Thursday, January 17, 2013

Blooming of Our Music: Chapter 11

CHAPTER ELEVEN


     HINDI na halos maipinta ang mukha ni Nicole habang nakaupo sya sa loob ng isang coffee shop. Panay ang bugtong hininga nya at maya maya din ang tingin nya sa kaniyang relo. Halos quarenta minutos na kasi syang nag-hihintay kay Mino. Kinakabahan na rin sya dahil baka naman binibiro lang sya ni Mino nung sabihin nitong mag-di-date sila at siniryoso nya naman. Bigla tuloy bumagsak ang mag-kabilang balikat nya at napainom sya ng tubig sa naisip nyang yun. At hindi din nya maiwasang malungkot kung totoo mang biro lang ni Mino ang pag-yaya sa kaniya.




     Limang minuto pa ang lumipas, pero wala paring Mino na dumdating. "Pano na ba 'to? Aalis na ba ko? O hihintayin ko pa sya?"tanong nya sa sarili. Ilang saglit pa ay biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Mabilis nyang dinukot ito sa bulsa ng jacket nya. Na-excite sya ng makitang si Mino ang natawag, ngunit ng sasagutin nya na ito ay bigla na lang na-lowbat ang cellphone nya. "Aish! Ano ba yan!"napasigaw sya ng may kalakasan kaya naman napatingin sa kaniya ang mga taong nasa paligid nya.




     Nahihiya naman syang humingin ng pasensya sa mga ito at inis na binalingan muli ang kaniyang cellphone. "Nakaka-inis naman! Bakit ba ngayon ka na-lowbat?!"this time ay pabulong na nyang sabi. Napakamot na lang tuloy sya sa kaniyang ulo. "Hihintayin ko na lang sya. Baka papunta na sya kaya sya tumawag."sabi nya sa sarili pag-kuway nilingon nya ang isang maliit na paper bag sa bandang kanan niya.




     Regalo iyon para kay Mino, naalala nya kasing nang-hingi ito ng regalo kaya naman binilihan nya ito. Hindi nya alam kung ano ang ibibigay nya kay Mino kaya bumili na lang sya ng talong piraso ng panyo na binurdahan nya ng pangalan ni Mino. Alam nya napaka-cheap ng regalo na yung pero kahit naman paano ay pinag-hirapan nyang burdahan ng pangalan ni Mino yun.




     Ilang saglit pa, nagulat sya ng may bigla na lang lumitaw na lang lumitaw na red rose sa harapan nya. Nang lingunin nya kung sino ang humahawak nun. Napangiti sya ng malamang si Mino na pala yun. "Mino."sabi pa nya. Parang syang biglang nabuhayan ng loob at naging bright ulit ang paligid nya ng makita nya si Mino.



     "Sorry late ako. At ayaw ko na mag-explain kasi hindi mo rin maiintindihan."ngumiti si Mino tapos ay hinatak nya ang kamay ni Nicole palabas ng coffee shop. "Lets go!"




     "Teka!"pigil ni Nicole para balikan ang maliit na regalo nya para dito. Nahihiya nya itong inabot kay Mino. Sa una ay clueless pa si Mino pero nang maalala nya ay muli syang ngumiti at tinanggap ang regalo kasabay niyon ay ang mabilis na pag-halik nya sa pisngi ni Nicole na hindi man lang nito namalayan. Natulala si Nicole at hindi agad sya naka-react. Napangiti na lang si Mino sa kaniya at hinatak na sya palabas ng coffee shop.









     NAG-TATAKA si Nicole kung bakit sa sementeryo sya dinala ni Mino. Yun ba ang date na tinatawag ni Mino? Sa sementeryo? Ilang saglit pa ay huminto sila sa pag-lalakad. Nilingon ni Nicole si Mino, nakatingin ito ng masama sa di kalayuan. Sinundan ni Nicole ang tingin nito. Napakunot ang nuo niya at ilang beses pa nyang kirup kurap ang mga mata nya para lang ma-kumpirma kung totoo bang ang singer na si LeeTeuk ang nakikita nya.




     "LeeTeuk?"bulong nya sa sarili. Napalingon sya kay Mino ng bitawan sya nito. Galit ang mga mukha nito ng lumapit ito kay LeeTeuk. Taka lang syang sinundan ng tingin ni Nicole.




     "Anong ginagawa mo dito?"galit na tanong ni Mino. Gulat naman napalingon si LeeTeuk sa kaniya.




     "Ka--kaibigan ko ang nakalibing dito."nalilitong wika ni LeeTeuk. Natawa naman ng walang kasing pait si Mino. Napailing pa ito dahil hindi ito makapaniwala sa nang-yayari.




     "Kaibigan?"sarkastikong saad ni Mino.




     "Oo."sure na sagot ni LeeTeuk.




     "Binisita mo ang kaibigan mo dahil naalala mong ngayon ang Anniversary ng pag-kamatay nya?"madiin ang pagkakabigkas nya sa salitang kaibigan at anniversary ng pag-kamatay. Mararamdaman mong may puot sa boses nito.




     "Oo. Ikaw?"tanong ni LeeTeuk sa friendly nitong boses.




     "Nanay ko ang nakalibing dyan."lumapit sya sa nitso ng kaniyang ina at padabog nyang inalis ang bouquet of flowers at pinalitan nya iyon ng kaninang rosas na hawak nya. Hindi naman agad nakapag-salita si LeeTeuk sa narinig nya. Marahan naman lumapit si Nicole para sawayin si Mino dahil sa padabog nitong pag-alis nito sa mga bulaklak .




     "Ano ka ba! Bakit mo naman inalis ng ganun ganun yung bulaklak?"bulong ni Nicole pero tiningnan lang sya ni Mino. Napayuko na lang tuloy sya.




     "Ma--may anak si SoRa?"nauutal a tanong ni LeeTeuk.




     "Bakit parang nagulat ka yata?"saad ni Mino. Hindi na nakapag-salita pa si LeeTeuk. "Ako ang anak--"hindi na naituloy pa ni Mino ang sasabihin nya dahil biglang nag-ring ang phone nya. Agad nyang sinagot nga makita nyang si JiSu ang natawag.




     "Asan ka ba? Hinahanap ka na ng Manager natin! May practice tayo ngayon!"inis na tanong ni JiSu sa kabilang line.




     Hindi naman sumagot si Mino. Napapikit na lang ito dahil sa inis. Parang gusto nyang suntukin si SeChang dahil sa ginawa nitong pagnakaw sa CD na at pag-pilit sa kaniyang sumali sa grupo nila. "Bumalik ka na dito kung ayaw mong maparusahan nanaman!"




     "Oo na."wika nya habang nag-pipigil sya ng inis. Tapos ay pinutol na nya ang line. Napapikit sya ng mariin tapos ay nilingon nya si LeeTeuk. "Wag ka nang babalik pa ulit dito."yun lang at kinuha na nya ang kamay ni Nicole at hinatak na ito palayo kay LeeTeuk.




     Sinundan sila ng tingin ni LeeTeuk, "May paiimbistigahan ako sayo."pag-kuway wika ni LeeTeuk sa kasama nyang secretary.




     Nag-bigaya galang ang secretary bago sumagot. "Ano po yunn?"











***

     HUMINTO ang dalawa sa pag-lalakad tapos ay hinarap ni Mino si Nicole. Ngumiti ito habang si Nicole naman ay lito parin sa mga nang-yayari. "Pasensya ka na kanina hu?"saad ni Mino.




     "Sorry, hindi ko alam na patay na pala mama mo."wika naman ni Nicole.




     "Okay lang."




     "Teka, bakit parang galit na galit ka ng makita mo ba dinalaw ni LeeTeuk yung mama mo?"




     "Mahabang kwento. Saka ko na iku-kwento sayo. Pasesnsya ka na di na natin natuloy yung date natin kailangan kokasing bumalik sa JYM. May practice kasi kami ngayon."




     Kumunot ang nuo ni Nicole, hindi pa kasi nya alam na trainee na si Mino doon at malapit ng mag-debut. "Practice?"




     Natawa na lang si Mino, at gaya kanina, ninakawan nya nanaman ito ng halik sa pisngi. Hindi nanaman naka-react si Nicole. Lumakad na paatras si Mino habang abot tenga ang mga ngiti nito. Kumaway muna sya kay Nicole bago sya tumalikod at lumakad na palayo. Napahawak na lang tuloy sa pisngi si Nicole. Ilang segundo pa bago nya naalalang hindi pa pala nya naibibigay kay Mino ang regalo nya.
     "Naku po! Mi--"tatawagin pa sana nya ito pero nawala na ito sa paningin nya. "Hay! Bakit ba kasi--"napakamot na lang sya pisngin nyang hinalikan ni Mino. Maya maya pa ng maalala nya kung pano sya halikan ni Mino ng panakaw ay hindi nya naiwasang mapangiti.









     HANGGANG sa pag-tulog nya ay naaalala parin nya ang mga halik ni Mino kanina. Pero natigilan sya at napabalikwas sa kama nya ng maalala din nya ang sinabi ni Mino na may practice ito sa JYM.




     "Practice? Ibig sabihin trainee sya ng JYM? Teka---hindi kaya isa sya sa magiging bagong group ng JYM. At isa si Yua sa bagong group na yun. Ibig sabihin---"muli nyang ibinag-sak ang sarili sa kama.




     Bigla syang nalungkot sa naisip nyang yun. Hindi dahil sa mag-ka-grupo si Mino at Yua kundi dahil sa alam nyang magiging sikat din si Mino gaya ni Yua. Magiging busy na ito at kong ngayon ngang hindi pa ito sikat ay marami na itong tagahanga. Pano pa kaya kung naging sikat na ito. Hindi alam ni Nicole kung bakit pero bigla syang natakot. Dahil alam nyang tapos na ang pag-kukunwari nila ni Mino pag nang-yari yun. Napabuntunghininga na lang tuloy sya at mariing ipinikit ang mga mata.














     Ayaw na nya mag-isip pa masyado. Basta ang alam nya lang ngayon ay excited sya para makitang muli si Mino bukas.








. . . to be continued



3 comments:

  1. wAaah!!!! mei updAte n s wKas! mgbbSa n pO aq, sLamat s ud!!!

    ReplyDelete
  2. aNo b yAn,,, naPurndA p uNg momeNt of trUth dHiL tumWag c jiSu eEh,,, LeEteuK at soRa, cLa uNg maGpartNer s we gOt marriEd kYa obviOus n mEi hiStoRy,,, mYgoSh,,, tMa kYa ang instiNct q,,,,

    at aYokO n tLGa kEi yuA,,, pRang kinLimutan n tLga niA aq eHh,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^