“Maternal”
Akala ko talaga biglang nagmulto ang Sydney na asawa ng baliw na si Vaughn. Hindi. Hindi sya multo. Buhay siya. Nakakausap ko siya. Since magbe-breaktime na, sinamahan ko muna siya dun sa second floor ng mental hospital building na’to. May maliit na garden sa labas nun at wala masyadong tao.
“Pasensya na talaga kung ginawa kong makipag-usap sa boyfriend mo.” Paghingi ko ng pasensya. Ayokong mawalan ng trabaho sakaling magsumbong siya. Siya nga ang magandang babae sa picture. Halos kaidad ko lang siya. Pero naguguluhan pa rin ako sa usap-usapan ng mga staff na may dalawang buwang buntis daw talagang pinatay si Vaughn. Pero muka namang hindi dalawang buwang buntis si Sydney sa suot nyang puting bestida. Ewan ko, hindi ako marunong tumantsa ng laki ng tiyan kung buntis nga ito o sadyang slim lang talaga ang katawan nya. Hindi kaya, na-miscarriage sya? Nakakahiya lang itanong.
“Wala yun. Kanina ko pa nga kayo pinakikinggan. Alam ko ang iniisip mo—“ Pagpuputol niya.
“Ah.. Stryde. Stryde Navarro.” Sa sobrang kaba, hindi ko na nagawang makipagkilala. Nabasa niya siguro ang iniisip ko na ayon sa kwento ni Vaughn pinatay nya ang buntis na si Sydney. At ayon naman sa usap-usapan dito na may buntis nga talagang pinatay si Vaughn. Pero sino ba talaga yun?
“Iniisip mo na kung bakit buhay ako at ang ikinuwento naman ni Vaughn sayo ay pinatay nya ako.” Humarap siya sa akin. Matiim ang tingin ni Sydney sa akin. Hindi ko aakalain na pinag-uusapan lang namin kanina ni Vaughn ay ngayon kaharap ko na. Totoong mas maganda syang tingnan ng personal kesa sa larawan na yun.
“G-ganun na nga. Kung hindi mo mamasamain, okay lang bang malaman, Ms.Sydney?” Umiral na naman ang kyuryosidad ko. Naguguluhan na’ko sa mga nangyayari.
“Sydney na lang ang itawag mo sa’kin.” Tumango na lang ako biglang pagsang-ayon.
“Wala akong kaalam-alam na matagal ng may Dissociative Identity Disorder si Vaughn. Normal ang lahat ‘pag magkasama kami, ni hindi ko nakitaan na may psychological problem na pala siya. Mag-iisang taon na ang relasyon namin. Masaya naman kami pero may time lang talaga na nananakit siya ng physical.” Napahawak siya sa pilat ng kaliwang pisngi nya. Kung ganun, si Vaughn marahil ang may gawa nun.
“Inaya nya kong makipag-live in sa apartment nya kahit nasa college pa kami. Pumayag ako, halos isang buwan pa lang akong naka-stay dun. Alam kong may problema siya sa mama nya at ayaw nyang pag-usapan yun sa tuwing magtatanong ako. Minsan ko lang nakita ang mama nya since lagi itong out of the country kasama ang bagong pamilya nya. Siyam na magkakapatid sila Vaughn ng iba’t ibang ama. Prostitute ang mama nya, yun ang bumuhay sa kanilang magkakapatid at sa kabila nun ang musmos na si Vaughn ay lumaki sa lugar na puno ng emotional stress.” Napayuko si Sydney. Ito rin ang mga sinabi ni Vaughn at parehong-pareho nga.
“Nang mangyari ang krimen na yun, magkasama pa kami buong umaga dahil cine-lebrate namin ang 23rd birthday nya. Pero nung bandang hapon, nagka-emergency sa bahay namin, nagpaalam ako sa kanya at okay lang naman daw na umuwi ako. Inabot na’ko ng gabi, tinatawagan ko siya pero hindi nya sinasagot kaya sa halip nagtext ako sa kanya at sinabi kong hindi ako makakauwi sa apartment nya at doon muna ko matutulog samin. Pero ilang sandali pa ay wala akong reply na natanggap.” Pahayag ni Sydney.
“Sa pag-aakalang baka nagalit sya sa biglaang pagpapaalam ko, kahit gabing-gabi na, nag-taxi ako papuntang apartment nya. Tahimik akong pumasok ng gate pero bago ko matunton ang pinto, may nakita akong malapad na box na nakakalat ang laman sa semento. May ilaw ang poste sa tapat ng apartment kaya kita ko na nagkalat ang laman ng kahong yun. Kinabahan ako sa isa pang nakita ko, mga patak ng dugo at isang batong puno rin ng dugo. Nanlamig ang pakiramdam ko nun baka kasi napahamak na si Vaughn. Sa parte ng kusina lang ang may ilaw pero saradong-sarado ang mga bintana. May sparekey ako ng bahay nya kaya kahit kabadong-kabado ako ay tahimik kong binuksan yung main door. Inilawan ko ang cellphone ko at nakita kong may mga patak ng dugo sa sahig papuntang kusina. Nagkubli ako at takot na takot ako nang marinig ko ang boses ni Vaughn na parang kinakausap ang sarili nya. Narinig ko pang binanggit syang ‘bubutasin daw ang bunbunan, papatayin ang hindi anak, kagaya daw ng ina’, hindi ko maintindihan mga sinasabi nya. Nakakatakot! Nang napasilip ako sa kusina, may babae sa mesa puno ng dugo at may hawak si Vaughn na maso. Napatakip ako ng bibig ng makita ko yun, nasisiraan na ng bait si Vaughn! Hindi ko alam ang gagawin, nakakatakot siya! Para siyang sinapian ng demonyo! Kaya maingat akong lumabas ng apartment at tumawag ng pulis!” Tumulo ang mga luha sa mga mata nya. Halos sariwa pa ang lahat dahil one week pa lang si Vaughn dito sa mental hospital at malamang agad din siyang dinala dito matapos ang krimen. Pero kulang pa ang kwento.
“Okay lang kahit wag mo ng ituloy ang kwento. Alam kong masakit at bago pa sayo ang lahat.” Pagsisinungaling ko. Iniabot ko ang panyo ko sa kanya. Ayoko sa lahat ng may babaeng umiiyak kahit gustong-gusto kong makinig sa kwento nya. Nakokonsensya lang ako habang nakakasakit ng kalooban.
“Wala ‘to. Salamat.” Pinunasan nya ang luha nya at ngumiti sya ng pilit. Mas lalo syang naging mas maganda sa pekeng ngiting yun. Pero ang totoo, bitin pa rin ako sa kwento.
“Agad siyang dinakip ng pulis ng gabing yun. At base sa imbestigasyon, may psychological disorder siya kaya iniurong ang isinampang kaso----matricide.” Nagulantang ako sa narinig ko. Matricide? Ang pagkitil ng buhay sa sariling ina? Kung ganun, ang sarili ina ni Vaughn ang pinatay nya?! Ang dalawang buwang buntis ay mismong ina nya na inakala niyang si Sydney?! Biglang-bigla ako sa narinig ko. Kung ganun, fraticide din dahil kapatid pa rin niya ang pinatay niya sa sinapupunan. Hindi ako makapaniwala!
“Ano? Buong akala ko sa kwento ni Vaughn ikaw yun pero ang---” Gulantang pa rin ako sa sinabi ni Sydney. Grabe! Sobra na! Napaka-immoral ng ginawa ni Vaughn sa ina at kapatid nya! Baliw nga lang talaga makakagawa nun!
“Ang galit nya sa mama nya sa pagiging prosti nito at pagkakaroon ng iba’t-ibang lalake. Ang buhay na kinalakihan nya na pinagpapasapasahan silang magkakapatid, ang malayo sa piling ng ina habang lumalaki sila, ang mapagkutyang dila ng mga taong nakatingin sa kanila. Ang takot nya na baka tulad din daw ako ng mama nya. Matagal na pala siyang ginagambala ng isa pa niyang katauhan pero wala akong kaalam-alam. Walang nakapansin. Mahal na mahal niya ang mga anak niya lalo na si Vaughn na maagang nagsolo sa buhay. Sinusuportahan pa rin nya ito sa pag-aaral at sa mga materyal na pangangailangan. Hindi nya ginusto ang trabahong yun pero sinakripisyo nya ang lahat para lang mabuhay silang magkakapatid. Ang maduming trabahong yun ang bumuhay sa kanila. Nagkaroon ulit siya ng bagong lalakeng kinakasama, dalawang buwang buntis ang mama niya nang gabing dumalaw siyang mag-isa sa apartment ni Vaughn. Siya ang may dala ng malapad na box na yun na nagkalat ang laman sa sahig, isang birthday cake.” Inakala kong masama ang ina ni Vaughn pero nakakabighani lang ng damdamin na dumalaw pa ito sa kaarawan ng anak. Pati ako nadadala na sa kwento niya, nakakalungkot lang talaga ang sinapit ng ina niya.
“Sa isip-isip ko, ito yung sinasabi ni Vaughn na paborito nyang cake nung bata pa siya. Hindi siya nakalimot, pinahalagahan pa rin niya ang kaarawan ng anak. Sa tindi ng poot nya sa sariling ina, inakala nyang ako yun. Ako dapat talaga ang papatayin niya! Ako talaga ang pakay nya!“ Napatakip si Sydney sa muka nya at humagulgol ng iyak.
“Sydney! Makinig ka, hindi mo ginusto ang nangyare! Wala siya sa katinuan! Ang mahalaga ligtas ka! Buhay ka!” Pinapahinahon ko siya.
“Gusto ko lang malaman niya na kahit kelan hindi ako nagloko sa kanya! Siya lang! Wala akong ibang lalake! Na kahit kelan--” Napatigil siya sa pagsasalita at napahawak sa tiyan nya.
“Sydney! Okay ka lang?” Inalalayan ko ang braso nya. Napadaing siya sa sakit. Pinagpapawisan siya at may nakita akong tumulong dugo sa binti nya!
“ANG… A-ANG.. B-BABY KO!”
May anak sila ni Vaughn!! Ang saklap!!! Nakunan pa si Sydney. Gusto ko pa ng kasunod, nabitin ako.
ReplyDeletegoSh!!!! uNg nanAy pLa ni vauGhn uNg piNataY niA,,, waAaah naiiSip q uNg giNamitaN niA ng mAso,,, kaKakiLabot tLga,,,
Deleteat grAbe uNg eNding,,, saNa hindi naKunaN c sydNey,,, kAhit uN LnG aNg maNgyari,,,
Wala na eehh..
DeletemAy seCond boOk p pO b itO,,,
ReplyDeleteNo..
Delete