Friday, February 8, 2013

This Gay's Inlove With You Mare : Chapter 8

CHAPTER 8
( Regina Salazar’s POV )

ANG FIRST KISS KO!!! ANG FIRST KISS KO!!!



Ilang segundo pa ang lumipas bago ako natauhan at umalis sa pagkakadagan kay Glenn. Napaupo ako habang hawak ang labi ko. Dahan-dahan ding bumangon si Glenn at napaupo kagaya ko. Napahawak din siya sa labi niya.


Napakurap ako. “Ahm...”


Mamaya muna namnamin ang halik niya, Regina! Mag-isip ka muna ng matino! ( other self )


Napalunok ako. “Glenn...” Saka lang siya napatingin sakin. At ang nakakatakot, wala akong mabasang emosyon sa mukha niya! Patay kang vhakler ka! “Ahm, wala akong kasalanan, ah. Kasalanan ng paa ko.” Kasalanan ko talaga. Ang clumsy ko naman kasi! “Hindi din ako nanantsing, ah. Wag mo kong jojombagin.” Pero ng mga oras na ‘to, gusto ko ng kumaripas ng takbo. Kung wala lang pilay ang paa ko, mas mabilis pa sa alas-kwatrong tumakbo na ako. Nakakahiya!


“Saka smack lang naman ‘yon diba? Hindi naman ‘yon torrid, eh.” Ano ba ‘tong pinagsasabi ko, syempre, big deal sakin ‘yon! FIRST KISS ko ‘yon, eh. Hindi nga torrid, pero tumagal ng ilang segundo ang labi ko sa kaniya. “Ahm...Uuwi na ko, ah. Hindi na ko makikiinom sa unit mo. Hindi na ako nauuhaw, eh.” Waaahhh! Para namang sinabi kong nakakatanggal ng uhaw ang halik niya. Ang mabuti pa, umalis na ko.


Inabot ko ang saklay sa gilid ko. Tumayo na ako. Habang si Glenn, nakaupo pa rin. Sa sahig na siya nakatingin. “Glenn...” Hindi niya ko nilingon. “Wag mo nang dibdibin yung kanina. Hindi big deal ‘yon.” Big deal sakin ‘yon! “Hindi ko ipagsasabi. Promise!” Sabay taas ng kanang kamay ko. “Hindi malalaman ni Gio ang nangyari.” Talagang hindi pwede, baka magalit si Gio sakin.


“Umalis ka na.”


“Hah?”


“Umalis ka na, Regina.”


Parang gusto kong magtampo, ah. Pagkatapos naming maghalikan este, aksidenteng mahalikan ko siya, ipagtatabuyan niya ko? Pero ‘yon naman talaga ang balak ko.


“Ba-bye.” Humakbang na ko paalis. Hindi pa ko nakakalayo ng lingunin ko siya. Nakita kong kinukuskos niya ang labi niya.


“Hmf! Ang arte talaga ng vhakler na ‘to!” Inamoy ko ang hininga ko. “Mabango naman, ah.” Napahawak ako sa labi ko. “Infairness, ang lambot ng lips niya. Gano’n pala ang mahalikan, nakakawala ng sarili.” Napangiti ako bago nagsimulang maglakad palabas ng condominium. “Sana pala tinagalan ko pa ng ilang segundo. Kaya lang baka majombag na niya ko.”


Pumara ako ng taxi at sumakay. Napatingin ako sa bintana. Paano ‘yan? May nakakuha na ng first kiss ko? Vhakler pa. Napangiti ako ng maalala si Glenn. “Okay lang. Gwapong vhakler naman. Saka may second kiss pa naman, may third kiss pa, may fourth kiss pa at maraming kiss pa.”



= = = = = = = =



School.


Nakaupo ako sa loob ng classroom at nakatunganga ng may umupo sa tabi ko. Si Harry ang nalingunan ko. Nagtilian ang mga classmates kong babae kabilang ang kambal ng tadhana na nakikipagdaldalan sa kabilang row.


“Hello, girls!” Bati ni Harry sa kanila bago ako balingan. “Hello, Rehg!”


“Hello din. Anong ginagawa mo dito?”


“ For you.” May inabot siyang chocolate sakin.


Hindi ko sana tatanggapin kaya lang nagugutom ako. Alam ninyo naman ang tiyan ko, parang may anaconda sa loob. “Thank you.”


“May isang kahon pa ko sa bahay, ipapahatid ko na lang sa driver ko sa bahay ninyo mamaya.”


“Sana dinala mo na lang. Mabigat ba ang isang kahon para bitbitin mo?” Tamad talaga nito!


Tinawanan niya ko. “Isang kahon ng mga box ng chocolates ang tinutukoy ko. Gets mo? Edi nagmukha akong nagtitinda ng chocolates dito pag binitbit ko ‘yon. Sira ang image ko pag nagkaton.”


Ginawa pa niya kong slow. Hindi kasi ini-explaing mabuti. “Gets na gets.”


“Alam mo ba kung sa’n nagmula ang chocolate, Rehg?”


Tiningnan ko ang mga students na dumadaan sa labas ng classroom namin. “Hindi, eh. Ise-search ko na lang sa google ang sagot. Kaya lang, hindi ako naka-unli net ngayon kaya sa bahay ko na lang ise-search.”


“You don’t need to search for the answer. Hindi naman kasi lahat alam ng google, eh.”


“Alam nila. Mas marunong ka pa sakin.”


“Hindi nila alam.”


Nilingon ko siya. “At bakit hindi nila alam lahat, aber?”


Nilapit niya ang mukha sakin. Narinig kong nagtilian ang mga classmates ko. “Alam ba ng google na mahal kita?” Mas lalong lumakas ang tilian ng mga classmates ko.


“Ang sweet mo, Harry my boy!”


“Ako na lang kasi!”


“Nababakla ako sa’yo, Harry, pare!”


Ano ba naman ‘tong mga classmate ko! Tumayo ako at hinila palabas ng classroom si Harry. “Harry...alam mo namang—” Natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko.


Nginitian niya ko. “Hindi ako susuko.”


“Pero Harry.” Gagawin kitang HARRYna dyan makita mo! May  pahawak-hawak ka pa sa kamay ko!


“Ehem!”


Napalingon ako sa likuran ko. Kumunot ang noo ko. “Carol? Glenn? Ba’t magkasama kayo?”


“Hindi kami magkasama. Nagkasabay lang kami. And I don’t even know her.” Nagpalipat-lipat ang tingin niya saming dalawa ni Harry. Saka ko lang na-realize na hawak pa rin ni Harry ang kamay ko. Binawi ko agad ang kamay ko at nilagay sa likuran ko. Kasabay ng pagpasok ni Glenn sa classroom namin.


“Ang sungit naman no’n! I don’t even know him, too!” react ni Carol habang masamang nakatingin kay Glenn.


“Gano’n lang talaga ‘yon. Ano nga pa lang ginagawa mo dito?”


“I just want to give you this. Pakibigay na lang sa boyfriend ko.” May inabot siyang libro sakin. “I don’t know where your twin is, hindi ko rin siya makontak.”


“Ano ‘to?”


“Ano ka ba? Syempre, libro.”


“I know.” Gawin ba kong tanga? Kitang-kitang libro naman. Pagbuhulin ko silang dalawa ni Harry, eh.


Tinapik ni Carol ang mukha ko. “I’m just kidding.” Nginitian niya ko. “Yan yung book na gusting-gusto niyang basahin. Ako ng bumili for him.”


“Pero alam mong ayaw niyang—”


“Basta. Pakibigay ‘yan sa kaniya.”


“Eh, kung ayaw ko?”


“Rehg naman...”


“Sabi ko ng ibibigay ko diba?” For sure, hindi ito babasahin ni kuya. Ibabalik niya ‘to sa’yo.


“Thank you. Ang bait mo talaga.” Matagal na noh! ”Sige may klase pa ko.” Umalis na siya, pero hindi pa siya nakakalayo ng marinig ko siyang  nagtaray. “Ano ba! Bulag ka ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Jeez!”


Napailing na lang ako. Ano bang nagustuhan ni kuya kay Carol? Hayy...ewan! Kurimawa talaga! Nilingon ko si Harry na himalang tahimik lang kanina habang kausap ko si Carol.


“Hey!” Nakatingin lang kasi siya sa direksyong pinuntahan ni Carol.


“Ang sama ng ugali ng babaeng ‘yon.”


“Si Carol ba? Close ba kayo?”


“No.”


“Bakit parang galit ka sa kaniya?”


“Bakit ba natin siya pinag-uusapan?” Nginitian niya ko. “Sabay tayong mag-lunch mamaya.” Hindi siya nag-aaya. Sinasabi na niyang sabay talaga kaming mag-lunch na parang papayag ako. Pag pumayag ako, baka mas lalo pa niya akong kulitin. Iwas-iwas din pag may time. Wahehe.


“May kasabay na ko, Harry.” Save by an angel. Dumating na ang prof ko. “Sige. May klase na ko.” Pumasok na ko ng classroom at umupo sa upuan ko. Sa pwesto ko sa tabi ni Glenn.


“Bye, Rehg!”


Talagang may pahabol pa ‘tong Harry na ‘to. At ang mga classmate ko mga buwang-buwang, nagtilian to the max.


“Kanino bang chocolate ‘to?”


Napalingon ako kay Glenn. Nanlaki na lang ang mata ko ng ihagis niya sa sahig yung chocolate ko. “Yung chocolate ko!!!”


“Ms. Salazar! Hindi pa nagsisimula ang klase, nag-iingat ka na agad.”


“I’m sorry, ma’am.” Kinuha ko ang chocolate sa sahig sabay lingon kay Glenn. “Hindi ka dapat nagtatapon ng pagkain.”


“It’s not my food.”


“But it’s mine.”


“Whatever.”


Binulungan ko siya. “Ang sungit mo!”


“Dahil ninakawan mo ko ng halik. Humanda ka kay Gio.”


Nanlaki ang mata ko. “Sinabi mo sa kaniya?”


Tumaas lang ang sulok ng labi niya.


Nakagat ko ang balat ng chocolate na hawak ko. Patay ako nito!


= = =


4 comments:

  1. PAkuNwari LNg pO yAng c gLeN,,, ngUstuhAn niA uNg kiSs as muCh as nagUstuhAn diN ni regiNa uN,,, hwAhehE,,, kiNikiLig n cguRo uNg baKLaNg gLeN n kKiLALa q tLga,,, hwaHeHe,,,

    ReplyDelete
  2. haha.. tulalers!!! ang gwapo nman ng first kiss mo!!

    that carol gurl, she's so plastic.. bangasan ko mukha nya eh.. hahah..

    ok lang yun kay gio!! matutuwa pa yun.. hahah

    ReplyDelete
  3. ████████████████████████
    █▄─▄███─▄▄─█▄─█─▄█▄─▄▄─█
    ██─██▀█─██─██─█─███─▄█▀█
    ▀▄▄▄▄▄▀▄▄▄▄▀▀▄▄▄▀▀▄▄▄▄▄▀

    ReplyDelete
  4. ((Kelan kaya tuluyang magiging lalaki si Glen))

    ((Si Regina, grabe na pagnanasa sa kanya))

    ((haha, update pa po))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^