Saturday, February 2, 2013

Akira and His Temptress: Kabanata III

Kabanata III

Presea's pov



“Sigh...” Bumuntong hininga ako at nangangarap na tiningnan ko si Akira. Ang gwapo niya talaga. Sana magiging boyfriend ko na siya para naman palitan ko na ang status ko sa fb. Hay, kelan kaya yun `no? hindi naman pansin ni fafa akira ang pagsinta ko sakanya. Ilang araw ko na yun pinapakita sakanya ang mga hint na may gusto ako sakanya pero wala parin siyang ginagawa.


Hmm... dense ba siya?

“Hoy! Bakla!” Tinulak ako ni Gabriella kaya naman ay muntik na akong madapa.

“Ay bakla! Anak ng tokwa ka talaga! ano ba ang problema mo? Nakita mo na na nanonood ako ng laro ni fafa Akira eh!”

Nanonood kasi ako ng laro ni Akira eh. Naglalaro siya ng basketball kasama ang mga kaibigan niya. Pampalipas oras lang ata. Vacant kasi nila eh.

“Eh imbes na manood ka diya ba’t hindi mo na lang ipagtapat iyang feelings mo sakanya? Takot ka `no na ma-reject?”

“Duh.” I roll my eye. “Hindi `no!”

“Talaga?” Hindi naniniwalang tiningnan niya ako.

“Oo sabi! Ha! kung alam mo lang ang ginawa ko sigurado akong maniniwala ka!”

“Oh sige nga sabihin mo nga sa akin kung anong ginawa mo?”

“Binigyan ko siya ng flowers.”Tinawanan lang niya ako. “Anong nakakatawa?”
“Flowers? Hahaha! Ano pa?”

“Chocolate...hmm... I asked him for a date but he refuse. Ano pa... err... ah basta madami pa! pero hindi niya pinapansin iyon pinaggawa ko sakanya! Mukha nga iniiwasan niya ako eh!”

Nanlaki ang mga mata niya. “Oh-em-gee! Girl, bakit mo naman ginawa iyon? Dae! Dapat naghintay ka na lang na ligawan ka niya!”

“Bakit naman?”

“Kasi naman, girl, ikaw ang nanliligaw eh sakanya ayan tuloy parang inaapakan mo na ang pagkakalaki niya kahit na wala siyang gusto sayo!”
“Ouch! Ang sakit ng huli mong sinabi!”

Nagsigawan kaming dalawa. Two weeks na angnakalipas nang maging kaibigan kami nitong bakla.

“Ehem!” May tatlong babae na lumapit sa amin. Nakahalukipkip iyong maikling buhok na babae at mukhang siya ata ang leader sakanilang tatlo. “Pwede ba tumahimik kayo? Dini-distract ninyo sila na maglaro eh!” kung makapag-utos siya ay parang tsimay kami eh. ah by the way, tinutukoy nilang sila ay sina Akira.

I smirk. “Sino ba kayo ha? kami? Dinidistract sila mukha nga hindi nila kami napapansin eh. Baka kayo napaka ingay ninyo kanina pa. tili ng tili na wala naman sa lugar!”

Aba, tingnan ninyo! Sabay pa silang tatlo na tinaasan ako ng kilay.

“Hindi mo ba kami kilala?”

“ako, kilala ko kayo.” Singit ni Gabriel o gabriella.

Ngumisi pa silang tatlo. “Ang tatlong bakekang!”

Sabay kami na nag-high five at tumawa.

“GODDESS GANG! You moron!”

“Whatever.” Sabay namin sabi. Wala atang magawa ang tatlong ito.

“Since, transfer student ka palang dito ay papatawarin ka namin sa ngayon pero kapag gagawa pa kayo ng eksina habang naririto kami sa paligid ay magtago na kayo sa lungga ninyo. Oh by the way, tandaan ninyo ang pangalan ko. My name’s Venus.”

“Ako naman si Lorie.”

“Casey.”

Umalis na sila habang kami naman ay pigil ang pagtawa.

Tandaan ninyo ang pangalan ko. My name’s Venus.” Panggagaya ko. I flip my hair over my shoulder. “Duh. As if naman matatakot ako sa mga bakekang na iyon `no.”

“Well, actually, dapat ka din umiwas sakanila, Presea.”

“Why?”

“Galing sila sa maimpluwensiyang pamilya.”

“So? Ako din naman ah.”

“You don’t get it. If they set their eye on you ay baka ikaw na talaga ang kanilang target na e-bully. Ma-swerte ka lang ngayon dahil may binubully sila ngayon. Transfer student din na kagaya mo.”

“Tsk.” May sasabihin pa sana ako pero hindi ko na tinuloy dahil nang mapansin ko na tapos na ang laro nila. “AKIRA!” I wave my hand in the air while calling him.

Napansin naman niya ako at nang-alinlangan na nag-wave din siya.

“Kya! Kita mo iyon?! pinansin niya ako! gosh he is so gwapo! Macho!”

“hahaha” Sarkastikong tawa niya. “parang ayaw nga niya eh pero dahil siguro ayaw ka naman niya, ehem, alam mo na kaya nag-wave iyon.”

“Alam mo, bakla, naiinis ako sayo. Kaibigan ba talaga kita?”

“Hindi.”

“Awtz. O siya, puntahan ko muna. Mag-paganda points muna me.”

Kinuha ko yung putting towel sa bag ko(Always ready eh) Tas lumapit ako sakanya. “Akira!” Nakangiting lumapit ako sakanya. At siya naman ay parang tatakbo ata palayo sa akin pero halatang sinikap niya na hindi niya magawa iyon.

“Presea.” Hay, parang anghel ang boses! Ahahah!

“Towel o. Pawis na pawis ka eh.”

“Hindi mo na sana ginawa ito. Ehem... err...”

“Hahaha! Okay lang iyon! tsaka hindi ko naman gagamitin iyang towel eh.” Kakabili ko lang iyan doon sa labas. Gusto ko iyon idagdag pero di nalang.

“Salamat.” Tinanggap niya. Hindi sinasadya na sumalat iyon kamay namin. Suddenly, my heart starting beat fast.

Kya, ganito na talaga katindi ang kagwapuhan niya! Ah! `yayain ko siya ng dinner. Siguro naman hindi niya iyon tatanggihan di ba? di ba?!

“Akira.” Ngumiti ako sakanya ng ubod ng tamis. PS lalanggamin na ako dito

Akira’s POV
“Akira.”

Mas lalo atang pinagpawisan ako sa pinaggagawa ng babaeng ito. naku naman kapatid ba talaga ito ni Freezia? Kabaliktaran talaga siya ni Freezia eh!
Ako nga pala si Akira Fujiwara. 19 years old at isa akong half-japanese at half-filipino. Hindi naman sa nagpamamayabang gusto ko lang sabihin na gwapo ako, matangkad at matalino. Habulin ng chicks ngaunit ganun paman ay wala atang epek iyon kay Freezia. Yes! Ang kapatid ng babaeng kaharap ko.

Matagal ko na gusto ang kapatid niya pero kahit anong gawin ko ay mukhang hanggang kaibigan lang ang turing sa akin. Malaki ang tuwa ko ng malaman ko na dito na siya sa royal academy na mag-aaral eh dahil marami akong pagkakataon na ligawan at ipakita sakanya na gusto ko siya. Alam ko na marami din naman ako pagkakataon kahit na hindi pa siya dito nag-aaral. Mamaya ko na e-explain iyon. malalaman niyo din naman eh.

So... iyon nga...Iyon lang ang akala ko pero hindi ata madali eh. Dahil ang kapatid niya na si Presea ay mukhang in-love sa akin. Yes, iyan ang pangalan ng babaeng iyan.

Minsan natatakot na ako sakanya. Kasi naman, nanliligaw na ata sa akin eh. Sure, Maganda siya at palangiti pero hindi mo maiisip na manliligaw iyan sa iisang lalaki na kagaya ko. LALAKI ako at ako dapat ang nanliligaw sa mga babae. Para nga naapakan na ata ang pagkalalaki ko eh.

Nani?”

Nakaintindi din naman pala ito ng japanese eh.

“Libre ka ba ngayon?”

Naku po! TT_TT kung hindi ka lang kapatid ng pinakamamahal kong babae eh! anong gagawin mo, akira? Umisip ka kung pano ka makawala sakanya.
Sakto din naman na may nag-text sa akin. Hulog ng langit talaga kung sinuman ang nag-text.

Magkita na lang tayo sa hide-out... bored na talaga ako kaya maghanap tayo ng target ngayon doon sa bar. Sabihan mo sila ha? – Freezia.

“Sorry, Presea, Hindi ako pwede eh meron pa akong lakad mamaya ng mga kaibigan ko. MAYBE, some other time na lang.”

“Pero...” Bakas sa mukha niya ang paghihinayang. >.< Ooo... `nu ba naman iyan! Napaka-gentleman ko talaga. Ayoko makakita ng mga babaeng umiiyak o malungkot ng dahil sa akin eh.

“Pasensiya na talaga. Er.... ililibre na lang kita bukas ng tanghalian. How’s that?”

Biglang napalitan yung expression niya kanina. Kumikinang na yung mga mata niya. Cute.

“Talaga?! Promise mo iyan ah! Yes!”

Hindi ko maiwasan na matawa sa reaction niya.

“Oh sige ha? alis na ako baka ma-late na ako sa klase eh basta wag mo kalimutan ang promise mo sa akin.”

Tumakbo siya paalis at nag-high five pa sa kaibigan niya na binabae.

Yare, yare...

“Hoy! Akira, kinukulit ka pa rin ng kapatid niya?” Lumapit sa akin si Clark.

Ngumisi ako. “OO.”

“Sus. Sagutin mo na kasi eh.”

“Ulol! Gusto mo bugbogin kita kagaya ng ginawa ng mga Demong Gang sayo?” Nabugbog kasi siya eh. Naospital pa nga iyan eh.

“Hahaha!” Sarkastikong tawa niya. “Subukan mo lang. Aish! Maalala ko lang iyong apat na iyon ay naku! Mamatay na sana sila! Malakas lang naman sila dahil apat sila eh!”

Kilala ang Demong Gang dito sa school. Kinakatakutan ng mga studyante hindi lang dahil likas na mambu-bully sila kundi galing din sila sa PINAKAmayamang pamilya. At ang member nila ay nag-mamay-ari ng school na ito. Pshh...

Kung hindi lang secret sa amin na deliquente kami ay baka mas lalong gumulo ang school na ito at hindi mangyari kay Clark yun. Nagalit talaga si Freezia kaya ang ginawa niya ay nagigante kami. Tama kayo ng nabasa.

Isa kaming Deliquent sampo kaming miembro. Ang isa ay hindi na active dahil nasa ibang bansa na siya at nagtatrabaho ewan kung kelan babalik. Tinatawag ang Gang namin na Blizzard Gang. Para kasing blizzard nung sumulpot kami sa mundo ng mga deliquente eh! siyempre si Freezia ang Leader namin dahil siya ang founder nitong group eh.

Kanang kamay lang niya ako. High school palang siya na magsimula kami.
Aw, Sige, titigil na ako sa pagsasalita tungkol diyan.

“By the way Freezia sent me a message that will meet up to our hide out. Bore daw eh text mo na din ang iba.”

Umangal siya. “Wala akong load.” Palusot niya.

“Sus. Sabihin mo tamad ka. Ako na nga lang baka kay Mhikaila ka lang nag-te-text eh!”

Tukoy ko sa nobya niya.

“Psh.”



1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^