Thursday, April 4, 2013

Chef Queen : Chapter 2

CHEF QUEEN : CHAPTER 2
Kanina pa paikot-ikot si Lance sa sala ng bahay ni Rosella at Anne. Masyado syang nape-pressure dahil sa engagement thing na iyan.

Naiinis sya. Naiinis sya dahil hindi nya magawang ipaglaban ang nararamdaman nya. Hindi nya gustong makasal sa isang babaeng hindi naman niya mahal.

"Sir?" nabigla sya ng may nagsalita mula sa likuran nya. Napalingon siya at nakita nya si Anne na nagtataka ang itsura. 

Ngumiti sya ng pilit ng makita nya si Anne na nakabihis na pang chef.

"Ikaw pala, Anne. Bakit ka naka-bihis na pang chef samantalang day off mo naman ngayon?" nagtataka niyang tanong.

Ngumiti lang si Anne at yumuko. "Sir, gagawin ko na po ang cake nyo para sa engagement party. Siya nga po pala, ano po ang dahilan at napadaan ka dito?" tuminging muli si Anne kay Lance na nakangiti pero sa kaloob-looban nito ay naiinis na siya dahil narinig nyang muli ang tungkol sa engagement party na iyan.

"A-ah. Oo. Napadaan ako dito para ibigay ang invitation na ito sa iyo. Sana makapunta ka."  sabi nya at inabot ang invitation. Agad naman itong kinuha ni Anne.

"Thanks you sir. Sige po mauuna na ako." agad naman itong umalis. Naiwan duon si Lance na nakatungo at may naramdaman niya na may tumutulong tubig sa pisngi niya. Pinahid nya agad iyon  at umalis na..


==00==00==


Where Kusina
Time     : After Lance went home

"Wow!!! Tapos ko na!" napatalon pa si Anne ng matapos nya ang DALAWANG cake na kanyang ginawa.. Hindi pa talaga iyon ang exact na ihahanda nya para sa engagement dahil sample pa lang iyon. 

Pinicturan nya iyon upang maipakita nya kay Mr. McTony, ang tatay ni Lance, kung ano ang gusto nya sa dalawa para sa kanyang anak.

(Credit goes to the real owner/s of the picture I used.)
Cake A

Cake B
Napabuntong-hininga na lang siya sa mga nangyayari... Kung pwede sana na siya na lang ang pakasalan ni Lance...

"Ayan ka na naman sa pag de-daydream mo eh!" other self.

"Ugh." napa hawak si Anne sa kanyang dibdib ng sumakit ito. "R-Rosella.. T-tulong.." halos bulong nyang pagkakasabi dahil nanghihina na siya.. Unti-unti na rin syang pumipikit dahil sa sakit hanggang sa  *block out*













"Annie!!! Asan ka---- Annie?" nabigla si Rosella ng makita nya si Anne na nawalan ng malay sa sahig sa kusina nila.. 

Agad nya itong dinala sa malapit na ospital sa kanila... Alalang-alala na siya para sa bestfriend nya.

Ng makausap niya ang doktor, umupo siya sa isang upuan at mariing napapikit at pilit nyang inalala ang ang sinabi nito;

"May sakit ang kaibigan mo. Sakit sa puso to be exact."  sabi nito sa kanya


==0==0==0==0==0==0==0==0==0==0==0==0==0==0==0==0==0==0==0==0==0==




NAGISING si Anne sa hindi pamilyar na kuwarto. Puti. Puti ang una nyang nakita. Nilibot nya ang paningin nya sa kuwarto at tinignan nya rin ang mga nnakalagay na kung anu-ano sa kamay niya. 

"Goodness!! I'm glad you're awake!" nagulat siya kay Rosella na kakapasok lang at niyakap nya ito.

"Ano bang nangyari?" tanong nya rito.

"Bes, I don't know what happened to you to be exact. I just saw you lying on the floor and your unconscious and--- OUCH!" binatukan ni Anne si Rosella habang nagsasalita dahil, "Ano bang nangyari sa iyo at English ka ng English?"  takang tanong nya rito.

"D-di ko lang talaga m-masabi sa iyo eh.." nag aalangan nitong wika.

"Ang ano?"

"B-bes---" binatukan na naman ni Anne si Rosella. 

"Pag di mo tinuloy yan babatukan ulit kita? Ano ba iyon? Pinapakaba mo naman ako eh." sabi ni Anne'

"Bes...." 

Halos gumuho na ang mundo ni Anne  sa sunod na sinabi ni Rosella.

"Meron kang sakit sa puso. Coronary Heart Disease." sabi nito.

Napapikit ng mariin si Anne sa narinig nya at tumango. Ngumiti pa ito na siyang ikinabigla ni Rosella, "I guess malapit na akong kunin ni Lord. Tanggap ko na. Pero I have an unfinish task to do." sabi nya at may tumulong luha sa pisngi nito.


END OF CHAPTER 2

to be continued.....



1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^