Saturday, February 9, 2013

You Are My Life : Chapter Eight

(Isang Author's Note mula sa maganda ninyong Author na si TheSweetGirl14. XD Dejoke. Hahaha. Pasensya na po kayo dahil ngayon lang ulit ako nakapag-UD. Naging Busy ako dahil sa mga school works. Sa totoo lang, isiningit ko nga lang ito ngayon kasi wala pa yung mga kasama ko na gagawa ng projects. Binagsakan na nga ako eh. Tapos may JS pa this coming friday. Haay buhay. T__T Somebody Help meee! Osha, Enjoy Reading. XD)
(Danielle's POV)



Pagkarating namin sa Ospital, dinala agad si Martin sa ER.

"Hanggang dito na lang po tayo." Pigil nung dalawang nurse na babae.

Isinara nila yung kurtina. Narinig ko yung sinabi nung isang doctor na nasa loob.

"Gun Shot. Bring him to the Operating Room."

Maya-maya pa, bumukas na yung mahabang kurtina at nilabas na nila si Martin na duguan. Nakapikit si Martin. 

Sumunod kaming tatlo papunta sa may Operating Room pero pinigilan na kami nung nasa may pinto na kami at nakapasok na ang katawan ni Martin.

Umupo ako sa couch na malapit. 

A tear fell from my eyes. He's in hurt. I need to help him but I can't do anything! Life is Bullshit! 

Tumabi sakin si Fei at hinagod yung likod ko.

"It's okay. Come on, I know he will fight for you." Pag-aalo ni Fei.

2...

3...

3 and a half hour...

*Eeeengkk*

Bumukas yung pinto ng Operating Room at lumabas yung doctor na lalaki.

"Doc, kamusta na po siya?" Tanong ko.

 "Maayos na ang lagay niya. Natanggal na namin ang bala na tumama sa kaliwa niyang balikat. Sa ngayon, inaantay na lang natin ang paggising niya at aalamin natin kung kamusta na ba ang lagay niya." Sagot nung doctor.

Napangiti ako. Mabuti naman. Alalang-alala ako sa kanya eh.

Maya-maya nilabas na nila yung katawan ni Martin at dinala sa private room. Sumunod kaming tatlo at kami na ang nagbantay sa kanya habang tulog pa siya. May benda yung kaliwa niyang braso at may blue na tela na nakasabit sa balikat niya at nakabalot sa braso niya, Ano nga tawag dun? Nalimutan ko tawag dun eh. 

"Excuse me po, Ma'ams and Sir. Pa-fill up naman po nito." Approach nung Nurse.

Tumayo si Jai at siya na yung nag-fill up nung form.

Tumayo ako at lumipat dun sa upuan na katabi ng Hospital Bed ni Martin. Tumulo na naman yung luha ko.

"Mabuti na lang tama lang sa balikat ang na-tamo mo. Kundi baka matulad na naman ako dun sa dating ako na halos mamatay sa kakaiyak dahil muntikan ka nang mawala sakin. Hindi ko kaya, Martin. Mahal na mahal kita." Sabi ko habang umiiyak ako at hawak ko yung kanan niyang kamay at pinipisil-pisil ko.

Muli akong tumayo at nag-lean down para halikan yung noo ni Martin.

"Babalik ako, Martin. Magpapalipas oras lang muna." Paalam ko.

Lumapit ako kay Fei.

"Kayo na muna ang bahala sa kanya. Uuwi muna ako. Kapag nagising siya tawagan niyo ako." Paalala ko.

Ngumiti si Fei tapos tumayo at niyakap ako.

"Ingat ka, Danielle. Wag ka mag-alala, kami nang bahala sa kanya." Sabi ni Fei.

Tumalikod na ako at dumaan sa likod ni Jairus. Tinapik ko yung balikat niya saka na lumabas ng kwarto.

Dumiretso ako sa labas ng ospital at pumunta sa kotse ko. May naka-dikit na note sa salamin ng kotse ko kaya kinuha ko ito.

'I have a little dice, It's color is Red then the dots are Black. The Red means Blood. The Black means Dead. I rolled it, and the Dice said 'One* . Say Goodbye to the one you truly loves.'



Kumabog yung dibdib ko. 'Say Goodbye to the one you truly loves'

Ginusot ko yung papel at itinapon. Pumasok ako sa may kotse ko at pinaandar ito papunta sa lugar na kinamumuhian ko na ngayon.

'Black Eagle Gang's Freedom Space'

Pinarada ko yung kotse ko sa tapat tapos lumabas na ako na may dalang balisong.

*CLING* 

*CLING*

Napalingon sila Jake, Steven, Diego, at yung pinaka-kinaiinisan ko.

"Mylove, buti nagbalik ka!" Nakangiting salubong ni Charles.

Napatingin ako sa balikat niya. May benda ito at may Arm Support. Ayun naalala ko na. 

Lumapit ako kay Charles at hinablot yung Kwelyo niya. Inipit ko siya sa pader at nang-gagalaiti kong inilabas yung patalim sa may balisong ko.

"Danielle, wag!" Pigil ni Diego.

Hinawakan niya yung kamay ko na may hawak na balisong saka pinipilit na tanggalin ito sa kamay ko.

"Bitawan mo ko, Diego. Or baka gusto mong ikaw saksakin ko?" Cold na sabi ko sa kanya.

Bumitaw siya at umatras.

"Black Eagle, pwede naman natin 'tong pag-usapan diba?" Takot na tanong ni Steven.

"PAG-USAPAN?!!! Pag-uusapan pa 'to? Gumamit na agad ng Dahas 'tong si Charles tapos pag-uusapan pa natin 'to? Huwaw!" Sigaw ko.

Binaling ko kay Charles yung balisong ko.

 "Die, or Quit?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Geez. Kapag pinatay mo ko, kabilang pa rin ako sa Gang na 'to, pero kapag Quit, lugi ako.  Nag-quit na nga ako, hindi ka pa mapupunta sakin." Naka-smirk na sabi ni Charles.

Nilapit ko yung balisong ko sa balikat niya na may tama ng baril. Sinaksak ko yung balikat niya sabay bitaw sa kwelyo niya.

Lumuhod siya at namilipit sa sakit.

Hinawakan ko yung buhok niya at pinatingin ko siya sakin.

"It's not yet done, Charles." Naka-smirk kong sabi.

Sasapakin ko na sana siya pero pinigilan ako nila Steven at Diego. Inilayo nila ako kay Charles tapos kinuha ni Diego yung balisong ko.

"Tama na 'to, ha. Tigilan niyo na. Wag kayong mag-away ng ganito." Awat ni Diego.

"Steven, Diego, hayaan niyo si Danielle. Alam niya kung anong ginagawa niya." Seryosong sabi ni Jake habang kumportableng naka-upo sa mahabang Sofa.

"Ow yeah, rgiht. Now help me get off here!" Utos ko sa kanya.

"I'm Sorry, Daine, but NO." Matigas na sabi ni Jake.

"Steven, DIego, pakawalan niyo ko." Utos ko.

Bumitaw si Steven kaya sinuntok ko sa tyan si Diego. Pano, ayaw bumitaw eh.

Nagalit ata siya kaya isasaksak dapat sakin yung balisong ko pero sinipa ko yung kamay niya kaya tumalsik yung balisong palayo.

Tumakbo na agad ako palabas tapos pumasok sa kotse ko. Pinaharurot ko ito papunta sa Mansion namin.

Pagkarating ko sa harap ng Gate, may nagsalita sa may Speaker.

"Rivera's Mansion. How may I help you?"

"Open the Gate. It's Danielle Rivera. 836411." Sagot ko.

Wag kayong maingay. Passcode yan kapag papasok ka sa Mansion.

Bumukas yung Gate kaya pinaandar ko na yung Chevrolet Camaro ko na Sira yung salamin sa likod.

Pagkarating ko sa may tapat ng Mansion, lumabas yung mga butlers at pinagbuksan ako ng pinto ng sarili kong kotse.

"Welcome Back, Ms. Danielle. We're all Glad you came back." Sabi ni butler James habang naka-bow.

"Ipaayos niyo yung likuran na salamin ng Chevrolet Camaro ko tapos palagyan niyo ng Bulletproof. Badtrip." Utos ko saka na pumasok sa loob.

Nag-bow yung mga Maid at sabay-sabay akong binati ng, "Good Evening, Mr. Danielle. Welcome Back."

Di-diretso na dapat ako sa kwarto ko nung may marinig akong tumitili at kumakalabog. Dumiretso ako sa kwarto ni Prei (Precious) tapos kumatok sa pinto.

Maya-maya pa bumukas na yung pinto at nakita kong nakasilip si Precious habang nakangiti tapos may naka-hawak sa may bewang niya at nakangiti rin habang naka-silip. BIglang naglaho yung ngiti ni Precious pero yung ngiti nung lalaki di pa rin nawawala.

Nag-init bigla yung ulo ko. TSK! Kabaligtaran ko talaga 'to si Precious.

"Precious Daniela Rivera. What are the two of you doing? And why are you here, Mister?" Tanong ko sa kanila.

Bumitaw sa bewang ni Precious yung lalaki tapos tumayo ng maayos. Kumamot siya sa ulo niya tapos medyo yumuko.

"Pa-pasensya na po, Tita. Nag-kukulitan lang po kami ni Daniela." Sagot nung lalaki.

"Tita? Do I look too Old for you to call me 'Tita'?" Tanong ko na naka-taas ang kilay.

Tumingin siya sakin na nagtataka. "P-po? T-tita. Mommy po kayo ni Daniela diba po?" Tanong niya.

Napa-hagalpak ako sa tawa. Imbis na mainis ako natawa pa ko.

"HAHAHAHAHA!!! Ako? Ako, Mommy ni Precious? WAHAHAHAHA!!! Seriously? I'm only 23." Sagot ko.

Namulang parang kamatis yung lalaki. Tapos yumuko.

Teka... 

Napatigil ako sa pag-tawa nung mapansin ko yung katawan nung lalaki. Maputi siya, walang pang-itaas. Naka-boxers. Puro balahibo yung Dibdib niya. 

Yuck. Sa tingin ko hindi ganyan si Martin. Ewan ko lang ha, pero ayoko ng ganun.

Tumalikod na ako pero bigla ulit akong humarap. "Where is Mom, Precious?" Tanong ko.

"Uhm... I... Uh... I really don't know. I'm sorry, Ate." Sagot niya.

Tumalikod na ko tapos dumiretso sa kwarto ko.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama.

Haay. Di ako makapaniwala nangyari 'to. Kamusta na kaya si Martin? Ayos lang kaya siya?

*Bzzzt. Bzzzt*

From: 09*********
Roses are Red,
Violets are Blue,
When You Love Me Again,
Nothing can stop Us,
Even HIM.
-MDP



Sino 'to? MDP? Sinong MDP? 

CAV - Charles Andrei Villanueva

Hindi eh.

MMVF - Matthew Marc Villa Fuente / Martin Marc Villa Fuente



Hindi rin. 

Eh sino 'to?


3 comments:

  1. Hay atEy,,, i suPer duPer miZ uR upd8s,,, buti nkPagpOst k n uLit,,, mAgbbgAy aq ng mgA boNggaNg commEnts dtO,,,

    ReplyDelete
  2. atEy,,, grAbe wOrth it pO aNg hiNintAy q dtO hA,,, nMiss q tLga c daNieLLe,,, at kHit wALNg mEdyo kiLig moMents, ayOs LNg pO,,, pEo aNg nkPaGpakabA kXe sKen, uNg tExt ni MDP n yAn,,, cNo yAn,,, LUv hiM aGain dAw so naiiCp q tLGa c mattHew,,, hwAhehE,,, grAbe mystEry sKen tO hA,,,

    ReplyDelete
  3. ((Interesting na ang mga happenings))

    ((And whose MDP))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^