Saturday, January 19, 2013

Fate Diary: Chapter 3

Fate Diary 03
"Eunice's POV"


Nagdadabog na umakyat ako sa taas... naiinis ako dahil nga nawala na lang ng bula si William at naudlot yung plano ko...


Nilabas ko yung Libro... Pink at maganda ang pagka-desinyo isa yung Memento ng ate ko...  Diary ito but I prefer to call it Fate Diary dahil nakasalalay ang buhay ko... at kung pano ko maging akin si William.Childhood friend ng ate ko siya at siya din ang first ni ate noon... kahit bata pa kami noon alam ko na totoo yung naramdaman ng ate ko... at si William din ganun din ang naramdaman niya kay ate...



'nong una ko pa siya nakita alam ko na may naramdaman din ako sakanya... at nung high school ko na realize na mahal ko siya kaya naman gagawin ko ang lahat para maging akin siya. ^_^

Umupo ako sa kama at binuklat yun.... at binasa uli hindi ata ako magsasawa na basahin yun... nilabas ko din yung mark stamp...



Dear Fate

            humingi ako ng tips sa mga magkasintahan kung ano daw ang isang paraan para mapansin ka ng crush mo. Sabi nila daw kailangan pareho kayo ng LIKE halimbawa pagkain o may interest yung lalaki sa isang bagay na meron ka.

                                                                                                                        -Paulin



Gifted ang ate ko... pinakamatalino sakanilang klase siya... at dahil sa talinong yun... ay nag-high school siya... at the age of 8



Okay lang 'yan Eunice may pagkakataon ka pa! at tsaka magbihis ka na para mag-grocery! Baka dumating na si mama! Inbitahin mo si William.. XD



Sukat na isipin yun ay nagmadali akong nagbihis... at halos liparin ang mga kagamitan ko dahil sa bilis ng pagbaba ko hahhaha.. lalabas na sana ako kaso tumunog yung phone...

Sinagot ko muna yun.



“Hello?”



“Eunice hindi ako makauwi dahil mag-o-overtime ako sa work.”



Si Mommy yun. malungkot na binaba ko yung telephone pagkatapos namin mag-usap.



Nalulungkot ako yes... sino naman hindi? Minsan lang kami magkasalo sa hapag... mabigat ang loob na lumabas ako sa bahay...



Hindi na lang ako magluluto. Gusto ko sana... kaso baka masunog lang ang bahay... -_- tiningnan ko ang oras ko... 5:30 pa ng hapon... doon na lang ako sa Restaurant kung san ako nag-pa-part time job.



Oo nagtrabaho ako doon, bakit? Para mabili ko kung anong gusto ko gaya ng damit kaso kunti palang ang naigagalaw ko sa sweldo ko... wlaa kasi akong mabili...



“Good Af— aishh.. kaw lang pala, Elice!” Dismiyadong sabi ng best friend ko mula high school na si Sonic Blaze Walter o mas kilalang Snow...  naka-suot siya ng uniform... kaya umaapaw ang kagwapuhan niya... ^_^v secret lang namin na beki siya dahil nga baka itakwil siya ng magulang niya. Sayang 'no? gwapo pero vaklush! Siya lang ang best of best friend ko. 'pag nasa trabaho siya ay lalaking-lalaki yan pero kapag kaming dalawa lang ay babae! “'di ba 7 pa yung pasok mo?”



“>.> Hindi naman ako narito bilang isang empleyado kundi customer 'no!”



Umupo ako sa bakanteng upuan. “tsk. Nag-overtime na naman ang mommy mo??”



Pinatong ko yung ulo sa mesa... “OO.”



“Aish.... kailan ba magbabago yun?”



“wag ka naman ganyan, Sn—este Sonic, nagtatrabaho lang si mommy para may ipakain sa akin.”



“Eh anong gamit ng papa mo sa ibang bansa, o siya what is your order, usual??”



Tumango ako. Nagpadala naman ng pera si papa at tumatawag sa amin once In a month... ganun pa din ang position ko at napadako ang tingin ko sa isang lalaki na kkapasok lang sa restaurant..

.

O///o hala si William! Umupo ako ng pina-lady like. At inayos yung mahaba kong buhok... napansin ata niya ako kaya ngumiti sya... lantad ang maputi niyang pantay na ngipin..



Lumapit siya sa akin. Bakit ngayon lang siya napadpad dito?



“You’re having your dinner here?” He asked.



Kiming ngumiti ako kahit gusto ko ng ngumiti ng malapad.. hahaha...



“Yes. Wala kasi sa bahay si mommy kaya heto ako ngayon kumain ng mag-isa. Dito ka ba kakain?”



“Uh yes.”



“Ganun?” Yes! Ito na yung pagkakataon! “I hope you wouldn’t mind, William, gusto mo ba na samahan ako kumain dito? Nakakalungkot kasi na kumain ako dito na mag-isa.” Nagpa-puppy eye ako.. XD di joke lang kahiya naman kung gagawin ko yun...



“Uhm... gusto ko sana, Elice kaso... may date kasi ako eh...” napakamot siya.



Para akong binagsakan ng langit. WHAT?! Date!!!??!??!? Sino?! Dahil papatayin ko!



Tinago ko yung sakit... ngumiti na lang ako ng pilit.



Damn! Bakit hindi ko alam yun??? Sinong ka-date niya???



“William!” Tawag ng isang sexy at sophisticated woman..

Next Day

Lugong-lugo na pumasok ako sa school... depress pa din ako sa nalaman ko na may nagugustuhan siyang babae... sigh...



Pero hindi pa naman ako sumusuko... beside date palang naman sila at walang relation pero kahit meron man ay wala akong pakialam.. hindi pa naman sila kasal tsaka sa akin naman talaga siya... nakatakda...



Kaya nga love na love ko ang Fate ko! hahaha



>.< Pero kahit ganun ay hindi pa din bumabalik ang sigla ko... kaya pumunta ako sa likod ng GYM... at sumigaw doon ng ubod ng lakas... at sinisipa ang dingding....



“Walang hiyang babae! Peste ka! Kapag malaman ko na may relasiyon ka kay William... I’ll Swear that I’ll kill you!” tas yung bato naman sinipa ako ng ubod ng lakas...



“Awww....” Narinig ko ang ungol na yunn... nang lumingon ako ay yung manyak yun!



O_O narinig kaya ang sinabi ko??? >.< waaahhh...



“Alam mo miss kung may galit ka pwede ba wag mo dalhin sa school. Nakakasakit ka na eh.” Nakakunot ang noo niya.



“N-narinig mo ang sinabi ko???” Tanong ko...



Napapailing lang siya... “Sa lakas ng boses mo? Sinong hindi makarinig ng sinabi mo??”



Hala! Anong gagawin ko? Pano kung kilala nya si William... baka sabihin niya kay William ko na may gusto ko sya... >.<



I clasp my hand... “please wag mo sabihin ito kay William!”



“So His name is William. If I were you ibaling mo na lang sa akin ang pagmamahal mo tsaka wala ka ng pag-asa sa kanya dahil may girlfriend na 'yun.” Namulsa siya at ngumiti sa akin...



Napaka-gwapo niya at kahit sinong babae siguro ay mai-inlove pero but because ha have a bad reputation ay na turn off ako.. ^_^v kahit like ko yung face nya ay loyal pa din ako kay William.



Humalukipkip ako. tsk! O.o may nobya na si William? Ba’t hindi ko alam yun??? tsk baka nagsisinungaling lang ang lalaking ito!



“No way! Sino ka ba ha? Para gawin ko yun??”



“Archie Mondragon came from a wealthy family kinakatakutan ng mga studyante dito o sa labas.”



>.> Alam ko na Gangster siya at mayaman pero bakit ganun? Hindi ako nakaramdam ng takot... dahil siguro gwapo siya at makinis yung balat nya at mukhang gentleman dash playboy.



“Ahh ganun ba? sorry ha? Pero di ako kagaya ng ibang babae na dedz na dedz sa'yo hindi ako kagaya nila.”



Lumapit siya sa akin. “Talaga? Eh anong ibig sabihin ng nakita ko kahapon?”



“Kita ng ano?”



“Stalker ka ni William at dead over heels ka sakanya.”



“Eh ano naman?? Si William naman yun at hindi naman ikaw... gwapo talaga ni William!!!!!!!!!”



“Are you saying na mas gwapo sya sa akin??” may bahid na inis sa boses niya...



Naglapat ang likod ko sa dingding...tapos ay yung isang kamay niya ay nasa gilid ng ulo ko..tas nilapit niya ang mukha sa mukha ko...



O////O hahalikan ba niya ako??? Bigla sumagi sa isipan ko si William...



Kay lapit na 'yun.... at nalalanghap ko ang mabango niyang hininga...



>.< NOOO!!! Bigla ko siyang tinulak at tumakbo papalayo sa kanya at ang bilis ng tibok ko... dahil sa ginawa niya...



Later...



Kahit anong gawin ko ay wala talaga akong maintindihan sa mga tinuturo ng guro ko kanina siguro depress ako... dahil na nakumperma ko na totoo ang sinabi sa akin ni Archie... Nobya ni William yung Ka-date niya.... dumiritso ako sa CR at humarap ako sa salamin...



Kung pagsubok ito ni Fate ay kakayanin ko suungin ang obstacle na ito... I still love my Fate...



“Ahhahhaha Oo pupunta ako sa mall para bumili ng bra.”



Napasulyap ako sa babae na kakalabas lang sa cubicle at kausap niya ang isang tao sa kabilang linya.... O_O nanlaki ang mga mata ko siya yung babae sa Reastaurant ah...



“Oo... hindi na kasi kasiya sa akin eh... You know lumalaki hahhaha... best asset ko ito ahahha... kaya nga patay na patay sa akin si William.”



Nagpanting ang tenga ko... greeted my teeth naiinis ako sa babae... sumulyap ako sa Boobs niya... >.< I Swear! Ang laki talaga! kita na nga ang cleavage niya eh...nakabukas kasi an gang tatlong batunes niya... tiningnan ko ang dibdib ko....



ToT wala akong panama sakanya...



“OO hahhaahha.” Lumabas na siya sa CR...



Hinawakan ko yung boobs ko... waaahhh wala talaga akong panama sakanya... pero pinilig ko yung ulo ko.



Tsaka tiningnan ang sariling reflection...



“Eunice Rome Elice Ramsey kahit hindi kalakihan ang FUTURE mo ay okay lang yan dahil nga magugustuhan ka ni William just the way you are.” Nag-gesture thumbs up ako.. “Maganda ka... oo maganda! Kahit ordinary lang ang isuot mo kahit wala kang make-up!”



Lumabas na ako sa CR at bibili pa ako ng cake na paborito ni William.. ibibigay ko yun sakanya... gaya nga sa nakasulat sa Diary...



^_^v Ube ang flavor—pareho kami ng favorite! hhahhahha

***

Author's Note: Hi guys! sorry at ngayon lang ako nag-update at baka matagalan ako sa pag-update ng iba ko pang story dahil busy ako ngayon lalo na at malapit na ang junior practicum >.< daming requirements na kailangan matapos na.... woooo....  ito muna ang e-update ko ha? 
At thank you sa walang pagsawa sa pagbabasa at pagsupporta ng story ko. THANK YOU!!!! mwahhh!!! sana magustuhan ninyo ang chapter na ito. 

1 comment:

  1. worth it naman palagi ang paghihintay sa updates mo miss author kaya okay lang po! :D

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^