3:
Don’t Wake Her Up!
(BREE
POV)
Oh pigilan ang mga
bayolente at malalaswang reaksyon jan. Hindi ko nakatabi sa upuan si new
classmate na kamukha ni Erro. Kasi papalapit pa lang siya, yung mga naglalandian
kong kaklase eh dumamoves na. Ayan tuloy, doon siya sa bandang harapan naupo.
Pero hindi na ako nagtataka
kung bakit parang naglalaway ‘tong mga kaklase ko sa pagdating ni Ervin Ronan. Kasi
infected silang lahat ng rabies. Haha!!! Joke lang po!
Gwapo naman kasi siya, ang
yummy ng katawan parang model, mukha pang matalino tipong maraming alam sa alam
mo na… academics! Naambunan pa siya ng malupit na sex-appeal. SEX-appeal. Se… X…
Shutang inabex! Bakit ba
ang green na ng utak ko? Ang libergs ko na!!!
Na-shift naman din ang
attention ko nung magsimula nang magklase… kahit minsan sinusulyapan ko itong
si new classmate na ni hindi man lang ako makuhang tignan pabalik. So CONFIRM!
Hindi siya ang aking si Erro!
After ng klase… “Uy si
Bree-hilda naglalaway kay classmate~! Crush mo noh?”
“Mukha mo Erin! Wala pa naman akong rabies katulad ng mga
classmates nating babae noh! At hindi ko crush si Ervin!”
“Uy first name basis~!”
“Fine, eh di si Ervin Ronan Sy!”
“Uy kabisado agad yung name~”
“Ewan ko sayo Erin-jutay!!! Hindi ko crush yun!!! Itaga mo sa
bato ko, manyakin man si Batman, molestyahin man si Superman, gahasahin man si
Lastikman, at gawing sex-slave man si Spiderman!!!”
“Oy si Spiderman? HINDI PWEDE, SAAKIN LANG SIYA!” Euhahaha!!! Ito
kasing si Erin, fan na fan ni Spiderman yan! “Naniniwala na ako na wala kang crush sa
kanya. Which is a good thing…”
“Ha? Anong which-is-a-good-thing ang pinagsasabi mo jan, Erin?
Don’t tell me…”
“I’m interested with him.” Nagtwinkle bigla
ang mga mata. Ewan ko kung bakit pero parang kinabahan ako.
Kasi may usapan kaming
mag-bespren na kapag nauna nang magkagusto yung isa saamin sa isang lalaki,
hindi na pwedeng agawin yun. Ang sumuway, mabibigwasan ng bongga! Pangako kasi
namin na hindi pwedeng masira ang friendship namin ng dahil sa lalaki.
“In… interested with him… you like Erro… I mean si Ervin Ronan
Sy?”
“Shunga!” *kinutusan
niya ako sa bunbunan* “Interested ako sa character niya!” Character?
Ano bang tingin niya sa buhay ng mga taong nasa paligid niya, ongoing series na
sinusulat niya? “That
guy… he gives out this mysterious sexy vibes. Yung parang hindi mo aakalain na
sa innocent looks niya eh nagtatago pala ang isang perverted psychopath! Parang
ganun siya!”
Siningkitan ko lang ng
tingin si Erin. Kakaiba talaga timpla ng utak niya noh? Buti sanay ako! Hindi
rin naman nagkakalayo yung timpla nung akin.
“He’s a good prospect! Magre-research ako ng tungkol sa kanya, at
pwede kong gawing basehan yung katauhan niya for the next leading man of my story!!!
What do you think Bree?”
“Ah… hahahahahaha~ ikaw bahala!”
Kapag nasa ganyang estado na ng pag-iisip si Erin, sakyan mo na lang para
walang daming satsat! Hahaba pa dialogue eh. “Pero ano yan… erotic novel pa rin?”
“Naman!!! Gusto mo ba, ikaw naman ang pagbasehan ko sa bidang
babae para partner kayo ni classmate! Ayiiiieeeeh~”
“EWAN KO SAYO!!! Tara na nga, nagre-rebolusyon na mga alaga ko
sa tyan. Kumain na tayo…”
= = = = =
After ng class, umuwi na
kami agad. Tamang-tama, gusto ko na lang din magpahinga.
Pagkadating ko sa bahay,
naghahanda na rin si Mama na umalis. Sa gabi kasi trabaho niya. Madaling araw
lang yan bumabalik. “Maaga ka yata umuwi ngayon. Hindi mo kasama si Erin?”
“Tinamad kaming tumambay eh.”
“Ganun ba, oh sige ikaw na bahala dito sa bahay ha. May ulam na pang-dinner
mo, initin mo na lang mamaya. Tapos blah-blah-blah…”
Si Mama talaga, unli masyado! Parang si Vander ng Wizard’s Tale. Daily routine
ko na yun eh, kailangan ulit-ulitin pa. “At may pepino dun sa ref!” Uy teka, bago yun
ha. Para saan yung pepino? “Maglagay ka ng ganun sa mga mata mo at nang mawala yang
eyebags mo.”
“Mama, alam mo sa KPOP, ‘aegyo fats’ ang tawag dito sa eyebags!
Aegyo ibig sabihin CUTE! So this makes me cute noh!”
“Cute mo your face! Anong Korean 'Eggyolk' ang pinagsasabi mo
jan!”
“Mama, AEGYO hindi eggyolk! A-E-G-Y-O, aegyo!”
Hay parang kusang nago-open ang pores ko dahil dito sa nanay ko eh. Kalokang
kausap! “Alis
ka na kaya. Baka ma-late ka pa sa trabaho, sige ka!”
“Oh siya, kesa pa nga kung saan mapunta yang usapang-eggyolk na
yan.” Ang kulit naman talaga, sabi nang Aegyo at hindi
Eggyolk eh! “Basta
wag mo lang susunugin ‘tong bahay. At mag-lock ka ng pinto bago ka bumorlog.”
And we kissed goodbye saka
na sumibat ang butihin kong mudra. Ganun lang talaga kami ng Mama ko, parang
magkabarkada lang kaya happy ang life.
Anyway, now that I'm alone
again, it's time for my favorite hobby!
Mellow music now playing.
Food and drinks placed on
the side table.
Pillows on the couch ready.
“At syempre, yung pocketbook na malapit ko nang matapos
basahin!!!” Ahihihi, nagbabasa lang ulit ako ng alam
niyo na! Adult-romance stories! Wala na talagang mas nakakarelax gawin kundi
ito.
After an hour and half,
tuyo na yung mata ko. Kapag nagbabasa kasi ako at nasa climax na, may tendency
na hindi na ako kumurap. Ayun, natapos ko na tuloy yung binabasa ko.
“Ay sakit na ng mata ko...” Kinusot ko yung
mata ko, nagunat-unat at inilapag na sa tabi yung librong katatapos ko lang
basahin. “Gusto
ko nang matulog…”
Naalala ko yung pepino na
sinabi ni Mama. So nag-slice muna ako nun para sa aking aegyo fats.
Pagkabalik ko dun sa sofa,
nahiga na ako at nirelax ko ang ulo. Saka ko ipinatong sa mga mata ko yung
dalawang pepino. “Ang lamig... hay ang sarap~”
At samahan mo pa ng
napakagandang music, tuluyan na akong nakatulog.
= = = = =
Noong namulat ako, wala na
yung dalawang pepinong ipinatong ko sa mga mata ko! Pagkabangon ko, nasa tabi
ko na si Erro. Tinirintas pa niya ang buhok ko! “Bree~ sa wakas gising ka na…”
“Gising? Eh nanaginip lang ako eh!”
“Oo nga noh… let me correct that! Bree~ sa wakas nakatulog ka na
ulit!” Pa-inosente pa siya ng ngiti niya! Pero siningkitan ko lang siya
ng mata. “Kapag
naniningkit ka ng ganyan, lumalabas lalo ang aegyo fats mo! Ang cute!”
Tsss!!! Syempre panaginip
ko ‘to kaya malamang, ako ang nag-impluwensya kay Erro na sabihin niya yun…
pero bakit ganun? Nakakakilig pa rin!!! Shemalups!!!
Dahan-dahan niyang
inilapit ang mukha niya saakin. Tapos naramdaman kong humawak siya sa kamay…
paangat sa dibdib ko… “Erro naman eh! Yan ka na naman!!! Kasisimula ko pa nga
lang managinip, nangma-manyak ka na agad!”
“Wala pa nga akong ginagawa eh…”
Sumimangot siya at nag-pout pa!
“Self-control naman Erro! Gusto mo bang hindi na ako matulog
para hindi na ako managinip at hindi na tayo magkita? Kapag ganyan ka,
nato-trauma ako sayo eh. Hindi pa ako handa Erro, kahit pa panaginip lang ‘to.”
Hindi na naka-imik si Erro
sa sinabi ko. Masyado bang extreme yun? Na-hurt ko yata ang feelings niya. “Erro,
naiintindihan mo ba ako ha? Ayoko lang na madaliin ‘to. Kapag ganyan ka ng
ganyan, pipilitin ko na talagang wag ka nang isama sa panaginip ko.”
Nagsalita na siya pero
pabulong naman, “Hindi mo naman magagawa yun eh…”
“Anong sabi mo?”
“Wala…” Humawak siya ulit sa kamay ko at
tinulungan niya akong bumangon sa pagkakahiga ko. “Fine. Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin.”
“Talaga?”
“Yep. I’ll wait till you ask for it!”
“Wow ha!!! As if namang hilingin ko talaga na gawin natin yun!”
“We’ll see.”
“You’ll see!” Masyado siyang confident
sa sarili niya ha! Well sorry siya! Kahit anong mangyari, hinding-hindi ako mauuna
na mag-initiate ng ganun noh! Never!!! Not even in my wildest dreams!!!
= = = = =
So hindi po kami magsi-sex
ngayon. Not even close to a make-out session! Hindi niya ako sinusubukang
lampungin dahil kapag ginawa niya yun, iuumpog ko bunbunan niya sa pader!
Kaya naman ipinasyal na
lang niya ako. Una sa isang ilog at namangka kami. Sunod sa isang garden at
nag-picnic kami. Tapos napadpad kami sa amusement park at sumakay sa maraming
rides.
Fast-pace ang lahat. Kapag
nagsawa na kami, tumatalon agad ang eksena sa susunod naming pwedeng gawin. At
hindi naman na ako nasha-shock. Syempre panaginip ‘to diba?
Ngayon napunta kami sa
isang bar. Tinignan ko yung buong paligid. Ang daming tao, may mga
nagsasayawan, meron ding naghihimala sa mga suluk-sulok. They are all extras
dito sa panaginip ko, right? And yet they seemed to have their own minds making
them look so real.
Kung hindi ko lang alam na
nananaginip ako, iisipin kong totoo ito.
Maya-maya, biglang nagkagulo
ang mga kababaihan at nagtilian. Tumayo si Erro sa gitna ng stage at magi-strip
dance siya. Hindi joke lang! May hawak siyang mic.
“Hello everyone, I want to dedicate this song for my baby girl
who thinks this love only exists in this dream.”
Napatingin siya saakin. Ako daw yung baby girl niya!!! “Don’t wake up, Bree.”
Oh my gosh!!! Kakantahan
ako ni Erro!!!
Then he started singing
‘Don’t Wake Me Up’ by Chris Brown. But the thing is, may sarili siyang version with
lyrics na may kinalaman saakin!!!
“Too much light in this window, don't wake her up,
Only coffee no sugar, inside her cup,
If she wakes and I’m here still, give you a kiss,
You’re wasn't finish dreamin’ about this lips…”
Bukod sa lamig ng boses
niya, itinuro niya ang yummylicious lips niya kaya napapa-isip ako ng mga bagay
na pwedeng dun. Ang sarap niyang halikan? Kagatin? Dilaan? Kainin!
“Don't wake her up up up up up up,
Don't wake her up up up up up up,
Don't wake her up up up up up up,
Don't wake her up, don't wake Bree…”
And the way he stares at
me!!! Para bang hinuhubaran niya ako sa mga titig niya. Isabay pa natin ang
hand and body gestures niya. There’s something so sensual in his movements that’s
giving me the urge to touch him... and to be touched by him!
“Don't wake her up, don't wake her up,
Don't wake her up (yeah)
Don't wake her up up up up up up,
Don't wake her up, don't wake Bree.”
At yung kinakanta niya!!! It’s
hypnotizing me to really not wake up!!!
Sa gitna ng pagkanta ni
Erro habang pinagkakaguluhan siya ng mga babae, nakatingin lang siya saakin.
Siya lang talaga ang nagpaparamdam saakin na espesyal ako.
“So much life in the city, I won't believe,
Been awake for some days now, no time to sleep,
If your heart is a pillow, this love’s the bed,
Tell me what is the music, inside your head…”
Kapag nagpatuloy siya sa
ganyan, baka mag-give-in na ako sa gusto niya!!! Baka hindi ko na rin mapigilan
ang sarili ko… baka ako pa mismo ang humiling sa kanya na gawin namin yun!!!
*pak!*
“Snap out of it Bree!” Pinatikim ko na ng
matinding sampal ang sarili ko, baka sakaling matauhan. “Sex-free dream nga ngayon diba? Wag
mag-isip ng malaswa... mag-isip ng wholesome at nakakatawa.”
Dalawa lang ngipin ni
Spongebob! Walang ilong si Voldemort! Ang laki ng ulo ni Doraemon! Mas malaki
ang balakang ni Jollibee! May kinalaman yata sina Dora the Explorer at Swiper
the Fox sa Internet Explorer at Mozilla Firefox!
“Don't wake her up up up up up up,
Don't wake her up up up up up up,
Don't wake her up up up up up up,
Don't wake her up, don't wake Bree…”
Shetemax! Yung totoo, hindi
ako natatawa!!! Ang korni eh!!! Tapos si Erro, hindi pa rin natigil sa pagkanta!
F na f yung pagbirit lalo na nung nag-chorus ulit. Isali ko kaya siya sa
X-Factor?
Nung mapansin niyang may
epekto na saakin yang pangse-seduce niya, he displayed that evil smirk again!
Oh how naughty that is!!!
“Listen baby fall fall fall fall asleep yes,
Listen baby fall ‘coz you are falling for me,
Listen baby fall fall fall fall asleep yes,
Listen baby fall ‘coz you are falling for me…”
That’s it!!! I’ve fallen
for him!!!
Noon pa naman na yata eh.
Sa tuwing nakakasama ko siya sa panaginip ko, sobrang saya ko. Masaklap nga
lang talaga dahil panaginip lang ito... at hindi totoo si Erro kundi parte lang
ng malikot at maberde kong imahinasyon.
Pero gaya nga ng nandun sa
kanta ni Chris Brown, if this love only exists in my dream, I’d rather not wake
up.
.
.
.
“Woi bata ka!!!”
“Ay shutang inabex!!!” Nabalentong ako at
bumaldog ang katawan ko sa sahig. “Ma… mama…?”
“Ano ka ba naman Bree! Nakauwi na ako’t lahat-lahat galing sa
trabaho tapos nandito ka pa? Bakit dito ka na sa sofa natulog?”
Napatingin ako sa orasan. Magaalas-tres
na ng madaling-araw!
At kasasabi ko nga lang na
ayaw ko nang magising, pero heto ako ngayon… dilat na dilat na! Namiss ko agad
si Erro…
End
of Chapter 3
humgaaaadddd!!! homaaaygulaay...eto talaga ang 2nd sa inaabangan kong wento next to Fafah Laris.. hahahaha...
ReplyDeletehowmayghad ang bilis!!! XD
Deletekyaah! nagdate cla s dream! at ung song, bumagay s kwentong ito! ang gling nman!!!!! naimgine q tlga c erro ung kumakanta! at 2lad ni bree, naseseduce din aq s taglay niang sex appeal! i love it!!!!!! buti nmn at nag-ud n dito!!!! ang saya-saya!!!!!
ReplyDeleteaT ang kuLit ng exPressiOns ni bRee,,, i woNder kUn nbSa n ng mgA cLassm8s ko itOng ud n 2,,, pNigurAdo, mhhWa cLa s sHutAng inAbex n yAn,,, aNg cuTe pKinggAn eEh,,,
ReplyDeletesuportahan ko to .. bida si JaeHyo dito .. Go Block B ..!!
ReplyDeleteang ganda!!! kakainlove lang si erro! he's so sweet... and erotic! hahaha! XD
ReplyDelete█░█ █▀▀█ █░█ █▀▀█ ░▀░ █▀▀▄ █░░ █▀▀█ ▀█░█▀ █▀▀
Delete█▀▄ █▄▄█ █▀▄ █▄▄█ ▀█▀ █░░█ █░░ █░░█ ░█▄█░ █▀▀
▀░▀ ▀░░▀ ▀░▀ ▀░░▀ ▀▀▀ ▀░░▀ ▀▀▀ ▀▀▀▀ ░░▀░░ ▀▀▀
█▀▀ ░▀░ █▀▀ █▀▀█ █▀▀█ █▀▀█ █
▀▀█ ▀█▀ █▀▀ █▄▄▀ █▄▄▀ █░░█ ▀
▀▀▀ ▀▀▀ ▀▀▀ ▀░▀▀ ▀░▀▀ ▀▀▀▀ ▄