Sunday, February 17, 2013

Blooming of Our Music: Chapter 12


CHAPTER TWELVE





     KANINA pa hindi mapakali si Nicole kahihintay kay Mino. Panay ang tingin nya sa relo nya pero mag-uumpisa na yung klase ay wala parin ito. Nilingon nya rin ang upuan nila SeChang at Yua, gaya ni Mino ay wala din ang mga ito sa upuan nila.




     "Hindi kaya may practice sila ngayon?"bulong nya sa sarili. Ilang saglit pa ay dumating na ang teacher nila. Hanggang matapos ang klase ay si Mino ang nasa isip ni Nicole. Panay din ang check nya sa cellphone nya kung may text ba o tawag si Mino pero ni isang message dito ay wala syang natanggap.




     Lumipas ang isang linggo, ni isang Mino ay walang nakita si Nicole. Ayaw nya namang i-text pa ito dahil baka nakaka-istorbo lang sya dahil alam nyang abala ito ngayon para sa preperasyon nila sa debut nila. Kahit nga si Yua ay hindi sya nagawang i-text. Napabuntong hininga na lang tuloy sya. Hindi nya kasi maitago sa sarili nya na nami-miss din nya si Mino lalo na ang pagiging prangka nito.



     Wala syang gana habang nag-lalakad sya pauwi. Bumuntong hininga sya ulit at tumingala sa langit. Napapikit na lang sya ng may pumatak na ambon sa mata nya. "Hay! Naku! Bakit ba biglang umambon? Wala pa naman akong payong!"bigla syang nataranta at hindi nya alam kung saan sya pupunta dahil walang pwedeng masilungan doon.



     Nagulat na lang sya ng may biglang humatak sa kanya tapos ay paakap syang inakbayan ng humatak sa kanya. Nang lingunin nya ito, si Mino ang bumulaga sa kanya. May hawak itong payong habang naka-ngiti. "Mi---Mino?"gulat na saad ni Nicole.




     "Na-miss kita."diretsong sabi nito. Natigilan naman si Nicole, napayuko sya dahil pakiramdam nya bigla syang namula sa narinig. Damang dama nya kasi ang sincerity ni Mino nang sabihin nya iyon. Narinig nyang nataa ito pero di na nya nilingon. "Tara!"yaya sa kaniya nito.




     "Sa---saan?"utal na tanong ni Nicole.



     "Date. Di natuloy yung nakaraan diba?"



     Dinala ni Mino sa Nicole sa Arcade Center dahil doon madalas pumunta si Mino. Lahat ng pwedeng laruan ay nilaruan nila. Di rin nakaligtas doon Stop toy machine. Bihasa si Mino sa ganun kaya naman nakarami sila ng mga Stop Toys. Halatang nag-enjoy talaga si Nicole dahil hindi maalis alis ang mga ngiti sa labi nito lalo na sa tuwing hahawakan ni Mino ang kamay nya.




     Matapos nila sa Arcade Center ay pumunta naman sila sa isang Ice Cream Parlor. Kumain sila ng isang malaking vowl ng Ice Cream at masaya nilang pinag-hatian yung dalawa. Meron pa na sinusubuan ni Mino si Nicole at ganun din naman si Mino sa kanya. Tapos ay biglang lumipat si Mino sa tabi ni Nicole na ikinataka nito. 




     "Bakit?"kunot nuong tanong ni Nicole. Pero hindi sumagot si Mino sa halip ay kinuha nito ang cellphone at hinatak nya palapit sa kaniya si Nicole saka sya kumuha ng picture nilang dalawa. "Para saan yun?"




     "Matatagalan nanaman kasi bago kita makita kaya kumuha na ko ng picture nating dalaa para pag-na-miss kita titingnan ko lang 'to."saad ni Mino. Hindi naman alam ni Nicole kung maiiyak ba sya dahil dun. Hindi rin nya alam kung totoo ba yung mga sinasabi ni Mino. Bigla tuloy syang napa-isip ano ba talaga sya para kay Mino? Ngumiti na lang sya ng ngitian din sya ni Mino bago sya nito muling sinubuan ng Ice Cream.











     GABI na nang ihatid ni Mino si Nicole. Mag-kahawak ang mga kamay nila habang nag-lalakad sila sa daan. Sa pag-lalakad sa yun ay nasa isip parin ni Nicole ang naitanong nya kanina sa sarili at nais nyang malaman ang sagot ngayon. 




     Napalingon sa kaniya si Mino ng huminto sya sa pag-lalakad. "May problema ba?"alalang tanong nito.




     Matagal bago nakasagot si Nicole. "Mino,"tawag nya. "Ano ba talaga tayo?"natigilan si Mino sa tanong na yun. Napalingon si Nicole nang bitawan sya ni Mino sa pag-kakahawak. Inaamin ni Nicole bahagya syang nasaktan, dahil sa pananahimik ni Mino. "Ayos lang kung hindi mo na sagutin. Pasensya ka na masyado lang siguro akong nadala sa pag-kukunwari natin. So---"hindi na nya natapos pa yung sasabihin nya dahil bigla na lang syang hinalikan ni Mino. Sa una ay nagulat sya pero nang maramdaman nyang totoo ang mga halik na yun ay pumikit na lang sya at ginantihan din ang mga halik ni Mino.




     HINDI naman napigilan ni Yua na mapasuntok sa manubela nya dahil sa nakikita nya ngayon. Parang gustong sumabog ng puso nya dahil sa galit. Unti unti nang nang-gigilid ang mga luha nya hanggang sa tuluyan na nga itong tumulo. Sobrang nasasaktan sya ngayon dahil kahalikan ng babaeng mahal nya ang lalaking kinaiinisan nya. Parang gusto nyang bumabab ng sasakyan ngayon at bugbugin si Mino.











     KINABUKASAN, maagang nagising sina Mino para umpisahan ang mga activities nila. Hindi maganda para kay Yua ang umaga na yun dahil nasa isip parin nya ang mga nakita nya kagabi at nasa dibdib parin nya ang galit na nararamdaman nya para kay Mino. Kabaliktaran naman niyon ang nararamdaman ni Mino ngayon. Nasa mood ito at inspired, bagay na napansin ni SeChang.




     "Ang ganda yata ng gising mo?"nasa canteen sila noon at kumakain ng agahan.




     "Nakita kasi kita kaya ginanahan ako."biro naman ni Mino. Napangiwi na lang ng labi si SeChang sa kanya bago ito sumubo ng cereal.




     "May sekretong relasyon ba kayong dalawa?"singit naman ni JiSu nang marinig nya ang sinabi ni Mino. Naupo sya sa tapat ng dalawa katabi si Yua na tahimik lang habang nakain.




     "Kahit maging babae ako di ako papatol sa gaya ni Mino."inis na saad ni SeChang. Natawa si Mino sa kanya sabay niyakap nya ito ng mahigpit.




     "Ano ka ba! Wag ka ngang ganyan! Sinasaktan mo damdamin ko eh."wika ni Mino habang pinipilit kumawala ni SeChang sa mga yakap nya.




     "Bitiwan mo nga ako! Kadiri ka!"nadidiri na lang na napailing sa kanila si JiSu. Sabay sabay silang napatingin nang padabog na tumayo sa kinaupuan si Yua.




     "Anong problema nun?"kunot nuong tanong ni SeChang.




     "Ewan ko dun. Lagi namang problemado yun."hindi na binigyan pa ng pansin ni JiSu ang pag-alis ni Yua at nag-concentrate na lang ito sa pag-kain. Nag-karoon naman ng pag-kakataon na makawala si SeChang sa mga yakap ni Mino dahil nasa papalayong si Yua ang atensyon nito.











     MATAPOS nilang kumain ay nag-pahinga sila saglit bago dumiretso sa practice room. Maya maya pa ay nag-simula na silang mag-memorized ng mga step. At habang ginagawa nila yun ay may kakaibang napansin si Mino maging sina SeChang at JiSu kay Yua.




     Marami kasing mali ito ngayon at madalas na matamaan nito si Mino sa tuwing mag-papalit sila ng formation. Mabuti na lang at nasa mood si Mino ngayon dahil kung hindi ay kanina pa sila nag-away ni Yua. Maraming beses silang nag-paulit ulit sa formation nila, umabot pa sa punto na sumisigaw na ang instructor nila dahil sa mali mali ni Yua. Nakakaramdam na rin ng pagod sina SeChang at JiSu. Hindi na rin natutuwa si Mino sa nang-yayari dahil kanina pa sya pisikal na nasasaktan ni Yua.




     Sa huli ay hindi na nakatiis si Mino kaya naman kinompronta na nya si Yua. Nang mag-papalit na sila ng formation ay hinawakan nya sa balikat si Yua para pahintuin ito at kausapin. Pero sa halip na makipag-usap ay tinabig ni Yua ang kamay ni Mino saka sinapak ito. Lahat ay nagulat sa ginawa ni Yua. Sa lakas ng suntok ni Yua ay natumba si Mino. 




     "Ano ba!"galit na sigaw ng instructor nila pero hindi nag-papigil si Yua. Hinatak nya sa kwelyo si Mino at muli nya itong sinapak. Napa-salampak na tuloy si Mino sa sahig. Lalapit pa sana si Yua para muli syang sapakin pero sinipa sya ni Mino kaya sya naman ang natumba ngayon. Tumayo si Mino at pinunasan nya ang dugong lumabas sa labi nya.




     "Ano ba kayong dalawa! Itigil nyo nga yan! Nasa practice tayo! Mahiya naman kayo sa instructor natin!"sita ni JiSu. Hindi na gumanti si Mino pero tumayo si Yua at sinutok ulit si Mino. Hindi na na-control pa ni Mino ang galit nya kaya gumanti na rin sya ng suntok dito. Gaganti pa sana si Yua kaso lang ay hinatak na sya ni SeChang habang si JiSu naman ang humawak kay Mino.











     HINDI na natapos ang practice nila dahil sa nang-yari nga kay Mino at Yua. Pinabalik na lang sila ng Manager nila sa dorm nila matapos silang pagalitan nito. Nakakunot naman ang nuo ni JiSu habang ginagamot nya ang mga pasa ni Mino sa gilid ng labi at sa kaliwang pisngi nito.




     "Ano ba kasing problema nyang si Yua? Bakit bigla ka nyang sinutok?"clueless na tanong ni JiSu sa pinsan. Pero pati si Mino ay hindi rin alam ang dahilan kung bakit bigla na lang nag-kaganon si Yua. Naisip nya nung nang-yari kagabi. Naisip nya na siguro ay naroon ito ng halikan nya si Nicole. "Ikaw naman pinatulan mo pa sya!"pag-papatuloy ni JiSu. "Nakatatanda ka nyang kapatid sana pinag-pasensyahan mo na lang!"bigla tuloy na inis si Mino nang sabihin iyon ni JiSu. Tinabig nya ang kamay ng pisan at tinalikuran ito.




     "Ano? Mag-kapatid si Mino at Yua?"sabay silang napalingon salikuran ni Mino nang marinig nilang nag-salita si SeChang. Mas lalong gumuhit ang inis sa mukha ni Mino ng tingnan nya si JiSu. Para hindi na madagdagan pa ang inis nya ay tumayo na lang sya at nilayasan ang dalawa.




     "Hoy! Halika ka nga dito!"tawag naman ni JiSu kay SeChang. Nang makalapit ay agad syang hinatak ni JiSu palapit sa kaniya at bumulong. "Wag mong ipag-kakalat yung narinig mo hu! Lagot ka sakin pag may ibang nakaalam!"banta nito. Tumango-tango naman si SeChang.




     "Pero totoo nga ba talagang mag-kapatid sila si Yua? Pano?"paninigurado nya.




     "Oo, mag-kapatid talaga sila! Pareho nilang ama yung sikat na singer na si LeeTeuk."



     "Talaga?!"gulat na saad ni SeChang mabilis naman syang sinenyasan ni JiSu na wag maingay. "Hindi ako maka-paniwala! May lahi pala talagang singer 'tong si Mino."


     "Wag na wag mong ipag-sasabi kahit kanino ang bagay na 'to! Maliwanag?"


     "Pero teka---alam ba ni Yua 'to lahat?"


     Umiling si JiSu bago sumagot, "Hindi, wala syang alam sa lahat kahit na si LeeTeuk walang alam na may anak sila ti tita SoRa."


     "Ganun ba? Asan na yung mama ni Mino?"


     "Namatay sya dahil sobrang depressed sya noon at may sakit din sya sa puso. Nalaman kasi ng mama nya na nag-pakasal na sa ibang babae si LeeTeuk. At yun nga ang mama ni Yua ngayon."kwento ni JiSu na ikinagulat talaga ni SeChang.



     "Hindi ba alam ni LeeTeuk na may anak sila ng mama ni Mino?"



     Nag-kibit balikat si JiSu. "Hindi yata. Hindi ko alam. Pero tingin ko hindi. Kasi hindi nya naman iiwan ng ganun ganun si tita SoRa lalo pa't may anak sila. Ang sabi kasi ng mama ko mahal na mahal daw talaga ni LeeTeuk si tita SoRa. Pero di na alam ni mamakung ano nang-yari, kung bakit sila nag-kaganun."


     Hindi makapaniwala si SeChang sa bawat kwento ni JiSu. "Alam ba ni Mino na si LeeTeuk tatay nya?"


     "Oo. Alam mo bang hinahangaan ni Mino noon ang tatay nya? Pero nang malaman nya yung buong katotohanan na inabanduna nga sila ng tatay nya dun na nag-simulang mamuo yung galit ni Mino kay LeeTeuk pati kay Yua. Hindi ko rin sya masisi kung bakit sya galit na galit sa mag-ama. Pag nakikita nya kasi yung dalawa naalala nya kung pano namatay nanay nya. Masakit talaga para sa kanya yun."


     Napabuntong hininga na lang si SeChang, "Grabe naman pala yung nakaraan ni Mino. Bigla tuloy akong naawa sa kaniya."


     Sinang-ayunan naman ni JiSu ang sinabi ni SeChang. "Kawawa talaga sya."napa-buntunghininga na rin pati si JiSu. "Teka! Wag mo sabihin na nai-kwento ko sayo ang bagay na 'to hu!"


     Tumango si SeChang, "Promise!"









     NAPALINGON si LeeTeuk ng may kumatok sa opisina nya. "Pasok."saad nya. Magalang namang pumasok ang secretary nya. May dala itong brown envelope at magalang din nyang inabot iyon kay LeeTeuk.



     "Iyan na po ang resulat ng pina-imbistiga nyo sakin."




     Dahan dahang binuksan ni LeeTeuk ang envelope. At nagulat sya nag basahin nya ang mga nakalagay doon. Bigla syang nanghina at napatukod sa lamesa. Nang-gigilid ang mga luha nya. Tumayo sya sa kinauupuan nya habang taka syang sinundan ng tingin ng secretary nya. 




     "Punta ulit tayong sementeryo."















     NAKATAYO sa ngayon sa puntod ni SoRa habang hawak nya ang brown envelope. Bakas sa mukha nya ang lungkot at guilt. Ilang saglit pa ay tumulo na ang mga nang-gigilid nyang mga luha hanggang sa mapaluhod sya sa pag-iyak.





     "Bakit?"humuhikbing tanong ni LeeTeuk sa puntod ni SoRa. "Bakit hindi mo sinabi sakin na buntis ka noon?"pero alam nyang kahit anong tanong ang gawin nya ay wala na rin syang maririnig pang sagot. Wala na rin syang magawa kundi ang umuiyak na lang para mailabas nya ang sakit na nararamdaman nya ngayon.











to be continued . . .




1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^