Chapter 8
Naughty Returns
Allison POV
Biglang nagka-black out. Nawala si Zayn. Kinabahan ako kasi parang hinihila ako patungo sa kadiliman. Di ko alam kung paano takasan. Natatakot ako marahil sinusundo ako ni kamatayan. Wag lang sana. Ayoko pang mamatay. Gusto ko pang makasama ang pamilya ko. Biglang bumalik ang liwanag pero nakakasilaw. Nasa alley pa rin ako ng hospital pero wala ng tao. Except sa lalaking nakatayo sa dulo. Matangkad na skinny. Si Slenderman. Ngeek. Ah,malamang si Zayn iyon kaya tumakbo ako palapit sa kanya.
"Zayn!"tawag ko pero di siya lumingon."Oy ano ba?"
kaya pala di lumingon dahil humaharap na siya sa akin. Di ko malinawan ang mukha niya dahil masydong madilim sa paligid niya.
"Oras na para sumama ka sa akin."usal niya sa malamig na boses. Kinilabutan ako. Hindi si Zayn to.
Huminto ako. Mga sampung hakbang mula sa kanya.
"Sino ka ba?"tanong ko.
"Ang sumusundo sa mga kaluluwa. Dadalhin na kita sa purgatoryo para masimulan na ang hukom."
kamatayan! Aaaaah! Sumigaw ang inner voice ko.
"Ayoko! Ayoko pang sumama. May pag asa pa akong mabuhay pa ulit. Alam mo namang mahal ko na si Zayn di ko siya pwedeng iwan!"welga ko.
kumibot ang labi niya. "hmm..kawawa. Pero kailangan mo na talaga sumama. Tapos na misyon mo sa mundo."
"Huwaaat? Hindi ko pa nga nagagawa misyon ko eh."nanginig ako.
He flash his shivering smile again. "So what? Kailangan ka na sa purgatoryo eh."
"bata pa ako at marami pa akong mga pangarap sa buhay. Pwes,tigilan mo na ako! Di mo ko pwedeng kunin! Babalik pa ako sa katawan ko."
"puwes magmatagis ka. Kung sakaling di ka man makakabalik sa kawatan mo. Nasa likod mo lang ang susundo sayo!"
Umiling ako. Humakbang pabalik. "Hindi ka totoo! Lubayan mo ko!"tumakbo ako hangga't sa makakaya ko. Then i realize,nagkaroon ng maraming tao sa paligid ko. Back to reality na. Pupunta ako sa bahay ni Zayn.
"Zayn! wohooo! i'm back!"sigaw ko matapos lumusot sa pintuan ng bahay nila. A seconds later, walang Zayn na lumabas. Saan siya? Naku! Kainis naman oh! Aakyat na lang ako sa itaas.
"Zayn!"tawag ko sa kanya pagpasok ko sa kwarto niya. Wala siya dito. Kalungkot naman. Saan naman ba siya pumunta.
kaya ito,dala ng lungkot natagpuan ko ang sarili ko na palakad-lakad sa kalsada ng village. Di ko alam na may playground dito. Makulimlim ang panahon kaya masarap tumambay dito.
May humuning cellphone. Ang ringtone terrified by sabrina ft. Christian bautista. Hinagilap ko kung saan banda hanggang sa mahagip ng paningin ko si Zayn na nakaupo sa swing. Nandito lang pala. Hmm.. Gugulatin ko siya.
"Hello? Oh Camilla bakit?"huminto ako ng marinig ang pangalan ni Camilla."Di maari yan."
Umiiyak ito sa kabilang linya. "Sige,pupunta na ko dyan."tumayo siya at iniwan ako.Ano kaya ang nangyari? Susundan ko nga.
Sa hospital kami. Sa kwarto ko. Umiiyak ang mga kaibigan ko. Ano bang nangyayari ha? Lumapit ako kay Zayn pero natigilan siya sa may pintuan. Tinitigan ko ang tinitigan niya. Ang katawan ko pinalilibutan ng mga doctor. May kung anong bagay silang nilalagay sa dibdib ko kaya umaakyat ang katawan ko.
"No anak! Wag mo kaming iwan."nguynguy ni Mama. Nasa dibdib siya ni Papa.
Huwaat? Mamamatay na ko,di pwede.
"Yeah! Oras mo na kaya halika na."bumaling ako sa malamig na boses. Nakahalad na ang kamay. Inuga ko ang ulo ko.
"Hindi pwede! Lalaban ako! Kailangan kong mabuhay!"welga ko sa nagdedeliryong boses.
Kinibot niya ang labi pero di ko makita boung mukha niya. Tinatakpan ng anino eh. Lumayo ako. Tumakbo hanggat sa makakaya ko. Pero may biglang humigop sa akin. Ewan kong ano iyon,wala namang liwanag papunta sa langit. Ang nagawa ko ay sumigaw...
Later on,humigop ako ng hangin na tila nalunod kanina. Ang bigat ng talukip ng mga mata ko. Mabigat ang katawan ko. Nangangalay dala ng di pagkilos ng isang buwan.
"Isang meligro!"cast ni Mama sa di naniniwalang boses.
Blurry pa ang paningin ko. Hinanap ko siya kaagad. Hindi ako makapaniwala. Natalo ko ang kamatayan. Marahil sa marathon kasi takbo lang ako ng takbo kanina.
Bigla nila akong niyakap. Nagiiyakan sila sa harap ko.
“Ano ba yan? Wag nga kayong ganyan.”Sabi ko na medyo naiiyak. Tila wala lang nangyari.
“Ang hirap maniwala eh dahil ka dedeclare lang ni Doctor ang time of death mo pero bigla kang gumalaw.”sabi ni Papa.
“Akala nga namin Zombie ka na eh.”nagpapatawa pa si Pinsan Coleen.
“Salamat sa Diyos,dininig niya ang lahat ng panalangin sa naming bagamat hirap paniwalaan ang himalang ito.”sabi ni Mama na napa-cross fingers.
Tumingala ako sa kisame. “Thanks God! I owe all it to you.”dasal ko.Binaba ko sa kanila ang titig ko. “Bear Hugs!”
Yeah! Niyakap nila ako ulit.
“Allie!”sigaw ni Camilla na may malaking ribbon sa ulo. Na miss kong titigan iyon ha.
“Ow GOD! ALLISON! YOUR ALIVE!”pahayag ni Lauren na kakapasok lang. tumakbo siya para bigyan ako ng power hug. Nangiyak-ngiyak kaming tatlo.
“Nagbabalik na si Naughty Princess! Humanda kayo.”anas ko.
“Kailangan itong malaman ni Zayn.”agarang saad ni Camilla. Nag-agree ang lahat.
“Wait,Wag muna baka mahimatay iyon sa muli kong pagkabuhay!”pigil ko. Natigilan ang lahat. Laglag pa nga ang panga.
“Boyfriend mo iyon? Di ka ba naaawa? Baka magmukhang baliw iyon sa kaka-grieving sayo kasi buhay ka naman.”sabi ni Ate Coleen.
“Ako na po bahala. Basta wag niyo munang sasabihin sa kanya. Hayaan niyong ako ang magpapaliwanag sa kanya.”pakiusap ko.
“Ikaw bahala. Basta andito kami para suportahan ka.”ngumiti si Ate Coleen.
Bumaling ako kay Mama at Papa,ngumiti lang sila. Saka bumaling sa dalawang bestfriend ko.
“May mahalaga akong sasabihin sa inyo mamaya. Wag muna kayong umalis.”pahayag ko. Tumango lang sila sa medyo kinakabahang mukha.
“Ngayon magimpake na tayo ng gamit mo dahil uuwi na tayo.”sabi ni Papa.
Tama pala,magaling na ako at makakauwi na kami. Namiss ko ang bahay. Kamusta na kaya sina Aling Grace at ang anak niyang si Kim. Namiss ko din magluto ng pizza pie at cupcake. Si Kuya Harry na kapatid ni Ate Coleen Styles. Namiss ko rin. Hari ng Cupcake.
“Ate dumalaw ba ditto si Kuya Harry?”tanong ko kay Ate.
“Minsan lang pero binantayan ka niya noong wala si Tita.”tugon niya.
“Namiss ko po kayong dalawa.”sabi ko. “Pati ang pagsi-zip line natin sa lake sebu.”
“Oo matagal din tayong di nakakapunta doon. Siguro kapag magaling na magaling ka na. Pupunta tayo doon.”
“Syempre kasama kaming dalawa.”sabad ni Camilla.
“Oo naman!”sabi ko.
“Aba! Teka lang anak ha. Punta lang ko sa ibaba.”lisensya ni Papa.
“Sige ho.”tugon ko. Bumabay ako nang binuksan niya ang pinto. “Maraming prutas dyan,kumain ka muna.”
Bumaling ako sa mesita. Andoon si Mama,abala sa kakaligpit ng gamit. Bumangon ako.
“Dahan-dahan lang.”alalay ni Ate.
“Don’t worry ate. Malakas na kesa sa kalabaw si Naughty.”sabi ko na sinapo ang benda sa ulo ko.
Namangha ang dalawa. “Naughty?”tanong ni Lauren.
“Makulet kasi ang kaluluwa ko eh habang natutulog ako.”pahayag ko na kinuha ang ubas.
“Nag astral travel ka?”
“Yeah ang saya nga eh.”
“Masaya? Eee-”putol na salita ni Lauren.
“Gusto ko matamis!”sigaw ko.
“May cupcake ako dito. Pandan flavor.”
Natuwa ang puso ko ng maalala ang cupcake nay an. Iyan kasi ang dahilan kaya nakilala ko si Zayn.
“Cupcake!”Nag-cupcaking ako. Nilagay ko sa chin ko ang nakataob na cross-fingers.
“Ang cute,para kang bata.”sabi ni Ate Coleen.
Tumawa lang ang dalawa.
Makalipas ang one week. Magaling na magaling na ako. Kaso nagstop ako sa pagaaral dahil almost two months akong nahuli kaya mahirap ng habulin. Mabuti daw kasi magpahinga muna ako. Next year na lang ako magpapatuloy. Alam na rin ng dalawa ang tungkol kay Zayn. Nilahad ko kasi sa kanila ang lahat ng tungkol sa pag astral travel ko at paano ko nakilala si Zayn. Tinapat ko rin na di ko totoong boyfriend si Zayn. Way lang iyon para makabalik ako sa katawan ko. Tss,masyadong mapantasya ang buhay ko. Kamusta na kaya si Zayn. Matagal ko na siyang di nakikita ha.
Ay ito,di ko muna hinayaan ang dalawa na sabihin kay Zayn na buhay ako. Ako kasi ang magus-surprise sa kanya. Kaya ngayon,ito na ang panahon para gulatin siya. Pumunta ako sa bahay nila.
“Tao po!”sigaw ko. Kaso walang sumasagot. Napagod na kasi ako sa kakapindot ng door bell. “Tao po!”
Tao po!
Tao po!
Tao po!
Naubos na laway ko eh. Walang sumasagot. Walang tao ata? Saan ba sila! Makauwi na nga. Sayang di kami magkikita ni Zayn. Masusundot ko n asana ilong niya eh.
Makalipas ulit ang one week,bumalik ako sa bahay nila. I press the door bell. May sumagot. Nasasabik na kong Makita mukha niya. Kaso na disappoint ako ng bumangad ang matandang babae sa akin. May kolorete ang mukha. Halatang beauty conscious.
“Sinong hinahanap mo hiya?”tanong niya.
“Eee. A-andito po ba si Zayn Malik? Tama ba akong bahay niya ito?”sabi ko sa nahihiyang boses na may halong kalungkutan.
“Zayn Malik? Iyong tinutkoy mo ba ay ang anak ng Mag asawang business tycoon na Malik?”tumaas ang kilay niya na ginuhitan ng makapal.
Tumango ako.
“Im so sorry to tell you. Bininta na nila ang bahay nila sa akin dahil tumulak na sila sa Pakistan.”
Boom! Clang! Clog! Umalog-alog ang utak ko. What? Di ko na makikita si Zayn. Di pwede to!!!
“A-a. O-e. Sa-Salamat po. S-Sige ho. Mauna na po ako.”sabi ko saka mabilis na tumalikod. Bakit tila iiyak ako? Ang sakit eh,wala ng taong mahal ko. Kaya ito nanlulumong naglakad sa daan palabas ng village ng biglang may nagbosena sa harap ko. Kaka-recover ko lang nga eh,babanggain ulit ako.
“Ano ba! Kay lapad ng daan eh!”singhal ko. Ang timang ko noh! Kasalanan kong nasa gitna ako ng daan eh.
Mabuti na preno kaagad ang sasakyan kaya di ako natuloyan. Hospital naman sana ang kahahantungan ko.
“Hoy! Ikaw pa galit dyan!Tumabi ka nga!”sabi niya na lumabas sa kotse. Dinagdagan niya ang init ng ulo ko. Kay gwapo niyang lalaki at bata pa kaso mas gwapo ang Zayn ko.
“Ikaw ang tumabi dyan! Di naman sayo ang village na to eh!”
“Potek ayaw kong magmura ngayon! Pwede ba lumayas ka dyan bago pa kita tuluyan dyan!”
“Pasalamat ka gwapo ka kaso ang sahol ng ugali mo!”
“Ikaw naman ng simula nito eh! Paharang-harang ka sa daan!”
“Oo ako na! Sorry ha! Malungkot lang ang tao ngayon.”humina nag boses ko habang humakbang sa gilid. “Sorry ha saka ibura mo na sa isipan mo ang nangyaring ito.”
“Hindi ko mapapatawarin ang mga babaing may lakas loob na kalabanin ako.”bulong niya saka mapangaakit na ngumiti. Sa tingin ko 18 na siya. Mayaman at palikero.
“Eh bahala ka.”linayuan ko siya at iniwan.
“Pasalamat ka,Maganda ka. Kung hindi papahila ko sayo Porsche ko.”habol niya.
“Ang sahol mo!”sagot ko. “Sana mabangga ka sa poste!”
Sino kaya ang nakaka inis na bwesit na iyon. Argh! Diba nalulungkot ako. Bakit ngayon mas hot pa sa spicy na barbeque ang feeling ko.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^