Saturday, February 16, 2013

Second Chance: Chapter 2

Spaghetti (part 2)

Andrew's P.O.V



"pre, balita ko, may chix na namang, patay na patay sayo a, pinamalita pa na girlfriend mo daw," 




"ou, kaya nga badtrip na badtrip ako, grabe ang mga babae talaga.. kainis e ." papunta kami ngayon ni Justin sa canteen. pupuntahan yung bago nyang girlfriend. grabe talaga tong kaibigan kong to, napakaraming babae.. 





"pare gusto mo, para mawala yang badtrip mo,  pakilala ko sayo yung bago kong chix ? si Shirley, ang ganda nun pre !" 



"no thanks, wag na lang, baka lalong masira araw ko.. ayoko ng babae.. napakahirap intindihin at unawain." talaga naman e. 

mga babae di mo maintindihan kung anung gusto .. 
ou daw mamaya hindi na . 
gusto nila, mamaya hindi na . 
saka maga ugali ng babae nakakainis madalas. 



" kaya hindi ka nagkakagirlfriend ulit e .. napakapihikan mo . hahah .. balang araw makakakita ka din ng katapat mo hahah " 



"katapat ? sus .. wish mo lang pare .. " 


"haha.. tara wag na nga nating puntahan si shi --" 


"aish !! anu ba naman yan !!" pag minamalas ka nga naman. 

natapunan ka pa ng spaghetti. 
takte naman oh, sira na araw ko, sisirain pa ba ng babaeng to !!
mga babae talaga kainis !



tapos binaba nya yung plato na hawak nya at pinunasan ang damit ko .. 

aish naman ! di pa siya marunong lalo nya lang kinakalat yung dumi sa damit ko.. 
hinawakan ko yung kamay nya at nilayo sa damit ko .. 
asar talaga .. 



"hala, sorry po, di ko sinasadya .. sorry talaga sorry !" maganda sana siya, mukhang bata  at medyo maliit nga lang.. 




di ko na lang siya pinansin. 

badtrip ako, baka masigawan ko pa sya o anu.. 
kaso may narinig ako na lalong nagpainit ng ulo ko .. 



"ang sungit nagsorry na nga e" bumubulong ba siya o nagpaparinig ?? 




" di lahat ng bagay nadadaan sa sorry next time matuto kang tumabi hindi yung haharang harang ka sa daan, saka sinu ba nagpapasok ng grade school dito ??!" 




"grade school ?! maliit ako ou, pero di ako gradeschool nu !" 




"fine, pero pwede next time wag ka haharang harang sa dindaanan ko ?? nakakasagabal ka lang e " 




tiningnan ko siya ng masama.. 

akala ko matatakot at titigil na siya, pero hindi 
nagkamali ako .. 



<tsuk>




hinagis nya sa mukha ko yung panyong pinampunas nya sa damit ko 

asar talaga !! punong puno pa naman yun ng sauce ng spaghetti .. 
at ginawa nya pa yun sa harap ng maraming tao .. 
tapos bigla silang tumakbo papalayo sa amin ng kasama nyang babae.. 



"hahaha, pre, first time to !! whoa.. may katapat ka na .. hahah ..  panu ba yan pre eto na agad yung hinihiling ko .. "  sige mang asar ka pa ha .. 

siniko ko nga .. 



"aray, haha ang Mr. sungit ng Campus may katapat na .. hahaha" at para siyang timang na nang-aasar habang naglalakad palayo .. 




sabagay, sa dami dami ng babae dito, 

karamihan dun may gusto sa akin o kay Justin.. 
pero kahit isa sa kanila walang nangahas pagsalitaan ako ng ganun 
o kahit hagisan ako ng panyo.. 
siya lang talaga, 
magkikita rin tayo .. kala mo .. 
patay ka sakin pag nagkita tayo .. 





2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^