Saturday, March 9, 2013

You Are My Life : Chapter Nine

Author's Note: Isang buwan bago mag-update? :D Sorry! Heto na po yung Update. :))

(Danielle's POV)



*RIIIINGGG! RIIIIINGGG!*


(Calling: Fei)


"Hello?"

[Danielle... Danielle si Martin...]

Si Martin... Anong nangyare kay Martin? Nagpahinga lang ako kagabi tapos... 

Anong nangyare kay Martin?!!!

"What happened?"

[Danielle... Wala na siya.]

My jaw dropped. Kasabay nun ang pagkahulog ng phone ko mula sa kamay ko. 

Paanong nangyari na wala na siya? Sa braso lang siya tinamaan diba? Ano 'to? Gaguhan? Biruan? Taya-tayaan? ANO?!!

May namuong tubig sa mga mata ko at di kalaunan, bumagsak na ito.

Anong nangyari? Imposibleng wala na siya...

*Tok! Tok! Tok!*

"Ate! Ate Open the door!" Sigaw ni Precious mula sa labas ng kwarto ko.

"Ate ano ba?! Tumawag si ate Fei sayo! May narinig daw siyang nahulog tapos biglang nag-dial tone na. Ate!!!"

Napatulala na lang ako.

Bakit nangyayari 'to? 

Bakit ba sa dinami-dami ng pwedeng mawala... bakit siya pa?

"Mommy! Mommy!"

Bakit sa dinami-dami ng pwedeng mawalan.... bakit ako pa? Bakit siya pa yung nawala? Sana ako na lang... Or sana si Charles na lang... Or sana yung mga kumokontra na lang sa pag-iibigan namin...

"Danielle!"

Medyo natauhan ako nung bigla akong mapa-upo sa kama ko. Naka-yakap sakin si Mom at umiiyak. Si Precious naman yumakap din.

"Akala ko kung ano nang nangyari sayong bata ka." Iyak ni Mom.

"Mom... Mom wala na siya..." Bulong ko.

Umagos na ng tuluyan yung mga luhang hindi naman talaga dapat lumalabas ngayon.

"What? What-- What are you talking about?" Takang tanong ni Mommy.

"Wala na siya, Mom. Iniwan niya na ako." Iyak ko.

Binatukan ako ni Mommy.

"Tungak! Kausap ni Precious kanina si Fei! Nawawala daw nobyo mo!" 

ANO?! Nawawala?!

"Nawawala?!!" Pasigaw kong tanong.

"Oo! Kaya nga bilisan mo! Gamitin mo yang pagka-Gangster mo para hanapin yung nobyo mo! Pero mag-ingat ka!" -Mommy

Tumayo na ako at pumunta sa banyo ko.

Naligo lang ako saglit saka inihanda lahat ng kailangan kong armas para sa labanan.

Paglabas ko ng Walk-in-Closet ko, may inabot sakin si Mom.

New phone.

"Take it. Nandyan na yung sim mo. Yan na lang muna gamitin mo."- Mommy.

Kinuha ko yung phone at ibinulsa.

Humalik si Mom sa pisngi ko saka tinapik yung kanan kong balikat.

"Mag-ingat ka, Anak."

"Yes, Mom. Kayo rin po." Ngiti ko saka na bumaba.

Dumiretso ako sa Garage saka kinuha kay Butler Roy yung susi ng Ducati ko.

Ducati 848 Black.

Si Darja.

Hindi available yung Camaro ko kaya si Darja na lang muna. 

Pagkabigay ni Butler Roy nung susi, kinuha ko yung helmet ko na black saka sumampa na ko kay Darja at pinaharurot papunta sa may Gate.

*Bzzt.*

Fuck! Nakakagulat naman 'to.

Kinuha ko sa bulsa ko yung phone.

From: 09***********
I guess nabalitaan mo nang nawawala ang Almighty Boyfriend mo. Alam ko kung nasaan siya. 
Block DC. American Street. QC. 
-MDP

Bumukas yung Gate kaya ibinulsa ko na ulit yung phone.

Block DC. American Street. QC.

Copy.

Pinaharurot ko ng mabilis yung Ducati ko.

Dahil walang traffic, naka-rating agad ako sa lugar.

Be the Girl that will never leave him.

Ipinarada ko yung Ducati ko sa may mga puno.

Nasa harap ko ngayon ang malaking bahay na mukhang haunted house dahil sa sobrang luma nung itsura.

Kinuha ko yung revolver gun na may silencer saka tumakbo papunta sa bakod. Sumandal ako saka nagmasid ng tahimik dun sa loob.

Pangratrat yung mga baril na hawak nung mga nagbabantay na lalaki. Palakad-lakad sila. Mga sampu ata.

Sumulyap ulit ako at may nakita akong lalaking bumaba mula sa may grand stairs sa labas. Lumapit yung isang lalaking malaki yung katawan. May ibinulong yung lalaking bumaba dun sa may lalaking malaki yung katawan.

Tumango yung lalaking malaki yung katawan tapos tumalikod na.

Pumwesto ako sa kabilang giild para mas kita ko silang dalawa. Tumalikod na yung lalaking bumaba kanina saka naglakad pa-akyat. Inilusot ko yung baril ko sa may grills at ipinutok yung baril ko.

Tinamaan sa ulo yung lalaki kaya pahigang bumagsak sa may hagdan. 

Please Take Note. Hindi lang siya basta bumagsak. Dire-diretso din siya pababa.

Namiss niya yata masyado yung laki nung katawan nung kausap niya kanina kaya bumaba ulit. Ayun nga lang, wala na siyang buhay. Tsk tsk.

Nagsimula na akong umakyat ng mabilis sa may bakod nung makita kong nag-si-lingunan sila dun sa lalaking binaril ko ng tahimik.

Pagpasok ko sa loob nung garahe, dali-dali rin akong tumakbo paakyat habang inuusisa pa nila yung mga nangyari.

Papasok na dapat ako sa may eskinita sa may gilid nung mansyon nung biglang sumigaw yung isang lalaki.

"HOYYYY!!!!"

Dali-dali akong tumakbo papasok pero may nakasalubong akong dalawang lalaking malaki yung katawan. Bumalik ako sa pinang-galingan ko pero may paparating na rin. Napatingin na lang ako sa may kaharap ko ngayon. 

Isang pintong may siwang.

Tinulak ko yung pinto sabay pasok ko. Isinara ko agad yung pinto saka ni-lock at tinalikuran na yung pinto.

Pero...

"Ooooh. Namiss mo yata agad ako, Mylove?"

"What the hell are you doing here?" Tanong ko.

" 'Ya know. Master mind." Then he grinned.

Itinutok ko sa kanya yung baril ko pero may dumanggi nito at nagulat na lang ako sa sumunod na nangyari.

May nakahawak na sa dalawa kong kamay na nasa likod at tumalsik na yung baril ko sa may gilid.

"Why are you doing this?!" Tanong ko.

Hindi siya sumagot. Sa halip, lumapit siya. Pero bago niya pa yun magawa, nagsalita na ako.

"Don't you ever dare to go near me. Or I will hurt myself." I said, coldly.

"Mylove..."

Yuck. Fuck Endearment.

"And stop calling me names." I said.

"But My--"

"And No buts!" I warned.

"Okay. But please... Don't hurt yourself." Pakiusap niya.

"THEN WHY ARE YOU DOING THIS?!!" I fucking yelled it to his face.

"C'mon. Calm Down."-Charles

" I won't Calm Down!" I shouted.

"But--"

"I SAID NO BUTS!!" I warned. Again.

"UGH." Angal niya.

"At pakawalan mo ko." Malamig kong sabi.

"Fine. Let her go." Utos niya.

"Good." Then I smirked.

I ran towards my gun and reach for it.

When I finally reach my gun, I shoot the man with big biceps.

Sapul sa ulo.

Tumba. Tsk.

May tumulak sakin papunta sa may pader. Naka-ipit yung isa kong kamay sa may likod ko.

"Dalhin mo na yan sa kwarto niya." Utos ni Charles.

"Oyy kayo! Samahn niyo yon!"

Sinabayan ko yung lakad nung lalaking nakahawak sa dalawa kong kamay. Malakas siya kaya di ko magawang makawala.

Nung nasa may harap na ako nung isang pinto, binuksan nung isang lalaki yung pinto saka ako tinulak papasok. Nadapa pa ko. Pagbangon ko, pasara na yung pinto.

Kainis!

Kinuha ko agad yung phone ko sa may bulsa ko.

Isang bar lang yung signal. Putrages!

Sinipa-sipa ko yung pinto.

"Hoy! Tngna niyo! Palabasin niyo ko dito! Hayop ka Charles! Tandaan mo 'tong araw na 'to! Kinamumuhian kita! Tangina mo!" Sigaw ko.

Nung mapagod ako sa kaka-sipa ko, umupo ako sa may tabi nung bintana sa may kabilang pader.

Isang bar pa rin yung signal. Tapete. 

Pano na 'to?!!!



2 comments:

  1. bAit ng moMmy ni daNieLLe, npAka supPortivE s anAk niAng gAngstEr,,, hwAhehE,,,

    at aNg saMa mo tLgA chArLes,,, hMpp,,,

    ReplyDelete
  2. at Okay LNg pO atEy kHit matAgAL upd8,, hAnda nMan kMe maGhintAy eHh,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^