CHAPTER SEVENTEEN
BIGLANG nanahimik lahat dahil sa sinabi ni BAP. Kahit ako natahimik sa narinig ko. Parang ayaw ko maniwala. Kasi parang napaka-imposible naman yata nun. Pakiramdam ko nang-hina ako at napaupo na lang sa mahabang kate.
"Binibini, ayos ka lang ba?"alalang tanong sakin ni Uisias. Pero di agad ako nakasagot.
Sino bang magiging okay pag nalaman mong anak ka pala ng iba? At ang nakakagulat eh hindi tao ang pinangalingan mo. Kundi nilalang na nang-galing sa ibang dimension.
"Why so serious? Get your crayon, crayon, crayon, crayon."nakuha pang kumanta ng Crayon ni BAP habang bumababa sya sa cabin.
"Lagot ka kay Zico pag-balik nya!"banta naman ni Ren nang sumunod sila kay BAP pababa. Napabuntong hininga na lang sa inis si Jerim. Halata sa mukha nya na nag-aalala sya kung paano nya maso-solve yung problemang ginawa ni BAP.
"Pwede iwan nyo muna kami ni Jay? Ipapaliwanag ko lang sa kaniya lahat."sabay pakiusap nya sa dalawang druids. Nag-aalala akong tiningnan ni Morfesa at Uisias bago sila sumunod sa baba.
Hindi parin ako nag-sasalita, dahil wala naman akong masabi sa sitwasyon ko ngayon. "Yung narinig mo kay Zunji. Totoo lahat yun."
Natawa ako ng sarcastic. "Gusto mo paniwalaan ko yan? Pano naman ako mag-kakaron ng tatay na halos kasing edad ko lang? Sabihin mo nga!"naiiyak na ko pero pinipigilan ko lang.
"Fourty five na si Zico. Kasing edad ng papa mo. Hindi lang halata dahil nasa dugo ng pamilya nila ang habang buhay na bata."
"Kung ganun ---"pinutol nya agad yung dapat sana sasabihin ko ng mahulaan nya.
"Hindi mo namana yun dahil nahaluan ka ng dugo ng Magus. Pero hahaba lang ang buhay mo."
Hindi na lang ako nag-comment sa sinabi nya. "Pano si papa? Ibig sabihin ba pinag-taksilan sya ni mama? Di ko maintindihan."
"Buntis na mama mo ng makilala nya papa mo. Yun yung mga panahon na akala ng mama mo iniwan sya ni Zico nung malaman ni Zico na buntis sya. Pero ang totoo nun may dahilan talaga kung bakit sya iniwan ni Zico."explain nya.
"Ibig sabihin si papa nanagot sa nabuo ni Zico at ng mama ko?"tumango si Jerim. Dun na ko naiyak. Kasi ni minsan hindi ko naramdaman na ibang tao ako sa papa ko. Totoong pag-mamahal yung naramdaman ko sa kaniya. Minahal nya talaga ako bilang isang anak kahit na hindi naman dugo nya yung nananalantay sakin. At talagang minahal nya si mama.
Di katulad ni Zico. "Iniwan ni Zico si mama para ano? Para ipag-palit dito sa dagat? Mahal ba talaga nya si mama o tinikman nya lang yung lasa ng Magus?"pangit man pakinggan pero yan unang lumabas sa bibig ko dahil sa galit at inis ko kay Zico.
"Sa tingin ko si Zico na lang ang dapat mag-explain nyan sayo. Paki-usap ko lang pakinggan mo sya. Kilala ko si Zico, hindi sya yung tipo ng tao na mang-iiwan ng isang mabigat na responsibilidad kapag walang malalim na dahilan."yun lang tapos tumayo na sya para bumaba.
Ilang saglit pa umakyat naman si Morfesa. Halata yung pag-aalala sa mukha nya. Pinunasan ko naman yung luha ko. Umupo sya sa tabi ko bago sya nag-salita. "Ayos ka lang ba binibini?"
"Sabihin mo sakin. Alam nyo din ba yung tungkol dito?"tanong ko kay Morfesa. Naalala ko kasi noon na kinausap sila ni Zico bago kami mag-hiwalay. Hindi nakasagot si Morfesa sa tanong ko. Sign lang yun na may alam din sila sa bagay na 'to. "So, may alam nga kayo?"
"Pasensya na binibini. Ibinilin kasi ni Prinsepe Zico na itago sa inyo ang lahat."
"Prinsepe? Anong ibig sabihin mong Prinsepe? At bakit kailangan nyang itago sakin lahat?"anong klaseng pag-katao meron ba 'tong si Zico?
"Naisip nya kasing hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang lahat. At isa po sya sa Prinsepe ng apat na kaharian noong mga panahon na si Uisias at Semias pa lang ang druids at hindi pa namin napapalitan ang dalawa pang druids. Kaya hindi ko sya nakilala noong una ko syang makita. Ang ibig sabihin nun binibini ay ikaw ang isa sa apat na kayamanang matagal na itinago."
Hindi ako naka-pag-salita, parang gusto kong magising kung panaginip lang 'tong mga 'to. Pakiramdam ko parang hindi na totoo ng mga nang-yayari! Bigla akong nang-hina.
"At ang mga kaibigan mong si Laurence at Jin ay isa din sa apat na kayamanan gaya mo binibini. Sinadya talagang mag-kakila-kilala kayo upang hindi kayo malayo sa isa't isa."
Halos hindi ako makapaniwala ng lingunin ko si Morfesa. "A---ano?"
"Apat kayong mga kayamanang itinigo. Ang isa ay kababata ni Laurence. Ang dahilan ng pag-alis nila Semias at Esras kasama si Zico ay para kuhain ang tatlo pang kayamanan. Kaya hindi ka nila isinama dahil hindi na ligtas pang bumalik ka sa mundo ng mga Magus dahil nalaman na rin ni Lycus ang lahat tungkol sa apat na kayamanan."tumayo si Morfesa at lumapit sya sa terrace ng barko.
"Sa mga oras na ito ay nakikipag-laban sila sa mga alagad ni Lycus para lang mailigtas ang tatlo pang kayamanan. Hindi ko alam kung nasa mabuti pa ba silang kalagayan. Pero ang hiling ko lang ay sana ay sana mailayo nila kay Lycus ang tatlo pang kayamanan. Dahil sa oras namakuha sila ni Lycus katapusan na ng apat na dimensyon."tapos humarap sya sakin. "Higit pa sa inaakala mo ang nakatagong kapangyarihan
sa inyong apat. Kaya ganoon na lamang ang pag-hangad ni Lycus na makuha kayo. Lalo ka na Jay. Dahil anak ka ni Prinsepe Zico. Anak ka ng dating naitakdang hari ng Tir Na Nog."
Hindi ko kinakaya bawat rebelasyon na naririnig ko. Napatayo ako at lumakad ng pabalik balik na para bang wala sa sarili. Hindi ko alam kung bakit may namumuong luha sa gilid ng mga mata ko. Paulit ulit na sumisigaw sa isip ko yung mga sinabi ni Morfesa.
"Si Jeremy? Si Kei? Katulad din ba namin sila?"tanong ko sa kaniya nung humarap ako.
"Si Jeremy at Kei. Naiiba sila sa inyo. At binibini ang totoo si Jeremy at Kei ay buhay pa."
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Talagang hindi na ko naka-pag-salita. Parang bigla akong nang-lambot at napaupo ulit sa katre. Tuloy tuloy lang sa pag-tulo yung luha ko.
"Binibini, ayos ka lang ba?"alalang tanong ni Morfesa pero di na ko naka-pag-salita pa.
"Zunji! Nawala na yung sumpa sayo!"napalingon kami nang marinig naming sumigaw si Kris. Napatakbo kaming pareho ni Morfesa pababa at bumulaga sa amin ang BAP na hindi na isang taong Octopus kundi BAP na kagaya na namin. May mga mata, ilong, bibig. tenga na kagaya sa amin.
"Nawala na yung talab ng sumpa sayo!"masayang sabi ni Ren.
"Kung ganun---ang ibig sabihin bumalik na ang kapangyarihan ng Tir Na Nog?"hula ni Gabe.
"Pwede na nating gamitin ang mga wand natin?"unti unti namang lumabas yung excitement sa mukha ni Kris.
Lahat kami napayuko at napalingon sa likuran ng may biglang kumislap na kulay blue na ilaw. Si Jerim ang may gawa nun, habang may hawak syang isang wand. Lalong na-excite ang mga Magus Pirates. Tumakbo si Ren papasok ng cabin at sa pag-labas nya dala na nya ang mga wand nila.
Isa isa nilang sinubukan ang mga wand nila at pare-pareho namang gumana ang mga iyon. Kulay puti nga lang hindi gata ng kay Jerim na kulay blue.
"Ayos ah! Masubukan nga rin yung akin."singit naman ni BAP. Inilabas nya yung wand nya at tinutok nya dun sa dagat. May kumislap na kulay pink at dumiretso nga yun sa dagat.
Sinilip ko kung ano nang-yari. Nakita ko parang biglang naging kulay pink yung kulay ng dagat dahil sa ginawa ni Zunji. Alam mo yung parang may kulay pink na ilaw na ilalim ng dagat. Unti unting nawawala yung ilaw hanggang sa parang naging maliit na tuldok na lang sya at tuluyan na nga syang nawala. Lahat kami natahimik dahil na-elib kami sa ginawa ni Zunji. Maliban kay Jerim na busy sa pag-punas ng wand nya.
Ilang saglit pa lahat kami nagulat at napakapit sa kung saan man kami pwede kumapit dahil parang biglang yumanig yung kabuuhan ng dagat pati yung barko namin. Nakita ko yung alon kala mo nag-wawala sya dahil sa lakas ng pag-yanig. May lindol yata. Lumapit si Jerim kay Zunji tapos pinalo nya ng wand sa ulo.
Galit na napalingon sa kaniya si Zunji. "Aray! Masakit yun hu!"
"Sira ulo ka ba? Kung ano ano pinag-gagagawa mo! Mamaya may nabulabog ka nang kung ano dyan! Tapos nanaman tayo nito!"galit ding sita sa kaniya ni Jerim. Si Zunji pala ang may kagagawan ng pag-yanig. Dahil siguro dun sa ginawa nya kanina.
"Eh di mabulabog sila! Kayang kaya ko sila kahit na wala akong wand!"pag-yayabang ni BAP sa sarili nya. "Kaya nga Best Absolute Perfect nickname ko eh! BAP 'to!"pahabol pa nya. Tiningnan na lang sya ng masama ni Jerim saka sinilip nya yung kondisyon ng dagat. Medyo kumalma na naman hindi katulad kanina na para nag-wawala.
MAYA-MAYA pa lahat ay naka-get-over na sa pag-babalik ng magic sa Tir Na Nog. Sina Kelly at Ren ay masayang nag-lalaro ng chess at ginagamit nilang pang-galaw yung mga wand nila. Si Kris naman ay nakikipag-usap kay Morfesa at Uisias habang si Gabe naman busy sa pag-babasa ng libro. Si Jerim ay tahimik na naka-upo sa isang tabi habang nakikinig ng music sa iPod nya at si BAP na nakahiga sa ibabaw ng kanyon habang natutulog.
Ako naman ito busy kakaisip ng mga sinabi ni Morfesa. Gusto ko muna mapag-isa kaya pumasok ako sa loob ng cabin. Gusto ko na lang muna matulog. Pakiramdam ko kasi parang pagod na pagod ako both physical and mental. Napa-buntong hininga na lang ako nung makita ko ulit yung picture ko sa lamesa ni Zico. Kaya pala may picture nya ko dun.
Pahiga na sana ako sa kama ng bigla nanamang yumanig at this time mas malakas. Napatakbo ako palabas para alamin yung nang-yari baka si BAP nanaman may kasalanan. Naabutan kong sinisigawan ni Jerim si BAP.
"Ano ka ba? Tigilan mo na nga yan! Baka mamaya may mabulabog ka!"
"Tumigil ka nga! Hindi ako yun! Nananahimik akong natutulog dito eh!"reklamo naman ni BAP. Hindi na lang sumagot si Jerim. Sinilip nya ulit yung dagat ilang saglit lang lahat kami nagulat ng may bigla na lang lumitaw na napakalaki at higanteng dragon sa harapan namin at bigla nya kaming binugahan ng apoy.
Kamuntikan na kong matamaan buti na lang mabilis na nakatakbo sakin si Uisias. Hinatak nya ko para makailag sa apoy. Na-out of balance nya kaya natumba kaming dalawa. Pero mabilis din syang tumayo at inalalayan nya ko.
"Ayos ka lang ba binibini?"alalang tanong ni Uisias. Halos hindi ako makapaniwalang tumango sa kaniya. Lalo na nang makita kong nasusunog nya yung barko namin. "Huwag kayong aalis dyan." hindi na ko sumgot. Umalis si Uisias para tulungang makipag-laban ang iba dun sa higanteng dragon na mukhang galit na galit.
Mukhang hindi natalab yung mga magic at mukhang lalo lang nagagalit yung dragon. Natamaan si Morfesa ng buntot kaya tumalsik sya palayo. Tinamaan din si Kris pati si Kelly. Nakita ko si BAP na umakyat sa mga lubid na nakatali sa malaking flag tapos kumapit sya sa isa pang lubid na nakalaylay. Ginamit nya yung wand nya para gumalaw papunta sa dragon. Pag lapit dun saka bumitaw si BAP at bumagsak sya dun sa uluhan ng dragon. Hinawakan nya ng dalawang kamay nya yung wand nya tapos may umilaw ulit na kulay pink dun sa dulo ng wand nya sabay isinak-sak nya dun mismo sa uluhan ng dragon.
Nag-pagewang gewang yung ulo ng dragon ng hugutin ni BAP yung wand nya. Tapos tumalon sya pababa, nag-pagulong sya at naupo ng bumagsak. Dinig na dinig ko yung alulong ng ng dragon na mukhang sakit na sakit sya sa ginawa ni BAP. Hanggang sa bumalik sya pailalim sa dagat.
Pero wala pang isang minuto may isa uling dragon na lumitaw at mas malaki sya sa kanina. Doon mismo sya sa likuran ko lumitaw. Napalingon na lang ako at hindi na nakagalaw dahil sa gulat at takot. Para na lang akong nanigas sa kinatatayuan ko.
"Binibini!"
"Jay!"
Tawag nila sakin. Napa-pikit na lang ako nung umangat yung buntot ng dragon para hampasin ako. Pero naramdaman ko na lang na may biglang humatak sakin tapos sabay kaming bumagsak sa sahig, ramdam ko na nakayakap sya sakin ng mahigpit, nakaalalay yung mga kamay at braso nya sa ulo at katawan ko para hindi gaanong masaktan sa pag-bagsak namin. Dahan dahan kong dinilat yung mga mata ko.
Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Nakatitig lang ako sa mga mata nya halatang nag-aalala habang ina-analized ko sa sarili ko kung totoo nga ba yung nasa harapan ko ngayon.
"Kei?"
End ---
A/N: Last chapter na po 'to ng part one .. kelangan ko talaga syang hatiin kasi .. basta malalaman nyo din .. hehe .. THANKS po sa mga nag-basa at sa mga patuloy na mag-babasa nito .. LOVE YOU ALL ..
wiieh!
ReplyDeletenatapos na!!!
sNa mCmuLan po aGad aNg boOk 2,,, aLam mUn nmAn atEy,,, iSa tO s mgA faVe q n fAntAsy tLga dtO s bLog niO,,,
ReplyDelete