niya nga eh” malungkot na sabi ni Queen habang nakatingin
sa regalong nasa ibabaw ng mesa.
“Ganun?
Mukhang busy nga talaga yang boyfriend mo…eh di ganito nalang.. puntahan mo
nalang siya sa student council room.. isurprise mo. Ibigay mo sa kanya yang
gift mo” suhestiyon ni Empress.
“Tama..eh
di natuwa pa yun.. di naman kailangan na magdate kayo eh.. ang mahalaga atleast
magkita kayo today since it’s your special day” sang-ayon ni Ruijin.
With
the encouragement from her friends, Queen sees herself walking to the building
where the student council office was located. Mangilan-ngilan nalang ang
estudyanteng nakikita niya. Sabagay it’s almost 7 o’ clock in the evening.
Wala
na siyang naaninag na ibang tao sa loob ng student council room. Pero dahil
bukas pa ang ilaw sa loob alam niyang may tao pa dun. Besides, Railey said he
was there.
She
excitedly opened the door just to have the best surprise of her life.
Inside
the student council room, she saw Railey and Margareth kissing.
Hindi
siya makagalaw sa kinatatayuan. She feels like her whole world was trembling.
Naibagsak niya tuloy sa sahig ang hawak na regalo.
“Babe…”
Agad
na humiwalay si Railey kay Margareth. Samantalang parang walang nangyareng
tinignan lang siya ni Margareth.
“Babe
let me explain”
Akmang
lalapitan siya ni Railey pero humakbang naman siya patalikod. She could feel
tears falling down her cheeks. Hurt was visible on her face.
Without
uttering a word she ran off the student council room, ignoring Railey calling
her.
She
was terribly hurt.
***
After 8 years…
Railey
stare at the card that he had on his hand.
It
was their University Reunion invitation.
It’s
been eight years but the face of a certain girl still hunting him. Whenever he
closed his eyes, he can still vividly see her face. Especially the hurt and
pain that he knows he caused her.
“Queen…pupunta kaya siya?” he asked to himself.
After
that incident in the student council room, hindi na siya kinausap pa ni Queen.
Hindi na rin siya nito pinansin. Even her two close friends, Empress and Ruijin
ay galit din sa kanya. Sa kanila nga lang niya nalaman na anniversary nga pala
nila ng araw na iyon. He felt like a jerk for forgetting such an important day.
And worse, sinaktan niya pa si Queen.
Hindi
rin naman niya gustong saktan ito. Naprovoke lang siya ni Margareth ng mga
panahong iyon. He can still remember that scene.
“Are you really serious about that
simple girl?” tanong ni Margareth sa kanya habang nagliligpit sila ng mga
ginamit.
“Who? Queen?”
“Yeah.. whoever she is”
“Oo naman”
“Do you really love her?”
“Oo naman”
“What about me? What about me Railey?”
“Anong what about you?”
“Hindi mo na ba ako mahal?”
“Matagal na tayong wala Margareth. Get
over it”
“But I cant. I still love you Railey”
“I’m sorry but I don’t love you
anymore. Si Queen na ang mahal ko”
“And you really want me to believe you?
Gusto mo lang akong saktan at pagselosin Railey using that girl”
“Masyadong mataas ang bilib mo sa
sarili mo Margareth” nailing na sabi ni Railey.
“Ano bang reason mo at ayaw mo na
sakin? What’s wrong with me?”
“There’s nothing wrong with you. It
just that si Queen na ang mahal ko”
“I won’t believe you”
“You can believe what you want”
Natahimik si Margareth.
“Railey…if you really don’t love me..
prove it to me”
“Margareth stop playing this games
okay?”
“I’m not playing. Hanggat di mo
pinapatunayang hindi mo na ako mahal hindi ako titigil”
Napabuntong-hininga nalang si Railey.
He wanted it to finish so that he can go home and call Queen.
“Okay. What do you want me to do?”
“Kiss me”
“What??”
“Kiss me…patunayan mo saking hindi mo
na talaga ako mahal”
“This not gonna work Margareth”
“Why? Are you afraid that I’m right?”
“No”
“Then do it”
Without a choice he kissed Margareth.
At iyon ang eksenang naabutan ni Queen.
Damn.
I wish she let me explain.
He
decided to go to their reunion. He wished he could see her there.
***
“Merry
Christmas” nakangiting pang-aasar ni Empress when we entered our alumni school.
“Ikaw
ang bad mo ah. Pinaghirapan nila ito. Lagot ka kay Ruijin pag narinig ka nun”
saway ni Queen.
“Eh
mukha naman talagang Christmas Party itong reunion natin eh samantalang summer
naman ngayon? Look naman.. sino naman ba kasing maglalagay ng Christmas Lights
during summer?” pang-ookray pa nito.
“Well
excuse me kung mukhang Christmas Party itong venue”
Sabay
pa silang napatingin ni Empress sa nagsalita sa likuran nila. It was Ruijin.
“Sorry”
hinging despensa ni Empress. Pero obvious namang she didn’t mean it.
“Okay
lang.. ako nga kanina pa naghahanap ng mistletoe eh”
Natawa
nalang din silang dalawa ni Empress. Actually wala talaga siyang balak umattend
ng reunion na ito kaso halos marindi na ang tenga niya araw-araw kay Empress sa
pangungulit nito kaya napilitan din siyang sumama.
“Kapag hindi ka sumama sa reunion
iisipin kong hanggang ngayon bitter ka pa din”
“Ako? Bitter? Hindi noh. Ampalaya lang
ang mapait”
“Mapait din kaya ang alak”
“Pilosopo ka talaga”
“At ikaw naman denial pa din”
Kahit
matagal na silang graduate ay nanatili silang magkakaibigang tatlo kahit na mas
madalas silang magkita ni Empress dahil magkalapit lang sila ng bahay compared
kay Ruijin. Besides Ruijin, who was once an ice princess, is now happily
married unlike the two of them. And a mother of two lovely kids who happens to
be their inaanaks.
Naputol
ang ngiti niya when she caught a glimpse of one particular person. Pero bigla
din itong nawala sa crowd kaya hindi siya sigurado kung tama ba ang nakita
niya.
“Tara na.. let’s mingle with others” yaya ni Ruijin at
hinila na silang dalawa ni Empress.
***
I lie awake
Thinkin of the days gone by
Wishin that your still here with me, baby
I was wrong
And now your gone
Please here this heart of mine
Hear me callin’
Thinkin of the days gone by
Wishin that your still here with me, baby
I was wrong
And now your gone
Please here this heart of mine
Hear me callin’
Now playing : All This Time by Six Part Invention
(A/N : You can listen to the song para may effect..hehe )
Iginala ni Queen ang paningin sa paligid. Bigla nalang din kasing
nawala sina Empress at Princess sa tabi niya ng may magyaya sa mga itong
sumayaw. At dahil likas na hindi siya mahilig sa party at ingay eh minabuti
niyang maglakad lakad nalang muna.
Halos wala pa ring pinagbago ang dati niyang school mula ng
makagraduate siya 8 years ago. Naroon pa din ang madalas nilang tambayang puno
ni Railey.
“What the heck I’m thinking” ipinilig niya ang ulo upang maialis
sa isip ang alaala ng lalaking nanakit sa kanya.
“Siguro happily married na sya.. sila kaya ni Margaret hang
nagkatuluyan? Okay lang bagay naman sila eh” kausap niya sa sarili ng maupo
siya sa ilalim ng puno.
Hindi
rin niya maiwasang balikan ang mga nagdaang alaala sa buhay niya. There were
happy moments too. Happy moments that make her sad.
“Sabi
ko na nga ba ikaw yan eh”
Queen
feel froze for a moment. She knows that voice very well. She decided not to
look back.
Railey
sat beside Queen but with a few inches away from her. Ayaw niyang biglain ang
dalaga.
Whenever you’re arround me
I feel different in your arms
with the way you touch me
I feel the love that last a lifetime
I feel different in your arms
with the way you touch me
I feel the love that last a lifetime
Your love so true
and i never knew
That its you i need
All this time
and i never knew
That its you i need
All this time
“Kumusta?”
he tried to open up. Besides she’s the reason why he attended this reunion. He
wanted to see her. He wanted to talk to her.
“Okay
lang” matipid na sagot ni Queen.
She
didn’t know what to say. She was surprised to see Railey again. Okay. She admits
that there was a very deep feeling that she wanted to see him. But seeing him
right now, she didn’t know what to do.
“Queen…I’m
sorry”
“Wala
na yun.. that was a long time ago… and besides nakalimutan ko na yun.”
“Ganun
ba?”
“Yeah…so
paano maiwan na kita”
Queen
started to walk away but Railey held her hand.
“Can
we start over again?” masuyong tanong nito
Natigilan
si Queen. Seeing Railey’s handsome face brings back all the memories that were
buried in her mind and in her heart.
Especially
the pain.
You see these tears
That keep fallin from my eyes
Wishin that i never let you go my baby
Take this heart
Fill me with your love
Please hear these words of mine
Hear me callin’
That keep fallin from my eyes
Wishin that i never let you go my baby
Take this heart
Fill me with your love
Please hear these words of mine
Hear me callin’
“I’m
sorry Railey… may boyfriend na ako. At malapit na kaming ikasal”
She
said and removed Railey’s hand from her.
***
“I’m sorry Railey… may boyfriend na
ako. At malapit na kaming ikasal”
Napatingin
si Queen sa kaibigang si Empress ng sabihin nito iyon. She knew that line.
“Come
on Queen…that was the most pathetic lie that I’ve ever heard” nakasimangot pang
dugtong nito.
“You’re
eavesdropping” akusa niya sa kaibigan.
“Excuse
me but I’m not… naoverheard ko lang ang pag-uusap niyo ni Railey nung reunion
natin” depensa naman nito. “ Hinahanap kasi kita nun eh nakita ko ngang
nag-uusap kayo ni Railey under the tree. Ang sweet niyo nga eh”
She
tried to ignore her friend and continue reading the articles that she would
submit to her boss. It’s been a week since the reunion at ngayon lang din sila ulit
nagkita ni Empress. Nagkataon kasi na wala itong pasok sa ospital na
pinagtatrabahuhan bilang isang resident nurse sa isang Mental Hospital.
“Infairness
to Railey ah mas lalo siyang gumuwapo. Kung dati gwapo na sya mas naging gwapo
pa siya ngayon ah.” Pangungulit pa nito habang nagbabasa ng mga magazines.
“I
don’t care” balewalang sabi niya.
“At
eto pa…alam mo bang he already has a business of his own? Naifeature na din
siya sa isang magazine kung saan isa siya sa pinaka eligible bachelor of the
country…at ang pinakaimportante sa lahat.. he’s still very much single and
available.” Parang balewala lang kay Empress kahit hindi niya ito pinapansin.
Dire-diretso pa din ito sa pagkukwento.
“Alam
mo ikaw hindi ka dapat naging nurse eh… dapat sayo naging reporter…as in
showbiz reporter.”
“Para mo namang sinabing tsismosa ako”
“Para namang hindi totoo”
“Excuse
me ah hindi po ako tsismosa. Magaling lang ako kumuha ng balita.. saka para din
naman sayo kaya ko ginawa yun eh”
“Sakin?
Ano namang kinalaman sakin nun”
“Syempre
irerelay ko sayo alam ko naman kasing di ka makikibalita kung ikaw lang eh”
“Hay
naku Em.. I’m not interested”
“Sorry
to say Queen but I’m so interested”
“Okay
ka lang ba?”
“Hindi”
“Adik
ka talaga. Nahawa ka na sa mga pasyente mo”
“Mas
matino pa nga silang kausap kesa sayo eh.”
“What
do you really want to imply ba?”
“You’re
still inlove with Railey”
“Ako??
Hindi noh… Come on Em… that was a long time ago pa..eight years to be exact”
“
8 years, 15 days, 6 hours and whatever minute and seconds” pagtatama nito. “If
you’re not inlove with him anymore.. bakit hanggang ngayon single ka pa din?”
“I’m
happy being single. Kasalanan na ba ngayon kung single ka?”
“Hindi
nga.. pero happy ka nga ba talaga?” nakataas ang kilay na tanong nito.
“O-of
course”
“Come
on.. we’re not friends for nothing. I know how much you love Railey way back
then.. and I can still feel that you still do”
“I’m
young, immatured and innocent that time Empress. But not anymore. Hindi na ako
nagpapadala sa mga ganyan”
“We
just want you to be happy Queen. At alam namin ni Ruijin na si Railey ang
magpapasaya sayo”
“Paano
naman nasali si Ruijin dito? Nananahimik yung tao dinamay mo pa”
“Anong
nananahimik ka dyan? Eh sya nga ang nagsupply sakin ng mga balita tungkol kay
Railey since siya ang organizer ng reunion eh.”
Hay
naku pasaway talaga itong dalawang kaibigan ko.
“Alam
mo kasi friend…concern lang naman kami ni Ruijin sayo. Alam mo bang sobrang
nagiguilty iyon si Ruijin kasi happily married na siya samantalang ikaw
hanggang ngayon loveless pa rin at nagbabantang maging old maid?”
“Excuse
me ah.. old maid ka dyan? Nasa kalendaryo pa ang edad ko noh!”
“Gusto
mo bang makita na kaming dalawa ni Ruijin masaya na sa mga family namin pero
ikaw nag-iisa padin? I didn’t expect na sa ating tatlo nga eh si Ruijin pa ang
mauunang mag-asawa. I thought it would be you.”
“Oh
come on…” balewalang sabi ni Queen.
“Utang
na loob naman Queen.. give Railey another chance”
“Alam
mo kung gaano ko minahal si Railey noon Em… at alam mo din kung gaano ako
nasaktan. So why giving myself another hearthache kung pwede namang hindi na
diba?”
“And
why staying lonely and alone kung pwede namang hindi rin diba?”
“Emily Presea
Ibaviosa…shut up!”
“No
I won’t Queen Richelle Mariano.. you’re not my boss”
Napabuntong-hininga
nalang si Queen…. Sa konsumisyon. Kahit kelan talaga hindi na siya nanalo
pagdating sa kulitan at asaran dito kay Empress.
“Seriously
Queen…Ruijin and I are worried about you. At sa sobrang pagkaworried namin na
tumanda kang dalaga… nakiusap..or rather…inutusan ako ni Ruijin na hindi ako
pwedeng ikasal hanggat hindi ka pa naeengage… ang sweet niya diba? On my
expence…wow!”
“Ano
ba namang kalokohan iyang naisip niyong dalawa?”
“Kalokohan
ka dyan…hoy Queen.. ayusin mo ang buhay mo ah.. may balak pa akong mag-asawa..
kaya maghanap ka na ng lalaki sa buhay”
“Hindi
mo naman kailangang sundin ang sinabi ni Ruijin noh”
“Sorry…pinalaki
akong masunuring bata ng nanay ko..and besides…I want you to be happy too”
“Hay
naku Emily Presea bago mo problemahin ang lovelife ko.. problemahin mo muna ang
lovelife mo”
“Excuse
me Queen pero may lovelife ako” nagmamalaking sabi pa nito.
“Lovelife?
Wala naman akong nababalitaang may boyfriend ka na?”
“Eh
kasi hindi niya pa alam”
“Ha?
Ano daw?”
“Hindi
niya pa alam na boyfriend ko siya”
“Ikaw
talaga wala ka ng sinagot na matino sakin…ambisyosa kang babae ka…sino naman
yang kawawang lalaking soon to be boyfriend mo?”
“Sino
pa eh di si Lantis”
“Lantis?
Yung gwapo pero supladong kapit-bahay mo?”
“The
one and only”
“Ay
ambisyosa ka nga talaga…eh ni hindi ka nga pinapansin nun eh”
“Eh
kasi hindi niya pa natatanggap na ako ang future wife niya”
“May
girlfriend na yun diba?”
“Hindi
niya pa narerealized na hindi sila bagay”
“Ay
wala na…matindi talaga ang tama mo sa utak.. pacheck-up ka na sis.. delikado na
yan.”
“Ewan
ko sayo..atleast ako may lovelife”
“Lovelife
bang matatawag iyon? Hindi ka pinapansin at may ibang girlfriend? Kung ganyan
din lang ang definition mo ng lovelife…ayoko ng magkalovelife”
“Atleast
may Mahal ako.. tapos may Buhay ako.. kaya may Lovelife ako”
“Ewan
ko sayo”
“Hay
naku makauwe na nga” sabi ni Empress at lumakad na papuntang pintuan.
“Mabuti
pa nga at ng matapos ko na itong ginagawa kong report… hindi na kita ihahatid ah..
you know the way out”
“Ang
sweet mo talaga..touch na touch ako kulang na nga lang ipagtulakan mo ako
palabas eh”
Natawa
nalang si Queen sa sinabi ng kaibigan.
“By
the way Queen…” pahabol pa ni Empress.
“Ano
na naman yun?” hindi tumitingin na tanong niya dito.
“Baka
one of this days tawagan or itext or puntahan ka ni Railey ah”
That
caught her attention kaya napalingon siya dito.
“What
did you just say? Bakit naman ako tatawagan o itetext o pupuntahan ni Railey?”
“Kasi
binigay ko sa kanya ang cellphone number mo, number dito sa bahay at sa
opisina..pati na din ang address, facebook account at email add mo…kaya ayun..
so goodluck sayo Queen..babush!!!!” at mabilis na lumabas ito ng bahay.
“EMILY
PRESEA IBAVIOSA!!!!!! I HATE YOU!!!!!”
***
Dahil
sa sinabing iyon ni Empress ay laging balisa si Queen. Maya’t maya ay
nakikiramdam siya na baka may sumusunod sa kanya. Bawat tunog ng telepono at
cellphone niya ay napapapitlag siya. Pero lumipas na ang isang lingo hindi pa
rin nagpaparamdam sa kanya si Railey kaya hula niya ay pinagtripan lang siya ng
kaibigan.
Pero aminin mo umasa ka
Hindi kaya.
Oo kaya…gusto mo din siyang Makita.
Shut up!
“Miss
Queen may bisita po kayo” bungad sa kanya ng katulong nila sa bahay pag-uwe
niya.
“Bisita?”
“Opo.
Pinapasok ko na po kasi sina Miss Empress naman po yun eh”
“Ahh
okay. Sige puntahan ko nalang siya”
“Nasa Garden
po sila”
Sila? Ah baka si Ruijin ang kasama ni
Empress.
“Okay.
Magbibihis lang muna ako. Malaki na yun si Empress kaya na niya ang self niya.”
Pero
ganun nalang ang gulat ni Queen ng isang lalaking nakatalikod ang naabutan niya
sa Garden. At kahit nakatalikod ito ay kilala niya kung sino ang bisita niya.
Naramdaman
siguro nito na naroon siya kaya agad itong lumingon at ngumiti sa kanya.
“Anong
ginagawa mo dito?” masungit na tanong niya “Where’s Empress?”
“Nakaalis
na siya. May emergency daw sa ospital kaya kailangan niyang pumunta”
But
she doubts it. Batid niyang sinadya talagang umalis ni Empress para iwan si
Railey sa kanya.
Aba te! Haba ng
hair mo ah!
Inggitera!
“Anong
gingawa mo dito?” ulit niya sa tanong kanina.
“Ahhmmm
dumadalaw?”
“Wala
namang may sakit dito para dalawin. At ang dumadalaw diba dapat may dalang
bulaklak?” sarkastikong sagot niya.
“Uy
meron ako niyan.” At mula sa likod nito ay may kinuha itong bulaklak at iniabot
sa kanya.
Hindi
naman niya alam kung tatanggapin ito hindi.
“Tanggapin
mo na oh.. sayang naman yung bulaklak. Wala naman silang kasalanan eh” masuyong
sabi ni Railey.
Oh come on… I really hate those eyes.
Hindi ko magawang tanggihan.
Labag
man sa loob ko (weee???) ay tinangap ko
din ang mga bulaklak na bigay niya.
“Upo
ka.”
“Salamat”
“So..anong
masamang hangin ang nagtaboy sayo dito?”
“ahhmmm
hanging Habagat?”
“Railey!”
Bigla
namang ngumiti si Railey.
“It’s
nice to hear my name from your voice”
“Wala
akong panahong makipaglokohan sayo Railey. I’m a very busy person”
“Busy
din naman ako pero may time pa rin ako sayo.. saka di naman ako nakikipaglokohan
eh”
“Railey…please…just
leave me alone”
“I
can’t Queen…”
“Why?”
“All
those years na naghiwalay tayo wala akong ibang naisip kundi ikaw.. I never had
a serious relationship kasi until now ikaw pa rin ang mahal ko…gusto kong
tuparin ang mga pangarap natin noon”
Hindi
naman alam ni Queen kung ano ang dapat sabihin.
“Alam
ko na malaki ang nagawa kong kasalanan sayo. Nasaktan kita kahit na nangako
akong di kita sasaktan…but believe me Queen..it wasn’t my intention to hurt
you…if you just let me explain”
“No
need Railey”
Ewan
niya pero ramdam na ramdam niya ang sincerity sa mga sinasabi ni Railey.
“Queen…please
give another chance….please” Railey said and he hold Queen’s hand.
Hindi
naman magawang tangalin ni Queen ang kamay ni Railey.
“I’ll
think about it”
“Thank
you”
***
“Ikaw
na naman?” gulat na tanong ni Queen pagkakita sa labas ng opisina si Railey.
“Goodafternoon
din sayo Queen” nakangiting bati nito.
“How
many times do I have to tell you ba na wag mo akong puntahan dito. Mamaya may
makakita pa satin eh”
Magmula
kasi ng pumunta si Railey sa bahay nila at nagpahayag na gusto nito ulit na
magkabalikan sila ay malimit na itong dumalaw sa kanya. Kung minsan ay sa bahay
minsan naman ay sa opisina at sinusundo siya.
“Well..
wala akong natandaan na pumayag ako sa sinabi mo”
“Hindi
ko na kasalanan yun”
“Halika
hatid na kita” at inakay siya nito sa braso patungo sa sasakyan nito.
“I
can walk” piksi niya.
“Ito
naman.. nagpapakagentleman lang eh” napakamaot nalang sa ulo si Railey.
“Hey
Queen…what’s up.. boyfriend mo?”
“Sir”
Nabigla
pa siya ng Makita ang supervisor niya.
“Goodafternoon…
Nice to meet you Sir, I’m Railey” bati ni Railey dito.
“What
a nice young man… marunong kang pumili Queen”
“Thank
You Sir” nakangiting sagot ni Railey.
“Oh
paano mauna na ako sa inyo ah…young man ingatan mo yang si Queen”
“Don’t
worry Sir, I will”
Hanggang
sa makaalis ang supervisor niya ay di nakapagsalita si Queen.
“Hey!
What’s wrong?” nag-aalalang tanong ni Railey.
Agad
naman itong hinampas ni Queen sa balikat.
“You!
How dare you talk to my boss as if I’m not around?”
“What’s
wrong? Nakipagkilala lang naman ako. Mas rude naman kung di natin siya pansinin
diba?”
“Sira
na ang buhay ko nito. Madami ng mang-aasar sakin sa opisina”
“Para mo namang sinabi na hindi ako worth it ipakilala”
himig nagtatampong sabi nito.
“Nakakainis
ka talaga! Bakit kasi nagpunta ka pa dito”
Isang
hampas pa ulit ang pinakawalan niya pero bago pa yun tumama sa katawan ni Railey
ay nahawakan na nito ang mga kamay niya at inilagay sa ibabaw ng dibdib nito.
“Don’t
you know how lovely you are when you’re mad that I want to kiss you badly kung
wala lang tayo sa gitna ng kalsada”
Agad
namang namula ang mukha ni Queen.
“I’m
sorry kung feeling mo napahiya ka sa ginawa ko.”
“No”
“I
love You Queen.. please believe me”
Yes Railey… I do believe you…
Gusto
niya sanang sabihin pero pinigilan niya ang sarili niya.
Yes.
She believe him..at aminin niyang unti-unti na namang nakukuha ni Railey ang
loob niya. Kaya naman natatakot siya na baka masaktan lang siya ulit.
Naputol
ang pagmomoment nilang dalawa ng may biglang bumusina sa kanila.
“Hey
Lovers!!! Get a room!!!”
“Empress???”
Gulat
na sabi ni Queen ng makita kung sino ang nakasakay sa kotse.
“Hi
Queen…Hi Raileyboy!”
“Hi
Empress” bati ni Railey.
“Railey…
if you want to kiss Queen then do it…hindi naman iyan papalag eh”
Lalong
namula si Queen sa sinabing iyon ng kaibigan.
“Emily Presea!!!”
saway niya pero tinawanan lang siya nito.
“Goodluck
Railey…tandaan mo yung sinabi ko sayo.. kung di madaan sa santong dasalan
daanin mo sa santong paspasan..haha.. babush!!!” at pinaandar na ng kasamang
lalaki ni Empress ang sasakyan.
Naiwan
naman siyang tulala at namumula samantalang natatawa naman si Railey.
“She’s
still so bubbly…boyfriend niya ba yung kasama niya?”
“Bubbly?
Sira ulo kamo…Ewan ko lang kung boyfriend niya yun..tara
na nga.. mamaya may makakita na naman satin dito.”
At
nagpauna na siya papunta sa sasakyan ni Railey.
***
Napadalas
pa ang paghatid-sundo sa kanya ni Railey. Hanggang sa masanay na rin siya sa presensya
nito.
“Hindi
ka ba nagtatrabaho? Mas madalas pa yata na nandito ka samin eh” minsan ay sita
niya kay Railey.
“Okay
lang yun.. ako naman ang boss eh..besides mas mahalaga ka sakin”
Kahit
na wala silang pormal na usapan ay palagi na silang magkasama. Kahit na hindi
niya pa pormal na sinasagot si Railey ay parang ganun na din ang turingan
nilang dalawa…parang magkasintahan na din sila...At patuloy pa rin ito sa
panunuyo sa kanya.
“So
Queen… hanggang kelan mo naman balak patagalin iyan?” tanong ni Ruijin sa
kanya.
Kasalukuyan
siyang nasa bahay nito. Busy kasi si Empress sa ospital kaya hindi niya ito
mabulabog.
“Ewan
ko ba Rui”
“Mahal
mo pa rin naman si Railey eh..at obvious na mahal ka rin nung tao.. bakit
nagdadalawang isip ka pa?”
“What
if masaktan lang ulit ako?”
“Normal
lang ang masaktan”
“What
if lokohin niya ulit ako?”
“Queen..ni
minsan hindi ka niloko ni Railey…si Margareth ang dapat na sisihin dun..pero
anyways…matagal na yun….nagkasakitan man kayong dalawa still andito na ulit si
Railey…nandito na sya para iayos ang relasyon niyo..so bakit ipagkakait mo sa
sarili mo na maging masaya kayong dalawa?”
Napaisip
siya sa sinabi ni Ruijin. Siguro nga ay panahon na para maging masaya ulit
silang dalawa.
***
“Dinner?Tonight?”
tanong ni Queen sa kabilang linya.
“Yup”
“Bakit
anong okasyon?”
“Wala
naman. I just want to celebrate with you”
“Ganun
ba? Okay sige”
“So
see you at La Breeze, 7PM. May reservation na ako”
“Okay.
See yah”
Matapos
ibaba ang tawag ni Railey ay hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi ni Queen. She
decided na sagutin na ang binata ngayon. After all, she really love that guy.
Maya-maya
ay bigla ulit tumunog ang telepono sa ibabaw ng mesa niya.
“Hello?”
“Just
forgot to say I love You… I love You Queen” at ibinaba na ulit ni Railey ang
telepono bago pa man siya makapagsalita.
Abot
tenga ang naging ngiti ni Queen.. That was enough to make her day.
“Ahheeemmm…
bakit iba yata ang ngiti ng dalaga?”
“Sir!”
“Mukha
yatang Masaya ka ah”
“Medyo
Sir”
Kabiruan
naman niya din kasi ang supervisor niya kaya hindi siya naiilang dito.
“Is
it because of that young man?”
Nakangiting
tumango siya.
“That’s
good… keep it up! Always stay inlove.. and remember.. always trust each other”
Pagkasabi
nun ay marahan siya nitong tinapik sa balikat at pumasok na sa loob ng opisina
nito.
Mga
thirty minutes before 5:00PM ay tumunog ang telepono niya. She excitedly answer
it expecting it was Railey.
“Hello?”
“Queen?”
a girls’ voice.
Obviously,
it was not Railey.
“Empress”
Her
friend’s voice sounds sad and depressed.
“Are
you free tonight?” tanong nito.
“Ahhmmm…”
hindi niya alam kung anong dapat isagot sa kaibigan.
“Well,
mukhang hindi ka free. May date kayo ni Raileyboy?”
“Ahh
meron eh” amin niya.
“Okay
lang. Sige next time na lang siguro”
“May
problema ba Em?”
“wala
naman. Enjoy your date” anito at nagpaalam na.
Nag-aalala
man para sa kaibigan ay walang magawa si Queen. Hindi naman niya magawang
icancel ang date nila ni Railey. Besides, she knows her friend will understand.
I’m just going to talk to her one of these
days.
***
Quarter
to seven ng dumating si Queen sa La Breeze.
“Hi,
Is Mr. Railey Decordova’s here?” tanong niya sa waiter na sumalubong sa kanya.
“This
way Ma’am” anito at iginiya siya patungo sa table.
“Thank
You”
When
they reached the table that was supposed to be reserve for them, she was shock
to see Railey talking to another girl. And that girl she knows her very well.
She
thought it was supposed to be their date pero bakit kausap ni Railey ang
exgirlfriend nitong si Margareth?
Masasaktan
na naman ba siya ulit?
Minabuti
nalang ni Queen na umalis ng hotel at wag na magpakita pa kay Railey. Ayaw
niyang umiyak ulit sa harapan nito.
Halatang
nagtataka naman ang waiter sa biglang pagalis niya but she didn’t care anymore.
Habang
nasa labas ng hotel ay tinawagan niya ang kaibigang si Empress.
“Nasan
ka?”
“Bahay
bakit?”
“Punta
ako dyan”
“Okay
sige”
She
rode on a cab and headed towards Empress House.
***
“Pasok”
ani Empress ng mapagbuksan siya ng pinto.
Dirediretso
naman siya sa loob ng bahay nito. Empress is living on her own since two years
ago. Hindi halata na ang isang tulad nitong anak mayaman ay magtyatygang
manirahan ng walang katulong at magtatrabaho para sa mga mentally disabled na
tao.
“Akala
ko ba may date ka?” tanong nito at naglabas ng isang gallon ng ice cream at dalawang
kutsara.
It
was their hobby ever since. Kumain ng ice cream ng hindi gumagamit ng baso.
Diretso na sa lalagyan. Para iwas hugasin din.
“Hindi
ako tumuloy” sagot niya at sinimulang lantakan ang ice cream na inilabas nito.
“At
bakit? Inindyan mo si Railey?”
“Hindi
naman. Pumunta ako sa hotel pero hindi na ako nagpakita sa kanya”
“Ha?
Bakit naman? Nandun ka na rin lang eh. What happened ba?”
Ikinuwento
niya sa kaibigan ang nasaksihan. Pero imbes na kampihan at damayan siya ay
binatukan pa siya nito.
“Aray
naman” reklamo niya. “Pakakainin mo ako ng ice cream pero sasaktan mo lang
naman pala ako”
“Eh
sira ka talaga. You’re wasting your time again. Ano ba namang drama yun at
hindi mo sinipot si Railey just because you saw him talking with Margareth”
“Empress…That
was Margareth”
“Eh
ano naman?”
“Ex
niya yun eh”
“Exactly!
Ex niya yun. Ikaw ang present. Hahayaan mo na naman bang masira ang relasyon
niyo ni Railey dahil na naman kay Margareth?”
“Wala
namang masisira kasi walang kami eh”
“Alam
mo ikaw ang sarap mong iuntog sa gallong-gallong ice cream ng matauhan ka.
Queen. Why can’t you be brave just for once.? Kung alam mong sayo ipaglaban
mo!” sermon ni Empress sa kanya.
“May
pinaghuhugutan ka?” biro niya.
“It
was not about me okay? Don’t change the topic. Ikaw ang bida rito.” Another
batok ang inabot niya rito. She wonder kung paano nito napagtyatyagaang maging
nurse eh bayolente ito. Buti at hindi nito binubugbog ang mga pasyenteng hawak
nito.
“Queen…walang
mangyayari kung lagi kang magpapadala ng takot mo. Why cant you see that Railey
loves you?”
“But
he’s talking with Margareth”
“Eh
ano naman? So hindi na ba siya pwedeng makipagusap sa ibang girls?”
“Hindi
naman..but it’s Margareth we’re talking about. The same Margareth in college”
“College
pa yun teh! Eight years na ang nakalipas. Hanggang ngayon ba magpapatalo ka pa
rin?”
Hindi
siya nakaimik. Hindi rin naman kasi niya alam kung anong sasabihin o
ikakatwiran kay Empress.
“Alam
mo ang swerte mo nga at may isang Railey na nagmamahal sayo all this time… na
kahit ilang taon na ang nakalipas nandyan pa rin siya. Bakit ba hindi mo yun
Makita Queen? Hindi naman pwedeng si Railey nalang lagi ang gagawa ng paraan
para maging okay kayo. Kumilos ka din naman” sermon pa nito sa kanya.
“Tandaan
mo..ang isang relasyon parang bangko yan.. hindi pwedeng withdraw ka lang ng
withdraw.. kailangan mo ding magdeposit” dugtong pa ni Empress. “Kung habang
buhay ka talagang manghihina at di lalaban walang mangyayare. Tatanda ka
talagang dalaga niyan ung lahat ng magmamahal sayo takot kang ipaglaban at
mahalin”
“Talagang
may pinaghuhugutan ka ah. Pero I guess your right”
“I’m
always right”
“Oo
na. Wala na akong sinabi”
“Kausapin
mo si Railey. Magsorry ka.”
“Oo
na”
“On
second thought…puntahan mo nalang kaya siya ulit sa hotel. Baka naghihintay pa
yun sayo” suhestiyon nito.
“Hindi
na siguro. One hour late na ako”
“Malay
mo naman diba? This is it Queen. Kung naghihintay pa rin sayo si Railey siya na
talaga ang right man para sayo. Wanna give it a try?”
Naisip
niya ang sinabi ng kaibigan. Yes. She wants to give it a try. She wants to be
happy.
“Yes”
“Oh
eh ano pang hinihintay mo dyan? Gora na!”
“Yeah”
akmang lalabas na sana
siya ng pigilan siya ni Empress.
“Oh?
Akala ko ba pupuntahan ko na si Railey?” takang tanong niya.
“Wag
kang excited sis.. may chocolate ka pa sa labi”
Pinunasan
naman niya ng tissue na iniabot nito ang labi niya.
“Tara ihatid na kita sa hotel para mas madali. Saka para
may moral support ka” alok nito.
“Really?
Thank you sis” aniya at niyakap ang kaibigan.
“Oo
na.. tara na at baka mainip na ang Raileyboy
mo at tuluyang umalis yun”
***
Halos
paliparin na ni Empress ang sasakyan habang nagmamaneho. She didn’t know na
ganito kareckless magdrive ang kaibigan niya.
“Em..
gusto ko pang makarating ng buo sa hotel” takot na sabi niya. Hawak na hawak
siya sa gilid ng upuan.
“Don’t
worry Queen… ihahatid kita ng buong buo sa piling ng Raileyboy mo”
Inless
than thirty minutes ay nakarating sila sa hotel which would take atleast one
hour kung normal na byahe. Thanks to her Devil
driver…Agad na siyang tumakbo papasok at iniwan ang kaibigan niya. She
really wanted to see Railey. She really hopes he was still there waiting for
her.
Lord Please…
Halatang
nagtataka ang mga nakakasalubong niya kung bakit siya tumatakbo but she didn’t
care. All she cares was the man that she love.
Railey…
Ganun
nalang ang relief at sayang naramdaman niya ng makitang naghihintay pa rin si
Railey sa table na ipinareserve nito.
Naramdaman
siguro ng binata na may nakatingin dito kaya lumingon ito sa kanya. And she
swears, what she saw in Railey’s eyes was enough for her to believe that this
guys’ in love with her.
Agad
siyang nilapitan ni Railey at niyakap.
“Thank
GOD you’re safe. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. I cant contact your
phone”
“Railey…
hindi ka galit?”
“Why
would I’ll be mad?” Railey asked and looked at Queen’s face.
“Kasi
late ako. Kasi baka hindi kita siputin?”
“No.
I’m not mad. Mas nag-aalala ako. I thought may nangyare na sayo..but seeing you
here safe was enough for me”
“I’m
sorry Railey”
“For
what?”
“I
tried to walk away from you again. Nagpunta na ako rito kanina pero nakita
kitang kausap si Margareth kaya umalis ako agad. I was hurt seeing you talking
to her. Dumiretso ako kay Empress and told her my problems pero imbes na
damayan niya ako, kinaladkad niya ako pabalik rito. She told me you love me at
kung mahal din kita ay dapat kitang ipaglaban at wag akong magpatalo kay Margareth.
Kaya nandito ako ngayon. I won’t give up on you Railey even it would mean na
makalaban ko pa ang buong mundo. I won’t give you up without giving a fight”
“So
you mean you still love me?”
“Yes
Railey I love you.. I love you so much.. I still love you. Wala akong ibang
minahal kundi ikaw”
“I
love you too Queen…ikaw lang din ang minahal ko ng ganito kahit pa nung
naghiwalay tayo ikaw lang lagi ang iniisip.. wala akong ibang hiniling kundi
ikaw. Kaya nga ako pumuntang reunion sa pagbabakasakaling pupunta ka at
makikita rin kita. I was thankful to your friends kasi sila ang nagsabi sakin
na pupunta ka nga. They asked me if I still love you and when I said yes they
helped me to be with you again just promised to them that I will make you
happy”
Whenever you’re around me
I feel diff’rent in your arms
With the way you touch me
I feel the love that last a lifetime
Your love so true
And I never knew
That it’s you I need all this time
I feel diff’rent in your arms
With the way you touch me
I feel the love that last a lifetime
Your love so true
And I never knew
That it’s you I need all this time
“Yes
Railey, you are my happiness”
“Me
too Queen”
“What
about Margareth?”
“Margareth
was all in the past. At kaya kami nag-uusap kanina, we just saw each other
here. Kasama niya yung husband niya. Happily married na din siya. Nagkumustahan
lang kami. Hindi nga tumagal ng ten minutes ang pag-uusap namin eh.”
“Ganun
ba?” so nagseselos lang pala siya sa wala. Tama nga si Empress. She have to be
brave.
She
really need to thank her friends for being supportive to her all this time.
Speaking of friend…
“Empress”
kumalas siya sa pagkakayakp ni Railey.
“Why?”
“Nakalimutan
ko na si Empress. Kasama ko siya na nagpunta rito”
Biglang
tumunog naman ang cellphone niya. It was a text message from her friend
Empress.
“Nauna na ako. Mukhang okay na naman
kayo ni Raileyboy eh. I wish you all the happiness friend. Goodluck. Wag mo ng
pakawalan iyan. Tell Railey to love you with all his heart or else isasama ko
siya sa mga pasyente ko”
That
was her friend’s text message. Napangiti naman silang dalawa ni Railey.
“Tell
her I will”
Sinagot
naman niya ang message ni Empress.
“Thank
you Em…Railey said he will”
She’s
really thankful to have a friend like them. Naisip niya na may problema nga
pala ang kaibigan. One of this day siya naman ang tutulong dito. But this time,
kailangan niya munang pagtuunan ng pansin ang lalaking minamahal.
Nagulat
si Queen ng makarinig ng pagsinghap mula sa mga tao sa hotel. Ganun nalang ang
pagtataka niya ng di makita si Railey sa harapan niya. One of the customers
pointed something below.
There,
she saw Railey kneeling holding an open box with a ring.
“Oh
Railey…”
“Queen
Richelle Mariano…will you accept me with all your life? Will you be the mother
of my one dozen kids? Will you marry me Queen?”
Hindi
kaagad siya makasagot sa sobrang pagkabigla. Railey is asking her to marry him.
Ang bilis naman yata.
“Queen,
hindi ako tatayo rito hanggat hindi mo tinatanggap ang alok ko”
“Railey..
isn’t it to soon to propose?”
“Queen,
ever since I met you wala na akong ibang naisip kundi ang pakasalan ka at
makasama ka habang buhay at maging ina ng isang dosena kong anak”
“Isang
dosena talaga? Anong tingin mo sakin? Palahiang baboy?”
“Of
course not…Queen..please marry me”
“Say
yes!!!!” sigaw ng mga tao sa hotel. Mukhang nakakuha na sila ng atensyon.
Napatingin
naman siya kay Railey na hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin.
“Pleaseee”
Napabuntong-hininga
si Queen.
“Okay
Railey. I will marry you”
Nagsigawan
naman ang mga tao sa isinagot niya.
Isinuot
naman ni Railey ang singsing sa mga daliri niya at hinalikan siya sa mga labi
with all the customers watching them.
“I
love you My Queen”
“I
love you too Raileyboy” nakangiting sabi niya at siya na mismo ang humalik sa
binata.
Wala
na siyang pakialam sa mga tao sa paligid. All she cares is she’s happy with the
arms of the man she love. Noon at ngayon.
Your love so true
I never knew
That it’s you I need all this time
All this time
I never knew
That it’s you I need all this time
All this time
All this time
***
Epilogue:
After
three months of preparations ay ikinasal din sina Queen at Railey. Thanks to
her friends na tumulong sa pagaayos ng wedding niya. Ngayon naealized ni Queen
na lahat ng babaeng ikinakasal, they feel like they are the most beautiful girl
in the whole planet.
“Hey
Empress, Queen texted me, buntis na daw siya sa baby nila ni Railey. One month
na daw” pagbabalita ni Ruijin sa kanya.
“What?
Eh isang lingo palang yata silang kasal ni Raileyboy ah? Ano yun Pre-Nup baby?”
gulat na tanong niya. But she’s really happy for her friend.
“Mukhang
ganun na nga. Oh paano ba yan Empress ikaw nalang ang single at available sa grupo.
Kelan mo naman balak lumagay sa tahimik?”
“Tahimik
ka dyan.. magulo kamo”
“Whatever!
Oh eh kelan nga? Natupad mo na naman yung promise mo na pauunahin mo muna si
Queen..it’s your time to shine naman”
“Saka
na siguro kapag narealized niyang ako na ang mahal niya”
“So
may prospect ka na pala. Siya pa din ba?”
“Oo
eh. Hanggang ngayon kasi tanga pa din” natatawang sabi niya sa kaibigan.
“Daanin
mo na kasi sa dahas” payo nito.
“Hay
naku sis.. kung alam mo lang”
“Kung
alam ko lang na alin?”
“Wala.
Sige na.. tinatawag na ako ng supervisor ko babush na.. pasabi nalang kay Queen
na one of this day dadalawin ko nalang siya”
“Okay
sige.. bye. Goodluck sa paghahanap ng Papa”
“Bye..
kumusta mo nalang ako kay Kurt”
Ang
anak nitong five years old ang tinutukoy niya.
“Okay.
Regalo daw niya”
Inaanak
niya kasi ito.
“Sige
pagdalaw ko dyan..babush na sis”
“Bye”
Napabuntong-hininga
nalang si Empress ng tapusin ang tawag.
Kung alam mo lang ginawa ko na ang
lahat pero wala pa din.
“Calling
Nurse Ibaviosa..you are needed at Room 201 immediately”
She
immediately put down her phone and headed towards the room.
=Wakas=
OK!!! dahil birthday ngayon ni Pressy, BINIGYAN NYA AKO NG REGALO!!! THANK YOU BIRTHDAY GIRL...
ReplyDeleteAT DAHIL FEEL KO NGAYONG ANG MAGING MADALDAL, HETO NA ANG COMMENT KO...
KINIKILIG AKO!!!
---OH, TAPOS NA YUN!!! ANO PANG HINAHANAP MO????
HAHAHA...ECHOS LANG, KAW NAMAN EH!!!
UNA... GUSTO KO YUNG NAME NI PAPA... RAILEY
NAGULAT AKO NA HINDI NA KASAMA KO PA RIN KAYO NI BRATTY HANGGANG DITO.. MULA NOON HANGGANG NGAYON, LAGI PA RIN TAYONG MAGKAKASAMA SA MGA KWENTO... HINDI BA TAYO MAGSASAWA NA MAGKAKASAMA NA LANG LAGI???!!!
SI RUIJIN NA NAG-ASIKASO NG REUNION....KAYA MALAMANG NA MAKULAY ANG BUHAY, SI RUIJIN YAN EH, WHAT DO YOU EXPECT TO SEE? BLACK??? KULAY KO YUN EH...
AT SI EMPRESS RESIDENT NURSE SA MENTAL??? BAGAY!!! YUNG TOTOO PRESSY, GALING KA DON DIBA???!!!
KASALANAN NA BA NGAYON KUNG SINGLE KA? HINDI NAMAN KASALANAN YUN EH, DUMALI KA NA NAMAN EH... NGUDNGUD KITA SA MUSCLES KO EH... WALANG MASAMANG MAGING SINGLE!!! HINDI NAMAN HALATA NA SINGLE AKO DIBA??? AHAHAHAHA!!!
INNOCENT IKAW ANG MAY SABI NYAN.. IKAW ANG SUMULAT NYAN, AT HINDI AKO!! OHOHOHO....
AKO MAGIGING OLD-MAID??? OWCAMOWN!!! POSIBLENG MANGYARI YAN...AHAHAHA... DI KO YUN IKAKAILA...
SI BRATTY ANG UNANG MAG-AASAWA??? MALAMANG, KASI SYA ANG PINAKA-BATA SA ATING TATLO!!! AHAHAHA!!!
SI PRESSY BUBBLY? NAHAWA YUN SA PASYENTE NYA RAILEY, BAKA NGA SYA PA ANG NANGHAWA EH, KAYA LALONG LUMALA ANG SAKIT NILA SA UTAK!!!
OH, YAN LANG TALAGA, KASI TALAGANG TINATAMAD AKONG MAG-TYPE, SAKA TAHIMIK LANG AKONG TAO..
HANGGANG DITO NA LANG...
MARAMING SALAMAT PRESSY AT GOOD MORNING.. AHAHAHHA... JOKE LANG... HAPPY BIRTHDAY!!!
hahaha... luka-luka ka.. ang dami kong tawa dito sa comment mo.. pwede na saking birthday gift ang comment mo na ito.. haha...
Deletewell.. after 50 years eh natupad din ang pangako ko sayo na magagawan din kita ng kwentong gusto mo...hehe...mabuti nalang at birthday ko..hehe..
next week na ulit yung second story...haha :)
thank you Gwing...
P.S.
Oo galing akong mental....hehe..kaya nga nakilala ko kayo ni bratty eh.. kasi dun din kayo galing..hehe
Innocent??? Joke lang yun ah.. baka maniwala ka.. makamundo ang utak mo eh..bwahahaha!!!
Ruijin ang ginamit kong name ni bratty dito kasi may iba siyang kwento eh... si Ruijin dito eh si Ruijin ng Monster Couple..wala lang trip ko lang..hehe
so sa mga nagrequest... tiis ganda muna mga friendship ah.. busy pa ang lola niyo eh..haha.. :)
dun ba talaga kami galing ni bratty???? wala na akong matandaan!!!
Deletebut one thing is for sure... IKAW ANG NAUNANG IPASOK SA MENTAL!!! malala ka na Pressy!! ahahaha...
maka-mundo??? hello, wala akong alam sa mga ganyan.. halata naman dun sa preview nung third party ko diba???
```narinig nyo yun, tiis-ganda muna ang drama nung mga nag-request sa baliw na author!!!
grBe ndE hindi n tLga mttWarAn ang tAg teaM ninyO pOng tAtLo,,, pAnsin q ngA riN pO un, s mgA kweNto, ndE tLgA pwedEng mwALa aNg iSa,,, c atEy aegYo, quEen aNd shinAya,,, nkktuWa pO ang friEndsHip niOng tAtLo,,, nUng unA tLgA akLa q mAgkakiLaLa n kAu ng pErsonAL eE,,,
ReplyDeletehAppy birthdAy po kAy atEy shiNayA,,, nALito pA aq akLa q c atEy quEeN ang mAy birthdAy kSi xAh uNg mAy giFt,,,
aNg gAnda diN po ng stOry niO,,, as expEcted nMaN pO,,, gALing,,,
huwaw!!! salamat Nicole :)
Deletepaepal kasi yan si Queen ehh..nagmamaganda..hehe
"kung alam mong sa iyo,ipaglaban mo" i just want to add that.. hehe..
ReplyDeletei soo like this!! wow! even here, buo pa rin ang mga ate jose ko!! sisikat na kayo ng husto nyan! finally!,nagka happy ending na rin si ate josa ko! that's one in a million! and it's not that complicated.. hahah
si ate jho? nurse sa isang mental? for real?.. hmmn,bagay! hahaha.. perfect combeynation.. hahah.. jz kidding.. hanggang dito ba nman ate bokya ung lovelife mo.. good thing in real life it's not.. hahaha.. ang arte lang ng name mo dito ha.. it suits you..
all in all, mas malandi si ate aegyo dito kasi sya ang unang ngka-asawa.. haha.. *peace.. bagal-bagal kasi kayo rito.. si ate rich??? old maid???.. who would believe that.. com'on! ate,hanapan na nga natin ng fafa yan, kinakalawang na kasi ang lovelife eh.. sayang nman ang isang magandang nilalang na katulad nya if hindi humayo at mgpapakarami.. hahaha.. ^___^
hahahaha.. baby demi gusto mong masaktan?? bwahahaha!!! hintayin mong magbloom ang lovelife ni Empress... siya ang susunod na kwento eh.. tinalo niya ng bongga ang boring na lovelife ni Richelle... hahaha *peace*
DeleteThank You sa comment napatawa mo ako. :)
Ate Jhonah!!!!!! T^T Grabe, para lang akong nanunuod nung nasa movie. Grabe, ang Ganda nito ate! Muntik pa nga akong maiyak iih. Uwaaaaaaaa! Idol na kita ate Jhonah!
ReplyDeletewow!!! thank you so much sweetgirl... natouch naman ako dun hihi :)
Deletethank you at naapprec8 mo xa...