Friday, March 29, 2013

Because of You: Chapter 1

“Because of You”

CHAPTER I



TUMAYO sa kinauupuan nya si Samantha, kinuha nya ang bag nya sa katabing upuan bago sya nag-salita. “Lets call it a break Darrius.”saad nya sa matigas na tono ng boses nya.


Halos hindi naman makapaniwalang napatingin sa kaniya si Darrius. Mukha ng taong tinapakan ang pride ang sumilay sa mukha nito imbes na lungkot. Tumayo sya saka sumagot sa sinabi ni Samatha. “Fine! Sana lang hindi mo pag-sisihan 'tong araw na 'to.”sya na ang naunang tumalikod kay Samatha. Hindi na lang nakapag-salita pa ito.








[AFTER ONE MONTH]


NAG-BALIKAN na ang lahat ng student sa kani-kanilang upuan habang otomatiko namang tumayo si Dian para manguna sa pag-bati sa kanilang teacher na kakapasok lang ng room.


Good Morning Mrs. Park.”sabi ni Dian na sinundan naman ng mga classmate nya.


Good Morning din sa inyo. Sige maupo na kayo.”sagot naman ng teacher. Naupo na si Dian kasabay ang dalawang lalaki na katabi nyang sina Shin at James. Kaibigan din ni Dian ang dalawang ito, maliban pa doon ay katabi na nya ito sa upuan simula noong first year sila kaya naman kahit tahimik at mahiyain ang ugali ni Dian ay sanay na syang makatabi at makasama ang dalawa.


May mga kaibigan naman syang babae na nasa likuran lang nya nakaupo. Si Mia at Rits. Kaibigan nya rin ito simula pa noong first year sila. Bukod kanila Shin at James, si Rits at Mia lang din ang bukod tanging nakakaintindi sa kaibigan nilang si Dian.


Si Dian ang top student sa class nila at second top student naman sa buong school. Kaya sya ang Class President sa room nila. Sya ang responsable sa lahat ng bagay sa room nila. Mabuti na nga lang at mataas ang galang ng mga classmates nya sa kaniya.


Nasa classroom din nila ang sikat na si Samantha. Kilala sya bilang isa sa pinaka-magandang student sa school nila. Parati din nyang kasama yung dalawa nyang kaibigan na sina Grettel at Emily na walang ginawa kundi ang gayahin ang bawat outfit na suotin ni Samantha. Magaling ding Bellet Dancer si Samantha.


Kabaliktaran sya ni Dian na walang ibang alam kundi ang mag-aral ng mag-aral. Kaya nga tinawag syang Queen of Clumsy ng mga kaibigan nya, dahil wala syang alam na kahit anong sports. Hindi nya alam kung bakit sa loob ng eighteen years nyang buhay ay hindi man lang sya nahumaling sa kahit anong sports.


Buti nga kahit paano ay hindi weird ang ayos nya. Simula kasi ng maging kaibigan nya si Rits na mahilig mag-ayos, tinuruan nito si Dian na gumamit ng contact lense at mag-ayos naman kahit paano, simple lang naman si Dian. Mahaba at straight ang buhok, biligan ang mga mata. Cute face kung baga. Madalas din naman silang mag-bonding ng mga kaibigan nya sa mall o saan mang lugar na malapit lang. Hindi kasi sanay sa malalayong lugar si Dian.


Before we start our class. Gusto ko muna ipakilala sa inyo ang bago nyong classmate. Trasfer sya dito, galing syang America. Maging mabait kayo sa kaniya. Okay? Mr. Darrius Cha, pwede ka na pumasok.”tawag ng teacher.


Napalingon si Dian sa katabi nyang sina James at Shin dahil sa reaction ng mga ito. “Si Darrius?”halos di makapaniwalang wika ni James.


Darrius! Pare!”napalingon ulit si Dian sa Darrius na tinawag ni Shin. Kumaway naman sa kaniya ang lalaking nasa harapan.


Hindi alam ni Dian kung ano ire-react nya sa lalaki. Naka-unbutton ang top coat ng uniform nito, hindi naman naka-tuck in ang inner uniform nito. Habang ang buhok nito ay wavey at blonde na may higlight pang kulay pink. May aura ito na pag-ka-arrogant kahit na baby face ang mukha nito. Nang ngumiti ito ay sumilay naman ang rabbit-like nitong ngipin na mas lalong nag-pa-bata sa itsura nito.


Mr. Cha, pwede ka nang umupo kahit saan mo gustuhin.”wika ni Mrs. Park.


Pare! Dito ka umupo!”excited naman tawag ni James habang tinuturo nya ang upuang bakante sa tabi ni Dian. Agad naman naupo duon si Darrius na may excited ding aura.


Mga pre! Na-miss ko kayo!”sabi nya sa masayang boses nya.


Tinutuo mo talaga yung sinabi mo samin noon na dito ka mag-aaral ng high school ah!”napapailing pa si Shin habang sinasabi nya yun. Samantala, sobrang ilang naman si Dian dahil napapagitnaan sya ng usapan nila James, Shin at Darrius. Laking pasasalamat nya na lang ng mag-umpisa na ng class si Mrs. Park. Doon lang nahinto sa pag-uusap ang tatlo. Bago pa umayos ng upo si Darrius ay tiningnan pa nya si Dian, nahihiya din naman syang tiningnan ni Dian. Pero ng ngumiti si Darrius ay napayuko na lang si Dian. Kumunot tuloy ang nuo ni Darrius.









[LUNCH TIME]

SA CANTEEN walang ibang usapan kundi ang bagong transfer na si Darrius, lalo na ng mga kababaihan. Bukod kasi sa galing itong America ay napaka-gwapo talag nito. Malakas ang dating nito sa mga babaeng students. Nasapawan na nga nito ang titulo ni Shin na pinaka-gwapo sa school nila. Maging sina Rits at Mia si Darrius ang topic.


Uy! Girl! Panalo talaga yung bago nating classmate! Ang swerte mo teh! Katabi mo pa sya! Ano? Mabango ba?”kinikilig na tanong ni Rits. Nahihiya na lang na napayuko si Dian.


Sira ka talaga! Yan pa tinanong mo eh wala namang alam yan sa mga ganyan! Pero gwapo talaga sya! Kaso wala ng tatalo pa kay Shin.”sabi naman ni Mia na ever since makita nya si Shin ay may crush na sya dito. Kaso ayaw nyang umamin dahil natatakot sya na baka hindi sya magustuhan nito.


Loyal ka talaga dyan sa Shin mo. Inuugat na yang feelings mo sa kaniya girl! Bakit di mo pa diligan para naman mag-kabunga na yan! Hindi yung puro ugat lang! Dry na yan teh!”saad ni Rits sa mataray nyang boses. Natawa naman si Mia, maging si Dian sa nahihiya nyang tawa.


Hoy! Ikaw girl! Ang bastos mo!”wika ni Mia.


Di rin naiwasang matawa ni Rits ng ma-realized nya ang pag-bibigay ng meaning ni Mia sa sinabi nya. “Anong bastos? Baka ikaw? Binigyan mo ng meaning yun eh! Baliw ka talaga!”


Kayo talaga. Sige, mauna na muna ako sa inyo. Kailangan ko pa kasi ihatid kay Mrs. Park yung mga sinagutan nating papel kanina. Kita na lang tayo sa room mamaya.”singit ni Dian bago ito tumayo.


Okay, Miss President.”halos sabay naman ang dalawa. Kumaway si Rits, ngumiti naman si Dian. Nang makatalikod ito ay muling pinag-usapan nila Rits at Mia si Darrius.









KAILANGANG dumaan ni Dian sa Tennis Court para makarating sa office ng mga teachers. Paliko na sana sya sa court ng matigilan sya dahil sa dalawang taong pamilyar na nag-uusap sa tapat ng court. Medyo malapit ito sa kaniya kaya naman dinig nya ang usapan ng dalawa.


Darrius, tell me. Kaya ka ba nandito dahil sinusundan mo ako?”seryoso, pero halata ang confidence sa boses ni Samantha.


Sarkastikong natawa sa kaniya si Darrius. “Ano?”sagot nito.


Ganun din ang ginanting ngiti ni Samantha tapos ay humalukipkip ito. “I understand if you still can't move on because of me, Darrius. At kaya ka nandito dahil gusto mo pang makipag-balikan sakin.”


Napakunot ang nuo ni Darrius. “What? You're too confident Samantha.”


Bakit? Hindi ba? Tell me if there is another reason why you are here? I'm sure hindi dahil sa mga kaibigan mo dahil halos araw araw nakakasama mo naman sila. At bakit ka naman mag-ta-trasfer dito kung sa Harvard High School ka nag-aaral sa States? Come one Darrius.”muling natawa si Samantha.


Kung may rason man kung bakit ako nag-transfer dito sa school na 'to is not because of you. And since you're just my ex, hindi mo na kailangan pang alamin ang rason kung bakit.”wika ni Darrius. Hindi na nakapag-salita si Samantha. Sa halip ay tiningnan nya na lang ito ng masama bago tumalikod paalis.


Mabilis namang nakapag-tago si Dian sa gilid ng pader bago pa sya mahuli si Samantha na nandoon at nakikinig sa usapan nila. Pero ang akala nya ay hindi na sya mahuhuli. Nagulat na lang sya ng biglang sumulpot sa harapan nya si Darrius. Nalaglag tuloy lahat ng papel na hawak nya.


Wa---wala akong narinig promise.”agad na saad ni Dian. Sa una ay kwestyonableng mukha ang sumilay kay Darrius, pero napangiti din ito ng maintindihan ang sinasabi ni Dian. Lumuhod si Darrius para pulutin isa isa ang mga papel na nahulog dahil sa gulat ni Dian.


Sa susunod wag ka nang iinom ng kape. Mukhang magugulatin ka eh.”yun na lang ang sinabi ni Darrius. Tumayo sya at iniabot ang papel kay Dian, isinukbit nya ang isa nyang kamay sa bulsa saka ngumiti ulit bago nya ito hinawakan sa ulo na para bang bata paslit. “I'll see you later Miss President.”di naman agad nakagalaw si Dian dahil sa ginawang iyon ni Darrius.


Matapos ihatid ni Dian ang papel kay Mrs. Park ay bumalik na sya sa classroom na may awkward feelings. Una nyang nakita pag-pasok ay sina James, Darrius at Shin na masayang nagku-kwentuhan. Sa likuran nila ay naroon sina Rits at Mia na masaya ding nag-ku-kwentuhan. Huli nyang tiningnan ay si Samantha na mukhang wala sa mood dahil nakamusangot ito habang nakatingin kay Darrius.


Bigla nyang naalala ang narinig nyang pinag-uusapan nila ni Darrius kanina. Napabuntong hininga na lang sya at nag-lakad na paupo sa upuan nya. Kaso saglit syang natigilan ng maalala nya yung ginawa ni Darrius kanina sa kaniya. Di tuloy nya alam kung mauupo pa ba sya sa upuan nya o lilipat na lang sya.


Dian!”sabay sabay sila napalingon ng tawagin ni Mia si Dian. Wala nang nagawa si Dian kundi ang lumapit sa mga ito. “Ano ba ginagawa mo? Bat nakatayo ka dun?”kunot nuong tanong ni Mia. Nang lingunin nya si Darrius, napayuko sya ulit dahil nginitian sya nito.


Hu? Wa—wala.”nauutal nyang sagot.


Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Bakit parang namumula ka?”alalang tanong naman ni Rits ng mapansin nyang namumula ito. Agad namang napahawak sa mag-kabilang pisngi si Dian.


Hu? Ah---wa---wala!”parang bata na bigla na lang tumalikod si Dian sa mga ito.


Ang weird mo naman! Umupo ka na nga.”pinaupo na lang sya ni Rits. Naupo na walang imik imik si Dian. Hindi na nya tiningnan pa si Darrius ng dumaan sya sa harapan nito. Nang makaupos sya ay si Shin naman ang nag-tanong sa kaniya.


Ayos ka lang ba?”nilingon sya ni Dian na may pilit na ngiti bago ito tumango. Ngumiti rin si Shin saka nya tinapik si Dian sa balikat. Pinanonood lang sila ni Darrius.










NAGULAT si Dian ng bigla na lang sumulpot sa harapan nya ang masayang mukha ni Darrius. Gaya ng una nya itong makita, hindi parin nakabotones at naka-tuck-in ang uniform nito. At talaga namang agaw pansin ang makulay nitong buhok.


Miss President! Good Morning!”bati nito.


Good Morning.”bati naman ni Dian sa mahina nyang boses. Halatang ilang sya kay Darrius kasi nilalayuan nya ito.


Ang lame naman ng bati mo. Hindi ba pwedeng ngitian mo ko? Sige na. Ngitian mo ko.”pilit ni Darrius. Kumunot ang nuo ni Dian, kasi bakit parang biglang naging makulit si Darrius. Sa lahat pa naman ng ayaw ni Dian ay yung makukulit na tao.


Busy ako.”dahilan ni Dian.


Busy saan? Sa mga gawain na dapat teacher gumagawa?”walang imik lang syang nilingon ni Dian.


Darrius? Ano ginagawa mo?”biglang singit ni Mia nang maabutan nilang kinukulit ni Darrius si Dian.


Kinukulit ko si Dian.”diretsong wika ni Darrius.


Ano ka ba! Sa lahat ng ayaw ni Dian yung iniistorbo sya pag may ginagawa sya.”natatawang saad ni Rits.


Natigilan si Darrius, hindi nya alam kung ano sasabihin nya. Napaatras na lang sya bago sya sumagot. “Ga—ganun ba?”ngumiti sya ng pilit, “Okay.”yun lang at tumalikod na sya. Napakamot pa sya sa ulo, biglang napalitan ng inis ang mukha nya ng maalala nya ang kaibigan nyang sina James at Shin.


Naabutan nyang nag-tatawanan ang mga ito sa canteen. Padabog syang naupo sa upuang nasa gitna ng dalawa na ikinagulat naman nila. “Nakakagulat ka naman!”wika ni James.


Mga sira-ulo kayo!”pinag-babatukan nya ang mga ito.


Bakit?”walang clue na tanong ni Shin.


Sabi nyo gusto ni Dian yung mga taong makukulit?”


Kelan? Sinabi ba namin yun?”kunyaring walang alam na saad ni James. Natatawa namang napailing si Shin.


Pambihira naman eh! Sabi nyo tutulungan nyo ko! Trip ko talaga si Dian!”despiradong sabi ni Darrius sa dalawa.


Alam mo kasi, hindi naman talaga yung makukuli yung tipo ni Dian. Ang gusto nun yung may pag-kamaangas! Yung astig!”inakbayan pa ni Shin si Darrius.


Totoo ba yang sinasabi mo?”paninigurado ni Darrius. Tumango tango si Shin.








***

KINABUKASAN, mas lalong nawirdohan si Dian dahil ibang Darrius naman ang humarap sa kaniya. May nakakunot itong nuo at maangas na aura. Kung may pag-kamayabang ang nakita nya noong dito ngayon ay parang mas sumobra pa yata.


Sumakto pa na silang dalawa ang mag-kapareho sa P.E. Panay pa ang dabog ni Darrius habang naroon sila si Dian sa locker. Hindi rin mabilang ang wringkles sa nuo nito dahil sa musangot nitong mukha. Bigla na tuloy nakaramdam ng takot si Dian.


Da---Darrius. Kailangan nating mag-practice bago tayo lumaban.”mahina at naiilang sa wika ni Dian. Tennis kasi ang P.E nila ngayon. Tiningnan lang sya ni Darrius, tapos ay inismid sya nito. Di na lang umimik si Dian. Pumwesto sa kabilang court si Darrius.


Dahil nga bad boy images sya ngayon, itinodo na nya ang lahat nung mag-umpisa sila sa practice nila. Lahat ng lakas nya inilagay nya sa pag-lalaro. Sa bilis hindi tuloy nakasabay si Dian sa kaniya. Huminto na lang ito, kaya napahinto din si Darrius. Kunyari ay inis syang lumapit dito at pinag-taasan nya ito ng boses.


Bakit ka ba huminto?!”nagulat si Dian, hindi ito nakapagsalita. Yumuko lang ito. “Bakit di ka nasagot?”mataas parin ang boses ni Darrius. Bigla syang nataranta ng marinig nyang humikbi si Dian. “Mi---miss President? Umiiyak ka ba?”nataranta si Darrius nang makita nyang umiiyak nga si Dian. Bigla namang nag-lapitan sina Rits at Mia maging sina James at Shin sa kanila.


Hoy! Darrius! Wag mo ngang sigawan si Dian! Hindi mo ba alam na may phobia sya sa mga sumusigaw na tao sa harapan nya?! Sira ulo ka!”galit na sita sa kaniya ni Rits.


Ga---ganun ba? Hi---hindi ko alam.”nahihiyang wika ni Darrius.


Pare anong ginawa mo?”natatawang tanong ni James. Alala namang nakatingin si Shin kay Dian na umiiyak habang yakap ni Mia.








***

SA BLEACHER ay nilapitan ni Shin sina Mia at Rits na pinapakalma si Dian. May dala itong can ng apple juice at iniabot kay Dian. “Pag pasensyahan nyo na si Darrius hu?”pag-hingi nito ng paumanhin.


Ano ba kasing problema ng kaibigan mo? Bakit ayaw nya tigilan si Dian? Nung una kinukulit nya si Dian, ngayon naman singawan nya. Ano ba problema nya?”galit parin na wika ni Rits.


Ang totoo kasi---”natigilan si Shin ng tawagin sya ni Darrius sa likuran.


Shin!”seryoso ang mukha nito. Lumakad ito palapit sa kanila, pero bago pa man sya makalapit ay tumayo na agad si Dian at tumakbo ito palayo sa kanila. Sinundan sya ni Darrius, pipigilan pa sana sya ni Rits kaso pumigil din si Shin sa kay Rits. Wala nang nagawa si Rits kundi sundan ng tingin ang dalawa.









NAPAHINTO sa pag-habol si Darrius ng bigla syang tawagin si Samantha. “Darrius!”hinarap sya ni Darrius na may seryosong mukha.


Bakit nanaman ba?”









Nilingon nya si Dian, pero wala na ito sa paningin nya. Naiinis sya at nag-sisisi kund bakit pa nya pinaniwalaan ang mga kaibigan nya. Ang inaalala nya ay baka hindi na sya pansinin pa ni Dian kahit kailan. Paano na?







to be continued ...


 


4 comments:

  1. tawa po ako ng tawa dito and at the same time kinilig... nacurious po kc ako d2 kaya binasa ko na kahit lubog na ang mata ko XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. habang binAbasa mo 2 kanina gising pa ko .. nanonood ako ng iris 2 .. haha!!

      Delete
  2. ah. ok po :) d na nga po ako nakatulog eh.

    ReplyDelete
  3. aahhhh!! mababaliw ako!! bakit ganun??? ang daming +1???

    wag nyo naman ako takutin!! kung mga BANA kayo please tell me ..
    ang unusual naman kais na onti lang nag-view tapos daming +1 .. TT_TT

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^