Friday, March 22, 2013

You Are My Life : Chapter Ten


(Someone's POV)

*RIIIIIINGGG! RIIIINGGG!*

"Yow, Dude."


[Kumagat sa plano natin. Haha.]

"Ayos yan."

"Ugh. Pakawalan niyo ko dito!! Pota! Kapag ako nakawala dito papatayin ko kayo!!" Sigaw niya habang nagpupumiglas pa sa upuan kung saan siya nakatali.

May biglang kumapit sakin.

[Gising na pala ang Isa pang Bihag. Masaya 'to..]

"Hon... Sino yang kausap mo?" 

"Tsk! Teka nga muna! May kausap naman ako, diba?" Singhal ko sa kanya.

Kumalas siya kaya tumalikod ako at medyo lumayo.

"Pre." Tawag ko.

[Mukhang may Chix ka dyan ah?]

"Tss. Oh ano na? Nasaan yung Bihag natin dyan? Baka ginalaw mo na yan?" 

[Respeto, Dre. Meron ako non.]

"Gago! Sa pananalita mo na lang halata na eh."

[Teka, teka. Nag-wawala na naman yung Bihag natin dito eh. Alis muna ko.]

"Sige, Gago."

~
(Fei's POV)

"Anong nangyari?!" Hingal na tanong ni Cyrus pagpasok nila ni Mika sa may kwarto ng ospital na 'to.

"Pagbalik ko dito, wala na si Martin sa higaan na yan. Tinignan ko sa CR pero wala dun." Sagot ko.

"Tinawagan niyo na ba si Danielle?" Tanong naman ni Mika.

"O-oo! Tinawagan ko na si Danielle pero habang kausap ko siya, parang bigla na lang siyang nawala tapos maya-maya parang may nahulog at ayun biglang nag-dial tone na." Sagot ko.

Nasaan ka na ba Martin? Pati ikaw, Danielle?

"Sinubukan mo bang tawagan si Martin?" Tanong ni Cyrus.

"Oo, pero naiwan dito sa kwarto yung phone niya." Sagot ko.

"Fuck! Ano ba naman 'to!" Inis na sabi ni Cyrus.

"Tawagan mo nga ulit si Danielle!" Utos ni Cyrus.

Kinuha ko yung Phone ko sa bulsa at ni-dial yung number ni Danielle.

*Kriing! Kriing!*

"The Subscriber cannot be reached, please try again later. The subscriber cannot be reached, please try again later."

 "Cannot be reached." Sabi ko sa kanila.

"Tsk. Pano na 'to?" Tanong ni Mika.

~
(Danielle's POV)

*RIIINGG! RIIINGG!*

Kinuha ko sa bulsa ko yung phone ko pero maya-maya nawala na yung tunog. Anyare?

Tinignan ko yung Bar ng Signal.

"Shit." Mura ko.

Wala nang Signal! Putrages talaga!

Lumapit akong muli sa may pintuan at sinipa-sipa yung Pinto.

Potek! Di ako titigil dito hangga't di nila 'to binubuksan.

Biglang bumukas yung pinto.

"Stop kicking the Door, Black Eagle a.k.a Black Feather." Cold na sabi ni Charles at hinawakan ako sa braso.

Pumiglas ako pero ang higpit ng hawak niya sa braso ko.

"Anuba, Charles! Nasasaktan akoo!" Angal ko.

"Nasasaktan ka? Eh ano tingin mo sakin? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa bawat pagtataboy mo sakin? Danielle nasasaktan din ako!! Nasasaktan ako pero ni minsan hindi ako umangal na masakit!" Sigaw niya sakin.

Kitang-kita ko sa mga mata niya yung sakit at pighati. 

"Hindi ko naman kasi sinabi sayong mahalin mo ko, Charles! Ano ka ba?! Kaibigan kita, at ayokong makita kang nasasaktan! Pero kung ganito lang rin naman ang gagawin mo, yung pilit mo kong ihihiwalay sa taong mahal ko, kahit ayokong saktan ka, magagawa ko dahil ang tigas-tigas ng ulo mo! Hindi ko naman hiniling na mahalin mo ako eh! Ang gusto ko sumaya ka! Hindi sa piling ko kundi sa piling ng iba!" Sigaw ko rin sa kanya.

"Ayaw mo kong makitang nasasaktan? Kung ayaw mo kong makitang nasasaktan, ako yung pipiliin mo! Ako yung ipagtatanggol mo! Ako yung palagi mong yakap at palaging mong kasama!" Pilit ni Charles.

Sinampal ko siya gamit nung kabila kong kamay.

"Kaibigan kita, hindi nobyo. Know the difference there, Charles." Sagot ko.

Natahimik siya pero maya-maya nagsalita rin.

"Boy-friend. Kaibigang lalaki. Parehas lang kami. Parehas mo kaming kaibigan kaya madali mo kong maipapalit sa kanya." Sabi ni Charles.

"Pwede ba? Tigilan mo na nga 'to, Charles! Mahal ko si Martin--" Di ko naituloy yung sasabihin ko dahil hinawakan niya yung magkabila kong pisngi at hinalikan ako ng mariin.

Pilit kong inaalis yung mga kamay niya para makawala ako pero ang higpit ng hawak niya.

Hinahanmpas ko yung dibdib niya pero parang wala lang sa kanya. Parang hindi siya nasasaktan.

Napagod ako sa pagpupumiglas kaya hinayaan ko na lang siyang halikan ako. Maya-maya kinagot niya yung labi ko kaya naibuka ko yung labi ko. Hinapit niya yung bewang ko at mas nilapit pa ako sa kanya.

Kinuha ko sa bulsa ko yung phone ko at ni-speed dial ko.

Speed dial #1 ko si Cyrus. Sana napansin na nilang nawawala na rin ako.

~
(Fei's POV)

Nakaready na yung machine namin pan-trace kapag tumawag si Danielle sa phone namin. Pero panigurado kay Cyrus yun unang tatawag kasi Assistant Leader yun.

*RIINNG!! RIINGG!!*

Tumunog bigla yung phone ni Cyrus.

Pumwesto si Jairus sa may tapat nung laptop at ni-locate habang naka-sagot naman si Cyrus sa may tawag.

Lumapit ako kay Mika.

"Ready na ba yung back-up natin? Pati yung mga baril?" Tanong ko.

 "Pinaready ko na. Itetext ko sila kapag na-locate na yung lugar kung nasaan si Danielle." Sagot ni Mika.

"Block DC. American Street. QC. Copy." Sabi ni Jairus.

Ni-loud speaker ni Cyrus yung phone niya.

 "I Love You, Danielle."

"I Love You too, Charles.."



Nagkatinginan kaming apat.


"I Love You too, Charles.."

Ano ibig sabihin nun, Danielle? Mahal mo ba talaga si Charles? Mahal mo ba talaga yung Charles na yan? Pano si Martin? Paano na yung nobyo mo? Akala ko ba mahal mo siya?

Yumuko si Mika at tinext na yung Address sa back-up namin.

Tumakbo na agad kami papunta sa parking lot at sumakay sa kotse namin.

Ako ang nagdrive kaya pinaharurot ko agad papunta sa may QC.

Walang Traffic kaya agad naman kaming nakarating. Idagdag mo pa na pinaarurot ko yung Van. 

Nandun na yung back-up namin kaya agad na naming pinalibutan yung mansyon.

Yung iba naman naming back-up, tahimik na umakyat sa may bakod.

~
(Third Person's POV)

Nagraratratan na ng Baril sa labas ng man syon habang ang dalawa naman na sila Danielle at Charles ay naghahalikan pa rin. Parang walang naririnig ang dalawa dahil sa sobrang busy maghalikan. Maya-maya pa ay binuhat na ni Charles si Danielle habang naghahalikan pa rin sila. Dinala ni Charles si Danielle papalapit sa kama at duon niya ini-higa ang dalaga. Nang titigan ni Danielle ang mga mata ni Charles, puro LUST lamang ang nakikita niya sa mga mata nito. Hindi alam ng binata na alam na ni Danielle na may nagbabarilan na sa labas.

Yumuko si Charles at hinalik-halikan ang leeg ni Danielle habang ang dalaga naman ay nakahawak sa buhok ng binata. Plano niya talaga ito. Ang paasahin ang binata sa kasinungalingan na ngayon niya lang gagawin para mapuntahan niya na agad ang nobyo niya. Marahil kapag nalaman ito ng iba, sasabihin ang tanga niya, pero ito na laman ang alam niyang paraan para malaman niya na kung nasaan ang nobyo niya. Dibale nang may mangyari sa kanila ngayon ni Charles, huwag lang may mangyaring masama sa mahal niya dahil ipinapangako niya, lalaban talaga siya ng patayan kapag nangyari iyon. Sapat nang isinuko niya ang pangako niya sa sarili na papatayin niya ang taong pumatay sa tatay niya dahil ngayon hindi na siya papayag na maulit pa iyon. Siguro nga wala talaga sa bahay na ito ang nobyo niya.

"Mahal na mahal kita, Danielle. Sa akin ka lang." Bulong ni Charles sa tenga ng dalaga.

Ipinasok niya ang mga kamay niya sa damit ng dalaga at hinagod-hagod niya ang likuran nito. Napaka-kinis ng likod ng dalaga. Mala-anghel pati ang itsura nito. Isa pa, malaki ang paghanga niya rito dahil matatag ang dalaga at matapang pa. Yun ang mga tipo niya sa isang babae.

~
Kasalukuyang nakikipagbarilan sila Fei sa mga tauhan ni Charles. Napasok na rin nila ang loob ng mansyon kaya isa-isa nilang tinignan ang laman ng bawat kwarto.

Nang matapat sa kwarto kung nasaan sila Charles...

Sinipa ni Cyrus ang pinto saka naman pumasok sila Fei, Mika at Jairus. Pero mukhang sa halip na ang dalawang tao ang magulat, sila pa ang nagulat.

"What the..?" Punong puno ng tanong ang mga mata ni Fei.

Galit naman ang nararamdaman ni Cyrus at Jairus. Blangko naman ang expression ni Mika.

Humugot si Cyrus ng baril sa kanyang tagiliran saka pinaputok ito sa kisame.

Napalingon si Danielle kaya napalingon na rin si Charles.

Nanlaki ang mata ni Charles kasabay nun ang pagbalikwas niya ng bangon at paghugot ng baril sa tagiliran niya. Itinutok niya 'to kay Cyrus. Palipat kay Jairus. Palipat kay Mika. Hanggang sa makarating kay Fei. Salit-salitan lang ang pagtutok niya. Naguguluhan na siya kung sino ang uunahin niyang barilin.

Dahan-dahang tumayo si Danielle sa kama saka tumalon at inagaw kay Charles ang baril. Dahil mahina pa nga ang isang braso ni Charles, nabitawan niya agad ang baril at tumilapon ito papunta sa lugar nila Fei.

"Kung mahal mo talaga ako, sasabihin mo sa akin kung nasaan si Martin." Seryosong sabi ni Danielle.

May inabot na Card si Charles kay Danielle.

"Mahal mo diba? Puntahan mo. Makipag-patayan ka don." Sabi ni Charles kay Danielle.

Tumalikod na si Danielle habang hawak ang Card. Tinignan niya ang card. 


Naglakad na siya papunta kela Cyrus. Lalabas na dapat sila ng bigla ulit magsalita si Charles.

"Pero tandaan mo, Danielle. Sa akin ka lang." Matigas na sabi ng binata.

"At tandaan mo rin na hindi mo ako pag-aari para magsalita ka ng ganyan." Sagot ni Danielle saka na sila tuluyang umalis sa kwarto na 'yon.

Pinuntahan nila ang nakasulat na Address duon. Abandoned Factory.

Nasa malayo pa sila at agad niya nang napansin ang mga lalaking naka-paligid sa Factory.

"Unti-unti ninyong palibutan yung Factory na yan. Gamitin niyo muna yung mga silencer niyo para hindi nila mapansin na may kalaban." Utos ni Danielle.

Tumango ang mga back-up nila saka sinunod ang inutos ni Danielle.

Si Danielle sa may back-gate ng Factory habang ang apat naman duon sa may front-gate. Kumuha siya ng maliit na bato at ibinato ito sa loob ng bakuran. Maya-maya pa nakarinig siya ng mga kahol ng aso. Tumayo siya at tinignan kung nasaang direksyon ang mga kumakahol na aso. Walang tao sa may back-gate pero maraming aso. Pitbull lahat. 

Fighting Dog, huh?  Sabi ni Danielle sa isip niya.

Maya-maya pa, may dalawang lalaking nagpunta sa may back-gate at tinignan kung may tao. Mabuti na lamang at agad na nakapag-tago si Danielle sa isang poste.

"Wala namang tao dito, Pre." Sabi nang isang lalaki sa kasamahan niya.

"Naeengkanto lang yang mga asong ulul na yan. Halika na. " Yaya nang isa pang lalaki.

Nang tumalikod na ang dalawa, nagpakita nang muli si Danielle sa mga aso, dahilan para kumahol ang mga ito ulit. Lumingon si Danielle sa dalawang lalaking papalayo na. Mukhang hindi nga nila planong pansinin ang mga asong kumakahol.

Binaril ni Danielle ang isang Asong puti na may bahid ng itim sa tenga. Umungol ang aso at maya-maya pa eh napahiga ang aso. Sunod niya namang binaril ang dalawang brown kaya napalingon na ang dalawang lalaking papalayo na dapat. Muling nagtago si Danielle. Tumakbo pabalik ang dalawang lalaki at tinignan kung anong nangyari.

"Tama ng baril 'to diba?" Tanong nang isang lalaki sa kasamahan niya. Pangalanan natin siyang Guy 2.

"Sino naman ang babaril sa mga yan?" Tanong din ni Guy 1 na nagpalinga-linga.

Nakarinig sila ng mga putok ng baril kaya napatakbo silang muli papunta sa may Front-gate. Si Danielle naman ay umakyat na sa bakod at nagtago sa isang sulok. Hawak-hawak niya lang ang baril niya habang naglalakad siya papunta sa may unahan ng Factory.

Gyera. Mukha nang Gyera ang kaganapan sa harap ng Factory.

Sinipa niya ang pintuan ng Factory at duon tumambad sa kanya ang grupo ng kalalakihan na may hawak na baril. May natapakan siyang bagay kaya yumukod siya at may nakita siyang M4A1 na baril. Niratrat niya ang mga kalalakihan habang tumatakbo siya papasok sa Abandoned Building. Sa gilid ng pader, duon niya nakita ang isang lalaking nakayuko at nakagapos ang mga kamay. Dumudugo pa ang kabilang braso nito.

Maya-maya pa, pumasok na rin ang mga kakampi niya at sila na ang bumaril sa mga tauhan ng dumukot sa nobyo niya.

Bumaling ulit siya sa lalaking nakayuko. Nilapitan niya ito at hinawakan ang pisngi nito.

"Martin! Martin, wake up!" Natatarantang sabi ni Danielle.

Tinapik-tapik ni Danielle ang tuhod ng nobyo niya hanggang sa magising ito. Tinanggal ni Danielle ang tali nito sa kamay at paa saka tinanggal ang telang naka-lagay sa mata nito.

"Martin, anong nangyari? Sinong dumukot sayo?" Nagaalalang tanong ni Danielle.

Hindi sumagot si Martin. Sa halip, niyakap niya lang si Danielle.

"Mahal na mahal kita, Danielle. Wag na wag mo kong iiwan. Ipangako mo." Naiiyak na sabi ni Martin.

Hinagod ni Danielle ang likod ni Martin.

"Oo. Pangako, hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita eh. Sige na, Martin. Tara na." Sagot ni Danielle.

"Wag! Dito muna tayo, Danielle. Gusto muna kitang yakapin ng matagal. Sobra kitang na-miss." Iyak ni Martin.

Tumayo si Danielle at kumandong kay Martin saka niya ito niyakap.

"Wag ka na umiyak, Martin. Hindi naman kita iiwan eh." Naiiyak na rin na tono ni Danielle.

Yumakap lang si Martin ng matagal sa nobya niya habang hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha niya.

~
May isang babae ang kasalukuyang nakatingin sa magkasintahang magkayakap. Unti-unti niyang inangat ang baril na hawak niya at itinutok sa magkasintahan. Sino ang babarilin niya? Yung babae ba o yung lalaki? Gulong-gulo siya. Kapag yung lalaki ang binaril niya, may kaagaw pa rin siya sa taong mahal niya. Kapag naman yung babae ang binaril niya, kamumuhian siya ng taong mahal niya at lalo lang itong lalayo sa kanya.

"Tara na, Sam! Kelangan na nating tumakas!" Sabi ng taong mahal niya saka siya hinila.

Ipinutok niya ng dalawang beses ang baril niya saka na nga siya tuluyang nahila ng taong mahal niya.

~
"Tara na, Martin. Ipapagamot pa ulit natin yang braso mo sa ospital. Aaah!" Nakangiting sabi ni Danielle sa nobyo niya pero napawi ito ng maramdaman niyang may tumusok sa tagiliran niya.

"Aaah!" Angal din ng nobyo niya na pilit iniipit ang tagiliran.

Parehas nang nagdudugo ang tagiliran nilang dalawa pero pinilit pa rin ni Danielle na tumayo. Tinulungan niya ring tumayo ang nobyo niya pero dahil hindi nila kinaya, parehas silang tumuba sa mabuhangin na sahig ng Factory. Hinawakan ni Martin ang kamay ni Danielle. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng nobya niya saka niya ito tinitigan. Mahal na mahal niya ito at dibale nang siya na lang ang mamatay wag lang ang nobya niya.

"Mahal na mahal kita." Bulong ni Martin sa nobya niya.

Parehas silang nakahawak sa tagiliran nila habang magkatitigan sila.

~
Hinahanap nila Fei, Mika, Jairus, at Cyrus si Danielle.

"Teka...? Si... Si Danielle ba yun?" Tanong ni Mika.

Napalingon silang tatlo sa kung saan nakatingin si Mika.

"Ohmygosh! Danielle! Martin!" Tili ni Fei saka agad na tumakbo papunta sa mga kaibigan niya.

Tumakbo rin ang tatlo pa para tignan sila Danielle at Martin.

"DANIELLE!!! DANIELLE WAKE UP!" Sigaw ni Jairus habang niyuyugyog niya si Danielle.

Si Mika at Cyrus naman ay niyuyugyog din si Martin.

Pinagtulungan nilang apat ang dalawa nilang kaibigan saka nila dinala sa Van nila.

~
Pagdating sa Ospital...

"Sir, Ma'am, hanggang dito na lang po kayo." Pigil ng mga nurse kela Fei.

Umiiyak na naupo si Mika at Fei sa bench.

"Bakit ganun? Bakit nangyari 'to? Wag mong sabihing mauulit yung nangyari dati? Yung parehas na naman silang mapapahamak? Yung magiging 50/50 na naman yung buhay nila? Kakayanin pa ba natin yun?" Iyak ni Fei.

Tumabi sa kanya si Jairus at hinagod-hagod ang likod niya.

"Matatag si Danielle. Matatag si Martin. Parehas silang lalaban dahil kung kinaya nila dati, mas kakayanin nila ngayon." Sabi ni Cyrus.

"Hindi ganun kadali yun!! May mga bagay na kakayanin mo sa umpisa pero pagdating sa pangalawa hindi na!!" Sagot ni Fei.

"Wag naman kayong mawalan ng Tiwala! Kaya nilang dalawa yon! Kaya nilang labanan yung kamatayan! Maniwala kayo. Kakayanin nila basta ipagdasal lang natin na sana maging maayos ang operasyon nilang dalawa!!" Pilit ni Cyrus.

---------------------------------------------------------
Author's Note:
I'll be Back after 7 days. :) Sorry yan lang yung update. Parang walang ka-thrill-thrill. Sorry, sorry talaga!! Wala pa kong Background music para dyan. -____- I'm so Sorry!!
~TheSweetGirl14





2 comments:

  1. aY nKu chArLes uR suCh a biG LoSer,,, gUs2 q aq ang chuMugi s kNyA,,, kakAiniS,,,

    ReplyDelete
  2. at mLaLaMpasAn niLa mArtiN at dAnieLLe yAn,,, tiwALa Lng tAuNg LhAt,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^