Wednesday, February 6, 2013

Before I Die,Cupcake: Chapter 4

Before anything else: Visit my blog for softcopies: http://fajemolin-phoebeann.blogspot.com/





Chapter 4

Allison POV

Haunted Football

Overwhelming si Allison Johenson ngayon dahil napansin na rin ako ni Zayn Malik. Sa wakas! Di na ko kaluluwang ligaw. Sana nga totoo ang sinabi niyang tutulungan ako. Humanda siya kapag niloloko niya ko. Mumultuhin ko siya araw't gabi. De joke lang. mukha naman siya serious nung sinabi iyon.

Wala na kong hawak na cupcake. Nawala iyon. Di ko alam kung saan napunta matapos ko maibalik sa kanya.

Sisigaw ako ng CUPCAKE! Iyon ang dahilan kaya nakilala ko si Zayn subalit na knock out ako ng jeep. Okay lang yan,mababalik din ako sa katawan ko.

Posible ka yang magkaroon ng love story ang multo. Hindi naman ako katulad ni Sadako,the grudge at sino pa mang multo dyan. Ako ang multo na may mala-diyosang kagandahan. Malamang may maiinlababo sa akin although im a ghost! Gusto ko si Zayn.

May ibubulong ako,wag niyong i-tsimis ha. Alam niyo crush ko siya simula kagabi. He's like an angel when he sleep but wait,di ko siya pinagnanasahan ha. I'm not prevert! Just a flirt. Don't call me bitch,I'm not a dog.

Lets fastforward,nasa school kami ngayon. Sunod ako ng sunod sa kanya na wari'y aso. Ang astig lumakad tila rumarampa lang. Nakapamulsa. Nakapatong sa balikat ang vest. Puting-puti ang polo shirt niya at matimping naplantsa ang black slacks niya. Did you know that,siya lang ang nagprepare ng damit niya. Consious siya sa cleanliness at tidy. Halos isang oras nga yan sa salamin eh. Inaassure niya na gwapo siya at presentable. Kaya pala napapa-startlestruck ang nasasalubong naming mga babae ngayon. Kulang na lang magtulo laway. Pwede na siya maging campus heartrob. Bakit di ko siya nakilala noong buhay pa ako? Kainis diba.

kinilibit ko siya kaso tumagus ang daliri ko. Tumulis ang nguso ko at kumibit balikat. Makarating sa locker room,sinipa ko ang sa tabi niya.

"Anak ng tinapa!"mistula siyang bakla kung magulat.de joke lang. Ang cute niya. "Allison?" he grit his teeth.

"Yes?"painosente kong sabat na lumitaw sa pinto ng locker niya. "Vas happenin?"

kamuntik ng dumampi ang labi ko sa kanya kaso tumagos ang mukha ko sa mukha niya.

"Pwede ba humanap ka muna ng papasyalan mo. Hindi na,palagi na lang bumubuntot sa akin."he snapped.

Umalis ako sa locker. "Ayoko. I want to be with you. Cupcake."

"Argh,di na nakakatuwa. Mamaya kapag maraming tao. Di mo ko guguluhin. Ayokong magmukhang baliw."mistulang tatay ko kung umutos.

i am mischievious. "Blee!"nagbelat ako at linayasan siya. Ah,di pala. Bumalik ako sapagkat dumating ang mga kaibigan niya.

"Pare,sino kausap mo at mukhang iritang irita ka?"nagtatakang tanong ng lalaking may red cap. Si Austin Mendel. Crush to ni Lauren.

Tinapunan ako ng masamang tingin ni Zayn. Tila binibigyan niya ako ng death treat. Tinirikan ko siya ng mata.

"Ah,wala tumatawag lang sa phone."rason niya.

Lair! Ngumisi ako. Lumapit sa tabi ni Austin. Subukan kong alisin ang red cap niya.

"Ah."pumwesto ito sa harap ng locker."May practice tayo sa football ngayon."

“Cool!”ngumisi siya peri di kay Austin kundi sa akin.

Ngumiwi ako. Yes! Nagawa akong tagalin ang kalo niya. Nalaglag ito pero nagawa niyang saluin. Hinipan ko ang leeg niya. Hinihimas niya lamang. Naalala ko ung ginagawa ko kay Zayn. Mukha akong baliw na bata.

“Tigilan mo yan.”bulong ni Zayn. Hindi ako nakinig. Sinasakal ko kunwari si Austin pero tumatagos ang kamay ko. Sa bagay lang ata ako nakakahawak nito ha. Sige kunin ko yung sapatos niya.

“May sinabi ka?”tanong ni Austin kay Zayn.

“W-wala.”bumilog ang nguso niya. Sarap paglaruan ang supladong to.

Pinatuloy ni Austin ang pagsuot ng sapatos. Kinuha ko ang isa para ihulog sa ulo niya. Di para ihulog sa ulo ni Zayn.

Nahuli ni Austin na lumulutang ang sapatos niya. Lumaki ang mga mata. Inakyatan ng takot. Naging bato lang si Zayn. Na thunderstruck eh. Di alam ang gagawin. Malamang nauubusan na ng pasensiya sa pangungulit ko.

“Ma-may multo sa locker roon pare!”inagaw niya ang sapatos sa kamay ko at humarorot sa takbo.

Tumawa ako ng tumawa. Ano ba tong crush ni Lauren,ang lampa.

“Di nakakatuwa. Sige pagpatuloy mo lang.”tinalikuran ako ni Zayn.

“Concieted.”I mumble.

Huminto siya para tutukan ako ng hintuturo niya.

“Wag ka ng sumunod pwede ba? Magbabanyo ako. Bawal ang babae roon.”

I giggled. “Di naman kita sisilipin eh.”

“Sucks! Ano ba tong buhay ko! Parang may surveillance camera palaging kasama. Kahit masisilan na ang scenario naka-on pa rin pero iba to! Isang makulit na soulmate ang kasama ko!”exclaim niya.

“Talaga soulmate?”parang unggoy akong ngumisi sa harap niya. Nakalimutan kong nakalutang ako sa ere. May dumaan na babae sa harap niya kaya inakala ng babae na ito ang kinakusap ni Zayn. Feeling lang.

“Excuse me?”sabi ng babae na nagfe-feeling charming.

Kung hilain ko kaya buhok mo!


“Pardon me.”iniwan niya ang babae.

“Feeling iyon ha.”sabi ko.

“Mas feeling ka.”kontra niya.

“Di no?”protesta ko,this time paakyat kami sa second floor. Nandoon ang banyo eh.

“ Mas preferred mo ang epal?”tinaasan niya ko ng kilay.

“Lalong di ako epal.”sabi ko na napa-shrug. Huminto siya sa harap ng men’s comfort room.

“Mabuti kaluluwa ka ngayon,di kita maliligawan kasi kung buhay ka malalamang na disappoint kaagad ako. Ang blimey ng ugali mo!”

Waah! May balak siyang ligawan ako. Pwes,wala akong balak na sagutin ka. Maangas ang ugali mo eh. Di maapog pala. Wait. “Anong blimey?”

“Ang putik ng ugali mo!”pumasok siya sa loob.

Umambon ang mukha ko. Kung tutuusin mas putik ang ugali mo! Sumandal ako sa pader at hinintay siyang lumabas doon pero after one year at siya lalabas eh.

Sa football field,natagpuan ko ang kaluluwa ko kasama ang ibang players. Ang pu-pogi ng nila. Mas pogi pa kay Zayn. Puro half- breed. Pili lang ako ditto. Ah,di pwede. Si cupcake lang gusto ko. Ang half-pakistani beauty ang pinakagusto ko. Wala ng makakapalit because of his piercing brown eyes that made me weak. Wew,may ganoon.

“Zayn!”may tumawag sa cupcake. Isang mala-manikang babae. White hair at makapal ang eyeliner. Ah,si Perrie Wenchill. Half-breed din to. Isa sa campus beauty. Magaling sa hosting at dancing. Stalker ako dat niya noong lalaki pa ko. Di joke lang. ex-bestfriend ko yan. Pumunta lang sa Europe nakalimutan niyang bestfriend niya ko. Akala kung sino ng mayaman. Mas mayaman kami no. Parehong lawyer ang parents ko. Ah,wala akong balak maging lawyer. Architect gusto ko. Dahil magpapatayo ko ang dream house ko kasama si CUPCAKE!

Vas Happenin? hahaha!

“Hmm?”lumingon si Zayn. Inlababo ata ang gago rito. Pumwesto ako sa likod ni Perrie. Ginagawan siya ng devil sign. Pinipilit lang ni Zayn na huwag akong pansinin.

“E-kasi.. ikaw yung nabunutan kong maging partner para sa project sa physics eh. Available ka ba sabado?” she crossed fingers. Lumapit ako sa leeg niya. Kakagatin kita.

“Allison.”bulong ni Zayn. Ah,na distruct ko siya. Dinilaan ko siya.

“Bakit?”malamyang tanong ni Perrie.

“Ow sure. Available ako anytime,anywhere. Saka importante yan project natin yan sa physics.”

“Punta ka sa Saturday sa bahay. Mga 2 p.m. saka bibili na ko ng material para wala ng hassle. Sige,mauna ko.”tumalikod si Perrie.

I grit my teeth na tila asong ulol. Tatahulan siya.

“Okay. Take Care.”pahabol nito. ‘and love you.”

“Hey! Narinig ko yon! Ah ah ah! Crush mo si Perrie!?”tukso ko pero may kirot sa puso ko.

“Mahal ko siya,di crush.”irap niya.

“Ouch!”I wince. “halata naman. Ba’t di mo nililigawan?”

“Basted na nga eh. Liligawan pa!”tinalikuran niya ako.

“Hahahaha! Pinatutunayan mong mas putik ang ugali mo! Tama lang iyon.” Yes,single pa si Zayn. Pwede pa siya sa akin. Ah,yung katawan ko! Gusto ko ng bumalik sa katawan ko.

Pumwesto siya sa gusto niyang pwesto sa field. Doon naman ako sa goal keeper ng kalaban. Sino kaya ang star player nila? Di ko kasi alam dahil di ako mahilig sa football lalo ng tumambay ditto sa field tuwing hapon. Nahuhumaling kasi ako sa taekwando,kaya sumali ako doon. Magaling ako magkarate.

Aha! Light bulb! Guguluhin ko si Zayn. Kung siya ang may hawak ng bola. I-di-distract ko siya. Ayan na nga nagsimula na ang laro.

Sipa ditto. Sipa roon. Hanggan makarating kay Zayn ang bola. Siya ang titira papunta sa goal ng kalaban. Hindi ako papayag na sya ang mananalo. Sisipain ko iyon pabalik. Ah,matatagos pala iyon. Lalapitan ko na lang siya at hahalikan.

“Zayn,sorry ha! Di ka pwedeng manalo ngayon.”sabi ko.

“Umalis ka dyan!”taboy niya.

“May gatepass.”sabi ko sa boses ng chipmunks.

“Alis nga. Mamaya kana mangulit.”

“Gusto ko ngayon.”

“Alis.”lumipat siya sa right side.

“Halik muna!”sigaw ko.

“For what! Bawal humalik sa soulmate!”

“Argh! Kagagatin na lang kita!”kumapit ako sa leeg niya. Nabitawan niya ang bola kasabay ng pagbunggo ng isang player sa kanya.

“Fuck! Kasalanan mo to Allison! Ang kulit mo eh!”mura niya.

“Okay ka lang Zayn?”tanong ng kasama niya na inabot ang kamay niya para patayuin siya.

“Wala to pare.”sabi niya na pinagpag ang damit. Nakafootball uniform ang pare ko ngayon.

“Cody and Zayn! Maya na ang tsimis.”saway ng kasama nila. Ang kyut kamukha niya si Josh Hutcherson ng Hunger Games.

Pinatuloy nila ang laro. Patuloy din ako sa pangungulit.Tinatawag ko na itong haunted football. Laughtrip buong hapon to.


1 comment:

  1. ___d88888888b_____d88888888b
    __d88?____d88b___d88b____`88b
    _d8?_________d888b_________`8b
    _8b_________________________d8
    _b8__________________d8888b___d8888b
    __d8________________d8?__d8b_d8b__`8b
    ___8ba_____________d8?_____d8b_____`8b
    ____`8da___________8b_______________d8
    ______`Y8b__________d8_____________8b
    ________`8b__________8ba_________ad8
    __________`88_____88__`8da_____ab8?
    ____________8b___d8_____`Y8___8Y?
    _____________`b_d?________`8_8?
    ______________`8?__________`8?
    _______________"____________"

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^