Sunday, December 30, 2012

Stalking Cholo - Adventure 1: Sino si Pocholo?




"Asar! Wala pa akong nakukuhang balita. Bukas na ang deadline," himutok ni Ren habang nagbabasa ng Liwayway. Makabansa na daw kasi siya.
"Tara kain muna tayo sa Jollibee," yaya naman ni Stella. Sa aming lahat siya ang pinakamayaman. Hobby na niyan ang manglibre.

"Tara!" si Cyrah na agad na-excite. Kanina pa kasi iyan nagrereklamo sa gutom siya. Panay ang kain ang payat-payat naman. 

"Halina kayo."
"Teka muna tatapusin ko lang itong binabasa ko."

"Ren tigilan mo na iyang binabasa mo hindi nakakabusog iyan." Sabat ko habang ibinaba ang suot kong eye-glass. Nagbabasa din kasi ako pero since gutom ako mas uunahin ko ang pagkain! 

"Tse! Manahimik ka na nga lang diyan Ashie."
Nginisihan ko lang siya. Gutom na rin kasi ako. 
"Tara na kasi."
"Latuur. Maghanap ka muna ng boyfriend."
Binatukan ko siya. Walanghiyang bakla ito. 
"Anong konek ng pagkakaroon ng boyfriend sa pagkain natin sa Jollibee?" 
Asar talaga itong si Ren. Noong una naman wala namang kaso sa akin kahit NBSB ako. No Boyfriend Since Birth. Hindi ko naman ikakamatay kung wala pa akong boyfriend hindi ba?
Marami naman ang masaya kahit wala pang boyfriend at isa na ako doon. Ang kaso nitong nakaraang mga buwan pakiramdam ko napepressure na ako sa mga kaibigan ko.
Biruin mo naman nakailang boyfriend na sila ako kulelat parin. Pwera nalang kay Ren dahil baklang conservative iyan na hindi mo naman talaga masasabing conservative talaga.
Wala pa kasi siyang boyfriend since birth pero hindi niya daw kagustuhan iyon. Bigo lang daw talaga siya sa paghahanap ng boylet. Kung bakit kasi naging bakla pa eh ang gwapo namang lalaki sana kung nagkataon.
"Oh natutulala ka na diyan Ashyang?" untag sa akin ni Cyrah.
Saka lang naman ako natauhan. Napahawak nalang ako sa bangs ko. Bagay kasi sa akin ang may bangs. Mas mukha akong bata tingnan. Ang kaso parang napasobra naman yata. Fourth year college na ako pero napagkakamalan parin akong high school student. Kung dahil iyon sa height kong muntik ng hindi umabot ng 5'0 o dahil sa mukha ko. Ewan ko lang talaga pero kapag may nagsasabi sa aking mukha pa akong high school parang naiinsulto na ako.

"Tara na, kung gusto mo Ren magpaiwan ka nalang dito sa classroom."
"Sabi ko nga Stella eh, sa Jollibee ko na nga to babasahin."
Napailing nalang ako sa sinabi ni Ren. Ilang buwan nalang at ga-graduate na kami ng college kaya naman kuntodo na talaga kami sa paghahanap ng balita.
Sila lang pala dahil hanggang ngayon nangangapa parin ako sa gagawin ko.
"Hay, pumunta nalang kasi tayo ng police station," kinikilig na wika ni Ren habang naglalakad na kami papuntang Jollibee. Nasa harapan lang kasi iyon ng school gate namin.
"Kasi gusto mo na namang makita ang crush mo sa police station? Ano nga ulit pangalan non?  Guttierez?" nang-aasar na wika ko. Ang hilig kasi nitong si Ren na maghanap ng local crush. Local crush ang tawag ko sa mga lalaking wala sa TV. 
Saan nakilala ni Ren iyong Guttierez? At bakit sa presento pa? Well, hindi po siya prisoner doon. Isa siyang pulis and take note hindi lang daw simpleng pulis. Police Inspector daw at kagagraduate lang last March sa PNPA o Philippine National Police Academy. Na-meet niya iyong Guttierez na iyon noong minsang nag-cover siya para sa Pre-Annual General Inspection ng Sta. Monica City PNP. Ano iyong Pre-Annual churvah? Bah malay ko, hindi naman kasi ako pulis noh.  Joke! Actually kahit papano may idea ako kung ano iyon. Saka sinabi sakin ni Ren kung ano ginagawa nila nong Pre-AGI. Parang drill daw iyon o kaya exam sa mga pulis kung alam ba nila ang gagawin nila tuwing may sakuna o kaya pano iyong right way sa paghuli ng criminal o kaya naman sa pagharap sa mga media. Ganon. So noong nagpunta si Ren sa Pre-AGI kasali siya sa mga media kuno, doon niya nakilala ang SWAT head na si Sir Guttierez.  Bukod sa sinasabi ni Ren na gwapo iyon lang ang alam ko. Anyway hindi ako interesado dahil busy ako sa pagsusulat  ng story sa wattpad account ko. Mwahaha. Yes, I'm establishing a writing career online dahil umaambisyon na ako kahit papano.
"Gwapo naman talaga kasi. Hay naku kinikilig talaga ako kapag naalala siya. He's like soo handsome talaga."
"Whatever, let's see kung ano ang hitsura niya kapag nakita ko na."


 ----------------------
JOLLIBEE

Grabeh. Ang daming tao ngayon sa Jollibee. Gutom lang ba lahat? Bakit ganon? Ang haba naman kasi ng pila. 
"Ren ikaw na ang pumila."
"Bakit ako? Pero sige since libre mo naman Stella keri na namin ni Ashie iyan."
Bago pa ako makareact ay hinila na ako ni Ren ang sakit ng braso ko. Babatukan ko na sana nang bigla siyang matigilan.

"Oh my god! Si Sir Guttierez!"
"Nasaan?"
"Ayun naka-green!"
Natulala ako.


Wow. Nakaside-view.


Gwapo naman kaso biglang humarap.


WTF!!!!


"Shemay! Anong klaseng nilalang iyan Ren? Bakit mukhang alien?" react ko.
"Oo nga, kinikilabutan ako. Ang gwapo sana pag nakasideview," dugtong naman ni Cyrah na sumunod pala sa amin. Tila diring-diri din ito.
"Naka-green pa siya tapos ang liit ng ulo."
"Ang itim..."
"Parang lumot."
"Heh! Manahimik nga kayong dalawa! Gwapo kaya ni sir Guttierez. Hindi lang kayo marunong mag-appreciate."

"SIR GUTTIEREZ!!!" sigaw ko bigla. Mwahaha!

"Hoy! Manahimik ka nga diyan babae! Nakakahiya ka," biglang nagtago si Ren sa kulumpon ng mga tao. Hindi naman narinig nong sir Guttierez niya ang sigaw ko ah.
Anywayz....
Mwahahaha. Ganyan talaga pag alam kong crush ng kaibigan ko. Bigla kong sinisigaw ang pangalan para lumingon.
"Mag-order na nga lang tayo."
 If I know gusto lang nitong umiwas. Hihihi. Makasigaw nga ulit.
"SIR GUT--"
"Subukan mong sumigaw lagot ka sa akin kapag nag-internet ka sa XOXO Cafe. Sasabihin ko kay France na crush mo siya!" banta sa akin ni Ren bigla.
Natahimik nalang ako. Hindi ako affected ah. Hindi ko na kaya crush iyong si France. Gamer din kasi iyon at doon na halos naninirahan sa internet cafe. Doon na nga din nagtatrabaho ang lalaking iyon. Kamag-anak daw kasi ng may-ari ang GF. Iyon ang dahilan kaya hindi ko na crush si France. May keychain na kasi, may sabit na kahit girlfriend lang. Anyway hindi na nga lang ako iimik pa.
 Anyway ang pangit ng crush niya. Gwapo lang pag naka-side view. So iyon na pala ang pinagmamalaki niyang Sir Guttierez? Wala na akong masabi. Hindi ko type. Duh!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.

Nagayuma ba siya?

Malay ko.

Pati kasi si Cyrah nabaliw na kay Sir Guttierez isang linggo na ang nakakaraan. Ang gwapo daw kasi.

No comment. Ayokong magkasala. Baka hindi na ako tumangkad kahit uminom pa ako ng isang drum ng Growie. 

Anyway. Para silang timang dalawa ni Ren na kinikilig sa tuwing nakikita si Sir Guttierez. Siya nga pala baka naguguluhan na kayo kung bakit nakiki-Sir kami. Wala lungz! Iyon na nakasanayan namin eh, simula noong maging news intern kami. 

"SIR GUTTIEREZ!! LUMABAS KA DIYAN!"
Hihihihi. Sino pa ba ang walanghiyang sumigaw na iyan kundi ang sarili ko mismo. Papunta kasi kami sa Police Station ngayon pagkatapos ng class namin. Kalimitan mga 8PM na kami nangunguha ng news. Puro Police Blotter lang. Tamad kasi kaming magpunta sa hospital o kaya naman nakiki-hearing kami minsan sa mga beteranang media personalities ng Sta. Monica. Ay oo nga pala, sina Ren at Cyrah active nga pala iyan sa pagsagap ng mga balita. Lahat ng mga banners sa daan pinapatulan. Ayun, nauunahan tuloy ako palagi kaya sa Police Blotter palagi ang bagsak ko.

"Nakakahiya ka talaga Ashyang!" sita sa akin ni Ren. Itinulak niya ako sa makipot na daan papuntang station. Muntik na tuloy akong maglanding sa daan. 
"Hindi naman ako maririnig eh."
Hindi naman talaga ako maririnig. Malayo pa kasi kami sa Police Station saka nasa second floor kaya ang office nong Sir Guttierez nila. Saka...mahina lang naman pagkakasigaw ko. Iyon ang pag-kakaalam ko. Hindi naman siguro iyon maririnig nong Guttierez na iyon.
"Lagot ka talaga sa akin pag ako naka-timing diyan sa France mo."
Hanggang sa makarating na kami sa loob ng istasyon. May mga kakilala na rin kaming desk officers. Sa aming lahat si Cyrah ang may pinakamaraming kakilala. 
"Sir anong balita?" bungad namin.
Hindi na namin pinasagot ng pulis. Kinuha na namin ang blotter book. Ang daming kaso. Ang daming blotter. I wonder kung ilang kaso ang na-solve.

Anyway highway...

Tinatamad akong magbasa ng blotter. May kinuha nalang akong isang news saka nagtake-note ng ilang mahahalagang impormasyon.
"Wow! So ito pala ang full name niya. Pocholo Rance Castillo Guttierez. Maganda, bagay sa kanya," kinikilig na pahayag nina Cyrah at Ren sa labas ng station. Nasa may directory sila at binabasa ang mga pangalan ng mga officials. Kasama nila si Irene. News Intern din siya galing ibang school pero naging close na namin dahil kaibigan siya ni Ren. Isa pa iyan sa adik kay sir Guttierez.
"Oy, picture!" singit ko. Tinuro ko ang isang name-plate doon. Ka-apelyido ko na official pero mas mababa ang rank niya kay Sir Guttierez. Yeah baby. Tito ko iyan. "Kunan niyo ko ng picture kasama ang apleyido ko."

"Hindi ako muna! Dapat kasali ang pangalan ni Pocholo Guttierez!" tila hindi mapakaling hinimas pa ni Ren ang pangalan ni Pocholo. Pocholo daw eh. Ang sagwa atang pakinggan pero cute naman kahit papano. Pocholo? 

Psh. Alien parin ang naalala ko. Mwahaha!

"Oh plees! Ako muna dapat," si Cyrah.

"Ako muna!" hindi ako nakiki-join sa Pocholo nila ah. Iyong kaapelyido ko lang ang gusto kong picturan. Sa totoo pa nga niyan niyayakap ko na nga iyong name-plate eh. 
Ay, sina Ren, Cyrah at Arisa din pala. Nakayakap din sa pangalan ni Pocholo. Nakakahiya....kami? 
"Hahaha."
Napatingin kami sa mga tambay sa harapan ng station na tumatawa. Sino ba ang mga iyan? Nakatingin sila sa amin. Siguro mga naninirahan ang mga iyan sa katabing mga bahay ng station. Sus! Sa harapan pa ng station tumambay sina kuya. 
"Tumigil na nga lang tayo," si Cyrah.
Bumalik na nga kami sa loob ng station at nakiki-chika sa ibang mga police. Ganito na ang routine namin araw-araw I mean gabi-gabi. Nag-hihintay ng magandang balita. Inaabot pa nga kami ng hanggang 12AM minsan.
"Sir, bakit iyong si Roblez hindi naka-suot ng uniform. Civilian lang?" nagtatakang tanong ni Cyrah sa katabing pulis tungkol sa isang pulis na kakilala niya
"Ah, mga intelligence ang mga iyan. Hindi talaga sila nag-uuniform for their own safety and to gather information thoroughly."
O__O
Gulat kaming lahat. Ako slight lang. 
"Ibig sabihin mga intelligence iyong nakakita sa katimangan natin kanina? Nakakahiya!" napapailing pa si Cyrah.
"Apelyido ko lang ang niyayakap ko. Baka kayo."
Ayan kasi mga timang masyado sa Pocholo nila. Nakakahiya sila. Hindi naman gwapo ang pinagkakaguluhan nila. Iyong mga gwapo kagaya nina Kim Hyun Joong, Jung Il Woo, Lee Min Ho, Lee Jun Ki, at Coco Martin...eer. Oh bakit? May angal? Gwapo naman talaga si Coco ah! Maganda kaya ang abs niya! Iyong Pocholo nila wala iyon sa kalingkingan ng mga nabanggit ko.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


ILANG araw din ang lumipas na halos Pocholo Guttierez ang sinasabi nina Ren at Cyrah sa tuwing nababanggit ang Sta. Monica PNP. One week nga nilang hinahanap ang facebook account ni Sir Pocholo eh. Tuwang-tuwa pa sila noong i-accept ang friend request nila. Ayun nakisali nalang ako sa pagviview ng photos. Sakto namang may photos sa isang beach. Ohlalah. Maganda nga ang katawan. Batak sa exercise! Ahoo!
"Teka, balik mo muna!" pigil ko kay Cyrah. Pinapanood namin ang pictures ni Pocholo sa FB. Iyong nasa beach sila. May picture kasing umagaw sa atensyon ko. 
"Ayan."
Wow. Photogenic pala ang loko. Olalah. Ang sexy ng adams apple! Wahahaha! Bakit ba? Eh sa adams apple niya ako napatingin eh. Ang gwapo niya talaga pag naka-sideview. Huwag nalang kaya siyang humarap?
"Ang sexy ng adams apple!"
"Bakit adams apple?"
"Paki mo ba Cyrah. Mas trip ko ang adams apple eh! Saan nga pala iyan nakatira? Hindi ba napunta lang siya dito sa Sta. Monica?"
"Hindi ko alam, ang alam ko lang sa Cinnamoon Pension House siya nakatira."
Really? Sosyal ah!
"Hindi ba mahal? Magkano ba sweldo ng inspector kagaya niya?"
"Malay ko."
Kung ako sa kanya rerenta nalang ako ng bahay o kaya apartment. Alam kong malaki ang sahod niya pero mahal kaya sa Cinnamoon Pension House. Natigilan ako.
"Papano mo nga pala nalaman?" naghihinalang tanong ko.
Ngumisi si Cyrah. Iyong tipong malandee. Yuckz! 
"Syempre, kasama ko siya kagabi."
Binatukan ko siya.
"Ambisyosa! Hindi nga?"
"Biro lang. Eto naman. Nabasa ko lang sa FB update niya."
Napatango ako. Chaka talaga itong si Cyrah. Anyway, curious lang ako ng konti sa Pocholo na iyan. No more no less. Ganon talaga ako minsan. Syempre, usisira din naman ako noh. 
"May balita ka na?" tanong sa akin ni Cyrah maya-maya. Oo nga pala, deadline na mamaya.
"Wala pa. Samahan mo kong police station alam ko namang may balita ka na eh."
"Sige na nga pero daan muna tayo sa bakery. Nagugutom ako eh."
"Tara."
Nag-out na kami agad sa internet cafe. At nagsnack sa bakery. Convenient para sa amin na malapit lang ang PNP sa school namin. Pwede lang lakarin. 
"Dito muna tayo Ashie. Snack muna tayo saka kita sasamahan sa PNP."
Tumango nalang ako. No choice kaya. Haha.
"Oh plessss!"
Ayan na naman si Cyrah sa malandeeng please niya. Nagaya niya iyan kay Ren. 
"Bakit?"
"Si Sir Pocholo!"
"Saan?"
"Ayun!"
Napatingin ako sa harapan ng bakery. Galing sa hotel si Pocholo at sasakay na sa Big Bike niya. Ang cool diba? Bagay sa police na kagaya niya. Hindi nga lang cool ang face niya. Wahaha.
"POCHOLO!!!!!" sigaw ko.
Napahinto siya.
-----------------
END OF CHAPTER 1


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^