Chapter 7
Finally I saw sleeping beauty
Zayn Pov
Matapos ang klase tumungo kaagad kami ni Allison sa tapat ng classroom ng bestfriends niya. Timing pagdating namin nagsisipaglabasan na mga kaklase nila. Lumabas ang dalawa na abala pa rin sa paguusap.
“Hey!”bati ko sabay charm smile.
Huminto ang dalawa at napahugot ng hininga.
“ H-Hi!”tugon ni Lauren na nagpapakyut. Si Allison na nasa tabi ko ay biglang napaasim ang mukha.
“So?”tanong ko.
“Let go!”sabi ni Camilla na tinalikuran kami para magpatiunang lumakad. Paglabas namin sa gate nakabantay na ang Toyota hillux nila. Sumakay kami at walang imik habang bumabyahe. Mukhang nahihiya sila sa akin.
“Ano ba to ang boring naman!”Allie hissed. Muntik ko ng malimutan na katabi ko pala siya. Nakatingala siya habang pinapaypay sa sarili ang mga daliri.
Tinitigan ko lang siya. “Ano?”sabi niya sa matang namamangha.
Umiling ako.
“Ah! Ah! Malapit na ko sa katawan ko.”kwento niya. “I miss my warm bodies,you know. At saka excited na kong sundutin ang ilong mo.”
I grimaced. Di na ko nagsalita baka magmukha akong loko ditto dahil kinakausap ko ang sarili ko. Okay lang sana kong nakikita rin nila si Allison. Huminto ang sasakyan sa tapat ng St. Luke hospital. Marahang bumaba ang dalawa. Ako naman ang nahuli.
“Well,kalian mo nakilala si Allison?”tanong ni Lauren na kinalukso ng kaba sa puso ko. Anong irarason ko. Tumitig ako kay Allie na nagpapakitang nangangailangan ng tulong.
“sa science camp last year..”bulong niya.
“Sa science camp. Hiningi ko number niya. We exchange call and text then biglang nabuo ang love sa amin. Kaya iyon,niligawan ko siya at naging kami nga. Noong last week lang bago siya na aksedinte.”salaysay ko na puro kathang isip lamang.
“Ang daya niya talaga.”bulong ni Lauren.
“Ah,yun pala. Ang haba ng hair niya ha. Ang gwapo mo para maging boyfriend niya.”kumibit balikat si Camilla.
Naglalakad na kami sa alley ways ng hospital. Nakasout ako ng plain brown t-shirt. Nakayos ang itim na buhok.
“Finally,were here!”proclaim ni Lauren.
Pagbukas ng pinto. Sinalubong kami ng medyo may edad na babae. Mga atleast 40 plus ang edad.
“Lauren! Camilla! Napadalaw kayo!”bungad nito. Mukhang mabait naman ang mama niya.
“Hello Tita! Kamusta na ho si Allie?”tugon ni Lauren na pinilit ngumiti.
“Ito unti-unti nang nalalagay sa mabuting kalagayan.”tugon nito sa nalulungkot na tono. “Ah,may kasama pala kayo.”
“Hello po.”bati ko. Ngayon ko lang na realize na may hawak akong fruits.
“Hello!”tugon niya saka baling sa dalawa. Nagtatanong kung sino ako.
“Boyfriend po ni Allie tita.”inform ni Camilla.
Nagulat lang mama niya pero di man lang namuo ang galit. Okay lang marahil ditto na magkaroon ng boyfriend ang anak.
“Talaga. Upo ka dito hijo.”offer niya sa bangko malapit sa kamang hinihigaan ni allie. Ngayon ko lang napansin na din a siya sa i.c.u nakalagak. Isang private room to. Naka dextrose siya at naka-oxygen.May apparatus sa katawan at bibig. Marahil gumagaling na si Allie pero di pa siya nagigising. Kaunting araw na lang siguro magigising na to.
Narinig kong nag sniff si Allie sa gilid ko. Umiiyak siya. Tinatakpan ng buhok niya ang mukha kaya di ko Makita.
“I can’t believe. Makakabalik na ko sa katawan ko. I miss Mama Jean.”bulong niya.
“Ano panghinihintay mo allie,pumasok ka na sa katawan mo!”bulong ko.
Bumaling siya sa akin. “Tama ka.”
“Hijo,what’s your name?”interrupt ng mama niya.
“Zayn Malik ho.”sagot ko sa very polite expression.
“Anak ka ba ng business tycoon na si Mr. Malik.”
Tumango ako.
“Ow,nice to meet you.”sabi nya na kinuha ang kamay ko.
“Me too.”nginitian ko siya.
“Kaya nga ho maswerte ang anak mo eh.”sabad ni Lauren.
Ngumiti si Jean.
“Sana gumising na ang anak ko. Masaya nga ako ngayon dahil nakilala kita Zayn. “usal niya na bumaling sa mala-anghel na natutulog na si Allison.
Napansin kong nakatayo si allie sa gilid ng katawan niya. Ano pang hinihintay niya bakit di pa siya pumapasok sa katawan niya. Binigyan ko ng titig na ‘ano na?’ umiling siya.
“Ayaw akong papasokin eh. Ewan ko ba. Siguro di pa oras para makabalik ako sa katawan ko. Natitiyak ko naman di pa patay tong katawan ko.” Umiyak siya. Tumakbo at nawala. Ang saklap naman ng kapalaran niya. Nalungkot ako.
“May problema ba?”tanong sa akin ni Mrs. Johansen.
“Wala ho.”pilit akong ngumiti.
Nagkwetuhan kami hanggang mag alas sais ng hapon. Nawili ako sa mama niya. Pala-kwento ito. Lahat ng experience ni Allison nung bata pa siya ay di rin pinalampas kaya minsan tawa kami ng tawa na tila sandaling pinawawala sa amin ang lungkot.
Til I realize, kasalanan ko kung bakit nagkakaganito buhay ng Johansen family. Nag iisang anak lang nila si allie. Winala ko pa. halos tinutunaw ng konsensiya ang puso ko. Kung tutuusin,plano ito ng tadhana para magkita kami ni Allison. Bakit ganito pa? Pwede naman kaming magbangaan kong saan-saan. Mag away saan-saan.
Nang makalabas sa hospital. Una kong inisip si Allison. Saan kaya nagsuot ang kaluluwa ni Allison. Malungkot iyon ngayon dahil di makapasok ang kaluluwa sa katawan. Pati nga ako,parang sasabog na di ko alam. Responsibilidad ko nga siya. Paano kung tuluyan siyang mawala. Ano kaya mangyayari? Papatayin ko rin ba sarili ko.
Luckily, natagpuan ko siyang nakaupo sa pavement. Nakalibing sa dalawang tuhod ang mukha. Hanggang ngayon umiiyak pa rin. Di ba siya nauubusan ng luha. Baka matuyo ang multo nito. Kapag magyari yon. Ibebenta ko talaga kaluluwa ko.
“Allie?”I ask her softly.
She didn’t answer. Pinalimapas ko muna ang 60 seconds. Umupo ako sa tabi niya at hinintay siyang magsalita.
“Bakit ganoon?”sabi niya sa paos na boses. Speechless ako sa isasagot. Kaya umiling ako.
“Ayaw ng katawan ko sa kaluluwa ko. Diba wala akong misyon para taposin dito. Palagi ko ngang hinhiling sa Panginoon na patawarin niya ko at ibabalik Niya na ako sa katawan ko.”
“Siguro may isa ka pang misyon na tapusin?”tugon ko.
“e ano naman kaya ito?”
“Maybe Love.”
Tumayo siya.
“Love to whom?”
“e kung maka react ka—‘
“Love kanino nga?”sabi niya sa malakas na boses.
‘Sa akin.”bulong ko. Biro ko lang yon ha.
Lumaki ang mga mata niya. “Feeling ka rin eh noh? Ako maiinlove sayo wee?”
“May sinabi ba akong maiinlove ka?”banat ko.
“Wala.”bumaba ang boses niya.
“Sa akin kasi baka misyon mong bigyan ako ng love life o baka misyon mong maging official relationship na kami ni Perrie.”
“Hindi ako si cupid para gawin yan.”kumibit balikat siya,tumayo at tinalikuran ako.
“Suplada naman to oh. Biro lang yun para ngumiti ka naman.”habol ko. ‘Wag kang depress di nakakabuti sa mga multo iyan.”
Huminto siya para lumingon sa akin.
“Dalawin mo katawan ko araw-araw ha.”
“Pero-“
“Basta dalawin mo katawan ko. Iyon lang kahit di ka na magdala ng fruits.”tumalikod siya. Binagsak ko magkabilang braso ko. Ayoko ng magpapawalang hiya. Adik masyado ang multong to. Umiling ako at sinundan siya.
Dahil multo ang humiling,tinupad ko. Mahirap na magkaroon ng nagtatampo sayong multo. Kaya araw-araw ko siyang dinadalaw. Bago umuwi sa bahay,tumutigil ako ng sandali. Napangiti nga siya sa akin ng pumupunta ako doon. Ito nga ngayon oh,tumatambay ako sa kwarto niya. Binilin ako ng mama niya. May mahalagang tataposin lang ito.
sabado naman kaya stay muna ako dito.
"Hoy!"napagitla ako ng biglang sumigaw si Allie. Nakatulog kasi ako
"kita mong natutulog ang tao dito." I snapped.
"Sorry. Boring kasi."rason niya.
Sumandal ako. Bumalik sa pagtulog. Paggising,si mrs. johansen ang nabungad ko. Nahiya ako. Ano ba to. Parang bahay lang.
"Buti gising ka na."sabi ni Allison.
"Pasensya ho,nakatulog ako."inignore ko si Allie para kausapan ang mama niya.
"Wala yun hiyo,alam kung pagod ka na. ilang araw ka na kasing bumabantay sa kanya. Malaki na ang utang namin sayo."
Di ko napansin na mag to-two weeks na ko rito. Ang tagal magising ni Allison. Tamad gawin ang misyon eh.
"Opps..ang tagal ko ng tulog."anas niya sa tabi ko.
Kasalukuyang naglalakad kami sa corridor ng hospital. Uuwi na ko,gumagabi na. Isa pa,kailangan kong mag-study. May exam bukas eh.
"Kaya dapat ka ng bumalik sa katawan mo."sabi ko.
"Di ko nga alam kung paano eh."kumibit balikat siya.
"Gawin mo na yong misyon mo."
"At di ko rin alam kung ano yon."
Bumuntong hininga ako. "Siguro kausapin mo muna si San Pedro para malaman mo kung ano yon."
"Di ko rin alam kung saan ang daan papunta kay San Pedro."reklamo niya.
"Ang inosente mong multo."
"Hindi kaya..."welga niya na biglang naglaho na parang bula sa tabi ko. Saan nagpunta iyon? Luminga-linga ako pero wala siya.
Hanggang makauwi ako sa bahay. Wala talaga siya. Lumipas lang ang mga araw. wala talaga siya. di ko alam kung ano ng nangyayari sa kanya kasi ito nakakaramdam ako ng kaunting lungkot.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^