Sunday, January 6, 2013

Interview With A Killer: Chapter 3




“Fetus”

Itinuloy niya muli ang hiwa sa pusod, ginupit pa niya ulit ito paitaas at muli pang gupit pahalang sa pusod. Nag-korte itong krus. Nabubura na ang guhit na krus sa pag-apaw ng dugo, hinawi nya ng kamay ito at ibinuka ang balat.
“Mga sagabal!” Ginupit na rin nya ang mga balat sa tiyan. Lumaki na ang espasyong butas ng tiyan at pinaghahagis nya sa lababo ang mga balat hanggang sa tuluyan ng bumalandra ang mga laman-loob nito.
“Ngayon, wala ka ng pagtataguan pang hayop ka!” Ipinaloob nya ang parehong kamay sa wakwak na tiyan at aakalain mong nagbubungkal lang ito ng lupa. Ang mga bituka, atay, lapay, bato at kung anu-ano pa.
“Manood kang mabuti kaibigang Vaughn, malapit ko na siyang makita. Wag kang mag-alala i-aassemble ko rin na parang lego ang mga laman ng tiyan niya.” Napahagalpak pa siya ng tawa. Tuluyan ng nangibabaw ang katauhan ni ‘Toto’ at hindi na nakontrol pa ng totoong Vaughn. Hanggang sa nakita na nya ang hinahanap nya. Pinigtas nya ang dalawang buwang fetus mula sa sinapupunan ng babae. Mala-buong dugo lamang ito na medyo nadedevelop na ang mga kamay, muka at paa. Malagkit at sobrang lambot na kasyang-kasya sa kamay nya at nagawa pa nyang laruin ito sa palad.
“Nakita na rin kita baby.” Muli ulit syang ngumisi at binuksan na naman ang mga cabinet sa kusina habang sapo-sapo ng isang kamay nya ang duguang nanlalagkit na fetus. Sobrang lagkit na ng mga kamay niya. Nakita nya ang blender at bigla siyang nagalak sa nakita. Inilagay nya ang fetus sa loob.
“Pag nabuhay ka pang hayop ka, ewan ko na lang!” Saka nya isinaksak at pinaandar. Napansin pa niya ang naiwan nyang lumamig na kape kaninang umaga lang kaya ibinuhos na rin nya ito sa loob ng blender. Titig na titig sya sa maladugong likido na umiikot sa loob ng blender.
“Ganyan nga. Ganyan nga. Kung sakali’y pasasalamatan mo rin ako at hindi ka nabuhay sa mundong makasalanan!” Inihinto nya na ang pag-ikot ng blender. Literal na itong durog na animo’y purong dugong malapot at medyo nangitim dahil sa kape. Niyakap niya ang blender at hinimas-himas.
“Hindi ka na nagsalita kaibigang Vaughn? Masaya ka na ba?  MASAYA KA NA BANG HINDI SIYA MATUTULAD SA PESTENG BUHAY NA KINALAKIHAN MO? ANO NA?! NASAN NA ANG DILA MO?!” Isang malakas na pagwang-wang ng mga pulis ang narinig nya. Ikinagulat nya ito at nabitawan ang babasaging blender sa sahig na naglalawang dugo. Nagpanic sya sa sunud-sunod na nangyare. Aksidenteng naapakan nya ang bubog at nagdulas sa sahig na puno ng dugo.
___________________________
Sa kabuuan ng salaysay niya, nanlamig ang buong katawan ko. Grabeng torture yun! Na parang eksena lang sa Saw I-VI. Kung kanina, minamata-mata ko lang ang pasyenteng si Vaughn pero nakaramdam ako ng kaba sa mga ikinikilos nya. Kaharap ko at kausap ngayon ang isang mamatay-tao! Paano kung katauhan na pala ni Toto ang nasa harap ko?! Ang walang habas kung pumatay! Kung kanina nasasabik pakong marinig ang kwento niya pero pakiramdam ko, gusto ko ng tumakas sa silid na ito at wag ng babalik pa.
“Natatakot ka rin ba sa kanya?” Nanlaki pa ang mga mata niya sa pagkakatanong nya saken. Sa gulat ko sa reaksyon ng muka nya ay napatayo pa ko sa kinauupuan ko. Bigla na lang akong pinagpawisan ng malamig. Nakakaloko lang ang pagngisi nya. Pakiramdam ko baka nasa katauhan na naman niya ang demonyong si ‘Toto’.
“Hulaan mo kung sino ako?” Hindi pa rin naalis sa muka niya ang nanakakilabot na aurang yun. Kinilabutan ako ng tumulo ang laway niya at bigla siyang tumayo!
“Ah.. S-saka na.” Sa sobrang kabang naramdaman ko bigla na lang akong nagkanda-utal-utal at napapaatras ng lakad.
“HINDI PA TAYO TAPOS MAG-USAP. AKALA KO BA KAIBIGAN KITA? KATULAD KA RIN BA NI SYDNEY NA LOLOKOHIN AKO?  HINDI MO PA NAHUHULAAAN KUNG SINO AKO.” Umikot siya sa mesa. Hinilig pa niya ang ulo niya pakanan at pinaikot ang mga namimilog niyang mga mata. Akmang susunggaban niya ko kaya kumaripas ako ng takbo palabas ng pinto at nilock yun!
“TANGINA LANG!” Sapo-sapo ko ang dibdib ko at hingal na hingal. Napasandal ako sa pader. Para akong tanga na bigla na lang nagtatakbo. Kinalampag ng kinalampag ni Vaughn ang pinto at kitang-kita sa transparent na bahagi ng pinto na parang nauulol na siya. Naitukod ko ang mga kamay ko sa tuhod ko at hanggang ngayon hinahabol pa rin ang hininga.  Ilang sandali pa ay tumigil na rin siya. Napansin kong may yabag ng mga paang papalapit sa’kin. Hanggang sa pakiramdam ko nakatayo na ito sa gilid ko.
“Zach, wag mo kong pagtripan!” Pero walang Zach na umimimik habang nakapako pa rin ang mga mata ko sa sahig at hingal na hingal. Walang ibang taong mag-iingay maliban sa yabag na yun, walang masyadong dumadaan dito sa section ng isolated rooms ng mga mental patients na harmful dahil few lang ang cases na meron nun dito.
Mas lumapit muli ang yabag, umihip pa ang malamig na hangin na ngayon ko lang nadama sa isang linggong paglalakad ko dito sa building. Kinilabutan ako, unti-unti pang lumalapit ang yabag, kung isang assistant lang din na gaya ko ito ay malamang nagsalita na siya. Hindi ko alam kung lilingunin ko ba ito o  sa isang hakbang pa nya ay tatakbo agad ako palayo! Dahan-dahan kong inilingon ang mga mata ko sa paanan nya. Bawat paghagod ng mata ko ay siyang paglakas ng kabog ng dibdib ko, paakyat ang tingin ko sa binti nya at sa MUKA NYA!!
“SHIT !!!”Napaatras ako sa nakita ko! Hindi ‘to totoo! Tangina!
BABAE!
NAKA-BESTIDANG PUTI !

MAY PILAT SA KALIWANG PISNGI!







7 comments:

  1. napa-sh*t ako dun sa ginawa niya sa fetus! Takte, sunugin na kaluluwa nian!

    ReplyDelete
    Replies
    1. SoBraNg nkkaKiLaboT,,,


      peRo naiSip q ngA LnG bigLa,,, aNo ngA kayAng maNgyyri s mgA kaLuLuwa nLa eh mEi pRobLema cLa s utAk so prAng ndE nLa msyaDong aLAm ang gnGwa nLa,,,

      hALa kuNg aNo n riN ang naiiSip q eH,,,

      Delete
  2. Mahilig pa naman ako sa Zagu. Baka maimagine ko to, leshe! Hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Zagu talaga..lols.. ako nga kumakaen ng balut habang sinusulat to... joke XD

      Delete
  3. nanindig balahibo ko habang binabasa 'to. hardcore yung ginawa niya sa fetus! shetlungs~ >__<

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^