Thursday, March 21, 2013

Before I Die,Cupcake: Chapter 5



Chapter 5

Freeze for awhile

Zayn POV




Sabado na ng umaga. Mamayang hapon, doon na ako sa bahay ni Perrie. Kaso kasama ko ang multong puro putik ang utak na magaling mangulit. Kailangan ko ng humanap ng paraan para maglaho na siya sa buhay ko. Tong babaing to,nakalimutang multo siya. Naaliw sa pangungulit. Di niya sinabi kung sino ang kamag-anak niya. Suck! Nawili rin ako sa kanya. Kailangan ko siyang tanongin ngayon bago pa siya sumama sa project making namin mamaya. Siguradong gugulo naman ang moment namin ni Perrie.







Humikab ako sa harap ng salamin. Kinusot ang mga mata sabay kuha ng toothbrush.







"i will die everyday waiting on you,darling don't be afraid,i have love you for a thousand years..i love you for a thousand yeaaaaarrrrrsss!"nanayo lahat ng balahibo ko. Ang aga-aga daig pa ang wail ng batang multong kinulong sa kabinet. Ang lamig ng boses niya. Mas malamig sa nagyeyelong freezer.







"Eeee! Zaynnnnn!" nasa salimin siya. Nakalugay ang buhok na tinatakpan ang mukha. Nakayuko at inangat ang magkabilang kamay. Mala-zombie siyang humakbang.







Sinubukan kong wag siyang pansinin. Nagtoothbrush ako. Pasimpleng iniiwasan siya.







"Allison the ghost will haunt you..eeeee.."lumapit siya sa akin.







"Remember,this is my private space."irap ko."Ayosin mo nga ang itsura mo. Hindi ka si sadako para magmukhang ganyan."







"I'm georgous than sadako. Don't compare her to me."sabi niya na hinawi ang buhok.







"Oo na,umalis ka na rito. Maliligo na ko."taboy ko.







"Her,her,her. Mamaya na."may masamang binabalak to ha.







"Di ka ata nakikinig. Private space ko to. Alis na."







"Eh-"







"Alis na. Ang magreact ay prohibited."







bumuslo ang labi niya,pumadyak at paatras na umalis.











Matapos ang session sa banyo. Bumaba na ako para kumain ng agahan. Himala,kumpleto pamilya ko ngayon. Nakangiti si Mama sa akin nang mapansin ako. Abala siya sa paghahain ng ulam. Bumabasa naman ng dyaryo si Papa. Kumakain naman ng pancake si Liam.







"Good morning!"bati ko sabay upo sa right side na walang nakaupo ni isa. Ay hindi,katabi ko si Allison. Nakapangalumbabang minamasdan kami. Tinitigan ko siya ng masama. Nagawa pa niyang ngumisi. Bumaling ako sa tatlo.







"Zayn,happy birthday nga pala."bati ni Liam. Nanigas ako ng sandali. Oo nga pala,birthday ko ngayon. Muntik ko ng makalimutan sa pagiging abala sa nakaraang mga araw. Sa awa ng Diyos,pinayagan niya kung maging 16.







"O ba't napatulala ka na diyan?"sabi ni Mama. Binaba ni Papa ang dyaryo.







"Nakalimutan ko eh."sabi ko na kinalmot ang batok.







"May memory gap na ata ang unico hijo ko. Ano na kaya mangyayari kung mag 60 ka na."kinuha ni Mama ang kanin.







Ngumiti lang si Papa,copy paste kami ng mukha.







"Masyado lang akong abala,sorry."nilagay ko ang tapsilog sa pinggan ko.







"Kalimutan na natin yan."sabad ni Papa. "Kailangan makauwi na tayong lahat mamayang 6 p.m. magsi-celebrate tayo ng birthday mo sa max's."







"Yeah,I like it!"ani Liam. Ngumiti ang parents ko.







"Mas excited ka pa kaysa sa celebrant."bulong ni Allison. "Happy birthday nga pala,Zayn."







Sa halip na pansinin siya ay pinatuloy ko ang pagkain.











Makalipas ang ilang oras,nasa harap na ako ng bahay ni Perrie. Salamat sa project dahil may pagkakataon na ako ulit na pagmasdan ang bawat anggulo ng kagandahan niya. Namimiss kong suyuin siya. Syempre,nagdala ako ng tuna pie. Favorite niya 'to. Malay natin,madala na siya. Hmm..tila gusto ko siyang ligawan ulit. Bahala na mabasted naman.







"Anong tinatawa mo dyan?"yung feeling na..lumulutang ka sa ere dahil sa pag daydream. May nambebwesit na sumisira at isang kaluluwa pa. Linapit niya ang mukha sa akin.







"Disturbo ko."I snapped.







"Ayee,si Perrie ang iniisip."kumibit balikat siya na may panuksong tingin.







"Oo,kaya ngayon. Mag stroll ka muna sa ibang lugar para wag mong magulo ang moment namin. O mabuti pa,hanapin mo muna mga kamag anak mo."suggest ko na may tonong pagtataboy sa kanya.







"Ayoko nga, gusto kong saksihan ang moment niyo. Saka sa susunod na lang ako babalik sa katawan ko. Ang saya maging multo eh."







"So,kailangan mong mag behave."humakbang ako para abutin ang door bell kaya tumagos siya sa katawan ko.







"No worries. Mabait ako."sabi niya na parang nagsisinungaling. Mischievious ang multong to. "Trust me." sasabihin ko pa na i don't trust her. Okay fine.whatever.







Matapos humuni ang nakakabinging buzzer ay bumukas ang iron gate. Si Perrie na may doll eyes ang sumalubong sa akin. Lumabas ang dimple ko sa kakangiti sa kanya. Nagresponse siya pero alanganin ang ngiti niya. Si Allison na nasa gilid,nadi-disgust na tinitigan si Perrie.







"Zayn,halika pasok ka!"invite niya sa loob na umatras para bigyan ako ng daan. Tahimik namang sumunod si Allison.







"Ang gara ng bahay nila. Hmm..di nararapat si Perrie rito."anas ni Allison habang ginagala ang ulo.







"Sssh..quiet."saway ko na halos dwende lang ang makakarinig. Humarap si Allison sa akin na may ambon ang mukha.







"Kahit magsisigaw ako walang makakarinig sa akin."she snapped. Nagpatiuna siya at biglang nawala. Saan kaya iyon pumunta. Umiling ako at sumunod kay Perrie.







Dinala niya ko sa study room nila. Kumpleto na lahat ng gamit namin. Ang kulang ay arrangement . Electric Circuit ang gagawin namin.







"Simulan na natin."sabi ko na tinitigan siya. Kumisap siya at bumaling sa mesa.







"Sige."tipid niyang sagot na umupo sa mesa at bumuntong hininga.







"Para pala sayo."sabi ko na inabot ang bag ng tuna pie nang umupo across sa kanya.







"Salamat."kinuha niya at nilagay sa gilid.







Tinitigan ko ang gamit sa mesa. Kinuha ang illustration board at switch. "Tila iniiwasan mo ko ngayon."sabi ko sa mababang tono.







Yumuko siya. "Nahihiya ako nung araw na binasted kita. sorry Zayn di ko sinasadyang saktan ka. Talagang naiilang ako magkaroon ng boyfriend eh."







Lihim akong ngumiti,oo nga pala,no boyfriend since birth tong nilalagawan ko eh.







"Walang kaso iyon. Naiintindihan kita. Isa pa,magkaibigan na tayo eh."sabi ko na mabilis na kinakabit ang wires.







"Wee,di ko nakikitang masaya ka bilang friend niya. Ligawan mo siya ulit please."na startlestruck ako ng sumulpot si Allison sa left side ko.







Naging rebulto bigla si Perrie. Namuti ang mukha. Nanlamig







"Bakit Perrie?"na cu-curious kung tanong matapos iwasan si Allison.







"Ma-may b-babae sa tabi mo."nauutal niyang salita sabay turo sa gilid ko.







"Huh? wala naman ha."tumitig ako kay allison. Kunwari walang nakikita. May third eye ata si Perrie,delikado si Allie ngayon.







"Nakikita niya ko?"sabi ni allie na tinuro ang sarili. Umiling ako.







"Naka-titig-si-ya sayo!"si Perrie iyon na hinawakan ang gunting at kinagat ang labi.







Bumaling si Allison sa kanya at kinawayan.







"Uwaaaaah!"halos masadsad sa sahig si Perrie ng lumukso sa bangko at tumakbo palabas ng study room. Nagtitili siya.







Humagalpak sa tawa si Allison. "Bwahahaha! anong nangyari doon? Ang lampa! Kamukha ko ba si Sadako kaya natakot siya."







"Ito na nga sinasabi ko. Pwede ba allison mamasyal ka muna. Sinisira mo project making at moment namin eh."







"Hindi ko siya tinatakot. Saka di ko naman alam na nakakakita siya ng multo. badtrip naman oh."kinalmot niya ang ulo.







Tumayo ako upang puntahan si Perrie at malaman ang kalagayan niya. Natagpuan ko siya sa sala. Kausap ang ate niya.







"Ate,natatakot ako."report niya sa nahihilong tuno.Lumaki ang mga mata ni Pichi."S-Si Allison nandto. Susundan ako. ate,huhuhu. Wala naman akong kasalanan sa kanya."







"Calm down,cream."inakbayan siya nito. "Baka nagha-hullicate ka lang."







"hindi ate,totoong nakita ko siya. kinawayan pa nga ako eh."insist ni Perrie.







Tumingala si Pichi. "Gutom lang yan. Saka di pa patay si Allie. Under comatouse siya. Malamang nagparadam yan para madalaw mo siya. Remember,bestfriend mo yon."







"Dati. Laking pinagbago niya eh. Ibang iba na siya."yumuko si Perrie.







"ikaw kaya ang nagbago. Sosyal ka nga eh."Allison appeared at my side. Tinitigan ko siya na pinahihiwatig na lumayo rito.







"Ow,Zayn?"puna ni Pichi.







"Hey."sabi ko saka ngiti.







"Naparito ka? Kayo na ba?"bumaling ito kay Perrie.







"May project kami at siya ang partner ko. Piss off mo yang iniisip mo ate ha."kumibit balikat si Perrie.







Ngumisi si Pichi.







"Oh ano pang tinutunganga niyo rito. Gawin niyo na project niyo."ani Pichi.







"Eeee..ate. Baka andoon pa si Allie."kinagat ni Perrie ang kuku.







"Andito na ko oh!"sabi ni Allie na nilagay sa beywang ang magkabilang kamay.







Namutla si Perrie. Kumapit kay Pichi. "Ate! andito siya. Nasa tabi ni Zayn!"tumakbo si Perrie patungo sa itaas.







Humungot ng napakalalim na hininga si Pichi. Malas na araw to. Sinira ni Allie.







"Sabihan mo si Perrie ako na lang ang tatapos ng project namin."sabi ko.







"Pasensya na ha,gumana ulit ang kahibangan niya eh."apologize nito.







"Wala yon."sabi ko."Sige,kukunin ko lang yung gamit sa study room."







Tumango siya at tinalikuran ako.







tumungo ulit ako sa study room. This time,di ko pinapansin si Allie hanggang matapos ang pagliligpit at makauwi ng bahay.







Nilapag ko ang gamit sa mesa at umupo sa kama. Nakakairita ang araw na to. Bwesit na kaluluwa yan. Distorbo sa buhay.







"Zayn.mamansin ka naman oh."sumulpot siya sa harap ko. Binigyan ko siya ng nakakadisgust na look.







"Badtrip ako dahil sayo. Sana di ka na lang sumama. Pwede ba umalis ka na lang at hanapin mag isa ang katawan mo."singhal ko.







Yumuko siya. "Sorry. Di ko sinasadyang mangyari iyon. Di ko akalain na may third eye pala ang malditang iyon."







"Wag mo nga siyang tawaging maldita. mabait si Perrie."







"Okay fine,wala kang alam sa kanya eh. Bestfriend ko yun dati. Marami akong alam sa gagang iyon."kumibit balikat siya.







"Kayo mag besfriend?"







"Long story."tumalikod siya. "Sige alis muna ko. Palamigin mo muna yang ulo mo."







"Teka lang, kailan mo pa sasabihin kung taga saan ka at sinong mga tao sa school ang pwedeng makakadala sayo sa katawan mo."







"Saka na yon."umalis siya.




No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^