Saturday, March 16, 2013

When I Get Hurt : Chapter Eleven

When I Get Hurt : Chapter Eleven

Chapter Eleven : Confession


(Author's Note: I'm so sorry! Sobrang tagal kong hindi naging active sa story na 'to. TT_TT Pagpasensyahan niyo na po. Pero pangako, magiging active na talaga ako ngayon dahil bakasyon na namin! :)) Kapag 4th year di na po siguro ulit ako ganun ka-active. Sige po, enjoy the Chapter!)




(Eunicca Afenido's POV)


Araaaay~ Ang sakit ng ulo ko.


Actually, kagigising ko lang. Tsk.


*DING! DONG!*



Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko at bumaba sa may kusina.


Naabutan kong nagluluto si Manang minda.



"Good Morning ho, manang!" Bati ko.



Lumingon si manang.



"Oh, iha. Ikaw pala yan! Saglit lang at matatapos ko nang lutuin itong agahan natin." Sabi ni manang.



"Tawagin niyo na lang po ako sa Salas." Paalam ko saka na ako pumunta sa salas.



"Ah, eunicca. Si Brent pala nandito." Biglang sabi ni ate Eule.



"Oy, Brent. Kaw pala. Anong ginagawa mo rito?" Bati ko.



Tumayo si Brent mula sa pagkakaupo sa sofa namin.



"Ah-eh... Yayayain sana kita papunta sa Amusement Park." Sabi ni Brent.



"Ang agad naman non. Ah...osige. Maliligo lang ako saglit tapos mag-aagahan." Sagot ko saka umakyat papunta sa kwarto ko.



Nagtake a bath lang ako tapos nagsuot ng simpleng damit then simpleng flat shoes. Bumaba na agad ako at kumain saka umakyat na naman at nagtooth brush. Kinuha ko yung maliit kong backpack then kumuha ng 500 sa cash box ko. Teka... Panyo at Phone pa pala. Bumaba na agad ako.



"Tara na, Nicca!" At agad na akong hinatak ni Brent palabas ng bahay.



Binuksan niya agad yung pinto ng shotgun seat saka ako pinapasok at isinara ang pinto. Umikot agad siya at pumasok sa driver's seat.


Pinaharurot niya yung kotse at parang natataranta siya dahil tingin siya ng tingin sa side mirror pati sa rearview mirror.


"Ano bang nangyayari sayo, Brent?!" Tanong ko.



"Wala! Wala! Ta... tama! Wala ngang nangyayari sakin!" Natataranta niya pa ring sabi.



"Sigurado ka? Tignan mo nga iyang sarili mo! Tarantang taranta ka!!" Sabi ko sa kanya.



"Ha? Talaga?" Parang di niya makapaniwalang sabi tapos bigla siyang kumalma.



"Buti na lang natakasan ko sila." Bulong niya.



"Sinong 'sila', Brent?" Tanong ko.



"Wala." Sagot niya na naman.



Dumating na kami sa Amusement Park. Teka. GM muna ko. xD


~ ~ ~ ~ ~
Yun oh! Here at the Amusement Park with my Brent. xD


Good Morning! Taha! Aga magbukas ng Amusement Park na to!


Tara po, text tayow!


~ ~ ~ ~ ~

Send to: 

Clarissa
Ace
Trina
Timmy
Kim
Harold
Terrence
Luigi
Etc.
Etc.



Ahehe. Except Brent syempre!


Time check. 9: 30 am


Lumabas na kami ng kotse at pumasok sa Amusement Park. Kaunti pa lang ang tao.



Nagride kami ng Anchors away then bumili kami ng souvenirs.



"Teka, CR lang ako, Brent." Paalam ko. Pumasok agad ako sa CR ng girls at umihi na.



POagbalik ko hinatak agad ako ni Brent at tinakpan ang mga mata ko gamit ng mga kamay niya. Naglakad lang kami. Maya-maya tumigil kami skaa niya tinanggal ang kamay niya sa mga mata ko.



Maraming tao. Hindi ko sila mga kilala. Kaharap ko si Brent atm ay hawak siyang pink roses. Ibinigay niya ito sakin.



"Mahal na mahal kita, Nicca. Can you be my Girlfriend?" Sabi ni Brent.



Natulala ako. Mahal... Mahal niya daw ako? Talaga? :") Yiee!


"Tsk!" Ungot ni Brent saka na naman ako hinatak.



Nagtag kami sa isang sulok saka niya ako isinandal sa pader.



"Mahal. Na Mahal. Kita." Slow Motion na sabi ni Brent.



Naglean down siya at hinalikan ako sa labi. Unti-unting naglapat ang mga labi namin. Pakiramdam ko ayaw ko nang kumawala pa. Ayokong mawalay sa kanya. Tila nagpapaalam siya dahil sa sinabi niya. Mahal niya ako. Mahal ko rin siya. Eto na ba 'yun? Eto na ba yung Happy Ending?



Humiwalay siya ng unti-unti. He cupped my face and said, "Go, Nicca. Umuwi ka na. Sorry. Hindi kita maihahatid eh. Bye!" Saka niya hinalikan ang noo ko at itinulak ako.



Wala akong ibang magawa kundi sumunod sa sinabi niya. Umalis ako at hina lumingon pa. Ano bang mangyayari? Anong nangyayari?






2 comments:

  1. ((Ang sweet ni Brent! Grabe!))

    ReplyDelete
  2. Syet! Nakakakilig lang si Brent!
    Kaylan po kaya ang next update ng author dito?
    Sana hindi ulit ganun katagal.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^