Thursday, January 17, 2013

Kissing Bandit : Chapter 29

CHAPTER 29
(LARIS HOWFER POV)



Hot Pink just got dumped by Zack!




Hindi ko akalain na magagawa yun ni Zack. Sa mga kabarkada ko kasi, siya ang masasabi kong pinakamabait, gentleman and least expected na mananakit ng feelings ng iba… especially sa taong mahalaga sa kanya.



Kaya nga malaking palaisipan saakin kung ano itong gustong gawin ni Zack.



Alam niya ang mga ginagawa ko sa Prospects ko. He knows na THREE MONTHS lang ang ibinibigay kong oras sa mga babae para turuan at tulungan sila na makuha yung mga minamahal nila.



Pero yung three months na yun… pwedeng mas umikli pa kung magkakaaminan sila agad! Kaya bakit hindi umamin si Zack? Anong gusto niyang palabasin?



Maya-maya, biglang nag-ring ang phone ko… and speaking of! “Hello… Zack.”



“Laris.”



“Napatawag ka?”



“Si Atasha ang prospect mo.” Agad-agad naman!



“Hindi ko siya prospect.” Sandali siyang nanahimik. Pero naririnig ko yung pagbuntong-hininga niya. “Pero kung sakaling siya nga, ano naman sayo?”



“Laris, bestfriend ko si Atasha!!! Syempre may pake ako!!! Sino yung lalaking gusto niya?”



“Malay ko… bakit hindi mo itanong sa kanya?”



“Laris… alam ko ang mga ginagawa mo sa mga prospect mo. You are changing them into someone else…”



“Someone they should become… kasi kung hindi sila magbabago, lagi lang silang ite-take for granted.” Relax at cool lang ang boses ko, pero kabaliktaran naman ang boses ni Zack.



“Sasaktan mo lang si Atasha after three months…”



“She is NOT my prospect.” I want to make that clear first. “But if she is, yung iniisip mong mangyayari after three months sa mga nagiging prospect ko ay isang bagay na dapat mangyari. At alam mong sa bandang huli, nagiging maayos ang buhay nila.”



Natahimik ulit si Zack. He knows it. Walang napapasama sa lahat ng babaeng natulungan ko. And everyone will get a happy ending! Ganun lang yun. “Eh ikaw Zack? Bakit ka ba ganyan when it comes to her? In love ka ba sa BESTFRIEND mo?”



“I just care for her!” He sounded defensive! “And besides… I’m dating someone.”



Bigla akong natigilan. Mali yata ang dinig ko dun sa huling sinabi niya. “You what?”



“You heard it… yeah… I’m dating someone…”



“Tss…” Natawa ako. Now he sounded desperate! “Talaga? Sino?”



“You’ll know soon.” And then he warned me. “Laris, kapag nalaman kong ginawa mo ngang Prospect si Atasha, kalimutan mo na ang pagkakaibigan natin. Malalagot ka saakin. Hindi ko hahayaang saktan mo siya.”



Sasagot pa sana ako pero binabaan na niya ako ng phone. But I got three things to say.



“Una, sisiguraduhin kong hindi niya malalaman na Prospect ko talaga si Atasha.”



“Pangalawa, siya na mismo ang unang nanakit sa babaeng gusto niyang protektahan.”



“At pangatlo, Zack is dating someone else? What a wrong move! It will be his loss… and my gain.”



Everything is going according to my plan. Pustahan pa tayo, Kissing Bandit will make another record!















It’s only a matter of two days bago matapos yung palugit ni TMU_Admin. People are getting more and more wild. Pasalamat sila nago-offer din naman ako ng fan service paminsan-minsan. Sinasagot ko yung ilan sa mga katanungan nila tungkol dito sa latest issue ko. These are just some of my replies:



“Kissing Bandit, sino ba talaga ang Prospect mo? Kelan mo siya ire-reveal?”



“Wala akong ire-reveal dahil wala akong prospect.”



“Ipo-post daw ni TMU_Admin kung sino talaga yung girl. Anong gagawin mo?”



“TMU_Admin can post anything… I don’t give a sh*t.”



“Laris, ako na lang kaya gawin mong prospect para matapos na noh?”



“Oh di ikaw na. Eh di tapos! LOL!”



Pero aside sa issue na yun, meron din namang mga off-topic na tanong.



“Bakit kaya missing-in-action si Anti_Kissing_Bandit ngayon?”



“Baka broken-hearted. O kaya wala lang talaga siyang ma-post.”



“My alam ba si Anti_Kissing_Bandit tungkol sa issue ngayon?”



“Malamang. Siguro. Pwede. Oo. Yata.”



“Tingin mo magka-chunchaba si TMU_Admin at Anti_Kissing_Bandit?”



“Pffft~!”



Natawa talaga ako dun sa last question! Netizens are really unaware about a lot of things! What if malaman kaya nilang iisa lang ang Prospect at ang Anti ko? That will going to be a big issue!!! Baka ma-trending topic pa yun sa TMU ng buong taon! Wahahaha!!!



But speaking of trending topic ngayon, may bagong entry… ma-check nga!



*click*



(ʘ_ʘ) –  “Ha?”



Totoo kaya ‘tong nakikita kong trending topic ngayon?



*check original posts*



(' .' ) – “Uh oh… totoo nga…”



*speechless sandali*



(_) – “So he’s telling the truth.”



*then realize something*



(ಠ_ಠ) – “Eesh! Si Hot Pink pala!”



Agad kong iniwan yung computer ko at lumabas ako. Kinatok ko ang kwarto ni Hot Pink pero hindi siya sumasagot. Ni-try ko yung doorknob at hindi naman naka-lock kaya pumasok na ako.



“Hot Pink… alam mo na ba yung balitang…” Nakita ko si Hot Pink na nakatulala sa harap din ng laptop niya. “… mukhang alam mo na nga.”



Lumapit ako sa kanya at tumingin dun sa tinitignan niya… isang post ni TMU_Admin.



“Zack and Carly in a relationship!”
I knew they will be together… but didn’t expect it will be now!
Check out their statuses ang see it for yourself.



“Sila na… sila Zack at Carly… sila na… paano naging sila… paano na ako…” At bigla na lang pumatak ang luha niya.



Aish! Bakit ba ganyan ang mga babae? Wala namang nareresolbang issue kung iiyakan diba? “Kalma ka muna Hot Pink…”



“IKAW!!! Tignan mo ‘tong ginawa mo!!! Kasalanan mo ‘to eh!!! Akala ko ba kami ang magkakatuluyan ni Zack ngayon naging prospect mo na ako!!! ANONG NANGYARI!!! Mag-on na sila ni Carly!!! Paano na ako!!! Paano na!!!”



“Kung sigawan mo ako, parang ako pa ang may kasalanan ha! Baka nakakalimutan mo, ikaw kaya ang nagpumilit na maging prospect ko!”



“Waaaaaaaaaaaah!!!”  Sinarado niya yung laptop niya at nagtalukbong sa kama niya habang umiiyak. “Ano nang gagawin ko…? Wala na kami… hindi na…”



“Tumigil ka nga sa kakangawa mo jan!!!” Hinila ko yung kumot niya. Mga dalawang minuto pa lang yata siyang umiiyak eh magang-maga na yung mga mata niya! Ang panget lalo! “Wala pa naman tayo sa kalagitnaan ng plano diba? Ang bilis mo naman panghinaan ng loob.”



“Pero…”



“Wag ka munang magsasalita at hindi pa ako tapos!



“Pe…” Ang kulit talaga!!! Ibinalot ko nga ulit sa kanya yung kumot niya. Kapag siya hindi pa tumigil, sasakalin ko na talaga siya.



“Makinig ka, alam mo bang karamihan sa mga problema ng prospects ko dati ay dahil may dini-date nang iba yung mga lalaking nagustuhan nila. Pero anong nangyari sa huli? Nagkatuluyan pa rin sila! I know how to handle this kind of situation. And if you just trust me and do your part, wala naman tayong magiging problema eh.”


Natigil na siya sa pag-iyak. Nakatingin lang siya saakin, parang batang naka-pout pa!



“At tulo-uhog ka na. Punasan mo nga yang ilong mo!”



Pero hindi niya pinunasan. Sininghot niya lang pabalik. Kadiri talaga ‘tong babaeng ‘to.



“Talaga? Sigurado ka jan ha. Basta naniniwala ako sayo Laris ha. Sayo ko na ipapaubaya yung saamin ni Zack. Umaasa ako sayo…”



Tinignan ko lang siya ng seryoso. At tumango lang ako bilang sagot sa kanya. “Oh paano, babalik na ako sa kwarto ko… pero bago yun, ano nga palang password ng Anti_Kissing_Bandit account mo?”



“Bakit mo tinatanong?”



“I need it. Marami na ang nagtataka kung bakit missing-in-action ka. Let me handle it for just three days. After nun, pwede mo nang palitan yung password.”



Wala na rin namang daming satsat. Ibinigay niya na saakin yung password. Tinitignan ko mukha niya, malungkot pa rin. Pero napagsabihan ko na naman siya. Kung hindi siya magtitiwala saakin, wala na akong magagawa dun. Ubusin niya ang oras niya sa pagmumukmok.



As I went back to my room, isinagawa ko na agad ang plano ko. I saved something sa drafts ng Anti_Kissing_Bandit account ni Hot Pink. Ipa-publish ko yun kapag nangyari na ang hinihintay kong mangyari.















(ATASHA ORELLANA POV)



Kung sa online world, trending yung tungkol kina Zack at Carly, mas lalo dito sa TMU na mismo. Ang lupit talaga ng mga balita na nanggaling sa TMU, parang showbiz na.



Pero hindi tulad ng iba, kino-control ko ang sarili ko. Ayokong mapasama dun sa mga nagwawala at naghuhurumintado dahil sa balitang ‘to.



Maniniwala ako kay Ate Ganda. Kung nagawa niya sa mga nauna niyang prospect, magagawa niya rin saakin ‘to. Magkakatuluyan kami ni Zack at yun ang pangako niya saakin kaya yun ang aasahan ko.



Anyway, tahimik lang din ako sa isang tabi dahil minu-minuto kong chini-check ang cellphone ko para matignan kung may bago bang update si TMU_Admin.



Ngayon kasi yung huling araw sa palugit na hinihingi niya na dapat ireveal na ni KB ang prospect niya.




“Girls, look niyo ‘tong pinost na picture ni Carly.”



“Gosh!!! Lalo siyang gumanda!”



“Ikaw ba naman magkaroon ng boyfriend na katulad ni Zack”



“Ang swerte! Perfect sila for each other! I bet magiging couple of the year sila dito sa TMU!”



But as you can see, natabunan na yung issue na yun dahil mas hot yung kina Zack at Carly. Yun lang ang mabuting naidulot nun, mukhang hindi na muna isasabay ni Admin yung prospect-issue na yan! Hay~ sana naman wag na talaga!!!



Naglalakad na ako pa papunta sa FA Building para sa last subject ko ngayong araw nang makita kong may nag-aabang yata saakin. Si Zack…



“Hindi ako nagagalit sayo Atasha… pero nasasaktan ako."



“Bakit Zack? Nagseselos ka ba? Nagseselos ka ba kaya ka nasasaktan?”



“Hindi ako nagseselos… what makes you think I’m jealous?”



Ouch! Sino bang nag-play ng flashback button jan?



“Atasha…” Napatigil ako bigla… after ng pag-uusap namin na yun, ngayon na lang niya ako kinausap ulit. Ni hindi nga ako tinext o tinawagan nung araw na yun. “Can we talk?”



“Malapit na next class ko eh. Male-late na ako...”



“Is it okay if you skip class kahit ngayon lang?”



“Ano bang gusto mong sabihin?”



Hindi ako makatingin ng direcho sa kanya. Pero nung pilitin kong tumingin sa kanya, hindi siya nakangiti. Ubod lang ng seryoso. “I’m so sorry. Hindi maganda yung naging usapan natin last time. I’m really sorry.”



“Okay lang. Naiintindihan ko.”



“Pero hindi ka naman talaga nagsinungaling saakin noon diba? Hindi talaga ikaw yung Prospect ni Laris.”



Napakurap at napalunok na lang ako… “Ilang beses ko bang dapat sabihin na hindi talaga ako prospect ng lalaking yun.”



Nakakunsensya yung pagsisinungaling ko, pero kung hindi dahil sa sinabi kong yun, hindi ko makikitang nakangiti na ngayon si Zack. Tapos, napayakap na siya saakin. “That's all I need to hear. Bati na tayo ha…”



Ganito po kami. Mag-aaway pero hindi rin talaga matitiis ang isa’t isa. So  I hugged him back. “Oo naman… alam mo namang hindi ko kayang magalit sayo.” Natawa naman siya. “Pero Zack, bakit nga ba parang takot na takot ka na maging prospect ako ni Laris? Diba magkaibigan naman kayo.”



“Exactly, magkaibigan kami ni Laris. At kilala ko siya. I know and I’ve seen a lot kapag nagkakaroon siya ng prospect.”



“Pero diba, tinutulungan niya lang naman sila? Walang napapasama sa kanila. Sa huli, yung mga babaeng tinulungan niya, nakakatuluyan yung mga lalaking gusto nila.”



“But you don’t know kung ano yung totoong pinagdadaanan ng mga babaeng nagiging prospect nya.”



Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Ano yung alam ni Zack na pinagdadaanan ng lahat ng mga nagiging prospect ni Laris?



“It’s not really important now. As long as alam kong safe ang bestfriend ko sa lalaking yun, kampante na ako.”



Ang pait ng naging ngiti ko dun sa term na ‘bestfriend.’ At eksakto sa eksena, dumating ang babaeng dahilan kung bakit mag-bestfriend pa rin kami hanggang ngayon ni Zack. Si Carly…



“Hey you two~!!! Anong ginagawa niyo dito?”



“Carly…” At nagbeso sila sa harap ko at si Carly pa ang nag-initiate na magholding-hands sila ni Zack.



“Nagkabati na ba kayo?”



“Yep.”



“That’s good!!!”



Kalma Atasha! Kumalma ka. Keep your head up at pumoise ka lang jan. “So nabalitaan ko na kayo na pala…”



“Ah yeah~! I forgot to tell you about that.”



“Hindi mo pa ipinaalam sa bestfriend mo?”



Ang cheesy nila! Tsk! “Hindi na niya kailangan ipaalam. Trending kaya yun sa TMU_Diary.” Napayuko na lang ako.



Ang sakit!!! Nakakainis!!! Sobrang selos na selos at inggit na inggit ako sa Carly na ‘to!!! Saakin dapat si Zack eh, inagaw niya!!! Hwaaaaaaah!!! Pero kumalma ka Atasha… KALMA!!!



“Oh paano, maiwan ko na kayong dalawa ha. Papasok na ako sa last class ko.”



“Eh diba late ka na? Let’s eat together! My treat!”



“Wag na… ayoko namang maging third-wheel sa inyo noh…”



“Sige na Atasha. We’ve never spend time together.”



“Maybe next time…”



“Now na, please~”



Ang sarap balatan ng buhay itong si Carly! Puchanginabols!!! Lalong lumulutang ang ganda niya kapag nadidikit siya saakin eh. Tapos gusto pa niya akong i-torture dahil siya ang jowa ng mahal ko!



Sana lang may natatagong sama ng ugali ‘tong babaeng ito para naman worth it at ang pagkaasar ko sa kanya dito sa POV ko. Baka kasi mamaya, pinalalabas ko na siya ang kontrabida sa buhay ko when in fact, wala naman talaga siyang ginagawang masama.



Tulad ko, minamahal niya lang talaga si Zack. Nagkataon lang na mutual ang feelings nila para sa isa’t isa.



“Para hindi ka na makatanggi, tulungan mo ko Zack…”



“Ha…? Te… teka!!!” Gusto yatang mapektusan nitong si Carly eh! Ang kulit!!!



At ngayon nga, hinihila na nila ako at palapit na sa sasakyan ni Zack.



Uwaaaaaaaah!!! Ayoko sabing sumamama eh!!!















Isinama nila ako sa restaurant na malapit lang sa school. At umorder sila ng pagkaing pang sampung tao yata. “Kain na tayo!!!”



Lumafang na yung dalawa samantalang naculture-shock ako lalo na kay Carly! Sa gandang babae niya, mantakin mong parang nakikipagpaligsahan kay Zack kung kumain! Mayaman sila pareho… mga patay-gutom din yata.



“Wag ka nang mahiya Atasha. Kain ka na.”



“Oo nga Tasha. Paborito mo yan diba? O gusto mo pang umorder ako ng iba.”



“Busog pa talaga ako… at tsaka baka hindi ako matunawan.”



“Bakit naman?”



“Nasusuray ako sa inyong dalawa…”



“Ano yun?”



“Ah eh… wala!!! Sabi ko medyo nasusuka ako dahil dun sa byahe. Medyo nakakahilo mag-drive si Carly eh. Sana nilakad na lang natin, malapit lang naman ‘tong kainan na ‘to sa school.”



“Ahahaha!!! Ganun talaga si Carly. Kaya nga pinagbawalan na ng daddy niya na mag-drive siya mag-isa. Ang kaskasera kasi.”



“Kainis ka!”


Kainis sila!!! Sige sabihin niyo saakin ngayon kung paano ako magkakaganang kumain kung kasama ko nga ang lalaking mahal ko, pero epal naman sa eksena ang gelprend niya!!! Argh!!!



Isang tao lang ang naisip kong makakatulong saakin ngayon. Tinignan ko yung cellphone ko at tinext ko siya. Si Kissing Bandit.



SOS! Kailangan ko tulong mo…



Sent! After one minute…



Who’s this?



Epalogs talaga ‘tong bangaw na ‘to! Kung maka-who’s this!!!



Wag kang pampam jan! Kinidnap ako nina Zack at Carly. Nandito kami sa Ristorante Bigoli, yung malapit sa school. Tulungan mo ako, paano ko sila matatakasan? Nasusuray ako sa kanila!!!



Ang tagal kong hinintay yung tulong niya, pero hindi na siya nag-reply! Nasaan na yung abnoy na yun?



“Tasha, kain ka na. Gusto mo yatang subuan pa kita eh?”



Napatingin kaming dalawa ni Carly kay Zack. Why is he treating me like this? Hindi niya pa ba narerealize na dahil sa ganyan siya kaya ako na-fall sa kanya. Napaka-manhid naman kasi niya.



Moreover, may gana siyang magka-sweet saakin samantalang katabi niya ngayon ang girlfriend niya!!!



“Um… oo nga Atasha. Sige ka, mauubusan ka namin ng pagkain.”



Kahit hindi bukal sa loob ko, napilitan na lang rin akong kumain. Kwento lang sila ng kwento at pinuno ko ang bibig ko ng pagkain. Para naman mabusy ako at hindi ko na maisip na sila ang kasama ko.



Tapos may napansin ako bigla, meron din palang ibang taga-TMU dito. Eh syempre, malapit nga ito sa university. Ang kaso, para kaming mga artista na pinipicturan nila… actually, baka sila Zack at Carly lang ang pinipicturan nila.



“Hindi ba kayo naasiwa? Kanina pa nila kayo pinipicturan oh…”



Sabay na tumingin sina Zack at Carly dun sa mga tinuro kong kumukuha ng pictures nila. “They are always like that.”



“Nasanay na kami sa ganyan, pabayaan mo na lang.”



Ang hirap siguro maging TMU famous. Well, famous na rin naman na ako sa katauhan ni Anti_KB, yun nga lang ako at si Laris lang ang nakakaalam nun.



Ilang sandali pa, sabay-sabay na nag-vibrate ang cellphones namin. Text message? NOPE! May new notification po galing sa TMU_Diary. May isang tao na pare-pareho naming fina-follow ang nag-update ng status niya.



Noong sabay-sabay naming chineck kung sino yun at kung ano ang pinost niya…



TMU_Admn says…



I know you are all still busy buzzing about Zack-Carly, but let me break that story ‘coz it’s getting a bit boring now. Don’t you all think?

So who’s going to replace the spotlight?

Well here she is! 1st year major in Film and Audiovisual Communication, Atasha Orellana!!!
Your question – Who the hell is she? – My answer – OMG, you people don’t remember? Flashback please!!!
That was during the first day of this semester.


Still doesn’t make sense?

In case you are all wondering what happened to Kissing Bandit’s prospect, I haven’t forgotten about her. Does it make sense now?


Atasha Orellana = The New Prospect

PS. @Kissing Bandit… I am so bummed out of you! I gave you your chance to reveal her but you ignored it! Now I’m obliged to share this to everyone so no hard feelings, okay?



(Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 29


16 comments:

  1. ~angel is luv~

    no zack! why did you dated carly? wrong move ka tuloy! hindi ko matanggap. hindi ko kasi feel si carly. pero good thing lumabas na ang tungkol sa pagiging prospect ni atasha! ano kayang gagawin nila ni laris?

    ang cool ni admin kahit na pakialamera siya. nice update po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wAaaAaa mEi updAte n pLa itEy!!! baSa modE!!!!!

      Delete
  2. OFMG~!! Nalaman na ni TMU_Admin na si Atasha yung prospect ni Laris >.< Haruuu~ Pano nya kaya nalaman? O.O Kyaaaa~ Hangganda! :)))

    ReplyDelete
  3. Why Zack! Bakit si Carly pa! Sana ako na lang! Ano na kayang magiging reaction niya ngaung nalaman na si Atasha ang Prospect..

    ReplyDelete
  4. Whaaa! oh noes! Pinost na ni TMU_Admin kung sino ang prospect ni KB. ang mas masaklap kasama pa ni atasha sina zack at carlyn what to do, atasha?

    ReplyDelete
  5. I can't waittttt for Zack's reaction!! Lalo pa kung malalaman ni Zack na gf si Atasha ni Laris kunyare XD Natawa ako sa fan services ni Laris hahahahha XD Nakakabaliw ng bongga!! Pero ZACK?? WHAT DA HELL?! Carly srsly? Masyado siyang clingy ahhh... I know may feelings ka kay Atasha ayaw mo lang sabihin or aminin sa sarili mo.. pero say whut? Nabadtrip ako sayo tsk tsk -.- btw Your loss, Laris's gain :P Ang super ganda ng update! Natutuwa ako XD I looking forward for next chapters ms. author :D

    -Doreen :))

    ReplyDelete
  6. hndi q mtanggap! naiinis aq kei zack!!!!!! pti kei carly, ang arte nia kaya! khit n medyo nice xah, yang mga ganyan ung nkkainis! bka may tintgong sama ng loob! ayan, buti nga nalaman n nila n c atasha ang prospect! wahahahahahahah!!!

    ReplyDelete
  7. OHHH EMMM JIIII!!!!! sila na nila zack and carly!! what in the world???!!! bakit kasi ang nice ni carly,ang sarap ng pektusan ah!! hahah..

    heto na nman si gossip girl the 2nd aka "TMU_Admin".. nagkaalaman nah!! ang galing talaga ng timing mo!.. tapos laris will go pa sa resto na kung nasan silang lahat.. riot to!! hahahaha.. ang gondo ng UD!! hndi nman sa ngmamadali ako,pero super duper excited na talaga ako sa next chappy!.. hahaha..

    ReplyDelete
  8. WAAAAAAAAAA!!!!!!!! *o* EXCITED NA KO SA NEXT CHAP WAAAAAAAA!!!!!!!! *O* ano kaya reaction nila... uwaaa!!!

    ReplyDelete
  9. Why are you like that, Zack? >__<
    OMG. Nagpost na 'yung admin about kay Atasha. I'm anticipating Zack's reaction. Ano kaya ang mararamdaman niya? Eh magkasama pa sila nung time na pinost ni Admin 'yung about sa pagiging prospect ni Atasha. Owemji!!
    I like Carly.. Gusto ko na rin 'yung ugali niya pero baka naman nasa loob ang kulo niyan? Ahaha.. I hope not.. XD

    Hinihintay ko rin 'yung post ni Anti_KB. Ano kaya 'yun? >.< Do something, Laris! >_____<

    ReplyDelete
  10. WAAAA!!!

    May update na rin..
    Kung di ko kinulit si Ate Ruijin,
    baka wala pang update..

    BWAHAHHAXD


    Chapter 30 na!!!


    ~avreelCuatro~"

    ReplyDelete
  11. LhAt n yTa inAabnGan kuN anO mgigiNg reActiOn ni zAck,,,, aq mSaYa s nNngyRi dHiL ibiG sBhin, pLaPit n aNg LariSha mOmeNt,,, at gsTo q mAgsiSi tLga c zAck dHiL s gingWa niA,,, kSi mAy guSto nMn n tLgA xAh kEi aTasHa, nAgmmtigAs pa,,,

    pErO nPpaiSip tLga aq, aNo b tLga uNg ginGwa ni LaRis s mGa prOspect niA kYa oVerproTectivE si zaCk kEi aTashA,,, hMmm,,, diZ is geTtinG moRe exctiNg atEy,,, tHanx s updAte,,,

    ReplyDelete
  12. omgggg...na.eexcite na ako sa NEW UD...:))waaaaaaaaaaaaaaaaa

    ReplyDelete
  13. yehey!!!!!!!!!!!! alam na nila na si atasha!!!!!!!

    ReplyDelete
  14. Alam mo yung BITIN?? As in B-I-T-I-N !!! Waaah!! Update na po please :) Di parin ako maka get-over!!! Pati sa mga kaklase ko nike-kwento ko na. Kahit sa lalaki! May makwentuhan lang. Alam mo yung feeling na bigla kang kikiligin!! Wahahaha!! Pero wait lang. May movie daw na ganito eh.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^