Tuesday, February 5, 2013

Friends Zone : Chapter 30

[Boys talk]


[Marky’s POV]


“Whatttttt???? Nagtapat ka kay Richelle?” lahat kami nagulat ng sabihin ni Laxus na nagtapat pala siya kay Richelle nung nasa Baguio kami....pero mukhang si Jeirick may alam na kaya hindi siya nagulat.


“hay naku paulit-ulit??? Unli???” nakasimangot na sabi ni Laxus at pasalampak na naupo sa kama.


Kasalukuyan kaming nasa condo ni Earl. Sosyal ang lolo mo may sariling condo. Ito ang tambayan namin kapag all boys lang. Bawal ang girls dito. Forbidden rule yun. Ito kasi ang sanctuary naming mga boys kapag gusto naming mapag-isa. Actually lahat kami may susi ng condo. Hindi naman kasi masyadong ginagamit ni Earl itong condo niya kasi madalas dun pa din siya umuuwi sa ancestral house nila. Pero lagi naman itong malinis kasi nagpupunta yung maid nila dito para linisin ang condo. Sa pagkakaalam ko regalo ito nung parents ni Earl sa kanya nung last birthday niya.


“Oo nga... nagtapat nga ako.” sabi pa nito at dumampot ng alak sa mesa. Gamit ang isa pang bote ng alak ay binuksan nito iyon. Kaso hindi niya mabuksan..hehe. inabutan ito ng pambukas ni Earl. “salamat”


“Eh kasi naman tol..ang tagal na nating magkakaibigan pero ni minsan wala kang nabanggit samin na may kapatid ka pala...at kakambal mo pa... tapos ngayon sasabihin mo samin na nagtapat ka kay Richelle...on the first place tol hindi nga namin alam na may gusto ka kay Richelle eh.” naiiling na sabi ni Paul habang pumapapak ng pulutan. Sa kamay nito eh may bote rin ng alak.


Ang sarap ng buhay namin noh? Painom-inom nalang..hehe...dito lang namin sa condo ni Earl nagagawa iyan..kasi hindi namin pinapakita sa mga girls na nainom kami. Ayaw kasi nila... Lalo na si Jhonah... hayy!! Namiss ko tuloy si Jhonah.


“Alam niyo namang hiwalay ang parents ko di ba? Bata palang kami nung naghiwalay na sila”


“Oo nga...never ko pang nakita yung mommy mo” sang-ayon ko. Mula kasi ng makilala at maging kaibigan namin si Laxus eh hindi pa namin nakita ang mommy niya kahit minsan.


“Yeah..kasi galit si mommy kay daddy...umalis siya nung bata pa kami ni Quincy...dinala niya si Quincy..dapat dalawa kaming kukunin ni mommy pero hindi pumayag si daddy...kaya dahil sa ako ang lalaki ako ang naiwan sa poder ng daddy ko...i guess 8 years old or 9 years old palang kami nun...magmula noon hindi na bumalik si Mommy sa bahay...pero pumupunta parin naman ako sa bahay nila noon kasi pinayagan naman ako ni daddy...pero si Quincy hindi pinayagan ni mommy na makita ni daddy..kaya hindi close si Quincy sa daddy ko.” Kwento ni Laxus habang pinaglalaruan lang ang bote ng alak na hawak. Hindi naman niya iniinom.


“Hindi ba parang ang unfair naman ng mommy mo?” maingat na tanong ni Jeirick.


“Yun nga din ang naisip ko nun..pero wala naman akong magagawa..kasalanan naman ni daddy eh..nambabae kasi siya”


“So sa daddy mo pala ikaw nagmana” tumatango-tangong sabi ni Paul.


“Oy!!! Hindi naman” sagot nitong tumungga na sa alak na hawak. “sa totoo lang mahirap malayo sa kapatid mo...kasi lumaki kaming hindi close ni Quincy sa isat isa eh...nakakapanghinayang..kaya nga naiinggit ako kina Jeirick at Jhonah eh..kasi super close sila....bakit nga ba hinayaan mong isama ng mommy mo si Jhonah? Pwede naman siyang maiwan dito ah?” nagtatakang tanog ni Laxus. Kunsabagay naisip ko din yun. Nandito naman ang grandparents nila Jhonah at hindi na naman bata si Jhonah para hindi maiwan.


“Oo nga tol? Bakit nga ba?” tanong ko.


Kumuha muna ng pulutan si Jeirick bago sumagot.


“ kasi gusto niya”


“ha??? Ano daw?”  nagtatakang tanong ni Gray


“Gusto niyang sumama kay mommy.”


“pero bakit? Ayaw na ba niya dito?”

“Hindi naman sa ayaw...sabi niya may dahilan daw siya kung bakit siya sumama kay mommy sa Japan.”

Pansin kong wala ng pulutan dahil ginawa ng kanin nina Paul at Gray na kanina pa panay ang papak kaya pumunta ako sa kusina upang kumuha ng panibagong ipupulutan. Ang hirap talagang may kasamang ginagawang kanin ang pulutan.

“Kung anuman ang desisyon na iyon ni Jhonah..igalang nalang natin” narinig ko pang sabi ni Jeirick.

Tama...I’m sure may mabigat na reason kung bakit mas pinili niyang umalis....sana nga.


***

Habang nasa kusina at kumukuha ng pulutan ay naisip ko ang nangyare after naming manggaling sa Baguio.

All of a sudden pagbalik namin dito.. mga after two weeks lang yata biglang inannounce ni Jeirick na umalis daw yung kapatid niya.. akala nga namin kung saan lang pupunta iyo pala sumama na sa mommy niya sa Japan... nagmigrate na kasi ang parents nila pero si Jeirick nagpaiwan na dito since graduate na naman siya...at siya na ang mamamahala ng business nila dito.


Lahat kami nagulat.. as in shock in a real sense of the word...sino naman kasing mag-aakala na biglang aalis si Jhonah diba? Hindi ko alam kung anong nangyare nung nasa Baguio kami...at hindi man lang nagpaalam samin si Jhonah.. sabi nila Regine at Richelle nagtext lang daw sa kanila. Nagulat nalang din daw sila.

After a week si Trace naman ang bigalng nagdissapearing in action.. hindi ko alam kung sinundan ba niya si Jhonah...pero bakit naman niya susundan si Jhonah eh si Richelle ang ex-girlfriend niya? So malamang hindi niya sinundan iyon... ang sabi ni Gray..  nagpunta daw ng America si Trace at dun na tatapusin ang pag-aaral niya... hindi rin nagpaalam sa amin.. ano bang nangyayare sa mga taong ito?


“Tol, nakita mo ba?” tanong ni Earl.

Mukhang napatagal yata ako sa kusina kaya sinundan na ako ni Earl.. kung ano-ano kasi ang pumasok sa isipan ko eh.


Npatingin ako kay Earl.. hindi ko alam kung may kinalaman ba siya sa pag-alis ni Jhonah.

“bakit?” tanong nito.

“Alam mo ba kung bakit umalis si Jhonah?” biglang tanong ko.

Hindi agad nakapagsalita si Earl... mukhang tama ang hinala ko.

“Hindi” sabay alis.


Pero di ako naniniwala. May something na nangyare.


***

Pagbalik ko ay mukhang seryoso na ang pinag-uusapan nung mga barkada ko. Si laxus mukhang may tama na.

“Alam niyo ba Pare kung gaano kasakit??? Ang sakit sakit!!! Hindi lang ako na FRIEND ZONE... na FAMILY ZONE pa!!”

“tol lasing ka na” awat ni Jeirick dito.

“Hindi pa ako lasing.. alam ko pa ang ginagawa ko... nakakainis lang alam niyo ba yun? Ano bang meron si Trace na wala ako?” himutok ni Laxus

“gandang lalaki tol” biro ni Paul.

“oh shatap!!!! Mas gwapo ako dun ng sampung paligo!”

“Tol ang bitter mo.. para kang babae.. para nabasted ka lang eh...” naiiling na sabi ko at inilagay sa mesa ang pulutan.

“eh kung ikaw kaya ang mabasted!”

“Hindi naman ako nanliligaw kaya hindi ako mababasted” sagot ko at dumampot na din ng alak.

“ang tagal tagal kong minahal si Richelle mga Pare ko...tapos hindi pa man ako nanliligaw basted na agad ako”

“porket ba nabasted ka titigil ka na? Ikaw na din ang nagsabi na matagal mo na siyang mahal... nakapagtapat ka na... ibig sabihin nakapagsimula ka na.... bakit ka titigil? Eh kung talagang mahal mo si Richelle patunayan mo.. hindi yung ganyan ka.” Payo ni Earl.

Lahat kami napatingin sa kanya. Maging si Laxus ay napatigil. Ang lalaking tipid at bihirang magsalita nagbibigay ng payo??? Unbelievable!!!

“May point si Earl” sang-ayon ni Jeirick. “You already have the courage to tell her that you love her..hindi naman ibig sabihin na binasted ka eh katapusan na ng mundo.. bumangon ka ulit... kausapin mo.. suyuin mo.. babae yun tol...dont expect na sa isang sabi mo lang eh okay na ang lahat.. kailangan mo ding magtyaga”

“Eh bakit kay Demi hindi ka naman nahirapan?” nang-aasar na sabi ni Paul. “ Ako nahirapan ako kay Regine”

“Ibang kaso naman yung samin ni Demi... kahit na hindi ako nahirapang ligawan siya... everyday in our relationship pinapatunayan ko naman kung gaano ko siya kamahal”

“Naks ang cheezy mo tol!!!!” pang-aasar ni Gray dito. Binato pa nito iyon ng chips.

“Mabuti ka nga nandito lang yung babaeng gusto mo eh... samantalang ako... hindi pa man nakakapagsimula nilayasan na ako” naiiling pang sabi ni Earl.

Kapansin-pansin talaga na nagiging madaldal si Earl ngayon... epekto ba ito ng alak? Mukhang may tama na din itong isang ito ah...hehe... mapaamin nga.

“Bakit tol? Sino bang gusto mo?” panghuhuli ko.

“Sino pa ba? Eh di yung nakakainis na babaeng iyon.” Asar na sabi ni Earl at muling nagbukas ng alak. “Nakakaasar yang kapatid mo Jeirick ha! Nung sinabi kong liligawan ko siya aba?!!! Kinabukasan nilayasan na ako!”


“Aha!!! So ikaw pala ang salarin kaya umalis si Jhonah” pang-aasar ni Paul dito.

Sabi ko na eh.. may kinalaman si Earl eh... salamat kay Pareng Alak.

“Ano bang nangyare tol?” tanong ni Jeirick.

“hay naku! Ganito kasi yun”

*** 
[Earl’s POV]
Flashback...

“bakit nandito ka? Wala dito si Kuya” tanong ni Jhonah ng maabutan ako sa sala.

“Alam ko naman talagang wala si Jeirick dito... hindi naman siya ang sadya ko.”

“eh sino?”


“Ikaw”


“Ako? Bakit ako? Wala naman akong utang sayo ah”


“Mag-usap nga tayo” sabi ko at hinila siya palabas ng bahay.


“Teka na.. saan mo ako dadalhin ha?”


Sa may pool area kami nakarating.


“Ano bang problema mo?”


Pagharap niya ay walang sabi-sabing hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan ko siya sa mga labi. Halatang nagulat din si Jhonah sa ginawa ko kaya hindi siya agad nakapalag. Matapos ang ilang segundo ay binitiwan ko din ang mga labi niya.

“Well...you’re not bad for a first timer...although hindi ka marunong humalik... magagawan naman ng paraan iyan” sabi ko matapos siyang halikan.


Mukhang shock pa yata si Jhonah dahil nakatunganga lang siya sa harapan ko.

“ I love You.... at liligawan kita sa ayaw o sa gusto mo” pagkasabi nun ay muli ko siyang hinalikan bago tuluyang umalis.

End of flashback...


***


“Eh walanjo ka naman pala tol eh!!! Hindi ka pa man nanliligaw nakahalik ka na? At hindi lang basta isa ha.. dalawang halik pa!!! Hanep ka tol!” natatawang sabi ni Paul at hinampas hampas pa ako sa balikat.

“Kaya naman pala umalis si Jhonah tinakot mo eh” natatawang sabi din ni Marky.

“Hala ka... lagot ka kay Jeirick” pananakot ni Gray dahilan para mapatingin kaming lahat dito.


Pero nakangiting mukha lang ni Jeirick ang nakita namin.

“Iniimagine ko kung anong hitsura ng kapatid ko ng mga oras na yun.. sayang sana napicturan ko... boto naman ako kay Earl eh.. alam ko namang matagal ng patay na patay iyan sa kapatid ko”

“Talaga??? Hindi ko yata alam yun?” nagtatakang tanong ni Marky.

“Eh lagi ka namang walang alam eh” pang-aasar dito ni Paul.

“So kaya pala nag fly away sa Japan si Jhonah dahil sa sinabi at ginawa mo”


“Eh kasi naman dapat dun sa babaeng iyun sinisindak.. hindi naman kasi yun basta-basatang aamin eh..  kaya iyon lang ang naisip kong paraan.. hindi ko naman akalain na lalayasan na lang ako basta eh” naiiling na sabi ko.

Nakalimutan kong may pagakaimpulsive nga pala iyon si Jhonah.. kung anong maisipang gawin gagawin.


“kaya ayun...hindi pa man ako nakakapagumpisang manligaw wala na”

“Okay lang tol.. nakahalik ka naman eh” pang-aasar ni Paul.

“Problema ba yun? Eh di sundan mo sa Japan” pagkasabing iyon ni Laxus ay bigla na lang itong tumumba sa sahig.

Bulagta! Lasing na.

“wala na... bagsak na si Laxus”

“Problema ba yun? Eh di sundan mo sa Japan”

Come to think of it... pwede rin...why not??

***

[Quincy’s POV]


Nakakainis si Mommy. Bakit ba kasi kailangan ko pang umuwi ng Pilipinas eh ang sarap sarap na ng buhay ko sa Canada. Magmula kasi ng mabalitaan ni mommy na may bagong babae si daddy ay ayun ipinatapon agad ako dito sa Pilipinas upang manmanan ang sarili kong ama. So pathetic!!! Kung kelan naman sila tumanda dun nagpakaisip bata. Nakakainis!!!


“Hello Toby? Yeah I’m already here in the Philippines. Sorry if I dont tell you about my plans of coming here” sabi ko sa telepono habang kausap si Toby. Ang Canadian boyfriend ko for 3 years.


“I already told you that I dont want you to go there. But you didnt listen to me!!!!” sigaw nito sa akin sa kabilang linya.


Nailayo ko naman ang telepono sa tenga ko. Kaya nga hindi na ako nagpaalam sa kanya dahil alam kong di rin naman siya papayag.


Sinubukan kong lambingin siya “But Babe... i have to do it. My mom ordered me to be here so that i could see my dad..you know that it’s been a long time since i last saw him” of course hindi ko sasabihin ang totoong agenda ko sa pag-uwi ng bansa. Sikreto namin ng mommy ko yun.


“You refused to listen to me. You break your word to me!!!”


“But i didnt agree with you” giit ko.


“shut up bitch!!!!”


Aba???!!! Sumusobra naitong kanong ito ah!


“No!!! You shut up bastard!!! A**hole!!!! Dont try to call me again!!! It’s over!!!” hindi ko na napigilang sigaw ko sa kanya at ibinagsak ang telepono.


Nang-gigigil na napasabunot nalang ako sa buhok ko. Nakakainis! Napilitan tuloy akong makipaghiwalay sa boyfriend ko dahil sa kalokohan nitong mga magulang ko!!!


AAAARRRRRGGGGGHHHHH I hate them all!!!!



9 comments:

  1. Walangya ka naman Earl, dahil sayo biglang lumayas si Jho.. Masasapak kita eh.. Hindi pa nga ayos ang problema ko sa lablayp ko tapos tinangay mo na si Jho na ayos kausap pag lablayp ang issue..whahahaha...

    Dear Author...

    Bago mo pa ako itext, nakita ko na ito..hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. wala ka ng matinong kausap sa lablyp Richelle.. haha.. di ko nga din alam kung bakit pinalayas ko ang bida sa istoryang ito eh.. abnormal nga talaga ako.. hahaha...

      nice naman ang bilis ah.. hehe :)

      Delete
    2. pressy, ginawaan ko pala 'to ng banner. yun yung gamit na cover photo ngayon doon sa fb page! ^_____^

      Delete
    3. nakita ko nga bratty :)
      Thank you ng madami :)
      I love it ... ang ganda :)

      Delete
  2. hALa k nmAn,,, nttWa aq s boYs tALk n nggAnaP,,,

    si eaRL, buManat agAd ng dLwaNg hALik, ndE p ngA nAnLiLigaw,,, ayAn tuLoy niLayAsaN k ni jhOnaH,,,

    tApos c LaXus ginMit na uNg titLe,,, nFrieNd zoNe,,, pRo doNt woRry, mkkhNaP k riN ng guY n bbgAy saU,,,

    at sWeet ni pAUL,,, tLgaNg pinAgmmLaKing pinAghirApaN niA c regiNe,,, daPat Lng noH,, ang bAbaE kUng tLgaNg mhAL mu, paghihirApaN mu,,,

    c jEiriCk nmAn, cheeSy muCh,,, pErO LuV niA riN tLga c deMi dHiL aNo p mAn ang ugALi ng girLfrieNd nia, mhAL niA pa riN,,,

    GumuguLoNg LnG aq kAy maRky,,, pAratiNg wLaNg aLam s nNgyyri,,, hwAhehehE,,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha.. natuwa naman ako dito..

      kung minsan talaga nakakabaliw ang mga lalaki kapag nag-usap usap eh.. haha.. mas tsismoso pa sa babae..

      Ang "marky" talaga na kilala ko laging walang alam sa nangyayare eh.. haha...

      Delete
  3. 1st POV ata to ni marky ah.. enebeyen,kinilig nman ako sa sinabi ni jerick mylabs,yun nman talaga dapat noh! haha

    at first,di ko naintindihan.. kaya nman pala.. nag fly fly away daw so ate Jho?? say WHAT???!.. shockabelles.. weeehhh!! finally,he did admit it! earl missed something to share.. nanakawan nya na kaya ng halik noon pa si ate jho!.. letsugas!! ganun pala mgtapat si earl!! halik kagad eh.. susundaw nya daw!!! my golly!! just imagining it,super kinikilig na ko!! hahaha.. kaya dapat lahat ng probs,dinadaan sa maboteng usapan..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. oo nga pala.. buti natandaan mo pa yun? nung debu yun ni Regine diba? nagnakaw ng halik si Earl.. haha nice one :)

      ako din kinikilig sa mga comments niyo eh haha...

      Delete
  4. ╭╮╱╱╱╱╱╱╱╱╱╭╮╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╭╮╭╮
    ┃┃╱╱╱╱╱╱╱╱╭╯╰╮╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱┃┃┃┃
    ┃┃╭━━┳━━┳━┻╮╭╯╭━━┳╮╭━━┳━━┳━┫┃┃┃
    ┃┃┃╭╮┃╭╮┃╭╮┃┃╱┃━━╋┫┃┃━┫╭╮┃╭┫┃╰╯
    ┃╰┫╭╮┃╰╯┃╰╯┃╰╮┣━━┃┃┃┃━┫╭╮┃┃┃╰┳╮
    ╰━┻╯╰┻━╮┣━━┻━╯╰━━┻╯╰━━┻╯╰┻╯╰━┻╯
    ╱╱╱╱╱╭━╯┃
    ╱╱╱╱╱╰━━╯

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^