Saturday, February 2, 2013

Akira and His Temptress: Kabanata IV


Kabanata IV



~Continuation~

Akira's pov

Nandito na kami sa harap ng pintuan ng bar.


“Wala bang ibang lugar? Naku naman! Puro mga lasing naman ang makakalaban natin eh!” Angal ni Daniel.  Ang pinakabata sa aming lahat. Kasalukuyan na sa High school pa iyang bibwit.


“Bakit ba nandito tayo, Freezia? Sa lahat naman ng bar dito pa.” Sabi ko. “Hindi ka naman umiinom ng alak eh.”


“Bakit bawal ba na pumunta dito? tsaka may humahamon sa atin at nakasulat dito sa papel na magkita tayo dito.” 

Iyan ang totoong Freezia. Hindi isang nerd na parating nagsusuot ng Salamin at walang pakialam sa mundo. Nakasuot siya ng maskara pati na din kami. Dahil nga dapat sekreto lang ang aming identity. Parang pambata lang `no? parang sa anime? Pero iyan ang totoo.


“Talaga?Sino?” Wala siyang sinabi na may naghahamon ng away eh. Pumasok kami sa Loob. Nilibot ko ang tingin sa paligid.

“Ang mga kalbo.” Sagot niya. Awtz.

“Sila na naman? Yare... yare... hindi na talaga madadala ang dalawang iyon.”

Madilim sa kapaligiran pero dahil na rin sa tulong sa disco light ay kahit pano ay makikita mo pa ang daan.

“Nasan na sila? Ano ba naman iyan! Boss! Nagtatago na ata sila eh!” Yamot ni Neiji.

“Tahimik ka na nga lang diyan! Neiji! Ang ingay mo!”

“Psh... Tibo!”

Kinurot ni Joanaliza ang pisngi niya.

“Ulitin mo pa uli iyang sinabi mo sasapakan kita eh!”

Napapailing na lang ako. Looks like na tatambay na lang kami sa hide out namin.


“Pshh... Alis na nga lang tayo.” Si Freezia iyan. Naiiritang sabi niya.


“BITIWAN MO NGA AKO!”

"PAKIPOT KA LANG EH!"

Napatigil kami sa pag-alis nang marinig namin. Familiar ang boses na iyon. Ang iba sa amin ay umalis na kaya anim na lang kami ang nandito.


What the fuck is she doing here?” Mahinang sabi ni Freezia.


Nang makita ko kung saan nanggaling yung boses ay nakakunot ang noo ko. Si Presea iyon ah! Nagpumilit pa na halikan siya. What the Fuq?!


Kahit na makulit iyang babae na iyan ay hindi dapat binabastos. Tsk!


Lumapit kami. Nagsalita si boss at ako naman ay nasa likod lang niya. =_= Kanang kamay lang naman ako eh.


Nag-usap si Zia at ang lasing na lalaki at ako naman ay naka-observa lang.
Dudurugin ko na lang ang lalaking ito eh.


Presea’s POV

Niyugyog ko si Sofia. “Sofia! Gising!”


“Umalis ka na nga babae at umuwi na sa inyo. Girls, shouldn’t be here. Lalo na kayong dalawa na babae na nandito.” Isang matangkad na lalaki. Familiar din ang boses niya though hindi ko lang alam kung saan ko yon narinig.
Nakasuot kasi siya na tiger eh na kulay itim.


Akira... Iyon ang una naisip na baka siya yun dahil na rin pareho sila ng tangkad. Ngunit imposible din naman iyon `no dahil hindi deliquente si Akira `no tsaka hindi naman tanga ang kapatid ko para kaibiganin ang mga bad guys. Ah, ano ba naman ang iniisip ko kung si akira iyan ay baka mas lalo akong maiinlove sakanya kya!


“Salamat.” Iyon ang huli kong sinabi sakanya at kinurot ang pisngi ni Sofia. Sa wakas nagising naman siya.


“A-anong nangyari?”


“tumayo ka na! iuuwi na kita. Aish ikaw kasi eh! bakit nagyaya ka pa na uminom dito! kung meron kang problema ilabas mo nalang sana sa pagpanood ng anime imbes dito!”


“ha?”


“Halika na!” Hinila ko siya at umalis na doon.


Pagkatapos ko na Iuwi si Sofia sa kanyang bahay ay umuwi na din ako. Naku! Ang dami ko mae-kwento kay Freezia nito!


Isa na din yung ililibre ako ni Akira ng pananghalian bukas! Date na yun! `no!
Pero hindi parin mawaglit sa isipan ko ang nangyari kanina. Iyon kasing tangkad ko na lalaki o babae ba yun? ewan tumulong sa akin. Familiar ang boses niya at yung lalaki din na parang si Akira!

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^