Chapter 6
Sorrowful body
Allison POV
Ano sa tingin niyo? maghahanap na lang kaya ako ng iba para tutulong sa akin. Ang Zayn na to mukhang di interesado. Grr. Dahil sa kanya na bangga ako. Iniiwan niya cupcake niya para may rason na habulin siya. Hindi ko dapat pwedeng sisihin ang sarili ko kasi di ko alam na mangyayari iyon. Naasar ako sa lalaking iyon. Bakit ba ako nagtitiis?
Nakaupo ako sa bench ng study area ng school. Sinisipa-sipa ang mga paa na parang batang naghihintay sa parents niya. Nakapatong ang magkabilang kamay ko sa upuan. Nagmumuni-muni habang hinihintay ang pagtunog ng buzzer.
May biglang dumaan na lalaki sa harap ko. Matangkad,payat,maputi at di ko alam kung ano ang isusunod kung idedescribe. Hindi ko pa nakikita boung mukha niya eh. Huh! Naka eyeglasses. Hindi pang nerd nor pangHarry potter. Pang geek ang eyeglasses niya. Tumayo ako at sinundan siya. Pumunta siya sa men's comfort room. Argh! Ano ba to. Di ako prevert para manilip. Hinintay ko siyang lumabas.
Makalipas ang ilang minuto. Kabagot naman. Kaya kinalmot ko ang pisngi ko. Hahakbang sana kaso tyempong lumabas si geek. Nagkasalubong kami kaya muntik nang masubsub ang mukha ko sa dibdib niya.
"Waaaaah!"sigaw niya.
"Waaaah!"sigaw ko naman. Ano ba to? Multo na nga ko natatakot pa ko sa mala-greek god niyang itsura. Teka,pause muna. Nakikita niya ko.
Umatras siya at tumakbo. "Hoy wait wait!"habol ko hanggang makaapak kami sa hallway sa harap mismo ng classroom ni Zayn.
"Mr. Slenderman!"term ko iyon sa mga taong di ko kilala.
Huminto siya. Naging yelo ang katawan at mala-robot siyang lumingon sa akin.
"Hey!"bati ko sabay wave.
"Kung sino kamang multo ka,please layuan mo ko. Wala akong atraso sayo."
"I'm not a ghost. I'm a soul that experiencing the astral travel."I explain pricisely.
"Totoo pala yon. Ano bang kailangan mo sa akin?"
"Wala,trip ko lang sumunod."i bite my lower lips."By the way,pyshic ka ba?"
"Since childhood,nakakakita na ko ng mga multo. At yung mga multong nakakatakot ang mukha pa. Di katulad mo na ni isang sugat o dugo wala ka. Eventually, hindi ako pyshic. Clairvoyant lang ako."
"Kasi ako ang most beautiful soul ever sa history ng astral world."sabi ko na napataas ang kamay at nap wave na tila miss universe.
"Multo ka ba ng school? Hindi ka ba matahimik dahil may gusto ka pang paghigantian?"tanong niya.
"Uwaah! Di pa ko patay saka di ako multo ng school. Wala akong ka-grudge sa mga tao dyan."
"Eh sino ka ba?"
"I'm Allison Johansen. Nasa icu ang katawan ako. Gusto ko ngang makabalik doon eh kaso ang clairvoyant na tumutulong sa akin di pa umaaksyon."kumibit balikat ako.
"I'm Jace Simon Cahill,gusto mo ako na lang tutulong sayo?"offer niya.
Lumuwa ang mga mata ko. Di niya pa ko kilala,kabago-bago niya lang. Ano ba to? Di ba magagalit si Zayn? Ah di pwede,dapat si Zayn ang tutulong sa akin dahil kailangan niyang bayaran ang ginawa niya sa akin at kahit milyong-milyong cupcakes pa ang ibigay ni Jace sa akin dapat di ako papayag.
"A eh.."tumunog ang buzzer kaya nabulabog kami sa hiyawan ng mga estudyante na nagsipaglabasan sa room nila. "Magkita na lang tayo next time.."kinalmot ko ang ulo ko. Tyempong lumabas si Zayn ng di pa ako umalis. Nakita niya kaming naguusap ni Jace.
Nag-hi ako sa kanya pero ni-refuse niya. Lumungkot ako at na-vanish sa paningin ni Jace.
Natagpuan ko ang sarili ko sa bahay ni Zayn pero wala pa siya. Si Liam nandito na kasama si Danielle. Hyss..nakakabagot tumambay dito. Saan kaya pumunta si Zayn. Hahanapin ko kaya siya.
Nilibot ko ang boung village. Maski anino di ko nakita. "Nasaan ka na ba Zayn? Ha!!!" sigaw ko sabay daan ng sasakyang estrada sa katawan ko. Nasa gitna ako ng kalsada eh. Kahit mabilis ang takbo nagawa ko pa ring masdan ang pasahero sa loob. Kilala ko yon ha! Hahabulin ko nga.
Si Zayn iyon eh. Kasama si Perrie. What the heck. Nag date ba sila. Nakaka- ah basta. Binilisan ko ang pagtakbo. Tyempong pagdating ko sa block na tinitirikan ng bahay nila ay ang pababa rin ni Zayn kasama si Perrie. Lumapit pa ako para marinig ang pinaguusapan nila. Limang hakbang pa siguro ang layo ko kay Zayn nang biglang tumigil ang ikot ng astral world ko. Niyanag ako. Sumikip ang dibdib. Nakaramdam ng matinding hinagpis. Ang lahat ng iyon ay di ko alam kung ano ang dahilan. Ah,hindi. Ito ang dahilan. Nasaksihan kong naghalikan, sa bibig mismo ang dalawa.
animo'y nahati sa dalawa ang puso ko. Mas matindi ang kirot kaysa mabundol ng sasakyan. Pwede bang mamatay ulit. Double dead lang. Bakit ko ba diniranas ito? Ano ba ang ibig sabihin nito? Hindi ko naiintindihan. Ang alam ko dati isang paghanga lang to. Gusto ko nga maging sila na eh. Pero ngayon nasasaktan akong makita silang naglalaplapan sa harap ko. Kaya ito nilayasan ko sila.
Nasa bubong ako ng bahay ni Zayn. Yakap ang dalawang tuhod. Tahimik na minamasdan ang mga bahay at poste ng ilaw. Gabi na at malamig ang simoy ng hangin. Tinatanggal ko lang ang nararamdaman ko kanina. Puro kahibangan iyon. Di ako pwedeng mainlove kay Zayn. What if matuluyan ako? E di,kahit kailan di na ko makakalis sa mundo dahil mumultohin ko siya palagi. Please allison wag ka ngang mawala sa sarili mo. Kung di man makakatulong si Zayn sayo,doon kay Jace. Willing iyon eh. Kailangan mo ng umalis sa astral world bago pa mauwi sa alanganin ang lahat.
"Nakakainis."bulong ko na kinalmot ang damit ko.
"Allison?"automatic akong lumingon ng marinig ang boses ni Zayn. Nasa bintana siya. Napansin niya marahil na masama ang titig ko sa kanya. Pinapakita ko lang na bad trip ako.
Binalik ko ang titig sa kawalan. Pinilit na wag siyang pansinin kaso sinugod niya ko rito. Umakyat din siya sa bubong para tabihan akong umupo.
"Sino nga pala yong lalaking kausap mo kanina?"tanong niya na dumagdag ng inis sa puso ko.
"Secret mamatay ka sa inggit. Naiinis ako sayo. Di mo ko pinansin boung araw. Ah,malamang abala ka sa girlfriend mo eh."I snorted.
"Iniiwasan ko lang magkaroon ng gulo ulit. Alam mo namang natatakot si Perrie sayo eh."rason niya.
"Congrats pala dahil girlfriend mo na siya. O sige ako na lang ang aadjust. Lalayuan na kita. Maghahanap na lang ako ng iba na willing tumulong sa akin."tumayo ako.
"Teka."pigil niya.
"Bakit? Diba ito naman gusto mo?"sabi ko.
"Mali yang iniisip mo. Di ko pa girlfriend si Perrie."sabi niya.
Binaba ko ang titig sa kanya. "Eh ano yong kissing scene niyo kanina?"nilagay ko pa sa beywang ko ang magkabila kong kamay.
"Di ko expect na hahalikan niya ko.. Eh,kung maka react ka tila na aapektuhan ka."makati marahil ang lalamunan niya habang sinasambit iyon.
Dagli akong umatras. Yay,pinahahalata kong affected ako eh.
"kung di ka interesadong tulungan ako pwes yong lalaking kausap ko kanina ang hihingian ko ng tulong kahit na kakakilala lang namin willing siya kaagad na tulungan ako."pangiiba ko.
"Hindi ako makakapayag. Simula ng makatuntung ka sa bahay na ito,responsibilidad na kita. Samakatwid,kasalanan ko ang mabangga ka kaya ako dapat magaayos nito."halos magka-high blood niyang pahayag.
Umismid ako. Kumibit balikat. At tumungo sa likod niya. "Responsibilidad? Hmm..saan mo nakuha yan? Sige nga mangako ka sa akin."sabi ko na bumalik sa harap niya.
"Mahirap mangako sa taong nasa alinlangan ang buhay. Paano na kung di ko natupad? Malamang magka-grudge ka sa akin."reklamo niya.
Sumalpok ang kilay ko. "ayan kinain ang sinabi kanina."
"Responsibilidad kong ayusin ang buhay mo. Hindi para mangako."
"Errm.."tiim bagang ko. "yah,responsibiladad mo nga pero kailangan mangako ka na tuparin mo iyon."
"Hindi ka pala nagtitiwala sa akin?"
"Hindi!"
"Mas pinagtitiwalaan mo pala ang lalaking iyon? Di ka pa nga sigurado kung totoo ang sinabi non."
"may punto ka,di nga ko sigurado ngunit tila willing si Jace eh."
"Sinong Jace ba yan?"as if detective lang mag interrogate.
"Si Jace Simon Cahill ang geek na napagdiskitahan ko kanina dahil sa absences mo."lahad ko.
He grimace. "ang wierd na yon?"
"Oo."
"Eh adik yon eh. Marami ngang takot pansinin iyon. "
"Dont judge a book by its cover. Di mo pa nga na memeet yon eh."
"Bakit ba pinagtatanggol mo ang lalaking iyon?"kumunot ang noo niya. "ah basta di ako makakapayag na magpapatulong ka roon. Ako lang ang may karapatan para isauli ka sa katawan mo."
"You know what kanina pa ako gigil na gigil sayo" sabi ko na nakakuyom ang dalawang kamay na nakaposisyon sa dibdib ko.
Tumayo ka. "Manggigil ka dyan. Tara na sa loob sabihin mo sa akin kung sino yung mga bestfriend mo para matanong ko na bukas para madali kitang maihatid."yaya niya na tinalikuran ako.
"Err! ayoko."welga ko.
Kinabukasan,maagang tumungo si Zayn para makausap kaagad sina Camilla at Lauren. Ayan sinabi ko sa kanya lahat ng informasyon tungkol sa akin. Malapit ko ng makita ang katawan ko. Mas lalong nasasabik akong makita at mayakap ulit si Mama at Papa. Malamang pagkatapos ng paguusap nila nasa hospital na ko.
"Ayon na pala si Camilla at Lauren oh!"enthusiastic kong salita habang tinuturo ang dalawang bestfriend ko na binubuksan ang pintuan ng classroom. "Dali kausapin mo na!" nagpatiuna ako.
"Wait a minute. Di ko alam ang sasabihin ko eh. Baka malito sila."pigil niya. Liningon ko siya.
"Kahit na ano ikaw na bahala."nagmamadali kong wika at tinalikuran sila.
Kinati niya ang batok. Nasa gitna na ko ng dalawa. Mukhang nahihirapan sa pagbukas ng lock.
"Excuse me."sabi ni Zayn sa quiet vioce. I like that voice you know dahil parang nakikinig lang ako ng kanta na ang title ay iressistable by One Direction. sa yearbook edition ng album nila yon. Million na rin ang views non sa youtube kahit fanmade lyric video lang.
"Yes?"lumingon sila at biglang na umay. Hoy? Ano ba kayo porque gwapo nahihiya na.
"Ee..kayo ba yong bestfriends ni Allison?"si Zayn na nagfefeeling hiya rin.
Tumango ang dalawa. "B-Bakit?"
"Gusto ko sana siyang kamustahin eh. Matagal ko na siyang di nakikita. Halos two weeks na. Ano na bang nagyari sa kanya?"galing ni Zayn pwede na pang best actor.
"Unfortunately,nasa I.C.U siya. "si Lauren ang sumagot saka pout.
"nabundol kasi siya. Nalulungkot nga kami eh. "dagdag ni Camilla.
"maari ko ba siyang madalaw?"tanong ni Zayn.
kunwari inakbayan ko ang dalawa.
"Sandali kano-ano mo ba si Allison?"usisa ni Lauren.
Kinalmot ulit ni Zayn ang batok. "Ah eh,boyfriend niya ko?"
"Huwaaaaat?!"magkasabay na sigaw ng dalawa at nag exchange look pa. Samantala ako,paramg sasabog sa sarap ng pakiramdam. Kunwari na gulat ako kaya pinanlakihan ko ng mata si Zayn na pinapakitang di sang ayon sa sinabi niya.
"ohh em gee. Di niya sinabi sa amin na may boyfriend pala siya. Akala ko si Tobias Hinderson ang gusto niya."napatutop ng bibig si Camilla habang sabi yon.
Pinaalala niya si Tobias ang crush ko noon. Yuck,di ko na yon gusto dahil nakilala ko si Zayn at mas gwapo ito sa kanya.
"Sorry?"sabi ni Zayn ng di maintindihan ang sinabi ni Camilla.
"Sure,sure. After ng klase mamayang hapon dadalawin namin siya sumabay ka na lang sa amin."sabi ni Lauren na napangiti.
"Thank you."ngumiti si Zayn. "By the way,I'm Zayn."
"Ako naman si Camilla at ito si Lauren."tugon ni Camilla. Ngumti si Lauren.
"Alam niyo maswerte si Allison dahil mababait na kaibigan kagaya niyo."compliment ni zayn.
wee? React ko.
"Mas maswerte siya sayo dahil mayroon siyang boyfriend na gwapo na,desinte pa."
talagang maswerte ako. Kitam.
"thank you ulit sa informasyon."
"Sorry pala dahil di ka namin na inform ngayon lang kasi namin nalaman na may boyfriend pala siya."
"Hindi niya pala sinabi sa inyo. Okay lang. Sige magkita ulit tayo mamayang hapon."nagpapaalam na ito.
"O siya sige. Mag iingat ka."sabi ni Lauren.
"Kayo rin!"tugon ni Zayn na tinalikuran ang dalawa para layasan na. Tumakbo ako para habulin siya. Babatiin ko lang ng..
"Congrats galing mo mag act! Bilib ako sayo!"bati ko. Kinibot niya ang gilid ng labi. "Ayos ba yon? Magpapanggap akong boyfriend mo?"
"Ayos lang!"I chuckle. "Love na kita Zayn. Ang astig mo."
"Thank you."pakli niya na mabilis akong nilayasan.
"Adik! i love you to dapat ang sagot!"Sigaw ko pero ewan kung narinig niya. May mga estudyanteng dumaan eh.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^