WITCHCRAFT AND WIZARDRY
THE TREASURES OF 4 KINGDOM
CHAPTER SIXTEEN
NAPA-KUNOT nuo ko sa sinabi ni Elleune. Ano daw? kung alam ko daw yung kayamanan ng apat na kaharian?? Aba malay ko sa mga kayamanan na yan! Ako pa tinanong nya di naman ako taga dito!
"Eh ikaw? Baka naman alam mo. Taga dito ka diba?"sarcastic kong tanong sa kaniya. Sumimangot sya sakin tapos humalukipkip pa. Kahit naman pano eh cute din 'tong si Elleune.
"Sila yung nakatakdang anak ng mga Prinsesa at Prinsipe ng apat na kaharian. Tinawag silang kayamanang dahil kahit patay na ang mga Prinsesa at Prinsepe ay ipapanganak parin ang mga anak nila pero sa pamamagitan ng Vulgus."
"Ano?"yung sagot ko alam mo yung urat na tao tapos nakakunot yung mukha kasi di mo naitindihan yung sinabi ng kausap mo. "Patay na sila pano pa sila mag-kaka-anak? Wag mo nga ko paglo-lokohin!"nababadtrip tuloy ako eh!
"Nasaang mundo ka Jade? Nakalimutan mo yatang naan dito ka sa mundo ng mga Magus. Kahit ano ay maaring mang-yari dito."sagot nya sakin. Napaisip ako, oo nga pala. Nasa mundo ako ng Majika ngayon. At kahit ano nga pwedeng mang-yari dito.
"Pero pano naman nang-yari yun? Patay na sila pero may anak sila? Pano? Nabuntis sila tapos pinaampon nila sa vulgus kasi alam nila mamamatay na sila?"hula ko. Pero umiling si Elleune. Lumipad sya sa may katre, sumunod naman ako. Naupo ako tapos naupo naman sya sa balikat ko.
"Tinawag silang kayamanan dahil sa oras na mamatay ang Prinsepe o Prinsesa na hindi pa nasisilang ang kanilang anak ang kapangyarihang inilibing ng Stone of Destiny sa puso nila ay malilipat sa espiritu ng nakatakda nilang maging anak. At sa oras na mangyari iyon ay ang mismong Stone of Destiny ang syang mag-hahanap ng karapatdapat na magdala ng sangol."
"Stone of Destiny? Pero pano naman pumipili yung Stone of Destiny? Eh diba bato yun?"bato sya diba? Pano nya sasabihin 'ito ang karapatdapat na mag-dala sa anak mo' eh bato nga sya.
"May seremonyang ginagawa si Goddess Danann para malaman kung sino ang karapat dapat. Ang alam mo inilulublub sa mahiwagang tubig yung Stone of Destiny tapos lalabas na doon ang mukha ng taong naitakda ng Stone of Destiny. Tapos noon ay ipapatawag nya ang apat na Ministro ng Praecantrix at Magus para pag-usapan ang mga ito bago mag-talaga."dami alam ni Elleune in-fairness ah. Lahat ng tanong ko nasasagot nya.
"Eh pano naman pag dumating yung araw na malaman nung isa sa Treasure na may Royal Blood pala sya? Pano yun?"sunod kong tanong.
"Hindi nya malalaman hanggat hindi pa naitakdang palitan nya ang pwesto ng namatay nyang ama o ina. Ngunit sa oras na dumating ang pag-tatakda ay may pupuntang isang Rectio o isang gabay sa kaniya upang ipaalam ang lahat at kung anong klaseng nilalang ba talaga sya. Pag nasabi na ng Rectio ang lahat ay dadalhin nya ang kayamanang ito sa Tir Na Nog upang pag-sanaying mabuti. At pag na-kumpleto nya ang tatlong antas ng Magus ay maari na na nyang maupo sa posisyong naiwan ng kaniyang ama o ina."
Habang pinapaliwanag yun sakin ni Elleune hindi ko maiwasang humanga. Deym! Pwede pala mangyari yung ganun?? Dadami lahi mo kahit na namatay ka na hindi man lang nakakapangasawa o nakakapanganak! Amazing! Pero-----
"Pero parang napaka-walang utang na loob naman nun? Nag-pakahirap umiri mga Vulgus na magulang tapos pag kailangan na nilang maging Prinsesa o Prinsepe, iiwan na nila yung nag-ire sa kanila? Grabe naman yun!"hindi ko man naranasan pero alam ko naman kung gano kahirap manganak at mag-palaki ng anak no! Kahit sabihin mo na bubbly at easy going mga magulang ko alam ko deep inside hirap din silang mag-palaki sakin! Kaya nga hindi ko na lang sila pinapa-kelaman tuwing bumabyahe sila eh. Kasi alam ko yun lang yung mga panahon na nakakapahinga sila sa pag-aalaga sakin. Tapos ito ganun ganun lang?
"Hindi naman ibig sabihin na porque ikaw ang isa sa kayamanan ay kailangan mo nang iwanan ang mga Vulgus na magulang mo. Pwede mo naman silang isama sa mundo na 'to. O kaya naman ay kung ayaw nila pwede mo silang bisitahin paminsan minsan dito. Malalaman at malalamn din naman ng mga vulgus nilang magulang ang lahat dahil bibisitahin sila ni Goddess Danann at ipapaalam sa kanila ang lahat lahat. Para na rin maliwanagan sila sa lahat."
"Ah .... Pano naman yung mga kapatid nung kayamanan na sinasabi mo? Pwede din sila isama?"pano kasi kung yung kapatid mo tulad nila Laurence, Jin, Jeremy at Kei? Mga WizTail. Naku! Malamang mag-tatatalon yung mga yun sa tuwa kung buhay man sina Jeremy at Kei.
"Ano ka ba! Ang mga kayamana ay nag-iisang anak lang. Ang sino mang Vulgus na nag-silang sa kanila ay hindi na maaring manganak pa. Dahil sa taglay na kapangyarihan ng kayamanan na ito ay may naiiwang aura sa loob ng Vulgus. Ito ang pumipigil sa pag-buo ng isa pang anak."
"Totoo ba yang mga sinasabi mo?"parang sa sobrang katotohanan ayaw ko na maniwala. Kung iisipin mo kasi napaka-imposible namang mang-yari ng mga ganung bagay. Pero nasa mundo ka nga na walang alam kundi Magic. Kay dapat kang maniwala kasi totoo nga lahat.
"Oo naman! Totoo lahat ng sinasabi ko! Malalaman mo pag nakita mo sila."so ibig sabihin makikita ko ang apat na kayamanan na yun?
Naputol ang usapan namin ng bigla nanaman lumitaw ang barko ni BAP sa harapan namin. "Lagot na!"naririnig kong sabi ni Elleune. Tatanungin ko pa sana sya kaso na-distruct ako nung sumigaw sa ibaba si Kelly.Nag-akyatan silang lahat sa itaas ng cabin.
"Ilang beses ko bang sabihin sayo na lumitaw ka sa malayo!?"kala mo mapuputol na litid ni Kelly sa pag-sigaw eh. Pero di sya pinansin ni BAP. Lumapit si Jerim sa kanila, as usual, tamad syang kausapin ang mga ito.
"Sinabi ko na nga sayo na wala si Zico dito. Bakit ba ayaw mo maniwala?"iritang sabi ni Jerim. Pero hidi sya pinansin ni BAP. Lumingon sya sakin. Di ko alam kung bakit nag-tago sa likuran ko si Elleune. Nakikita ba sya ni BAP?
"Kahit anong tago gawin mo alam kong nan dito ka dahil naamoy kita."napa-kunot nuo ko. Nakikita nya nga si Elleune. Pero pano? Eh sabi ni Elleune nag-papakita lang daw sya sa mga taong gusto nya pakitaan. Bakit ngayon?
Natatakot na lumabas sa likuran ko si Elleune. Halos hindi sya makatingin kay BAP. "Ma--master Zunji."naiilang na sabi ni Elleune. At ano daw? Master??
"Ilang araw ka na hinahanap ng nanay mo sa mga baranggay tanod! Nan dito ka lang pala?" Baranggay Tanod??? Meron ba dito nun?
"Vigilum po Master Zunji."nahihiyang pag-correct ni Elleune kay BAP.
"Que Vigilum o Baranggay Tanod pareho lang yun!"katwiran naman ni BAP. "Sino nag-padala sayo dito? Si Zico ba? Oo o Oo?"nag-bigay nga sya ng choices pareho naman. Ang wirdo talaga ng nilalang na 'to.
Lumapit naman sakin si Ren na may clueless expression sa mukha. "Jay, sino kausap nya? Ikaw?"
"Hindi. May fairy kasi akong katabi. Kausap nya."sabi ko naman.
"Talaga? Nakakakita ka ng fairy? Ang tagal ko na dito ni isang fairy wala pa kong nakita! Buti ka pa!"singit naman Kris sa usapan namin ni Ren.
"Never mind! Kahit naman hindi mo na sabihin alam kong si Zico ang nag-padala sayo dito eh. Sya lang naman ang sinusunod mo."Englisherong octupus pala 'tong si BAP eh. Cool~
"Ano bang kailangan mo?"irita nang tanong ni Jerim.
"Gusto kong sumama papunta sa Nubus Illa."simpleng sagot ni BAP. Napataas tuloy kilay ni Jerim.
"Ano? Sasama ka? Himala! First time mong sumama mag-lakbay samin!"halos hindi naman makapaniwala si Kelly sa narinig nya. Kulang na lang ay matawa sya ng malakas.
"Ano pumasok sa isip mo?"walang ganang tanong ni Jerim sa kaniya.
"Balita ko marami daw kayamanan dun."
"Sino niloko mo? Kahit tambakan kita ng isang barkong ginto mas pipiliin mo parin yung compas na hawak ni Zico ngayon."medyo nalito ako sa sinabi ni Jerim. Hindi kasi diretsong salita. Napatanong tuloy ako kay Ren.
"Anong ibig sabihin ni Jerim?"
Nilingon ako saglit ni Ren bago sumagot. "Hindi mahilig sa ginto o kahit na anong kayamanan si Zunji. Para sa kaniya walang ibang kayamanan sa buhay kundi yung compas na pinamana sa kaniya ng tatay nilang sikat na Pirata na ngayon deadbol na. Ibig lang sabihin nun may ibang dahilan kaya gusto nyang sumama satin papuntang Nubus Illa."
Di ko tuloy maiwasang humanga. Ngayon lang ako naka-kita ng Pirata na walang hilig sa kayamanan. Kakaiba talaga mga nilalang dito sa Tir Na Nog.
Bago pa man sumagot si BAP ay tumalon na sya sa barko namin kasunod yung dalawa nyang alalay na may kakaibang itsura. "Ano ba yan! Sa dagat kayo nakatira pero parang ilang century na kayong di naliligo sa amoy nyo!"reklamo ni Kris habang tinatakpan pa nya ilong nya.
"Ang arte mo! Mas gwapo pa ko sayo pag bumalik ako sa dati kong anyo!" boom! Barado si Kris! Di ko tuloy maiwasang matawa. Pero mahina lang naman. Kaso mukhang narinig ni BAP kasi napatingin sya sakin. Bigla tuloy akong natakot. Nakita kong nag-bigay galang sina Uisias at Morfesa sa kaniya ng daanan nya yung dalawa.
Di ko alam gagawin ko, kasi lumalapit sya sakin. Baka bugahan nya ko ng itim na liquid nya. Lagot na! Di na ko nakagalaw sa kinatatayuan ko. Inilapit nya mukha nya sakin. Mas nakakatakot sya pag malapit. Lalo na yung mga mata nya. Di ko alam kung madidiri ako o ewan! Para akong namahid sa amoy nya. Mag-iisang minuto nya kong tinitigan ng ganun. Tapos inilayo nya na mukha nya pero nakatingin parin sya sakin.
"Hmm ~ kaya pala nung makita kita parang may namumukhaan ako sayo."sabi nya.
Napansin kong parang sumenyas sina Morfesa at Uisias kay BAP, pero ewan ko kung para saan yun. Nakita yun ni BAP pero di nya pinansin. Tiningnan nya ulit ako mula ulo hanggang paa. "May pinag-manahan."
"Master!"si Elleune naman ang nag-interrupt sa kaniya pero deadma din sya. Ano nang-yayari???
"Bakit? Bakit di nyo pa sabihin sa kaniya?"ang ano yun BAP? Anong dapat nila sabihin sakin?
"Zunji ano ba!"nagulat ako sa sigaw ni Jerim. Oo lagi ko sya nakikitang galit. Pero hindi ganung galit. Kala mo sasapakin nya si BAP eh.
Natawa naman si BAP. Nilingon nya saglit ang galit na si Jerim tapos lumingon ulit sya sakin. "Bakit ba ayaw nyo pa sabihin? Natatakot kayo kay Zico? Alam nyo hindi ko alam kung bakit kailangan pa nyang itago na anak nya ang babaeng 'to."
..... Ano? Gusto kong matawa. Ako? Anak nino? Ni Zico? Yan na ang pinaka-kakaibang birong narinig ko sa tana ng buhay ko.
Anak ako ni Zico? Pano?------
. . . to be continued
WAahhh, nguLaT nMan aq duN s twisT s ktPUsan!!!! foR reAL, aNak xAh ni ziCo,,, aNLa!!!!
ReplyDeleteaT naUna qNg bsAhin uNg aNnoucemnT mu tuNgkoL dtO,,, wAah, naeXcite n aq s seAson fiNaLe, at nAgaabAnG diN prA s pArt tWo!! yEy!!!
ReplyDeleteayiieh~ balita ko malapit na matapos ang first part kaya i just want to drop by to congratulate you!!! *clap clap* congrats~!!! keep it up, beb!!! ^^
ReplyDeleteang ganda!!!!! i miss reading this! i miss being here!!
ReplyDelete