“Because
of You”
CHAPTER
II
LUMAPIT
si Samantha kay Darrius,
huminto ito sa harapan nya. Ilang segundo nya muna itong tinitigan
bago sya nag-salita. “Why are you following
her?”humalukipkip si
Samantha, napangisi sya ng sarkastiko. “Its weird, kasi
ako lang naman ang babaeng hinahabol habol mo noon. Ngayon may iba
na?”hindi sumagot si Darrius,
hindi parin nag-babago ang expression ng mukha nito. Seryoso parin.
“Darrius
stop it. I know you. Masasaktan lang sya pag pinag-patuloy mo pa
'to.”sa pag-kakataong yun ay
nag-bagao na ang expression ni Darrius. Gumuhit ang pag-tatanong sa
mukha nito. Inalis ni Samantha sa pagkaka-halukipkip ang kamay nya.
“Alam kong gagamitin mo lang syang panakip butas sakin.
Darrius, she's innocent. Madali mo lang syang mapapasagot dahil wala
naman syang alam sa mga ganitong bagay. Hindi pa sya nag-kakaroon ng
boyfriend since birth. She's fragile. So lets stop this.”gaya
ng dati, confident parin ito. Nag-iba muli ang expression ng mukha ni
Darrius, ngayon naman ay hindi ito makapaniwala sa mga naririnig nya
kay Samantha.
“Okay,
tinatanggap na ulit kita. Makikipag-balikan na ulit ako
sayo.”dire-diretso nyang
wika. Ewan ni Darrius kung matatawa ba sya o maaawa kay Samantha.
“You
know what? Ngayon ko lang naisip na maling tao pala yung hinabol
habol ko noon. Dahil sa sinabi mo about Dian. Mas lalo ko syang
nagustuhan. At sa tingin ko, hindi na ulit ako madadapa at mapapagod
kahit ilang kilometro pa takbuhin ko mahabol ko lang si Dian. Kasi I
know she's different from you. She's fragile.”binigyang
diin pa ni Darrius ang salitang “fragile” ng sabihin nya ito kay
Samantha. Tapos ay nilayasan nya na ito. Naiwan namang hindi maipinta
ang mukha ni Samantha.
MATAPOS
ng nang-yari sa Tennis court ay
hindi na muli pang naupo si Dian sa upuan nya. Sa halip ay tumabi na
ito kanila Rits at Mia. Ni hindi na rin nya pinag-aaksayahan pa ng
panahong tingin si Darrius. At sa tuwing naipa-partner sila sa
maraming activities ay parati syang nakikipag-palit sa iba para lang
maiwasan si Darrius.
Hanggang
sa isang araw, hindi na natiis ni Darrius ang pag-iwas ni Dian sa
kaniya kaya naman nang mag-karoon ng pag-kakataon ay kinompronta nya
ito.
Habol
sya ng habol kay Dian, halos hingalin na sya dahil sa bilis ng lakad
nito ng makita nya ito sa campus na nag-lalakad mag-isa. “Dian!
Wait! Dian!”tawag ni Darrius
pero di sya pinapansin ni Dian. Nang mahawakan nya ito sa kamay ay
doon lang sya nag-karoon ng pag-kakataon na maharap ito. “Please,
kausapin mo ko.”pag-mamakaawa
nito. Iniwas ni Dian ang paningin niya, hindi galit kundi worried ang
sumilay sa mukha ni Dian. Hawak parin ng mahigpit ni Darrius ang
kamay niya.
“Dian,
I'm sorry. Ginawa ko lang yun dahil---dahil---”hindi
masabi ni Darrius ang gusto nyang sabihin. Ewan nya kung bakit.
“Dian, dahil---”pero
kung kelan naman ready na sya ay saka pa biglang nahilo si Dian. Sa
ganung akto sila naabutan nila Rits, Mia kasama sina James at Shin.
Mabilis
na inagaw ni Rits si Dian sa kaniya. Parang maiiyak naman si Darrius
ng mabitawan nya si Dian. “Dian!”tawag
nya ng hinatak palayo nila Rits at Mia si Dian sa kaniya. Hahabol pa
sana sya kaso pinigilan sya nila James at Shin. “Dian!”tawag
nya habang pumapalag sya sa hawak ng mga kaibigan nya.
“Pare,
huminahon ka nga.”wika naman
ni James. Pero sa halip na sumagot ay galit na inalis ni Darrius ang
sarili nya sa pag-kakahawak nila tapos ay tiningnan nya ng masama ang
dalawa saka nag-walk out. “Darrius!”tawag
ni James. Susundan sana nya ito kaso pinigilan sya ni Shin.
[ONE
WEEK LATER]
[CAMPING]
DAHIL
nalalapit na ang pag-tatapos ng
mga Seniors ay nag-held ng isang camping ang class nila Dian. Mabuti
na lang at pinayagan sila ng Prinsepal at ngayon nga ay naroon na
sila sa event. Pag-dating pa lang doon ay inumpisahan na nilang itayo
ang mga tent nila. Nang mag-tanghalian ay kaniya kaniya sila ng luto
ng pag-kain.
Masayang nagba-bonding sina Rits,
Mia, James at Shin habang si Dian naman ay busy sa pinapagawa sa
kaniya ng teacher nila at si Darrius naman na naroon lang sa sulok,
tahimik na pinag-mamasdan si Dian. Wala syang magawa kundi ang
tingnan na lang ito sa malayo. Hanggang sa hindi na nya namalayan na
nakatulog na pala sya.
Naalimpungatan na lang sya dahil sa
ingay sa paligid. Pag dilat nya bumungad sa kaniya ang nag-kakakulong
mga students. Tumayo sya at lumapit kanila James at Shin. Kinukusot
kusot pa nya ang mga mata nya ng tanungin nya si Shin.
“Anong
meron? Bakit nag-kakagulo kayo?”
“Pare,
si Dian.”pag-karinig pa lang
kay James ng pangalang Dian ay naalarma na si Darrius.
“Ano
si Dian? Bakit?”
“Nawawala.”
“A---ano?
Kanina pa ba sya nawawala? Bakit di nyo ko ginising?”natataranta
nyang saad.
“Kanina
pa. Sabi nila Mia mag-lalakad lakad lang daw sya pero hanggang ngayon
di pa sya bumabalik.”halata
din ang pag-aalala sa boses ni Shin. Hindi na sumagot si Darrius, sa
halip ay tumakbo na lang ito papasok sa gubat. “Darrius!
San ka pupunta?!”pahabol na
tawag ni Shin pero di na sya pinakinggan pa ni Darrius. Bigla na
itong nawala na parang bula.
HALOS wala ng makita sa paligid si
Darrius. Madilim na at tanging buwan na lang ang nag-bibigay ng
liwanag sa paligid. Mag-iisang oras na rin syang nag-hahanap kay
Dian pero hindi parin nya ito makita. Halos mapaos na rin sya sa
kasisigaw pero wala syang marinig na sagot.
“Dian!
Nasan ka?!”tawag nya ulit.
Nag-aalala na sya, dahil alam nyang matatakutin si Dian. At madali
itong nawawalan ng malay pag sobrang natakot ito. “Dian!
Sagutin mo ko kung naririnig mo ko!”tawag
nya.
Parang aatakihin si Darrius ng may
biglang humawak na lang sa braso nyang isang malamig na kamay.
Mabilis syang napalingon sa likuran nya at bumulaga sa kanya ang
nakayukong mukha ni Dian.
“Dian?”paninigurado
nya. Hindi sumagot si Dian, inangat lang nito ang ulo nito.
Parang biglang nabunutan ng tinik si
Darrius. Nakahinga na ito ng maluwang dahil sa wakas ay kasama na nya
si Dian. Ang takot sa mukha nya ay napalitan ng relief. Yayakapin nya
sana si Dian kaso naalala nyang galit pala ito sa kaniya. Kaya sa
halip na yumakap ay inalis nya na lang ang pag-kakahawak ni Dian sa
kaniya at tumalikod.
“Tara
na. Kanina ka pa nila hinahanap.”lumakad
na si Darrius, sumunod naman si Dian kaso bigla itong natalisod at
napaluhod. Mabilis naman syang nilapitan ni Darrius. “Ayos
ka lang ba? Bakit kasi di ka nag-iingat?”yumuko
na lang si Dian. Bumuntong hininga si Darrius. “Hahawakan
na lang kita para di ka na matalisod pa.”tinulungan
nyang tumayo si Dian tapos ay inalalayan nya na ito palakad.
Sobrang lapit ni Dian sa mukha ni
Darrius kaya naman mas kitang kita nya ang parang bata nitong mukha
na natatamaan ng sikat ng buwan. Dinig din nya ang bawat pag hinga
nito. At yung tinanong noon ni Rits kung mabango ba ito ay pwedeng
pwede nang sagutin ni Dian ngayon. Oo, mabango ito. Bango na tanging
si Darrius lang ay mayroon. Bango na para bang bulaklak.
Bukod
pa doon ay nagustuhan din ni Dian ang malapad at matiponong mga
baklikat ni Darrius. Pakiramdam nya safe na safe na sya sa mga oras
na nakahilig ang ulo nya sa balikat ni Darrius. Napansin na lang ni
Dian na mas inihiga pa nya ang ulo nya sa balikat nito bagay na
nagustuhan naman ni Darrius. Di tuloy nito naiwasang mapangiti.
Mag-kahiwalay na sila ng makarating
sila sa camp site. Tuwang tuwa ang lahat dahil nakabalik ng ligtas
ang dalawa. Bigla namang nawala ang galit ni Rits dahil sa ginawang
iyon ni Darrius. Tuwang tuwa silang lahat maliban kay Samantha na
mukhang nang-gagalaiti kay Dian.
KINABUKASAN,
masayang binati ni Darrius si
Dian ng makita nya itong nag-lalakad papuntang room nila. “Good
Morning Miss President!”
Pero instead na bumati ay iniiwas ni
Dian ang mukha nya dito at nakayuko itong lumakad ng mabilis. Bigla
kasi nitong naalala yung nang-yari sa gubat at nahihiya syang harapin
si Darrius.
“Sandali!”hinabol
sya ni Darrius. “Pag may bumati sayo ng Good Morning
dapat batiin mo rin ng may mga ngiti sa labi! Hindi yung iiwasan mo
na para bang may mga sakit na nakakahawa yung babati sayo!”parang
bata nitong reklamo, pinipilit nyang tingnan si Dian sa mukha pero
panay naman ang iwas ni Dian sa kaniya.
Nang
mapansin iyon ni Darrius ay natigilan sya at napaisip. “Nahihiya
ka ba sa nang-yari kagabi sa gubat?”sumilay
ang pilyong ngiti sa labi ni Darrius. “Tama ako diba?”
“Hi---hind
no!”giit nito. Habang iniiwas
parin nito ang tingin kay Darrius at habang panay parin ang sunod ni
Darrius sa mukha nya.
“Talaga?
Bakit di ka makatingin sakin? Tsaka bakit parang naiilang ka?”asar
pa ni Darrius.
“Hi---hindi
no!”muling sagot ni Dian.
“Ah!
Kasi siguro gusto mo ko no?”natawa
pa si Darrius na para itong kinikilig. Doon lang napatingin sa kaniya
si Dian. Mas lalo namang lumapad ang mga ngiti ni Darrius. “Sabi
ko na eh! Gusto mo ko!”muling
iniwas ni Dian ang tingin nya.
“Hi---hindi
no!”
“Eh,
bat ka napatingin sakin? Kasi tama ako no?”
“Si---sino
namang mag-kakagusto sayo? Tingnan mo nga yan? Ni hindi ka marunong
mag-suot ng proper uniform! Tapos yung buhok mo kala mo icing sa
cake!”yun lang at parang
batang nag-walk out si Dian sa harapan ni Darrius.
Hindi
makapagsalita si Darrius sa sinabi ni Dian. Sa tana ng buhay nya
ngayon lang may nang-lait sa buhok nya. “Icing sa cake?
Yung ibang babae nga gustong gusto ang style ng buhok ko tapos sya
tatawagin lang nyang icing sa cake?”inis
nyang saad sa sarili.
“Ano
bang problema sa uniform ko? Ni yung prinsepal nga di pinapakialaman
uniform ko eh! Tapos sya sistahin nya? Ano ba problema nya? Kagabi
naman hihiga higa pa sya sa balikat ko tapos ngayon ang sungit sungit
nya!”para na syang baliw
dahil kausap nya ang sarili nya.
“Gusto
mo baguhin ko style ko? Fine!”nginusuan
pa nya ang nag-walked out na si Dian.
PAGA-PASOK
kinabukasan, lahat ay nabigla
sa malaking pag-babago sa itsura ni Darrius. Naka-suot na ito ng
proper uniform, at ang dating blonde with pink highlight nitong buhok
ay napalitan ng black color. Di sya agad napansin ni Dian dahil busy
ito sa pag-babasa.
“Darrius,
ano nang-yari sayo pare?”doon
lang nakuha ang atensyon nya ng marinig nya si James na natatawang
sinabi iyon. Sinundan nya ang paningin ni James at bumulaga sa
harapan nya ang bagong Darrius.
Parang bigla syang na-amazed dahil
ibang iba sa dating Darrius ang nasa harapan nya ngayon. Mas lalo
itong naging attractive at mas lumitaw ang pagiging baby face nito.
Nakatingin lang si Dian sa kanya hanganga sa maupo ito sa harapan
nya. Kinindatan pa sya ni Darrius, sa kindat lang na yun natauhan si
Dian na medyo matagal tagal na pala syang nakatingin kay Darrius kaya
naman agad nyang iniwas paningin nya.
Nang
mag-lunch sila ay si Dian agad ang sinundan ni Darrius. “Miss
President! Ayos ba? Diba sabi mo gusto mo yung mga ganitong tipuhin
ng lalaki? Ayan! Nakasuot na ko ng proper uniform at hindi na rin
mukhang icing sa cake yung buhok ko! Ano aaminin mo na bang gusto mo
ko?”ngumiti pa ito. Pero
hindi sya sinagot ni Dian, nag-patuloy lang ito sa pag-lalakad.
Sumunod parin si Darrius. “Dian! Sige na! Sabihin mo na
na gusto mo ko!”pilit ni
Darrius.
Huminto si Dian, otomatiko namang
ngumiti si Darrius, bumuntong hininga si Dian. “Sino ba
nag-sabing gusto ko ng mga style na yan? Pwede ba Darrius!”inis
na wika ni Dian saka muling lumakad.
Naiwan namang inis din si Darrius.
Inis sya dahil binago nya na nga style nya pero hindi parin nya
makuha yung sagot na gusto nya. “Ewan!”sinipa nya ang
basurahan na nasa harapan nya. Para syang bata na bigla na lang
nag-ka-tantrum sa mga oras na yun. “Hindi kita maintindihan!
Bakit ba ang hirap mo paaminin! Bakit ba pinahihirapan mo ko!? Fine!
Ayaw ko na! Hindi na kita hahabulin! Ewan!!!”padabog syang
lumakad papunta sa canteen kung nasaan nandun sina James at Shin
kasama sina Rits at Mia.
“Oh
Darrius? San ka ba galing? Nakita mo ba si Dian?”bungad
ni Shin.
“Bahala
sya sa buhay nya!”inis na
sagot ni Darrius na ikinataka naman nilang apat.
MATAPOS ang lunch ay bumalik
na si Dian sa room galing sa library. Napakunot ang nuo nya dahil
sinimangutan sya ni Darrius. Nakakataka dahil sa tuwing makikita nya
ito ay otomatikong ngumingiti ito. Mas lalo syang nag-taka ng maupo
na sya sa tabi nito ay tinalikuran sya nito. Napapaisip na lang tuloy
si Dian sa kaniya. Maya maya pa ay dumatinging na ang teacher nila sa
Language.
Matapos
bumati ay nag-simula na ang class. “Sinabihan ko kayo na
aralin nyo ang Japanese at Korean Alphabet diba? Ngayon, may activity
tayo. Gusto kong isulat nyo sa Japanese or Korean kung ano man ang
nararamdaman nyo ngayon. Pwede na kayong maka-uwi pag natapos nyo ang
activity.”
Nag-simula na ang lahat maliban kay
Dian na hanggang ngayon ay ang atensyon parin ay nakay Darrius. Bigla
nya naisip ang tinatanong nito kanina kung gusto ba nya ito.
Sinubukan nyang mag-papanasin sa pamamagitan ng pag-hulog nya ng
ballpen nya. Hinitay nyang kunin iyon ni Darrius, pero lingunin nga
ay hindi ito pinag-aksayahan ni Darrius. Napanguso na lang sa inis si
Dian at sya na lang ang lumuha ng hinulog nyang ballpen. Bumuntong
hininga sya saka nag-simulang mag-sulat.
Lahat ng nararamdaman nya ay
isinulat nya sa Korean Letter. Napansin nya na lang na sobrang haba
na pala ng naisulat nya at isa pa naisip nyang hindi nya pwede ipasa
sa teacher nya ang ganong klase ng sulat. Dahil confession iyon ng
totoong nararamdaman nya tungkol kay Darrius. Kinusot nya ang papel,
pero inayos nya ulit at tinupi ito ng maayos at inipit nya ito sa
notebook nya.
Muli syang nag-sulat, this time ay
tungkol naman sa feelings nya sa subject nilang Language at sa
pag-tuturo ng teacher nya. Dahil sa top student sya ay sya ang unang
natapos. Para ipasa ang gawa nya bago sya bumalik ulit sa upuan nya
para kuhain ang gamit nya.
Ngumiti
sa kaniya sina Rits at Mia. “See you on Monday!”bulong
ni Mia na narinig naman ni Darrius.
Ngumiti naman si Dian. Sinukbit nya
ang bag sa likuran, di na nya inilagay ang notebook nya sa bag nya,
binitbit nya na lang ito. Sa pag daan nya kay Darrius ay hindi na nya
napansin na nahulog pala ang confessional letter nya sa harapan ni
Darrius. Napakunot na lang nuo ni Darrius, napatingin sya sa nahulog
na sulat at kay Dian na halatang walang kaalam alam na may nahulog
syang gamit.
Pinulot
ni Darrius ang papel na nahulog ng tumayo sya para ipasa ang gawa
nya. Binulsa nya ito at bumalik ulit sa upuan nya para kuhain ang
gamit nya. Tinapik nya si Shin sa balikat na busy sa pag-susulat
gamit ang Japanese alphabet. “Kita na lang tayo sa bahay
mamaya.”wika ni Darrius saka
sya lumabas ng room.
Nang isukbit nya ang kamay nya sa
bulsa ay doon nya lang naalala ang nahulog na papel ni Dian nang
makapa nya ito. Kinuha nya ito at binuklat. Tahimik nyang binasa ang
nakasulat sa papel. Buti na lang at mabilis syang matuto ng mga bagay
kaya mabilis din nyang natutunan ang alphabet ng Korean. Kayang kaya
nyang basahin ang sulat ni Dian.
Napataas ang kilay nya dahil
pangalan nya ang una nyang nabasa.
Darrius,
Gusto na kita nung una pa lang kitang makita. Kaya lang natatakot akong aminin kahit sa sarili ko dahil baka hindi naman sya totoong pakiramdam. Gusto kita kaya wag ka nang mag-alala. Ayaw ko na nakikita kang nakasimangot kaya sana ngumiti ka na. Gusto kita.
Dian <3
Hindi na nya naitupi ng maayos ang
papel ng mabasa nya ang kabuuhan nito. Binulsa nya agad ito saka
tumakbo ng mabilis. Ang nasa isip nya ngayon ay mahabol si Dian bago
pa ito makalayo. Dahil hindi na nya mahihintay pa ang Lunes para
tanungin kay Dian kung totoo ba o hindi ang nabasa nito. Mas
binilisan nya ang takbo nya ng makita nya si Dian na pababa na ng
hagdan ng building nila.
Hinawakan
nya si Dian sa kamay at hinatak paharap sa kaniya. Gulat na gulat
naman si Dian dahil sa ginawa nya. “Da---Darrius?”kwestyonableng
wika ni Dian.
Hingal
na hinga si Darrius habang dinudukot nito ang sulat na nasa bulsa.
“Sabihin mo.”sabi
nya habang hinahabol nya ang pag-hinga nya. Natigilan naman si Dian
sa nakita nyang hawak nito. “Totoo ba lahat ng nakasulat
dito?”
Hindi nakapag-salita si Dian, sa
halip ay yumuko na lang ito at nahihiyang tumango. Kahit hirap pa sa
pag-hinga ay nagawa paring ngumiti ni Darrius dahil sa pag-amin ni
Dian. Ang buong akala nya ay ide-deny pa nito, pero salamat na lang
at hindi.
Di maitago ni Darrius ang saya na
nararamdaman nya. Pakiramdam nya saya na ang pinaka-masayang tao sa
buong mundo. Sa sobrang saya nga nya ay hinatak nya palapit sa kaniya
si Dian at niyakap ito ng mahigpit. Napahinto tuloy ang mga student
na nag-lalakad dahil sa kanila.
“Da---Darrius
ano ba! Nakatingin sila satin!”nahihiyang
bulong ni Dian.
“Ang
saya saya ko. Ngayon ko lang naramdaman yung ganitong feelings.
Salamat.”bakas ang pagiging
sincere sa boses nito. Natuwa naman si Dian sa narinig nya dahil
damang damang nya ang sinabi nito.
GAYA din ng nararamdaman ni Darrius,
masayang masaya din si Dian ngayon. Sa buong buhay nya ngayon lang
din nya naranasan ang ganitong pakiramdam.
Salamat kay Darrius.
To
be continued ...
First!!! Yes, may UD na!!!
ReplyDelete