“Because
of You”
CHAPTER
I
TUMAYO
sa kinauupuan nya si Samantha, kinuha nya ang bag nya sa katabing
upuan bago sya nag-salita. “Lets call it a break
Darrius.”saad nya sa matigas
na tono ng boses nya.
Halos
hindi naman makapaniwalang napatingin sa kaniya si Darrius. Mukha ng
taong tinapakan ang pride ang sumilay sa mukha nito imbes na lungkot.
Tumayo sya saka sumagot sa sinabi ni Samatha. “Fine! Sana
lang hindi mo pag-sisihan 'tong araw na 'to.”sya
na ang naunang tumalikod kay Samatha. Hindi na lang nakapag-salita pa
ito.
[AFTER
ONE MONTH]
NAG-BALIKAN
na ang lahat ng student sa kani-kanilang upuan habang otomatiko
namang tumayo si Dian para manguna sa pag-bati sa kanilang teacher na
kakapasok lang ng room.
“Good Morning Mrs. Park.”sabi
ni Dian na sinundan naman ng mga classmate nya.
“Good Morning din sa inyo. Sige
maupo na kayo.”sagot naman ng
teacher. Naupo na si Dian kasabay ang dalawang lalaki na katabi nyang
sina Shin at James. Kaibigan din ni Dian ang dalawang ito, maliban pa
doon ay katabi na nya ito sa upuan simula noong first year sila kaya
naman kahit tahimik at mahiyain ang ugali ni Dian ay sanay na syang
makatabi at makasama ang dalawa.
May mga kaibigan naman syang babae
na nasa likuran lang nya nakaupo. Si Mia at Rits. Kaibigan nya rin
ito simula pa noong first year sila. Bukod kanila Shin at James, si
Rits at Mia lang din ang bukod tanging nakakaintindi sa kaibigan
nilang si Dian.
Si Dian ang top student sa class
nila at second top student naman sa buong school. Kaya sya ang Class
President sa room nila. Sya ang responsable sa lahat ng bagay sa room
nila. Mabuti na nga lang at mataas ang galang ng mga classmates nya
sa kaniya.
Nasa classroom din nila ang sikat na
si Samantha. Kilala sya bilang isa sa pinaka-magandang student sa
school nila. Parati din nyang kasama yung dalawa nyang kaibigan na
sina Grettel at Emily na walang ginawa kundi ang gayahin ang bawat
outfit na suotin ni Samantha. Magaling ding Bellet Dancer si
Samantha.
Kabaliktaran sya ni Dian na walang
ibang alam kundi ang mag-aral ng mag-aral. Kaya nga tinawag syang
Queen of Clumsy ng mga kaibigan nya, dahil wala syang alam na kahit
anong sports. Hindi nya alam kung bakit sa loob ng eighteen years
nyang buhay ay hindi man lang sya nahumaling sa kahit anong sports.
Buti nga kahit paano ay hindi weird
ang ayos nya. Simula kasi ng maging kaibigan nya si Rits na mahilig
mag-ayos, tinuruan nito si Dian na gumamit ng contact lense at
mag-ayos naman kahit paano, simple lang naman si Dian. Mahaba at
straight ang buhok, biligan ang mga mata. Cute face kung baga.
Madalas din naman silang mag-bonding ng mga kaibigan nya sa mall o
saan mang lugar na malapit lang. Hindi kasi sanay sa malalayong lugar
si Dian.
“Before we start our class.
Gusto ko muna ipakilala sa inyo ang bago nyong classmate. Trasfer sya
dito, galing syang America. Maging mabait kayo sa kaniya. Okay? Mr.
Darrius Cha, pwede ka na pumasok.”tawag
ng teacher.
Napalingon
si Dian sa katabi nyang sina James at Shin dahil sa reaction ng mga
ito. “Si Darrius?”halos
di makapaniwalang wika ni James.
“Darrius! Pare!”napalingon
ulit si Dian sa Darrius na tinawag ni Shin. Kumaway naman sa kaniya
ang lalaking nasa harapan.
Hindi alam ni Dian kung ano
ire-react nya sa lalaki. Naka-unbutton ang top coat ng uniform nito,
hindi naman naka-tuck in ang inner uniform nito. Habang ang buhok
nito ay wavey at blonde na may higlight pang kulay pink. May aura ito
na pag-ka-arrogant kahit na baby face ang mukha nito. Nang ngumiti
ito ay sumilay naman ang rabbit-like nitong ngipin na mas lalong
nag-pa-bata sa itsura nito.
“Mr. Cha, pwede ka nang umupo
kahit saan mo gustuhin.”wika
ni Mrs. Park.
“Pare! Dito ka umupo!”excited
naman tawag ni James habang tinuturo nya ang upuang bakante sa tabi
ni Dian. Agad naman naupo duon si Darrius na may excited ding aura.
“Mga pre! Na-miss ko kayo!”sabi
nya sa masayang boses nya.
“Tinutuo mo talaga yung sinabi
mo samin noon na dito ka mag-aaral ng high school ah!”napapailing
pa si Shin habang sinasabi nya yun. Samantala, sobrang ilang naman si
Dian dahil napapagitnaan sya ng usapan nila James, Shin at Darrius.
Laking pasasalamat nya na lang ng mag-umpisa na ng class si Mrs.
Park. Doon lang nahinto sa pag-uusap ang tatlo. Bago pa umayos ng upo
si Darrius ay tiningnan pa nya si Dian, nahihiya din naman syang
tiningnan ni Dian. Pero ng ngumiti si Darrius ay napayuko na lang si
Dian. Kumunot tuloy ang nuo ni Darrius.
[LUNCH
TIME]
SA CANTEEN walang
ibang usapan kundi ang bagong transfer na si Darrius, lalo na ng mga
kababaihan. Bukod kasi sa galing itong America ay napaka-gwapo talag
nito. Malakas ang dating nito sa mga babaeng students. Nasapawan na
nga nito ang titulo ni Shin na pinaka-gwapo sa school nila. Maging
sina Rits at Mia si Darrius ang topic.
“Uy! Girl! Panalo talaga yung
bago nating classmate! Ang swerte mo teh! Katabi mo pa sya! Ano?
Mabango ba?”kinikilig na
tanong ni Rits. Nahihiya na lang na napayuko si Dian.
“Sira ka talaga! Yan pa
tinanong mo eh wala namang alam yan sa mga ganyan! Pero gwapo talaga
sya! Kaso wala ng tatalo pa kay Shin.”sabi
naman ni Mia na ever since makita nya si Shin ay may crush na sya
dito. Kaso ayaw nyang umamin dahil natatakot sya na baka hindi sya
magustuhan nito.
“Loyal ka talaga dyan sa Shin
mo. Inuugat na yang feelings mo sa kaniya girl! Bakit di mo pa
diligan para naman mag-kabunga na yan! Hindi yung puro ugat lang! Dry
na yan teh!”saad ni Rits sa
mataray nyang boses. Natawa naman si Mia, maging si Dian sa nahihiya
nyang tawa.
“Hoy! Ikaw girl! Ang bastos
mo!”wika ni Mia.
Di
rin naiwasang matawa ni Rits ng ma-realized nya ang pag-bibigay ng
meaning ni Mia sa sinabi nya. “Anong bastos? Baka ikaw?
Binigyan mo ng meaning yun eh! Baliw ka talaga!”
“Kayo talaga. Sige, mauna na
muna ako sa inyo. Kailangan ko pa kasi ihatid kay Mrs. Park yung mga
sinagutan nating papel kanina. Kita na lang tayo sa room
mamaya.”singit ni Dian bago
ito tumayo.
“Okay, Miss President.”halos
sabay naman ang dalawa. Kumaway si Rits, ngumiti naman si Dian. Nang
makatalikod ito ay muling pinag-usapan nila Rits at Mia si Darrius.
KAILANGANG
dumaan ni Dian sa Tennis Court para makarating sa office ng mga
teachers. Paliko na sana sya sa court ng matigilan sya dahil sa
dalawang taong pamilyar na nag-uusap sa tapat ng court. Medyo malapit
ito sa kaniya kaya naman dinig nya ang usapan ng dalawa.
“Darrius, tell me. Kaya ka ba
nandito dahil sinusundan mo ako?”seryoso,
pero halata ang confidence sa boses ni Samantha.
Sarkastikong
natawa sa kaniya si Darrius. “Ano?”sagot
nito.
Ganun
din ang ginanting ngiti ni Samantha tapos ay humalukipkip ito. “I
understand if you still can't move on because of me, Darrius. At kaya
ka nandito dahil gusto mo pang makipag-balikan sakin.”
Napakunot ang nuo ni Darrius. “What?
You're too confident Samantha.”
“Bakit? Hindi ba? Tell me if
there is another reason why you are here? I'm sure hindi dahil sa mga
kaibigan mo dahil halos araw araw nakakasama mo naman sila. At bakit
ka naman mag-ta-trasfer dito kung sa Harvard High School ka nag-aaral
sa States? Come one Darrius.”muling natawa si Samantha.
“Kung may rason man kung bakit
ako nag-transfer dito sa school na 'to is not because of you. And
since you're just my ex, hindi mo na kailangan pang alamin ang rason
kung bakit.”wika ni Darrius.
Hindi na nakapag-salita si Samantha. Sa halip ay tiningnan nya na
lang ito ng masama bago tumalikod paalis.
Mabilis namang nakapag-tago si Dian
sa gilid ng pader bago pa sya mahuli si Samantha na nandoon at
nakikinig sa usapan nila. Pero ang akala nya ay hindi na sya
mahuhuli. Nagulat na lang sya ng biglang sumulpot sa harapan nya si
Darrius. Nalaglag tuloy lahat ng papel na hawak nya.
“Wa---wala akong narinig
promise.”agad na saad ni
Dian. Sa una ay kwestyonableng mukha ang sumilay kay Darrius, pero
napangiti din ito ng maintindihan ang sinasabi ni Dian. Lumuhod si
Darrius para pulutin isa isa ang mga papel na nahulog dahil sa gulat
ni Dian.
“Sa susunod wag ka nang iinom
ng kape. Mukhang magugulatin ka eh.”yun
na lang ang sinabi ni Darrius. Tumayo sya at iniabot ang papel kay
Dian, isinukbit nya ang isa nyang kamay sa bulsa saka ngumiti ulit
bago nya ito hinawakan sa ulo na para bang bata paslit. “I'll
see you later Miss President.”di
naman agad nakagalaw si Dian dahil sa ginawang iyon ni Darrius.
Matapos ihatid ni Dian ang papel kay
Mrs. Park ay bumalik na sya sa classroom na may awkward feelings. Una
nyang nakita pag-pasok ay sina James, Darrius at Shin na masayang
nagku-kwentuhan. Sa likuran nila ay naroon sina Rits at Mia na masaya
ding nag-ku-kwentuhan. Huli nyang tiningnan ay si Samantha na mukhang
wala sa mood dahil nakamusangot ito habang nakatingin kay Darrius.
Bigla nyang naalala ang narinig
nyang pinag-uusapan nila ni Darrius kanina. Napabuntong hininga na
lang sya at nag-lakad na paupo sa upuan nya. Kaso saglit syang
natigilan ng maalala nya yung ginawa ni Darrius kanina sa kaniya. Di
tuloy nya alam kung mauupo pa ba sya sa upuan nya o lilipat na lang
sya.
“Dian!”sabay
sabay sila napalingon ng tawagin ni Mia si Dian. Wala nang nagawa si
Dian kundi ang lumapit sa mga ito. “Ano ba ginagawa mo?
Bat nakatayo ka dun?”kunot
nuong tanong ni Mia. Nang lingunin nya si Darrius, napayuko sya ulit
dahil nginitian sya nito.
“Hu? Wa—wala.”nauutal
nyang sagot.
“Okay ka lang ba? May masakit
ba sayo? Bakit parang namumula ka?”alalang
tanong naman ni Rits ng mapansin nyang namumula ito. Agad namang
napahawak sa mag-kabilang pisngi si Dian.
“Hu? Ah---wa---wala!”parang
bata na bigla na lang tumalikod si Dian sa mga ito.
“Ang weird mo naman! Umupo ka
na nga.”pinaupo na lang sya
ni Rits. Naupo na walang imik imik si Dian. Hindi na nya tiningnan pa
si Darrius ng dumaan sya sa harapan nito. Nang makaupos sya ay si
Shin naman ang nag-tanong sa kaniya.
“Ayos ka lang ba?”nilingon
sya ni Dian na may pilit na ngiti bago ito tumango. Ngumiti rin si
Shin saka nya tinapik si Dian sa balikat. Pinanonood lang sila ni
Darrius.
NAGULAT si
Dian ng bigla na lang sumulpot sa harapan nya ang masayang mukha ni
Darrius. Gaya ng una nya itong makita, hindi parin nakabotones at
naka-tuck-in ang uniform nito. At talaga namang agaw pansin ang
makulay nitong buhok.
“Miss President! Good
Morning!”bati nito.
“Good Morning.”bati
naman ni Dian sa mahina nyang boses. Halatang ilang sya kay Darrius
kasi nilalayuan nya ito.
“Ang lame naman ng bati mo.
Hindi ba pwedeng ngitian mo ko? Sige na. Ngitian mo ko.”pilit
ni Darrius. Kumunot ang nuo ni Dian, kasi bakit parang biglang naging
makulit si Darrius. Sa lahat pa naman ng ayaw ni Dian ay yung
makukulit na tao.
“Busy ako.”dahilan
ni Dian.
“Busy saan? Sa mga gawain na
dapat teacher gumagawa?”walang
imik lang syang nilingon ni Dian.
“Darrius? Ano ginagawa
mo?”biglang singit ni Mia
nang maabutan nilang kinukulit ni Darrius si Dian.
“Kinukulit ko si
Dian.”diretsong wika ni
Darrius.
“Ano ka ba! Sa lahat ng ayaw ni
Dian yung iniistorbo sya pag may ginagawa sya.”natatawang
saad ni Rits.
Natigilan
si Darrius, hindi nya alam kung ano sasabihin nya. Napaatras na lang
sya bago sya sumagot. “Ga—ganun ba?”ngumiti
sya ng pilit, “Okay.”yun
lang at tumalikod na sya. Napakamot pa sya sa ulo, biglang napalitan
ng inis ang mukha nya ng maalala nya ang kaibigan nyang sina James at
Shin.
Naabutan
nyang nag-tatawanan ang mga ito sa canteen. Padabog syang naupo sa
upuang nasa gitna ng dalawa na ikinagulat naman nila. “Nakakagulat
ka naman!”wika ni James.
“Mga sira-ulo
kayo!”pinag-babatukan nya ang
mga ito.
“Bakit?”walang
clue na tanong ni Shin.
“Sabi nyo gusto ni Dian yung
mga taong makukulit?”
“Kelan? Sinabi ba namin
yun?”kunyaring walang alam na
saad ni James. Natatawa namang napailing si Shin.
“Pambihira naman eh! Sabi nyo
tutulungan nyo ko! Trip ko talaga si Dian!”despiradong
sabi ni Darrius sa dalawa.
“Alam mo kasi, hindi naman
talaga yung makukuli yung tipo ni Dian. Ang gusto nun yung may
pag-kamaangas! Yung astig!”inakbayan
pa ni Shin si Darrius.
“Totoo ba yang sinasabi
mo?”paninigurado ni Darrius.
Tumango tango si Shin.
***
KINABUKASAN, mas
lalong nawirdohan si Dian dahil ibang Darrius naman ang humarap sa
kaniya. May nakakunot itong nuo at maangas na aura. Kung may
pag-kamayabang ang nakita nya noong dito ngayon ay parang mas sumobra
pa yata.
Sumakto pa na silang dalawa ang
mag-kapareho sa P.E. Panay pa ang dabog ni Darrius habang naroon sila
si Dian sa locker. Hindi rin mabilang ang wringkles sa nuo nito dahil
sa musangot nitong mukha. Bigla na tuloy nakaramdam ng takot si Dian.
“Da---Darrius. Kailangan nating
mag-practice bago tayo lumaban.”mahina
at naiilang sa wika ni Dian. Tennis kasi ang P.E nila ngayon.
Tiningnan lang sya ni Darrius, tapos ay inismid sya nito. Di na lang
umimik si Dian. Pumwesto sa kabilang court si Darrius.
Dahil nga bad boy images sya ngayon,
itinodo na nya ang lahat nung mag-umpisa sila sa practice nila. Lahat
ng lakas nya inilagay nya sa pag-lalaro. Sa bilis hindi tuloy
nakasabay si Dian sa kaniya. Huminto na lang ito, kaya napahinto din
si Darrius. Kunyari ay inis syang lumapit dito at pinag-taasan nya
ito ng boses.
“Bakit ka ba huminto?!”nagulat
si Dian, hindi ito nakapagsalita. Yumuko lang ito. “Bakit
di ka nasagot?”mataas parin
ang boses ni Darrius. Bigla syang nataranta ng marinig nyang humikbi
si Dian. “Mi---miss President? Umiiyak ka ba?”nataranta
si Darrius nang makita nyang umiiyak nga si Dian. Bigla namang
nag-lapitan sina Rits at Mia maging sina James at Shin sa kanila.
“Hoy! Darrius! Wag mo ngang
sigawan si Dian! Hindi mo ba alam na may phobia sya sa mga sumusigaw
na tao sa harapan nya?! Sira ulo ka!”galit
na sita sa kaniya ni Rits.
“Ga---ganun ba? Hi---hindi ko
alam.”nahihiyang wika ni
Darrius.
“Pare anong ginawa
mo?”natatawang tanong ni
James. Alala namang nakatingin si Shin kay Dian na umiiyak habang
yakap ni Mia.
***
SA BLEACHER ay
nilapitan ni Shin sina Mia at Rits na pinapakalma si Dian. May dala
itong can ng apple juice at iniabot kay Dian. “Pag
pasensyahan nyo na si Darrius hu?”pag-hingi
nito ng paumanhin.
“Ano ba kasing problema ng
kaibigan mo? Bakit ayaw nya tigilan si Dian? Nung una kinukulit nya
si Dian, ngayon naman singawan nya. Ano ba problema nya?”galit
parin na wika ni Rits.
“Ang totoo kasi---”natigilan
si Shin ng tawagin sya ni Darrius sa likuran.
“Shin!”seryoso
ang mukha nito. Lumakad ito palapit sa kanila, pero bago pa man sya
makalapit ay tumayo na agad si Dian at tumakbo ito palayo sa kanila.
Sinundan sya ni Darrius, pipigilan pa sana sya ni Rits kaso pumigil
din si Shin sa kay Rits. Wala nang nagawa si Rits kundi sundan ng
tingin ang dalawa.
NAPAHINTO sa
pag-habol si Darrius ng bigla syang tawagin si Samantha.
“Darrius!”hinarap
sya ni Darrius na may seryosong mukha.
“Bakit nanaman ba?”
Nilingon nya si Dian, pero wala na
ito sa paningin nya. Naiinis sya at nag-sisisi kund bakit pa nya
pinaniwalaan ang mga kaibigan nya. Ang inaalala nya ay baka hindi na
sya pansinin pa ni Dian kahit kailan. Paano na?
to be continued ...
>>> CHAPTER 2 HERE
tawa po ako ng tawa dito and at the same time kinilig... nacurious po kc ako d2 kaya binasa ko na kahit lubog na ang mata ko XD
ReplyDeletehabang binAbasa mo 2 kanina gising pa ko .. nanonood ako ng iris 2 .. haha!!
Deleteah. ok po :) d na nga po ako nakatulog eh.
ReplyDeleteaahhhh!! mababaliw ako!! bakit ganun??? ang daming +1???
ReplyDeletewag nyo naman ako takutin!! kung mga BANA kayo please tell me ..
ang unusual naman kais na onti lang nag-view tapos daming +1 .. TT_TT