Thursday, March 21, 2013

Before I Die, Cupcake: Chapter 9


Chapter 9
Other World
Zayn POV

Pakistan. I hate this place. I want to go back in the Philippines to see Allison but I think she's already gone. It's okay,dadalawin ko na lang grave niya. I really suck in here. Sarap kalmutin ng mga tao dito. Wala ka ring matinong kausap. Abala ang lahat. At iyong mga bagong kaklase ko,mga habog na di yata nakaligo. They always humiliate me. Si Liam lang siguro ang matino dito kaso mukhang babalik siya sa Pinas. Inaaway niya si Mama nung nakaraang araw eh. Kung babalik siya,sasama ako.

*some nights by fun* ringtone ko. Si Perrie napatawag. Ang babaing hinahabol ko noon pero tila humahabol na sa akin ngayon. Baligtad na ang mundo.

I grab my andriod phone to answer her. "Oh Hello!"I grinned.

"Zayn I really miss you! kailan ka ba babalik dito?"sabi niya.

"I miss you too."mahina kong saad."I don't know. Dito na siguro ako tatanda. Wala ng balak ang parents ko na babalik dyan eh."

"Oh,so sad naman. Hindi na kita makikita."

"Pero kung gusto mo pwede ka rin magbakasyon dito."naalala ko malapit na ang summer sa Pinas.

"Talaga?"she said enthusiastically."tama,summer na pala next month. Oh,sige hahanap ako ng paraan na makapunta dyan."

"Hintayin kita."sabi ko.

"Youre so sweet. Oh,gotta go. Tatawagan kita ulit mamaya. Andyan na si sir eh. Take care."

"Okay bye."I hung up the phone. Tumingala sa kisame habang nakaupo sa couch. What about si Perrie ulit mamahalin ko. Nakikita kong may gusto siya sa akin. Liligawan ko siya ulit. Tigilan na ang pagiisip kay Allison. Alam kong masaya na siya sa piling ni Lord.

"Mom,please. Pauwiin mo na ko."ginambala ako sa boses ni Liam.

"Di nga pwede. Magagalit ang dad mo. Alam mo namang ayaw niyang bumalik sa Pilipinas!"

Sinilip ko sila sa kusina. Nakasalpok ang kilay ni Liam.

"Aalis ako dito."hinampas niya ang kamay sa mesa. nagkatinginan sila ni Mama. Parehong galit. Sumuko si Liam. Yumuko siya at tinalikuran si Mama. Huminto siya ng saglit nang makita ako pero pinatuloy ang layas nang ma-realize siguro na bawal akong makisawsaw sa kanilang debate. Tapos na ang debate nila at wala akong balak makisali sa kanila.
Yumuko ako. Humugot ng malalim na hininga. humakbang patungo sa pinto. kaso pagpihit ko. "Anak,wag kang~"

Itinaas ang ko ang kanang kamay. senyales na tumahimik siya. Pinatuloy ko ang hakbang nang sinunod niya ako. Maglakad-lakad muna sa gilid ng baybayin. huwag ang masyadong malapit sa dagat. baka malunod ako. Di ako marunong lumangoy at since nagkaroon ng trahedya noong bata ako. sa dagat kami tinapon ng kotseng sinakyan namin. simula non,nagka-phobia na ko sa tubig.

"Hey?"may babaing umupo sa tabi ko habang tahimik na minamasdan ang dagat. Malakas ang hangin kaya di ko siya masyadong narinig. Lumingon ako sa kanya.

"Hi."anas ko. nakangiti siya kaya halos madala ako. di ko kayang sumimangot sa isang babaing kinukumbinsi akong ngumiti. May deep brown eyes siya. maiksi ang itim na kinulot niyang buhok. may ribbon sa ulo. katamtaman ang taas ng ilong. May dimples. skinny. may tattoo sa right hand. Maputi sana eh kaso nagpa-tan yata siya. Mukhang brat ang babaing to. sa sout pa lamang na loose shirt,nakalalay sa balikat niya kaya nakikita ko ang sando niya. strip na blue. Nakasout siya ng hanggang hita na jeans. sa pagmamadali niya siguro,nasobrahan niya ang paggunting kaya napaiksi. sinuot niya nalang siguro dahil nasasayangan siya.Naka-rubber shoes siya.
May red lipstick. Malaki ang earrings at may maraming bracelet na plastic. Mukha siyang christmas tree pero kyut.

"I'm Josephine Goulder."nilahad niya ang kamay sa akin.

"I'm please to meet you."sagot ko na nakangiti na at tinugunan ang kamay niya.. "Zayn Malik."

May star sa mata niya. Kumislap nang marinig ang pangalan ko. "Me too. You have a great name. I like that."

"You too."bitaw ko.

"Para di ka mahirapan,half-pinay pala ako. Hmm.. kayo yong bagong kapit-bahay namin diba? Ngayong lang nakatyempong kausapin ka."yumuko siya. nahihiya. Ang brat na to,may gana pang mahiya. Okay,tao lang siya. Nararamdaman din iyon.

"Ahh.."yon lang reaction ko.

"Saka napansin ko nag-aaral ka rin sa Jawwaad University. Ikaw yong bina-bully ng classmate ko. Wag mo na silang pansinin ha,mga walang magawa iyon eh."akala ko ba nahihiya to. ito pa yata ang talkative eh. at ako naman yata ang nahihiya eh.

"Oo. Minsan naiirita rin ako sa kanila. Di ko lang pinapatulan dahil di ako yong tipong pumatapatol sa mga baliw."

She chuckle. I startle. "Tama."

"Matagal na ba kayo dito sa Pakistan?"tanong ko.

Sumeryoso ulit mukha niya. "Hmm.. almost one year. Ikaw ba?"

"I guess 5 months. Di ko iyon iniisip eh. Ang balak ko kasi makabalik sa Pinas. Mag rerebulosyon sa parents ko kaso lalong tumatagal di gumagana balak ko. Nauubos lang oras ko sa kakaisip."kwento ko.

Tinutop niya ang bibig.

"Para kang bata. E bakit,di na ba kayo babalik sa Pilipinas?"

"Definitely,hindi na."

"Huh? Bakit?"

"I don't know."

"Kahit magbakasyon lang?" napapansin kong magkakasundo kami nito.

Umiling ako. "E ikaw ba,bumubisita sa pinas?"

"Every summer,nagbabakasyon ako kay Lolo."

"Taga Manila ba kayo?"

"Yes."

"Magka-city din pala tayo eh."

"Oo nga noh? at dito pa tayo pinagtagpo."she giggled. Siya pa yata ang bata sa amin eh. Kinibot ko ang labi.

Dumaan pa ang maraming araw ko sa bansang ito. Pero lalong lumalala ang awayin ni Liam at ng mga magulang ko. wala na kong pakialam sa kanila. naaliw ako kay Josephine. palagi kaming magkasama sa school,sa gimik at kahit saan man magpunta. We getting so close to each other. para siya yong sister ko na matagal ng nawala.
Inabala ako ni Jo kaya di ko na muli iniisip yong balak kong umuwi sa pinas. Si Perrie naman, lalong bumubuti ang relasyon namin. Hmm..let me share. kami na pala. sinagot niya ko kahapon lang. Masaya ako doon,nagkatotoo na pangarap ko. Girlfriend ko na ang babaing matagal ko ng gusto. ayan,si Allison kung saan man siya ngayon tiyak masaya na siya sa bagong buhay ko dito sa Pakistan.

*some nights by fun*humuni ang ringtone ko. Si Perrie napatawag.

"Yes babe?"sagot ko.

"Pinayagan na ako ng parents ko na magbakasyon dyan this summer. magkakikita na tayo and let celebrate our third monthsary."balita niya. kaya ito tuwang tuwa ako. hindi na ko mahihirapan sa kaka-chat sa kanya. iba kami ng time zone eh. umaga dito sa amin. gabi sa kanila. kaya kawawa siya,pumapayat sa pagpupuyat. maghahalikan ko talaga siya kapag magkita na kami.

"Im so happy babe! Can i kiss you right now?"

"Of course!'tumawa siya.

"Mwuaah! I love you so much babe and i can't wait to see you."

"Very,very soon."dugtong niya. "Mwuaah! Love you too."

"Masusundot ko na rin ang ilong mo." ang term na yan ay nakuha ko kay Allison. Hindi ko makakalimutan iyon.

"Hahaha! me too."

"At magkikita rin kayo ni Josephine. Yong bestfriend ko dito. Siguradong magkakasundo kayo."sabi ko. sumeryoso bigla ang boses niya.

"Excited na ko. Siguro mas maganda siya sa personal." nakita niya na ito noong nagcha-chat kami. pinakilala ko si Josephine sa kanya eh. nanggugulo kasi ito noong pagkakataong iyon.

"Pero wala ng gaganda sa babe ko."I grinned.

"ayan ka naman. hahaha!"tumawa siya. "Sige,babay muna. tinatawag na ko ni Mama. Kain daw muna."

"O cge eat well."

"Ikaw,take care and i love you. Mwuah!"she hung up the phone.

Iba talaga ang pakiramdaman ng tumawag sayo ang taong mahal mo. nawawala ka sa katinuan. sumisentro nalang ang isip mo sa kanya.

binaba ko ang phone at tumungo sa lounge ng bahay.

Nahuli kong may hilang maleta si Liam.

"Ano to alsa balutan?"sabi ko.

"Sawang-sawa na ko sa impyernong to. Babalik na ko sa Pilipinas."sabi niya.

"ah ha! sunod lang ko doon,Lee yhum."

"Napapansin kong naaliw ka kay Jo kaya wala ka nang balak na umalis dito."

"Depende baka magbago pa isip ko."

Ngumuwi siya.

"Alis na ko.'sabi niya na pinihit ang pinto.

"Teka,saan ka naman titira doon? Balita ko,binenta na nag bahay."

"Oo pero sa condo ni Danielle ako didiretso."

"Eh baka mabalitaan ko na lang na magpapakasal na kayo."

ngumit siya ng pilit. "Pwede rin. Pero kung magbago man ang isip mo. Tawagan mo lang ako. May instant tirahan ka na kaagad sa pinas."

Nilagay ko ang daliri sa baba ko. "May pag-asa pa. Papupuntahin ko muna si Perrie dito. subukan kong kunin ang passport sa drawer ni Mama. Sasama akong babalik sa kanya."

"Wais ka nga kahit papaano. ikaw parin ang Zayn Malik na kilala ko."ngumiti siya. "Oh siya mauna ko bago pa ko maabutan ng dragons."

"Mag iingat ka. Mahaba-habang biyahe."

He salute. "Yes! master!"sabi niya na tumalikod sa akin. Ngumiti ako.


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^